You are on page 1of 7

CHORUS LEADER: Aking kamahalan, iyong ipinagkaloob ang pagtitiwala sa akin.

Hindi ako
mamamatay tao, ngunit masasabi ko kung sino ang makakatulong sa paghahanap. Ang
iyong hinahanap, si Apollo, ang naglunsad nitong paghahanap, upang matukoy kung sino
ang gumawa.

OEDIPUS: Naiintindihan ko ang iyong sinabi, ngunit walang tao ang may kakayahang pilitin
ang mga Diyos na magsalita na labag sa kanilang kalooban.

CHORUS LEADER: Maari ko bang imungkahi kung ano ang tila pinakamainam na paraan
ng pagkilos?

OEDIPUS: Maari, at kung may susunod pag pagkilos ay huwag kang magdadalawang isip
iparating saakin.

CHORUS LEADER: Ang kamahalang si Teiresias, Alam ko at nakikita ko sa mga bagay


gaya ng kamahalang Apollo. Mula sa kanya na aking hari, isang lalaki ang nag iimbestiga
ang baka matuklasan ang detalye ng crimen.

OEDIPUS: Iyan ay nagawan ko na ng paraan — hindi iyan bagay na aking papalgpasin


lamang. Dahil sa pagpupumilit ni Creon, aking nadispatsiya ang dalawang taga hatid sulat
sa kaniya at at ngayon ay nagtataka kung bakit hindi pa rin ito pumupunta.

CHORUS LEADER: Maliban diyan, mayroong mga bali-balita — ngunit walang tiyak na
paniniwala mula noong nakalipas na.

OEDIPUS: Anong klase ng balita? Pinapanood ko ang bawat kwento.

CHORUS LEADER: Sinabi na si Laius ay pinatay ng manlalakbay.

OEDIPUS: Oo, aking narinig iyan. Ngunit walang nakasaksi kung sino ang gumawa nito.

CHORUS LEADER: Kung ganoon, ang pumatay ay walang takot, kapag kaniyang narinig
ang iyong mga mura sakaniya, ay hindi siya magkakapagpigil, sapagkat sila ay seryoso.

OEDIPUS: Kung ang isang tao ay walang takot sa pag gawa ng bagay, hindi rin siya takot
sa mga salita.

CHORUS LEADER: Hindi, hindi sa kasomg ito kung saan walang tumatayo para ipagtanggol
siya. Ngunit sa huli, si Teiresias ay ginabayan, ang mala-diyos na propeta, kung saan ang
katotohanan ay naninirahan.

[Papasok si TEIRESIAS na pinangunahan ni BOY]]

OEDIPUS: Teiresias, ikaw na nakakaintindi ng lahat ng bagay— ano ang maaring maituro at
ano ang hindi maaaring sabihin, ano ang napupunta sa langit at dito sa lupa— alam mo,
kahit na hindi mo makita, kung gaano ka gulo ang aming kalagayan ngayon. At nakita namin
sayo mag-isa, oh dakilang manghuhula, aming kalasag at tagapag ligtas. Para kay Phoebus
Apollo, kung sakaling hindi niyo pa naririnig ang balita, siya ay nagbigay na ng sagot sa
ating katanungan: ang tanging lunas para sa nakakahawang salot ay hanapin ang taong
pumatay kay Laius at patayin sila o kung hindi ay palayasin sila. Kaya huwag mong ipagkait
sa amin ang iyong mga hula mula sa tinig ng mga ibon o sa iba pang paraan. Iligtas mo ang
bayan na ito maging ang iyong sarili. Iligtas mo ako. Iligtas mo kami sa polusyon ng mga
patay. Aming buhay ay nasa iyong kamay. Para sa isang mortal na tao ang kaniyang
pinakamahusay na magagawa ay ang pagtulong sa lahat ng kanyang kapangyarihan sa
ibang tao.

TEIRESIAS: Alas, alas! Gaano kakila-kilabot ang magkaroon ng karunungan kapag wala
itong pakinabang sa taong nagtataglay nito. Alam ko ito, ngunit nawala sa isip ko. Kung
hindi, hindi ako naglalakbay dito.

OEDIPUS: anong mali? Dumating ka, ngunit tila ika'y malungkot.

TEIRESIAS: Pauwi na ako. Dapat mong pasanin ang iyong pasanin hanggang sa huli, at
dadalhin ko ang akin, kung sasang-ayon ka sa akin.

OEDIPUS: Hindi nagpapakita ng kaunting pagmamahal sa estado ng lungsod na nagpalaki


sa iyo ang mga sinasabi mo kung ipagkakait mo sa amin ang iyong nanghuhulang tinig.

TEIRESIAS: Nakikita kong wala rin sa lugar ang iyong mga salita. Hindi ako nagsasalita
dahil sa takot ng paggawa ng pareho.

OEDIPUS: Kung may alam ka, kung gayon, sa langit, huwag kang tumalikod. Hindi ako
tumalikod. Kami ang nagsusumamo— kaming lahat— kami ay nakaluhod sa iyo.

TEIRESIAS: Kayong lahat ay walang alam. Hindi ko ihahayag ang mga nakakabagabag na
bagay sa loob ko, na matatawag kong kalungkutan mo rin.

OEDIPUS: Ano ang sinasabi mo? May alam ka ba na hindi mo sasabihin? balak mo bang
pagtaksilan ako at sirain ang bayan?

TEIRESIAS: Aking ngang gagawin, sapagkat hindi ito magdudulot sa akin o sa iyo ng
pagkabalisa. Bakit mo ako tinatanong ng ganito? wala kang matutunang kahit ano sa akin.

OEDIPUS: Ikaw na pinaka-kahiya-hiyang lalaki! Ikaw na mangagagalaw ng bagay na gawa


sa bato para ilabas ang galit! Hindi magsasalita? Wala bang katapusan iyang katigasan ng
ulo mo?

TEIRESIAS: Sinisisi mo ang aking ugali, ngunit hindi mo nakikita ang nabubuhay sa loob
mo. Sa halip, hinahanapan mo ako ng mali.

OEDIPUS: Sinong hindi magagalit pagkatapos marinig sa iyong mga salita — iniinsulto mo
ang bayan!

TEIRESIAS: Gayunpaman, ang mga kaganapan ay mauungjat pa rin, para sa aking


pananahimik.
OEDIPUS: Dahil darating sila, dapat mong ipaalam sa akin.

TEIRESIAS: Wala na akong sasabihin pa. Magalit ka tungkol dito, kung gusto mo, galit sa
abot ng iyong makakaya.

OEDIPUS: Gagawin ko. Sa aking galit ay hindi ko itatago kung ano ang gagawin ko dito.
Dapat mong malaman na naramdaman ko na nagsabwatan ka, at ginampanan mo ang
iyong bahagi, hangga't maaari mong gawin, na parang pagtapatay sakanya gamit ang sarili
mong mga kamay. Kung pwede mong gamitin ang sarili mong mga mata, Masasabi kong
nagawa mo itong lahat nang mag isa.

TEIRESIAS: Ganoon ba? Kung ganoon ay uutusan panindigan ang bawat salitang iyong
ipinahayag at mula ngayon ay huwag mong kakausapin ako at aking mga tauhan. Sapagkat
ang isinumpang nagpaparumi sa lupaing ito ay ikaw.

OEDIPUS: Naglakas-loob ka bang magbitaw ng mga nakakahiyang salita tulad nito? Sa


tingin mo ba ay makakatakas ka?

TEIRESIAS: Makakatakas ako mula dito. Ang katotohanan na nasa akin ang nagpapatibay
sa akin.

OEDIPUS: Sinong nagtuto saiyo nito? Hindi ako naniniwalang gawa mo ang mga ito.

TEIRESIAS: Ikaw ang nagturo saakin. Ayokong mag salita tungkol dito ngunit ikaw ay
nang-udyok

OEDIPUS: Anong ibig mong sabihin? Ulitin mo ulit, upang maintindihan ko nang maayos.

TEIRESIAS: Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko o sinusubukan mo ang aking pasensya


sa tanong mo?

OEDIPUS: Hindi ko ganoon naintindihan ang iyong mga salita. Sabihin mo ulit.

TEIRESIAS: Ang sinasabi ko ay, ikaw ang taong hinahanap mo.

OEDIPUS: Dalawang bese mong inulit iyang walang hiyang kasinungalingan— bagay na
iyong pagsisisihan.

TEIRESIAS: Gusto mo bang sabihin ko pa, para mas lalo kang magalit?

OEDIPUS: Kahit pa na gustuhin mo, wala itong kwenta.

TEIRESIAS: Iyan ang sinasabi ko sa iyong pinakamamahal na pamilya, hindi mo kilala,


nabubuhay ka sa kahihiyan. Wala kang alam kung gaano kasama ang mga bagay.

OEDIPUS: Sa tingin mo ba ay makakapagsalita ka nang ganiyan? sabihin ang mga ganitong


bagay, at sa huli ay walang parusa?
TEIRESIAS: Oo, kaya ko, kung ang katotohanan ay makapangyarihan.

OEDIPUS: Ito'y makapangyarihan, ngunit hindi para sayo. Ang katotohanan ay hindi
nasaiyo— para sa iyong tenga, iyong pag-iisip, bulag nag iyong mga mata!

TEIRESIAS: Isa kang kaawa-awang tanga para gumamit ng masasakit na salita na hindi
magtatagal ay gagamitin ng tao upang pagsalitaan ka.

OEDIPUS: Ika'y naninirahan sa walang katapusang kadiliman ng gabi, kaya't hindi mo


kayang tiisin ako at mga taong kagaya ko na nakakasulyap sa liwanag ng araw.

TEIRESIAS: Hindi mo tadhana na masira dahil saakin. Ito'y nakasalalay kay Apollo upang
mangyari ito. Sapat na siya.

OEDIPUS: Ito ba ay ginawa ni Creon o ito'y mula sayo?

TEIRESIAS: Si Creon ay hindi banta. Ikaw ang gumawa nito sa sarili mo.

OEDIPUS: O mga makapangyarihan, na may kapangyarihan sa pamumuno. Gaano kainggit


ang dapat mong dalhin sa iyo, kung, itong makaharing katungkulan, na ibinigay sa akin ng
bayan, na hindi ko hinanap, Creon, ang aking lumang kaibigang pinagkakatiwalaan, ay lihim
na gumalaw upang mapabagsak ako at mabayaran ang pakikitungong ganito, isang tusong
huwad na pari, na soyang nakakakita ng kaniyang kahinaan. Halika na at sabihin saakin.
Noong si Sphinx, iyang kumakantang tanga, ay narito, wala kang sinabi para mapalaya ang
mga tao. Bakit wala? Ang kaniyang bugtong ay hindi masasagutan ng kahit sino— ang hula
ay kinakailangan. At naroon ang mga taong nakakita ng iyong katalinuhan ay walang
kwenta— wala mula sa mga ibon o pinili ng mga Diyos. Ngunit ako ay dumating, Oedipus,
na walang alam, Ngunit natalo siya, gamit ang aking katalinuhan at hindi umasa sa mga
ibon. Iyan ang taong nais mong pabagsakin, umaasa, walang duda, na tumayo kasama si
Creon, nang siya ay maging hari. Ngunit tingin ko ay ikaw at iyong kasabwat ay
mapaparusahan para sa inyong kayabangan.

CHORUS LEADER: Sa amin ito ay tunog na para bang si Teiresias ay nagsalita ng galit, at,
ikaw Oedipus, ay ginawa mo rin. Mga ito ay hindi natin kailangan. Sa halip, dapat nating
tinitignan ang mga ito: Paano natin maisasakatuparan ang utos ng Diyos?

TEIRESIAS: Maaaring ikaw ang hari, ngunit ako ay may karapatan na sagutin ka— at
kontrolin ang tama, dahil ako ay hindi iyong alipin. Aking sinusunod si Apollo, kaya't hindi
ako kakampi kay Creon. Kaya aking sasabihin ito sayo, sapagkat pinili mong insultuhin ang
aking pagkabulag— mayroon kang paningin ngunit hindi mo nakikita kung gaano ka ka
miserable, o kung saan ka nakatira, o kung sino ang kasama mo sa bahay, kilala mo ba ang
pamilyang iyong pinanggalingan? ang kaaway ng sarili mong kamag-anak, ang nasa mundo
sa ibaba at ang nasa itaas dito, at ang kakila-kilabot na talim. Ang mga matang iyan, na
ngayon ay malinaw na nakakakita ay magiging madilim. Anong daungan ang hindi
umaalingawngaw sa iyong mga iyak? Kung saan si Cithaeron hindi ba sila maririnig sa
lalong madaling panahon, sa panahong nalaman mo na ang katotohanan tungkol sa kasal
kung saan naglayag ka sa maharlikang asul na bahay na ito— isang magandang
paglalakbay, ngunit ang daungan ay napahamak? Wala kang ideya sa dami ng iba pang
mga problema na maibibigay sa iyo at sa iyong sariling mga anak. Kaya't ituloy mo— patuloy
mong insultuhin si Creon at aking mga mga propesiya, sapagka't sa lahat ng nabubuhay na
mortal ay walang mawawasak na higit pa kaysa sa iyo.

OEDIPUS: Dapat ko bang tiisin itong kabastusan mula sa kanya? Umalis ka, at nawa'y alisin
ka ng salot! Alis! Ngayon na! Tumalikod ka at umalis ka! At wag ka nang bumalik dito sa
aking tahanan!

TEIRESIAS: Hindi naman ako dapat pupunta ngunit ako iyong pinapunta.

OEDIPUS: Hindi ko alam na magsasalita ka ng katangahan. Kung alam ko, hindi ka na sana
naghintay ng matagal bago kita papuntahin.

TEIRESIAS: Ipinanganak akong ganito. Sa tingin mo ako ay tanga, ngunit ang iyong
magulang, ang taong gumawa sayo, ay matalino ang tingin sa akin.

OEDIPUS: Sandali! Aking magulang? Sino ang aking ama?

TEIRESIAS: Ang araw ay darating kung saan malalaman mo at ito'y sisira sayo.

OEDIPUS: Lahat ng sinasabi mo ay sobrang misteryoso— parang bugtong.

TEIRESIAS: Sa paglutas ng mga bugtong, hindi ba't ikaw ang pinaka magaling?

OEDIPUS: Kutyain mo ang aking kagalingan, ngunit iyong matutuklasan na ako at tunay na
magaling.

TEIRESIAS: Ang katanginan mong iyan ang sisira sayo.

OEDIPUS: Wala akong pakialam, kung nailigtas ko ang bansang ito.

TEIRESIAS: Aalis na ako, pangunahan mo ang daan.

OEDIPUS: Oo, hayaan mong gabayan ka niya pabalik. Nasa daan ka. Kung mananatili ka,
mapupuno mo lang ako. Kapag nawala ka na, hindi mo na ako maaasar pa.

TEIRESIAS: pupunta ako. Ngunit sasabihin ko muna sa iyo kung bakit ako naparito, hindi
ako natatakot sa mukha ng iyong sama ng loob—walang paraan para sirain mo ako.
Sinasabi ko sa iyo, ang lalaking hinahanap mo, habang naghahayag ng mga pagbabanta at
nag-uutos tungkol sa pumatay kay Laius— narito ang lalaking iyon. Ayon sa mga ulat, siya
ang estranghero na nakatira dito sa Thebes. Ngunit siya ay magpapatunay na siya ay isang
katutubong Theban. Mula sa pagbabagong iyon ay hindi siya magkakaroon ng kasiyahan.
Magiging bulag siya, bagama't ngayon ay nakakakita na siya. Magiging mahirap siya,
bagama't ngayon ay mayaman na siya. Siya ay dayuhan, nangangapa sa lupa sa harap niya
gamit ang isang patpat. At siya ay magiging kapatid ng mga bata sa kanyang bahay—ang
kanilang ama rin, pareho, at ang asawa at ang anak ng mismong babaeng nagsilang sa
kanila. Naghasik siya ng kapareho ng kanyang ama at pinatay siya. Pumasok ka at
pag-isipan ito. Kung matuklasan mo na nagsalita ako ng mali, masasabi mong kulang ako
sa lahat ng kasanayan sa propesiya.

[lumabas si TEIRESIAS na pinangunahan ni BOY. Tumalikod si OEDIPUS at bumalik sa


palasyo]

CHORUS: Nagsasalita mula sa Delphic rock ang oracular voice na may tono ng pangalan.
Ngunit sino ang lalaki, ang isa na sa kanyang mga kamay na pula ang dugo ay nakagawa
ng hindi masabi na kalupitan? Dumating na ang oras para tumakas siya— upang igalaw ang
kanyang paa nang mas mabilis kaysa sa mga paa sa mga kabayo. Laban sa kanya ang
anak ni Zeus ngayon ay bumubulusok, armado ng apoy ng kidlat at humahantong sa hindi
maiiwasan at nakakatakot na mga Furies. Mula sa maniyebe na mga taluktok ng Mount
Parnassus ang mensahe ay kumalat, na nag-uutos sa lahat na hanapin ang isa na walang
nakakakilala. Tulad ng isang mabangis na toro, gumagala siya ngayon, nakatago sa hindi
kilalang kahoy, sa mga bato at kweba, nag-iisa kasama ang kanyang kawalan ng pag-asa,
pinapanatili ang kanyang distansya mula sa kapahamakan na binibigkas sa gitnang bato ng
dagat. Ngunit ang nakamamatay na orakulo na iyon ay nabubuhay pa rin, na umaaligid sa
itaas ng kanyang ulo magpakailanman. Ang matalinong tagapagpaliwanag na iyon ng mga
propesiya ay pumukaw sa aking takot, nakakabagabag na pangamba. Hindi ko
maaprubahan ang sinabi niya at hindi ko maitatanggi. Nalilito ako. Ano ang sasabihin ko?
Ang aking pag-asa ay lumilipad dito at doon, na walang malinaw na sulyap sa nakaraan o
hinaharap. Wala pa akong narinig na anumang pag-aaway, nakaraan o kasalukuyan, sa
pagitan ng dalawang iyon, ang sambahayan ni Labdacus at ng anak ni Polybus, na
maaaring magbigay sa akin ng sapat na ebidensya upang pahinain ang katanyagan ni
Oedipus, habang naghahangad siya ng paghihiganti para sa hindi nalutas na pagpatay para
sa pamilya ni Labdacus. Tunay na matalino sina Apollo at Zeus— naiintindihan nila ang
ginagawa ng mga tao. Ngunit walang tiyak na paraan upang matiyak kung ang mga propeta
ng tao ay higit na nauunawaan ang mga bagay kaysa sa akin, bagaman sa karunungan ay
isang tao. Maaaring mag-iwan ng tao sa malayo. Ngunit hangga't hindi ko nakikita ang mga
salitang nakumpirma, hindi ako sasang-ayon sa sinumang tao na tumututol kay Oedipus,
sapagkat malinaw na noong sinundan siya ng may pakpak na Sphinx na iyon, siya ay isang
matalinong tao. Nasaksihan namin ito. Naipasa niya ang pagsubok at minahal niya ang
kanyang sarili sa buong lungsod. Kaya sa aking pag-iisip ngayon, hinding-hindi siya
magkasala sa isang krimen.

[papasok si CREON]

CREON: Kayong mga mamamayan, ngayon ko lang natuklasan na si Oedipus, ang ating
hari, ay naghain ng mga kaso. laban sa akin, nakakagambalang mga paratang. Na hindi ko
kayang tiisin, kaya't naparito ako. Sa kasalukuyang mga kaguluhang ito, kung siya ay
maniniwala na siya ay nagdusa ng anumang pinsala mula sa akin, sa salita o sa gawa, kung
gayon wala akong pagnanais na magpatuloy na mabuhay sa hinog na katandaan na
dinadala pa rin ang kanyang panunuya. Para sa akin, ang pinsalang naidulot ng ulat na ito
ay hindi nag-iisang bagay- hindi, ito ang may pinakamalaking saklaw sa lahat, kung ako ay
tatawaging masamang tao dito sa lungsod, isang masamang mamamayan, sa pamamagitan
mo at ng aking mga kaibigan.
CHORUS LEADER: Marahil ay binago ka niya sa pamamagitan ng padalus-dalos na
kapangyarihan ng kanyang galit, kaysa sa tunay na paghatol ng kanyang isip.

CREON: Ibinalita na ang aking mga opinyon ay nakumbinsi si Teiresias na magsabi ng mga
kasinungalingan?

CHORUS LEADER: Iyan ang sinabi. Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin noon.

CREON: Inakusahan ba niya ako at ibinalita ang mga singil nang may matatag na tingin, sa
normal na estado ng pag-iisip?

CHORUS LEADER: Hindi ko alam. Kung ano ang mga nasa kapangyarihan ay hindi ko
nakikita. Pero papalapit siya mula sa palasyo— dito siya personal na dumarating.

[papasok si OEDIPUS sa palasyo]

OEDIPUS: Ikaw! Paano ka nakarating dito? Naging makapal na ba ang iyong mukha at
pumunta ka na ngayon sa sarili kong tahanan— ikaw na halatang mamamatay-tao sa taong
may bahay noon, isang magnanakaw na malinaw na gustong nakawin ang aking trono?
Halika, sa ngalan ng lahat ng mga Diyos, sabihin mo sa akin ito— binalak mo bang gawin ito
dahil akala mo ako ay duwag o tanga? O naisip mo ba na hindi ko malalaman ang tungkol
sa iyong mga aksyon habang sila ay gumagapang sa akin tulad ng panlilinlang— o na, kung
alam ko, hindi ko maaaring ilihis ang mga ito? Itong pagtatangka mo, hindi ba kabaliwan—
ang paghabol sa lugar ng hari na walang kaibigan. nang walang isang kawan ng mga tao,
upang humanap ng isang layunin na tanging ginto o mga paksyon ang maaaring makamit?

CREON: Makikinig ka ba sa akin? Ikaw na ngayon para marinig akong gumawa ng angkop
na tugon. Kapag alam mo na, husgahan mo na ako para sa sarili mo.

You might also like