You are on page 1of 6

Kabanata 7: Si Simoun (stinger) ANNCR: Magandang magandang hapon sa ating mga tagapakinig!

Tunghayan natin ang isa na namang kabanata mula sa obra ni Gat Jose Rizal na El Filibusterismo. Wag na wag kayong aalis! Ito Radyo DZLB hatid sa inyo ng PI X-2R. (stinger) Narrator: (SFX night) Ikapitong kabanata Si Simoun Paalis na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag sa gitna ng mga puno. Naghahari ang kadiliman sa kagubatan at tanging kaluskos lamang ng mga paa ang maririnig. Nakakita si Basilio ng anino at sya ay tumungo sa direksyon nito. Basilio: (natatakot ) Marami na akong nakitang mga bangkay at mga taong nagaagawbuhay, hindi ako dapat matakot, ngunit marami na ring bali-balita tungkol sa lagim ng gubat na ito. Narrator: Huminto ang anino sa kabilang gilid ng balete at nakita muli ito ni Basilio mula sa pagitan ng ng dalawang ugat ng punong kahoy. Mula sa suot na damit ay kinuha nito ang lampara, ipinatong sa lupa at nalantad ang suot na botang

pangabayo. May kinuha itong bagay sa loob ng bulsa, isang matalim na asarol na inilipat sa dulo ng dalang tungkod. Basilio: Teka.. hindi bat siya ang ang.. ang mag-aalahas na si Simoun?! (pause) Siya nga! Hindi ako maaaring magkamali! Ang lalaking ito ang siyang tumulong sa akin labingtatlong taon na ang nakalilipas. Maaari ko po ba kayong matulungan Ginoo? Simoun: (SFX gun cock) Anong ginagawa mo rito? Basilio: Dito sa mismong lugar na ito. Labin-tatlong taon na ang lumipas magmula nang tulungan nyo po akong ilibing ang mga labi ng aking ina kung inyo pang naaalala . Aking ikalulugod kung pahihintulutan niyo akong paglingkuran kayo. Kung hindi ako nagkakamali, kayo po si Ginoong Crisostomo Ibarra, ang taong inaakalang patay na! Simoun: Basilio, ikaw ngayon ay nagmamay-ari ng isang lihim na maaring magdala sa ating dalawa sa kapahamakan. Mabuting manahimik ka na lamang. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi? Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo Ginoong Simoun.

Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan! Basilio: Ngunit hahayaan nyo bang muli kayong mahatulan na filibustero at makulong tulad ng dati? Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan sa loob ng gubat na ito. Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo. <COMMERCIAL, TIME CHECK> Simoun: Totoong akoy naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayoy nagbalik ako upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! Lalo na ang mga kabataan na wala nang ginawa kundi sumunod! Inaalipin at hindi pinakikinggan! Basilio: Hindi Ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng

wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.

Simoun: Nagkakamali ka! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan? Ang ating mga pagkatao? Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip. Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang beses ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na akoy nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya dito ay ang katuparan ng aking mga plano . Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabay nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api! Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor. Simoun:

At ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila? Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kaya ko bang silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay at pagkatapos ay mangbintang ng kung sino-sinong kastila. Simoun: At kung ibibigay ko sayo ang aking tulong? <COMMERCIAL, TIME CHECK> Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti. Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang bahala ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw pa ang kanilang kamumuhian! Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin?

Simoun: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahil kahit ihayag mo itoy tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon man, kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta. Narrator: Umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang kinatatayuan. Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay ang mahihina at matira nag mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang! ANNCR: Abangan ang susunod na kabanata! Muli ito ang RADYO DZLB hatid sa inyo ng PI 10 X-2R. Hanggang sa muli!

You might also like