You are on page 1of 12

Noong tinatawag ni Nyora Loleng si Dionesia, ito ay nakatisod ng isang paso ng malbarosa.

Ano ang uri ng salitang may salungguhit? tanim bulaklak halamang medisinal damo

Sino ang nagwika at kanino sinabi ang mga katangang ito?

"Hindi ko maiaalis sa iyo ang iyong hinala, lubha pa't sa paris na nga ng ating mga pagsasamahan at
palagayan: datapwa't isip-isipin mo ang mangyayari kung ikaw ay padadala at sukat sa mga kata-kata ng
duwag na sulat na iyan."

DOn Ramon kay Don Felimon

Don Felimon kay Don Ramon

Nyora Loleng kay Don Felimon

Don Felimon kay Nyora Loleng

Sino ang nagsabi at kanino sinabi

"Sa aki'y walang kasyasayan ag lahat ng iyan ngayon! Ang ibig ko,..., ay magkapantay na ang dalawa kong
paa, at nang ang walanghiya kong mga anak, ay wala nang amang niyuyurak-yurakan sa ulo"

Don Felimon kay Morales

Don Ramon kay Don Felimon


Don Ramon kay Yoyong

Don Felimon kay Yoyong

"kung ibig mong malaman kung bakit dalawang sungay ang iniapellido namin sa yo ay manubok ka araw-
araw sa iyong bahay, at may maabutan ka roong dalawang sungay, na ginagawang isa ng iyong asawa at
ang isa ay ang iyong anak."

para kanino ang mga katagang ito ng kabanata XVI

Don Ramon

Don Felimon

Felipe

Sino ang nagwika at kanino winika

"Ngayon, kanin mo na ako ng buo, huwag kang magtira ni katiting man sa aking pagkatao, upang
mapatunayan ko sa gawa na ako'y talaga at buong-buong iyo pangakong sa aki'y hindimo pinaniniwa-
niwalaang mahabang araw."

Delfin kay Meni


Meni Kay Delfin

Felipe kay Tentay

Tentay kay Felip

Delfin

Ang mga bulay-bulay na nagbabaka sa budhi ni Yoyong ay hindi na makakagambala. " Ano ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit?

panaginip

ilusyon

muni-muni

agam-agam

Si Delfin ang nagwika na..."Dito pala sa Bayan ko ay may mga bayani na ang Bagong Buhay...!!!

Tama
Mali

Dapat ay mayakap ni Meni si Talia upang makapagbigay ng isang pahimakas.

Ano ang ibig sabihin ng salitang mga salungguhit?

halik

habilin

pag-uusap

paalam

Sa kabuuan ng Nobelang Banaag at Sikat ay matutunghayan ang mapapait na karanasan ng mga dukha,
mulang panlalait at pag-aaglahi hanggang tandisang pananakit at pangigigipit mula sa anak at alila
hanggang obrero at magsasaka.

True

False

Sino ang nagsabi at kanino sinabi?

"Kayo ang mapalad sapagkatnakaraan na kayung maluwalhati sa mga kahirapan ng pag-ibig. Nguni't
ako!...ano, ano ang maibabalita mo sa akin? Kay tagal nang sinasabik mo ako sa balita."
Meni kay Delfin

Delfin kay Felipe

Felipe kay Delfin

Tentay kay Felipe

Sino ang nagsabi at kanino sinabi

"Ano ang inaalala mo sa amin? Kami ba'y talastas mong sa kwalta na lamang? Kung di na ba limusan ng
mga taong naglililo sa amin, ay hindi na kami makakatawid sa buhay? Ipinalalagay mo na ba na kaming
walang-hiya na tatanggap ng anumang kaloob ng isang wala nang loob sa amin?"

Delfin kay Meni

Felipe kay Tentay

Tentay kay Felipe

Meni Kay Delfin


Ang nakalagay na pangalan sa natanggap na sulat ni Don Felimon na nagpapuyos ng kanyang kalooban
ay______________________

Julita

Kulasisi

Isang Nahahabag

walang pangalan

Sa kabanatang ito matatagpuan ang kasabihang ito ng mga babae ayon kay Madlang-layon.

"kung saan ako narapa ay duon ako magbabangon."

Daig pa ang Nagtipan

Paghuhunos-dili

Wala nang Alalpaap

Si Meni sa Pagkatiwalag
Sa dulo ng nobelang Banaag at Sikat, magbabalik na bangkay si Don Felimon sa Pilipinas, makaraang
paslangin ni Tikong dahil sa labis na pagmamalupit ng amo.

True

False

Sino ang nagsabi at kanino sinabi ang mga katagang ito?

"Magpakamatay ka kung ibig mo; wala akong kinalaman sa iyo!...Mientras ka pinapasensyahan, lalo
lumalala ang loko mo!"

Don Ramon kay Meni

Talia kay Meni

Delfin kay Meni

Felipe kay Tenta

Sino ang nagsabi at kanino sinabi?

"Aba eh kung ang nakikita na lamang natin ang pagpapatakaranng mga pangyayari, katakut-takot na
kamalian ang kasusuungan natin. Nagyon ay hindi na panahon ng que cosa es fe?--creer lo que no vimos,
kundi ng katwiran ng apostol Santo Tomas: maniwala ka kung nadama na."
Don Felimon kay Don Ramon

Don Ramon kay Don Felimon

Sino ang nagwika ng pahayag na ito?

"Ginamitan na ninyo ako ng inyong kapangyarihan, ama ko, ay wala naman akong gagawin kundi
damayan lamang itong dukhang taong nag-iisa rito at pinagtutulungan ng marami...!

Felipe

Ruperto

Delfin

Yoyong

Ang mga katagang ito ay matatangpuan sa anung kabanata na nilalaman ng liham ni Felipe kay Delpin.

"Kung ang lahat ng nakakakita ng liwanag ng Araw ay hindi nagpapaumat-umat at nagpipikit-pikitan,


disin lahat na'y hindi makakakilala ng dilim."

Daig pa ang nagtipan


Wala nang alapaap

Ang nagagawa ng salapi

Si meni sa pagkatiwalag

Dalawang sungay

Sa kabuuan ng Banaag at Sikat, ang bisyon ng kabayanihan ni Delfin ay sumasaklaw sa sangkatauhan, at


hindi lamang sa iilang tao. Upang mapasimulan ang gayong bisyon ay kailangan ang mabubuting
halimbawa

True

False

Dalawa, tatlo at hanggang apat na araw o gabing hindi sinipot ni Don Ramon ang kanyang kulasisi sa San
Miguel. Sino ang tinutukoy na kulasisi sa kabanatang ito?

Hulita

Julita

Julieta

Juli
Sa kabuuan ng Banaag at Sikat ay makikita ang posibilidad ng malawakang pagbabago sa lipunan, at ang
pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan.

True

False]

abuuang halaga ng salaping baon ni Don Ramon sa kanyang pangingibang bansa.

Dalawang libong piso

Dalawampung libong piso

Dalawang daang libong piso

Dalawang piso

You might also like