You are on page 1of 3

Crisostomo: Ganiyan rin ang naramdaman ko nang nakilala ko si Tala, Kapitan Basilio, akalain niyo bang

sumisilip lamang siya sa kumbento para siya ay matuto.

Kapitan Basilio: Patunay laman na gutom sa kaalaman ang ilan sa mga indio.

Fidel: Totoong mga yan, kaya napakaganda ng Plano ng aking kaibigan sa kaniyang eskwela.

Kapitan Basilio: Ngunit pati mga indio, lalo na mga babaeng maralita sa eskwela. Nakikinita ko na.
Nagwawala ang kura.

Basilyo: maski ako, tutol sa mga planong yan Crisostomo. Di ko alam na nais mo ring ipaturo sa iyong
iskwela ang mga gawaing bahay at pagpapaganda ng mga babae para sa ating mga lalaki.

(sound effects)…………..

: don basilyo marami na kayong nainom at nakain

Basilyo Ngunit, nais mong makumbinsi ako ni Crisostomo para makapagbigay ako ng donasyon sa
kanyang iskwela

Crisostomo: Bukod sa may mga ilang mga kababaihan na sa kolehiyo sa bandang kanluran at sa
inspirasyong hatid ng mga bata kanina, at meron din akong nakilalang isang hindi pangkaraniwang
babae…Matalino, palabasa, tunay na kakaiba………….sa kanya ko rin nalaman ang kahalagahan na
makapag aral at makapagtapos ang mga kababaihan, magkaroon sila ng pantay na oportunidad katulad
nating mga lalaki.

Basilyo: May oportunidad naman silang manilbihan at tumulong sa mga adhikain ng simbahan at sa
bahay.

Fidel: amigo wag mo nang patulan, lasing na

Crisostomo: Ngunit hindi mo ba sila nililimitahan?

Basilyo: At ano ang nais mo Crisostomo, manghimasok rin sila sa pagpapatakbo ng bayang ito. Baka
malingat ako ay sila na rin ang gumagamot sa mga ospital. (tawanan).

Basilyo :Silencio, silencio. Sinong maiiwan para mag alaga ng mga bata kapag nangyari yan. Sinong
magluluto, magbabantay ng bahay. Tonterias. Hanggang bahay lamang ang kababaihan, haha.

:tienes razon, tienes rason don basilyo

Klay: Mawalang galang na po, pero hindi po totoo yan

Crisostomo: Miss Klay

Basilyo: Pakiulit

Klay: Hindi po totoong hanggang bahay lang ang mga babae.

:que esta diciendo

Basilyo: Huwag kang manghimasok sa aming usapan iha, bumalik kana sa pamamaypay, sige na sige na.
Klay: hmmmmm, senior. Isang marangal na tungkulin po ang pagiging maybahay pero kayang kaya rin
naming mga babae ang ginagawa ninyong mga lalaki sa labas ng bahay.

Crisostomo: Mga ginoo, mga ginoo, bigyan natin ng pagkakataon. Pakinggan natin ang aking kaibigan.

Klay: ahe, Tama! Makinig po kayong lahat. Hindi lang babaeng pinuno ang magkakaroon tayo,
magkakaroon din tayo ng babaeng kayang magbuhat ng hanggang isang daan at dalawampu’t pitong
bakal. Si hidilyn Diaz. Magkakaroon din tayo ng babaeng mag aangat sa buhay ng mahihirap, babaeng
gwardiya sibil, at babaeng doctor.

: nababaliw na siya(Spanish)(tawanan)

Klay: Sandali lang po, sandal lang po, nakakatawa po ba yung sinabi kong kaya ring maging doctor ng mga
babae?

:Si’

Fidel: Binibining Klay, tama na

Klay: Ay hindi. Fidel gusto ko lang namang malaman kung anong nakakatawa sa sinabi ko

Basilyo: Anong nakakatawa iha? Lahat ng iyong sinambit. Ano pa nga ba yun? Babae sa medisina? Ay dali
magpagamot kana baliw HAHAHAHAH

Crisostomo: Kapitan Basilyo! Kapitan basilyo, hindi ata tama na ganyan niyo pagsalitaan ang isang babae
lalo na’t pinapahayag niya lamang ang kanyang saloobin.

Klay: Senior hindi ba’t may anak ka ring isang babae? Wala ka bang pangarap para sa kanya? Ayaw mo ba
siyang matutong magbasa ng ibang libro bukod sa biblya at Doctina Cristiana. Hindi mo ba gugustuhing
makita siyang umangat at umasenso dahil sa sarili niyang pagpupursigi

Crisostomo: Miss Klay maaring maging matatas ngunit hindi matalas. May hangganan lang ang aking
pagpapaunlak sayo hmm.

Basilyo: huwag mo akong pinapangaralan sa loob mismo ng aking pamamahay at huwag mong ipipilit na
kaya mong pumantay sa kalalakihan.

Klay: (hinga ng malalim) huwag niyo rin pong maliitin at ikahon ang mga babae

(tawanan)

Crisostomo: Maaari bang mga ginoo huminahon muna kayo

Basilyo: Pero yung kayo, pangalawa lamang sa aming mga lalaki, at ikaw daig mo pa ang isang manok na
putak ng putak na wala naming silbi kaya tumahimik kana HAHAHAH.

( tawanan)

Klay: Men have no rights to tell women to shut up.

You might also like