You are on page 1of 6

A Thing of Beauty

--
Panulat ni Charles Kray
Salin ni Carla Cucueco

PRIORESS: Pumasok ka, eric.
COLONEL: Salamat, Mother Superior
PRIORESS: Maupo ka.
COLONEL: Salamat po. Ang bilis lumipas ng panahon,
Sister.
PRIORESS: Totoo iyan. Masyadong mabilis.
COLONEL: Hindi pa po kayo nagbabago
PRIORESS: Ikaw, malaki na ang pinagbago. Marami na
akong nabasa patungkol sayo.
COLONEL: (Ignores the remark but his manner becomes
harder.) Ano po ang pwede kong gawin para sa
inyo, Sister?
PRIORESS: May nabalitaan ako ukol sa aking mga madre
COLONEL: Tulad lang ng inaasahan.
PRIORESS: Totoo nga ba?
COLONEL: Opo.
PRIORESS: Pero bakit?
COLONEL: Sister, alam naman nating dalawa bakit.
PRIORESS: Hindi. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung
bakit labinsyam na inosenteng mongha ay sadya
sadya na lamang na kinuha na parang mga kriminal
at pinadala sa kampo ng mga bihag. Aleman kami.
Wala kaming ginawa para tratuhin nang ganito.
COLONEL: Sister, ilang beses na kayong binigyan ng
babala, at maging sa ibang mga Carmelite na
kumbento, na kinakailangan naming mahanap si
Edith Stein. Kung kayo nga ay Aleman, ibigay niyo
na siya sa amin
PRIORESS: Walang Edith Stein dito.
COLONEL: Baka nga wala. Pero alam naming nasa
Alemania siya, nagtatago sa isang kumbentong
Carmelite. Ang mga mongha niyo ay mananatiling
bihag. Kung hindi namin mahanap si Edith Stein,
sila ang mapaparusahan. Sister, hindi naman siguro
masama ang labinsiyam para sa isa.
PRIORESS: Bakit siya ganun ka importante?
COLONEL: Siya ay isang Hudyo.
PRIORESS: Krimen ba maging Hudyo?
COLONEL: Magiging.
PRIORESS: Malupit at mapaghiganti kang tao, eric
COLONEL: Magulat ka man o hindi, ginagawa ko lang ang
hamak na gawain ng isang sundalo.
PRIORESS: Naaalala ko dati sa isa sa mga klase ko, may
isang batang lalaking naguguluhan, may nanlalaki
at nangugusap na mga mata habang nangangarap
na magtayo ng mga tulay at mga gusali. Nagsisilbi
siya bilang sacristan tuwing Linggo. Tila baga siya
ang pag-asa.
COLONEL: At ako, Sister, naaalala ko ang isang
Panginoong nagturo na ang tao ay may walang
katumbas na kapangyarihang mahalin ang bawat
isa. Tila baga siya rin ang pag-asa. Pareho yata
tayong nabigo sa mga pangakong ito, Sister.
PRIORESS: Ganun ka na ba kabulag na isa ka ng
mamamatay tao ngayon, eric?
Colonel: Putang ina, Sister. Hindi na bata ang
kinakausap mo ngayon. Ang kinakausap mo ay
opisyal ng pangatlong hukbo. Wala kang ibang
pribilehiyong matatanggap maliban sa kung
anong binibigay ng abito mo. Ako ang
nagtatanong dito. Ayus-ayusin mong
pagsasalita mo at itama mo iyang tabas ng dila
mo kundi mabubulok ka sa piitan, kasama ng
mga Hudyo.
PRIORESS: Naway parusahan ka ng Diyos, Colonel.
Masyado na akong matanda para matakot sayo. At
kung aasta ka rin lang na parang bata, ituturing rin
kitang parang isang paslit. Gusto kong palayain mo
ang mga madre ko.
COLONEL: Gusto kong ibigay mo sa akin si Edith Stein.
Siya ba ay miyembro ng inyong kumbento?
PRIORESS: Ang pagtanggap sa Hudyo sa aming orden ay
hindi lamang labag sa paniniwalang Carmel, kundi
isang paglabag sa batas. Sinasabi ko na sayo, kami
ay mga Aleman.
COLONEL: Sister, hindi mo na kailangan ipaliwanag sa
akin ang batas, o di kayay lituhin sa mga
paniniwalang Carmel. Sagutin mo lang ang tanong
ko.
PRIORESS: Hindi miyembro si Edith Stein ng aming
kumbento.
COLONEL: sigurado ka?
PRIORESS: Oo.
COLONEL: Ganun pa man, pinapangako ko sa inyo na
mahahanap ko siya.
PRIORESS: Pero bakit siya? Marami pang Hudyong
malayang lumilibot sa ating bayan. Bakit siya?
COLONEL: Dahil siyay delikado.
PRIORESS:Delikado? Siya ang pinakamaramdaming
pilosopo ng ating panahon, at tinatawag mo siyang
delikado. Kanino siya delikado?
COLONEL: Sa amin, sa buong estado. Ang kaniyang
pilosopiya ang delikado.
PRIORESS: Kinakatawan niya lahat ng kabutihan at
kagandahan, Eric. Hindi mo ba nakikita?
Nangangaral siya ng salita ng Panginoon. Mga salita
ng kapayapaan at kasunduan. Ang landas patungo
sa pagkakaisa ng tao. Puti o itim, Hudyo o
Kristiyano. Delikado nga ba ito?
COLONEL: Para sa amin, oo. Walang pagkakaisa sa tao.
May pagkakaisa sa puwersa. May pagkakaisa sa
kapangyarihan. Ang lahat ng naniniwala sa kaniya
ay nakapanghihina sa amin. At siyay kailangang
puksain.
PRIORESS: Pupuksain mo ang lahat ng mabuti?
COLONEL: Kung kailangan. Kapag wala ng kabutihan, ang
kasamaan ang magiging kabutihan.
PRIORESS: Dios mio, katakot-takot ang araw nayon!
COLONEL: Ngunit hindi hihigit sa araw na lahat ng
kasamaan ay mapupuksa ng kabutihan. Sa ganoong
paraan, ang kabutihan ang siyang magiging
kasamaan.
PRIORESS: Para kang babasahin ng mga mapang-aping
Aleman.
COLONEL: At bakit hindi? Ako ang tumulong sa pagsulat
ng babasahin. At kapag itoy natapos, sisirain nito
ang pilosopiya ni Edith Stein, tulad na lang ng
pagsira ko sa kanya.
PRIORESS: Eric, masyado na kitang kilala para maniwala
na ang lahat ng sinasabi mo ay mga kataga ng
estado. Yan ay mga kataga ng sariling paghihiganti.
Hindi ka naghahanap ng Hudyo o ng isang pilosopo.
Naghahanap ka ng isang taong kumakatawan sa
isang bagay na datiy pinaniwalaan at minahal mo.
Na winasak mo. At ngayon, gusto mo burahin lahat
ng magagandang bagay para hindi ka na
paalalahanin at pahirapan pa. O anong kalungkutan
ang nasa loob puso mo!
COLONEL: Wala nang kagandahang sa lipunang ito. Itoy
huwad. Si Edith Stein ay huwad. Hindi ko
kinakailangan ang inyong simpatiya. Gusto ko ibalik
mo sa akinsi Edith Stein at gusto ko ibalik mo siya
sa aking ngayon. Nasaan na siya?
PRIORESS: Binigay ko na sayo ang sagot ko.
COLONEL: (He goes to phone.) Major, tumawag ka sa
kampo ochentay tres. Sabihin mo sa komandante
na hindi pa nahahanap si Edith Stein. Sabihin mo na
sa isang oras, gusto kong simulan na ang pagbitay
sa decinuebeng madre. Unahin na ang pinakabata.
Iabot ang mensaheng ito sa lahat ng kumbentong
Carmel sa buong Aleman. Alas siete y medya na.
Ang unang pagbitay ay magaganap ng alas ocho.
(He hangs up.) Sister, nasaan si Edith Stein?
PRIORESS: Dios ko!
COLONEL: (Shouts.) Si Edith Stein ba ay nasa kumbento
ninyo? (She does not answer.) O siya, ibigay mo sa
akin ang talaan. Alam mo ba kung paano ang
pagbitay sa kampo ochentay tres.
PRIORESS: Tumigil ka.
COLONEL: Hindi ba kayo nahihiya, kayong mga madre ng
Carmel, nagtatago ng Hudyo? Nanghihilakbot ang
buong siyudad sa haka-hakang ito. Isang Hudyo
naging madre ng Carmel. Wala ba kayong hiya?
PRIORESS: At ikaw pa ang sumubok na magtanong niyan
sa akin.
COLONEL: Sinusubok ko ang lahat. Ibigay mo na si Edith
Stein.
PRIORESS: Oh! Ang kawawa kong mga mahal.
COLONEL: Si Edith Stein ba ay miyembro ng inyong
kumbento?
PRIORESS: Kung siya may, sa tingin mo ba kaya ko
siyang husgahan? Hindi ko ninanais hawakan ang
kapangyarihan patawan ng pagkabuhay
pagkamatay sa kaninoman.
COLONEL: Na sayo ang kapangyarihan patawan ang
pagkabuhay ng mga madre sa Cologne.
PRIORESS: Ang aking mga anak!
COLONEL: Mayroon ka pang kalahating oras, Sister.
PRIORESS: Tumigil ka.
COLONEL: Si Edith Stein ba ay miyembro ng inyong
kumbento?
PRIORESS: Hindi, hindi.
COLONEL: Sigurado ka?
PRIORESS: Oo, sigurado ako. Parang awa niyo na, iwanan
niyo na ako.
COLONEL: (He is looking at roster.) Osiya. May bagong
madre ka raw dito. Ang pangalay hindi pa
rehistradong botante. Isang Sister Terezia
Benedicta. Nais ko siyang makita.
PRIORESS: Huwag.
COLONEL: Ano? Sinabi ninyo bang huwag, Sister?
PRIORESS: Hindi. Ang ibig sabihin ko, huwag, huwag ang
aking mga anak.
COLONEL: Ah. Gaano na katagal si Sister Benedicta dito?
PRIORESS: Hindi ako sigurado, wala pang isang taon
COLONEL: Nais ko siya makita.
PRIORESS: Onaman.
COLONEL: Ay, sister
PRIORESS: Oo?
COLONEL: Kalahating oras.
(He takes a few notes and begins to look at the folder.
Sister BENEDICTA enters. As she stands momentarily in the
doorway, the COLONEL does not see her immediately, yet
senses her presence. He stands, faces her, and just stares
for a long moment.)
COLONEL: Sister Benedicta
BENEDICTA: opo, kernel.
COLONEL: Magandang araw, maupo ka.
BENEDICTA: Kernel, ano pong mangyayari sa aming mga
kasamahang madre sa Cologne?
COLONEL: Mawalang galang nap o sister, hayaan niyo po
na ako ang magtatanong.
BENEDICTA: Paano niyo kaming nagagawang
lapastanganin ng ganito. Si madre superior ay labis
na nagdadalamhati.
COLONEL: Sinisigurado ko sa inyo sister, tulad na lang ng
pagsigurado ko sa kaniya, ang lahat ng kasamahan
niyo ay maayossa ngayon.
BENEDICTA: Sa ngayon? Anong mangyayari sa kanila?
COLONEL: Depende sa mangyayari ngayon.
BENEDICTA: Hindi ko po kayo maunawaan
COLONEL: Mauunawan mo rin. Maupo ka sister. Isa kang
magandang babae.
BENEDICTA: Maraming salamat!
COLONEL: Parang mali ang pagbibigay puri ko sa inyong
kagandahan hindi po ba?
BENEDICTA: Babae rin po kami kernel, lahat ng mga
babae ay gusting pinupuri
COLONEL: Sister, hindi ako nambabastos. Totoo ang
sinasabi ko.
BENEDICTA: Hindi naman talaga. Ang panghihibok ay
maaring taos puso.
COLONEL: Syempre. Tila hindi ko mawari ang
pagsamahin ang konsepto ng isang madre sa isang
babae hanggang ngayon. Ngayon naiintindihan ko
na kung ano ang sinasabi ng mga sundalo kapag
pinaguusapan nila ang maririlag na kababaihan ng
kumbento
BENEDICTA: Yan ang mga bastos!
COLONEL: Ang iba sa mga kalalakihang ito ay matagal
nang walang kinakasamang babae. Ang magandang
mukha sa kanila ay magandang mukha. Siguro ang
pisikal na kagandahan ay hindi natatago sa abito.
BENEDICTA: Kalapastanganan!
COLONEL: Walang ganiyang salita sa aking bocabularyo,
sister
BENEDICTA: Syempre. Walang kabanalan sa inyo, kernel.
COLONEL: Ang paghahari at kapangyarihan, yan ay banal.
Ang isang hamak na taoy nagiging diyos dito.
BENEDICTA: At nagiging malupit din.
COLONEL: Yan ay magkasingkahulugan, sister.
BENEDICTA: Tila loro kayo magsalita, kernel.
Mapakagaling niyo batohin ang mga kataga ng
inyong partido.
COLONEL: At napakatalas niyong magsalita. Ngunit ang
sinasabi niyo ay hindi totoo at hindi makatwiran.
Sino ang bobo, ang lorong paulit ulit lang ang
sinasabing mga salitadoktrina sa lagay na ito, o di
kayay kahit anong ibon na walang sinasabi, na
walang masasabi at walang kayang sabihin.
BENEDICTA: Mahinang pagkakatulad iyan.
COLONEL: Siguro. Tulad rin ng inyong pagkakatulad sa
akin sa isang loro. Kung niyayakap ko ang isang
pilosopiya, ito ay dahil ito ay orihinal na sa akin. Sa
akin nagsimula. Ako ang gumawa.

You might also like