You are on page 1of 4

Athena Ysabelle Roi B.

Consunji Filipino 8
Kean Kaylie Laureano Bb. Jenalyn De Luna
Arianna Noelle M. Timbol Vinea Domini Institute

Kwaderno
By Contila Candila

May isang pamilyang naninirahan sa Feny Wey City. Si Ronel, si


Fonvi, at ang bunso na si Tansio. Si Ronel ay ang ama nila Fonvi at
Tansio, siya ay namamasukan sa Wines Dominion International, ang
nangungunang paaralan sa Feng Wey City at pang sampu sa buong
mundo. Habang, si Fonvi naman ay isang CEO ng isang mamahaling
brand na nagngangalang "Fucci". Ang brand na ito ay ang pinaka
sikat at isa sa mga mahal sa buong daigdig. Si Fonvi ay
mayaman,mabait,maganda,matalino at lahat ng katangiang
magaganda at mabubuti ay nasa kaniya na kaya wala nang iba pang
masasabi sa dalaga. Kabaligtaran naman ang bunsong anak na si
Tansio. Si Tansio ay isang mag-aaral sa Wines Dominion International
at siya ang tipo ng lalaking ayaw mag-aral, tamad, bulakbol, at hilig
niyang maglaro ng mga video games araw araw,kaya wala ni isang
araw siyang hindi makikita sa mga mamahaling computer shop o kaya
sa mga bahay aliwan. Siya ay umaalis ng walang paalam sa mga
klase niya kaya wala ring araw na hindi siya pinapagalitan ni Ronel.

Isang araw, si Tansio ay inaya ng kanyang mga kaibigan na


pumunta sa bahay aliwan. Siya ay sobrang masaya at hindi mapakali.
Siya ay dali-daling nagbihis at kumaripas ng takbo pababa ng bahay
nila. Ngunit, hindi niya inaasahang makita ang ama niyang kumukuha
ng parcel o delivery galing sa shappeez. Nahuli siya ni Ronel at
nagalit ng labis. Sila ay nag-away at nagsagutan.
Ronel: Alis ka ng alis,gastos ka ng gastos. Hindi ka ba marunong
mahiya, puro bagsak ang grado mo sa Wines, alam mo ba kung hindi
lang ako nagtratrabaho dun paniguradong tanggal ka na.
Athena Ysabelle Roi B. Consunji Filipino 8
Kean Kaylie Laureano Bb. Jenalyn De Luna
Arianna Noelle M. Timbol Vinea Domini Institute
Tansio: Pa hayaan niyo nilang ako, pakiusap pa, hayaan niyo
nilang ako.

Ronel:Dyan, dyan ka magaling, mahilig ka makiusap pero ni isang


beses sinunod mo ba ako. Tignan mo yung ate mo sobrang
matagumpay na dahil sumunod sakin, ikaw ano? Ano na ba naitulong
mo sa pamilyang ito ha? Puro nga kahihiyaan at pasakit and dala mo
dito eh.
Tansio: Pa hindi ka ba mapapagod na pag komaparahin kami ni
ate? Oo na, mas magaling na siya, oo na mas matalino siya. Oo na
din dahil mas mayaman siya saakin. Eh ano naman ngayon pa?
Batayan ba yun kung pano ka rerespetuhin ng mga tao? Batayan din
ba yun kung san ka mapupunta pag namatay tayo? Pa dito ako
masaya oh. Si Mama naisip mo ba kung bakit namatay?
Sonel:Manahimik kang bata ka!
Tansio:Hindi pa, hinding, hindi ako tatahimik tungkol kay mama.
Dahil sayo namatay si Mama, niloko mo siya Pa. Sobrang sakit nang
makita si Mamang umiiyak gabi gabi. Tapos ikaw Pa, ano ginagawa
mo? Nakikipag date ka sa mga kabet mo. Pamunta pa kayo sa Paris
noong valentines. Ewan ko sayo Pa kung san ka kumukha ng
kakapalan ng mukha. Hindi ko na nga alam kung bakit pa kita
ginagalang dahil hindi mo naman deserve yun. Sana nga ako nilang
namatay at hindi si mama.
Nagising si Fonvi sa narinig na sigawan sa baba, kaya dali-dali siyang
pumunta doon.
Fonvi:Pa, Bunso tigilan niyo na yan. Namamahinga na si Mama,
ok na siya dun.
Tansio: Anong okay ate? Nagpakamatay si Mama dahil diyan sa
tatay mo! Mukha bang okay yun? Ha?
Athena Ysabelle Roi B. Consunji Filipino 8
Kean Kaylie Laureano Bb. Jenalyn De Luna
Arianna Noelle M. Timbol Vinea Domini Institute
Binunot ni Ronel ang baril niya at tinutukan si Tansio
Fonvi:Pa! Baba mo yan!
Tansio: Dyan, dyan ka magaling. Sige iputok mo yang baril!
Para kahit hindi ka nakulong sa pagkamatay ni mama, makukulong ka
naman dahil sa pagpatay mo saakin.

Nagpaputok si Ronel pataas.


Fonvi: Pa naman!! Tigil na!!! Iaakyat ko na tong si Tansio.
Hinawakan ni Fonvi ang kamay ni Tansio at umakyat sa taas ng
bahay.

Walang humpay ang pag-iyak ni Tansio. Sanay ni si Fonvi sa mga


gantong sitwasyon o pag-aaway ng mag-ama ngunit mas matindi ang
nangyari ngayon kesa dun sa mga nakaraan na mga away.
Bumuntong-hininga si Fonvi sa sobrang pagod at stress sa mga
nangyayari, bago bumalik sa kanyang opisina o trabaho. Si Ronel
naman ay magpapalamig sana sa gate ngunit hindi niya inaasahan
ang kanyang nakita sa taas. Ang kanyang bunsong anak na nakatayo
sa dulo ng bubong. Mabilis na tumakbo si Ronel sa itaas at nakita ang
kanyang anak sa bubong at ang paa nito ay nakalawit mula sa
bubong na handa nang tumalon pababa. Siya ay tatalon na dapat
nang hilain siya ni Ronel para pigilan ito pero sa hindi inaasahan,
sumabit ang paa ni Ronel sa paa ni Tansio at sa kasamaang palad
ang nahulog ay si Ronel.

Makalipas ang ilang araw, habang nililigpit ni Tansio ang mga


personal na gamit sa kwarto ni Ronel para sa libing ay hinila niya ang
isang drawer na tago at doon niya nakita ang isang kwaderno at sa
loob nito ay may isang sobre na pinangalanang "Para kay Tansio".
Binuksan niya ang sobre at nakita niya ang isang sulat na
nagsasabing:
Athena Ysabelle Roi B. Consunji Filipino 8
Kean Kaylie Laureano Bb. Jenalyn De Luna
Arianna Noelle M. Timbol Vinea Domini Institute

"Para sa aking mahal na anak na si Tansio, alam kong naging


strikto ako sa iyo nitong mga nakaraang taon ngunit ginagawa ko ito
para sa kapakanan mo at dahil mahal kita, noong una kitang
hinawakan sa aking mga bisig alam ko na isa kang mabuting bata at
isa ka sa mga magdadala ng swerte sa pamilya. Mahal na mahal ka ni
Papa at patawarin mo rin ako sa mga nagawa ko kay Senya. Ngayon
ko lang nalaman ang aking mga pagkakamali. Palagi mong tandaan
na mahal kita at susuportahan kita sa mga gusto mo sa buhay.Wag
mo din kakalimutantang magdasal at manampalataya sa Diyos

Love, Papa

You might also like