You are on page 1of 1

Delfin to Meni: 13 Hunyo, 1904

“Meni, aantayin ko sanang ikaw ang sumulat sa akin. Datapwat hindi na ako makatagal. Hindi ko totoong
mabata na makapaglipat araw sa pagugunita ng noo mong nangungunot, ng mga tingin mong
nakakasugat, ng mga salitang nakahihirin, at ng nagdadalamhati mong puso dahil ky Delfin. Maniwala ka
Meni, na di ko ikinahimbing iyan kagabing magdamag.

Sapagkat bakit? Minasama mo ba ang pagkakasama ko sa inyo nang di muna kita nagkakausap? Dapat
mong matalastas na si Felipe ang may yaya sa akin kahapon ng umaga. Siya ang may sabing ikaw ay
sasamang maghatid sa kaniyang kapatid sa Concordia. At pinasabi ko naman sa iyong ako’y sasama rin.
Hindi ba niya sinasabi sa iyo? Kung hindi ay wala akong kasalanan. Patawarin ni Meni si Delfin.
Kailanma’y di ko inibig ang gumawa ng mga pangangahas na gayon, nang di mo nalalaman.

Kung paghihinala naman ang dahil, oh, aking ligaya! Ang langit nati’y huwag mong ipanganib na
maglalaho sa gayun-gayon lamang! At sino siya kay Meni? Ano ang ganda niya sa sumpa mo?

Unti-unti nang iyong pag-aralan ang mga ugali ko, tulad sa aking pag-aaral naman sa mga ugali mo.

Ang iyong-iyo lamang na si Delfin”

*Sulat ni Meni to Delfin

Delfin to Meni

“Salamat kung walang anumang nangyari! Nalaman mo kung saan ako nagdaan? Kung nagkataong may
pulis, marahil ako’y sa kalabis nakatulog kagabi.

Nagkausap kami kangina ng babayawin mong abogado

May ibabalita ako sa iyo tungkol kay Felipe. Pag-ingatan mong malaman niyang ang may sabi’y ako,
sapagkat ayaw ipamalay kaninuman. Hindi mo ba napansin siya, kung ano’t kagabi, linggung-linggo ay
hindi umalis diyan sa bahay? Hindi mo nahahalatang parati nang malungkot ngayon? Gayong katas ng
luha niya, ay mangiyak-ngiyak na naman sa akin.

Nakilala mo na ba si Tentay na pinaparunan niyang madalas sa San Lazaro? Si Tentay ay may kung ilang
kapatid, at may ama’t ina pa. Isang mag-anak silang, ayon sa sabi rin ni Felipe ay nabubuhay na
nababaon hanggang liig sa kahirapan. Ang inabot na lagay ni Felipe sa mag-anak na iyon, ay mabuti-buti
rin naman. At si Tentay, na mahal sa ama kaysa ina, at akot sa ina kaysa ama, ay siyang nasa alanganin
pa rin kung magpalagay kay Felipe.

*Sulat ni Meni to Delfin

You might also like