You are on page 1of 2

SFX: (SONG PAN INTRODUCTION)

Narrator: Maraming mga kababalagahan ang nangyayari sa ating kapaligiran, may mga bagay na hindi
natin lubos na maintindihan ngunit may mga bagay rin na pilit man nating itago ay hindi natin
magagawang takpan ang sugat na naidulot nito. Ang kwentong ito ay hango sa kwento ng isang batang
sinugatan at dinumihan ang dignidan at kainosentehan, tungkol sa batang ginawang instrumento para
umahon at makatakas sa mundong pilit na iniiwasan, Ito ay kwento ni Sophie na isang biktima ng Child
Pornography.

SFX: Soft Introductory Music

Sophie: Mama! Tignan niyo po oh, ganda ng damit na napulot ko dun sa basurahan sa may kanto.
Sayang po kasi tinapon na nila eh maganda pa naman po ‘diba? Bagay po ba sakin?

Ina: Sophie anak, lahat naman talaga babagay sayo. Ang ganda kaya ng anak ko mana saakin, gusto mo
bang iyan ang suotin mo kapag makipaglaro na tayo mamaya?

Sophie: Makikipaglaro na naman tayo mamaya?

Mama: Oo anak, bakit ayaw mo ba?

Sophie: Hindi naman po sa ayaw ko kaso po utos po kasi sila ng utos, minsan po nakakapagod po sila
kalaro kasi gusto nila laging sila yung masusunod tapos po magagalit pa sila kung umayaw ako, ayoko na
po makipaglaro sa kanila.

Ina: Ngunit Sophie, ‘diba ang sabi ko sayo, sila ang nagbibigay ng mga masasarap na pagkain sa ating
hapag at bumibili ng mga magagandang laruan na para sayo anak at kapag hindi ka makipaglaro sa
kanilanwala tayong pambili ng lahat ng gusto mo, gusto mo bang hindi tayo makabili ng mga bagay na
gusto mo?

Sophie: Hindi po.

Ina: Kaya anak, sundin mo lamang sila ha? Matatapos din ito.

SFX: Soft and Melodic Sound

Pedophile: Iha, ibaba mo pa ang iyong palda.

Sophie: Ah, eh hindi po ba masyadong mababa na ito?

Pedophile: Gusto mo ng mga bagong laruan, hindi ba?

Sophie: Opo!

Pedophile: Edi dapat sundin mo lahat ng utos ko kung gusto mo ng maraming laruan iha. Ngayon ibaba
mo pa ang iyong palda.

SFX: Unlocks zipper

Sophie: Maaaaaa!!

SFX: Door slam


Ina: Anak, Okay ka lang?

Sophie: Ma? Bakit po may ganiyan?

SFX: Crying

Ina: Aba! Hayop ka ah, wala iyan sa pinagusapan natin, Sophie anak, halika na!

SFX: Intense Music

Police: Nakita na namin ang target boss, ready na po kami.

SFX: Footsteps and Door banging and Police car’s siren

SFX: Opens door

Police: Ikaw ba si Maria Teresa Sanchez?

Sophie: Mama, sino po sila?

Police: Inaaresto ka namin sa salang child porbography, anumang salitang manggagalingsa inyong bibig
ay maaring gamitin laban sa inyo.

Sophie: Mama? Bakit niyo po kinukuha ang Mama ko? Saan niyo po siya dadalhin? Bitiwan niyo po siya!

Police: Ma’am, sumama na lamang po kayo sa presinto at doon na lamang po magpaliwanag upang hindi
kayo masaktan.

Ina: Anak, Ipapaliwanag ko sayo lahat balang araw, Mahal na mahal kita.

SFX: Crying

Sophie: Mama!

SFX: Crying and soft sound

Narrator: Pagkatapos madampot ng mga pulis ang nanay ni Sophie ay naidala naman ang bata sa isang
welfare na maituwid at maayos na inaalagaan ang mga kabataan. Bagana’t nangungulila sa kaniyang
ina, unti-unti namang naiintindihan ni Sophie ang mga pagkakamaling nagawa ng ina. Ang child
pornography ay labis na nakakabahala, Hindi sapat na dahilan ang kahirapan para hayaang magdusa
ang kabataan. Ang pamilya at mga magulang ang sana’y nagsisilbing gabay ng mga inosentebg bata
patungo sa magandang kinabukasan. Huwag sana nating pairalin ang kasamaan ng ating puso at
samantalahin ang kainosentehan ng mga kabataan para sa pansarili lamang. Hindi man nila ito
mararanasan habang-buhay, araw-araw naman nilang dala-dala ang sakit at pait na dinanas ng
kanilang kahapo . Ang karahasang ipininta sa kanilang pagkatao ay hindi malilimutang ng kanila isip at
puso.

SFX: Soft Ending Sound

You might also like