Professional Documents
Culture Documents
mapanglaw na gubat ng Quezonaria, rito ay may isang lalaking mala-Adonis ang tindig
na nakagapos sa puno ng Higera. Ang lalaking nakagapos ay si Florante ang anak ng
mag-asawang si Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Albania. Habang nakagapos,
muling nanumbalik ang mga karaingan ni Florante, mga alaala kung saan si Adolfong
sukaban ang pumatay sa kanyang ama, kay haring Linceo at umagaw sa kanyang
kasintahang si Laura.
Florante: Nang dahil sa korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko,
ang paghahangad ni Konde Adolfo sa kapangyarihan ng Albania, naging malupit sa amin
ang Kapalaran! Kung ayaw dinggin ng langit ang sigaw ng aking malumbay na boses!
Kung ibig mong ako�y magdusa, isagi mo lamang sa puso�t isipan ni Laura ako�y
minsang mapag-alaala.
Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako�y inulila sa
gitna ng sakit para kong nakikita ang malupit na parusa sa iyo ng taksil na si
Adolfo.
Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na ako
sana ay maligtas na lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!
Aladin: Ako�y lumuluha hindi dahil sa pagmamahal ni ama sa akin, kundi sanhi sa
kanyang kasakiman na ako�y agawan ng kaligayahan. Kay palad ko sana kung ang
kasawian kong ito ay nauuukol sa nakapanghihinayang na pag-aaruga ni ama.
Florante: Ay, mahal kong Laura, paalam na ang abang sinta mong kinulang palad.
Gayon man ay hinangad ko rin ang iyong kaligayahan, madurog man ang aking mga laman
at buto, Laura, ikaw pa rin ang mamahalin ko.
Tagapagsalaysay: nang matagpuan ni Aladin ang binatang nasa harap na ng mga Leon ay
agad niyang nilabanan ang mga hayop at pinatay.
Pagkatapos mapatay ni Aladin ng dalawang mabangis na Leon, pinakawalan niya si
Florante sa pagkakatali.
Florante: Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko�t gapos ko�y
kalagin kung mamamatay ako�y gunitain mo rin��- hala? Sino? Sa aba ko�t nasa Morong
kamay!
Florante: Kung di mo sana kinalag sa puno ng kahoy. Nalibing na sana ako sa tiyan
ng Leon. O, bakit mo pa ako niligtas at di hinayaang malagot ang aking buhay?
Tagapagsalaysay: mapalad ang mga sandaling ito dahil tayo�y nabubuhay pa kaya
huwag mong sabihin na sana�y hinayaan nalang kita sa kamay ng mga Leon.
Florante: Salamat. Ano kaya ang maigaganti ko sa iyo sa kabutihang ipinagkaloob mo?
Florante: umid ang dila kong magpahayag ng aking malaking pagtanaw ng utang na
loob kaya�t di lamang ang aking pagdurusa ang ihahayag ko kundi simula�t sapul sa
aking pagkabata.
Ang pangalan ko�y Florante at ako�y nakatira sa Albania. Ang ama ko�y si Duke
Briseo at ang mahal kong ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona.
Noong ako�y bata pa kamuntikan na akong kunin ng Bwitreng ibon ngunit nakita ako
ng Pinsan kong si Menalipo at pinana niya ito
�������.
Antenor: maligayang pagdating Florante, ito ang paaralang iyong papasukan, Ako nga
pala si Antenor ang iyong magiging guro dito sa Atenas.
Florante: Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya lalo na�t mapapalayo ako sa
aking pinakamamahal na ama�t ina.
Antenor: Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo habang nag-
aaral dito, lilipas rin ang lungkot mo, halika Florante at magugustuhan mo dito sa
Atenas sapagkat magkakaroon ka dito ng maraming kaibigan at matututo ka ng lubos sa
paaralan
Antenor: Heto si Menadro. Siya ay isa sa mga makakasama mo rito sa Atenas. Aliwin
mo ang iyong sarili, at makisama sakanilang mabuti.
Tagapagsalaysay: Isang hapon ay tinipon kami ni maestro Antenor upang maipakita ang
aming kagalingan.
(papasok si antenor)
Antenor: Adolfo, ito�y isang dula-dulaan lamang, kaya�t hindi katanggap-tanggap ang
iyong ginawa. Ito ay isang malaking kamalian at hindi ko hahayaan nais kong bumalik
ka sa Albanya at mamuhay ng tahimik at payapa.
(Florante: pagkatapos ng isa pang taon sa Atenas, ako�y nakatanggap ng isang sulat
na ang hatid ay isang masamang balita. Ang aking pinakamamahal na ina ay namatay
na at ang liham ay nagmula sa aking butihing ama.
Pagkatapos kong malaman iyon, nagtagal pa ako ng dalawang buwan sa Atenas hanggang
sa makatanggap muli ako ng liham mula sa aking ama at nais niya sa Albanya�y ako�y
magbalik na sampu nang sasakyan ang sumundo sa akin)
Florante: Maestro paalam na po
Antenor: Florante, lagi mong tatandaan kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha�t paggiliw, lalong pag-ingata�t kaaway na Lihim, siyang isaisip na
kakabakain, mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo. Muli kayong magkakasama sa
isang lugar kahit pa malawak ang Kahariang Albanya siguradong landas niyo�y muling
magkikita. Huwag mong kalilimutan na ang puso niya�y puno na nang inggit at poot
mula sayo, Datapwat huwag kang magpapahalata, tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa
sasandatahiy Lihim na ihanda nang may maipagtatanggol sa araw ng digma.
(Florante: habang nag-uusap kami ni ama dumating ang embahador ng Krotona upang
ibigay ang liham galing sa hari nila. Sila ay humingi ng tulong dahil sinakop ito
ni Heneral Osmalik ng Persya, sabi-sabi ay pangalawa ito, ng prinsipe niyang bantog
sa sangmundo, Alading kilabot ng mga gerero.
Aladin: (mapapangit)� Binirang balita�y magtapat, kung magtotoo ma�y marami ang
dagdag.�
Linceo: O Duke (titingin kay Florante) Sino ito at saang syudad nanggaling? Mukha
siyang isang bunying gerero.
Linceo: Mabuting panahon ang iyong pagdating. Ikaw ang magiging pansamantalang
heneral ng hukbo na dadalo sa Krotona laban sa mga Moro. Patunayan mo na ikaw ang
matapang na gerero na magsasabi sa buong mundo ng kapanyarihan ng haring Linceo.
Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante kailangan mo nang maghanda para sa iyong
pag-alis
(digmaan)
Lahat: MABUHAY!
Florante: Walang anuman mahal na hari, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng
bayan
(Ninanais ng mga morong maangkin si Laura ngunit papalag Ito kaya�t napagdesisyunan
na siya ay pugutan ng ulo)
Alagad: Heneral Florante, maynaaaninag ako tila isang binibini na nakagapos, ang
mga moro�y nagbabalak na pugutan siya.
Florante: O, Laurang aking sinta, ikay huwag ng lumuha naririto ako upang iligtas
ka
Laura: O, Floranteng aking irog, salamat at akoy niligtas mula sa kamay ng morong
kalaban
Laura: Florante iyo ring iligtas, ang ama ko�t ama mo kasama na ang iba pang taga-
Albanyang nabilanggo.
(magbubunyi ang haring Linceo, duke Briseo at mga taga-Albanya ngunit maiinggit si
Adolfo at muling kasusuklaman si Florante)
������
Aladin: dahil natalastas mo na ang iyong buhay, ako nama�y magpapakilala nang
pormal.
Ako si Aladin ng Persya. Ako ay anak ni sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero na
nakaranas at nakipaglaban sa napakaraming digmaan, ngunit ako�y hindi naghirap
dito, dahil wala nang mas hihirap pa sa pagkuha sa babaeng minamahal ko, sa pagkuha
sa kanya ng aking sariling ama.
Oo nga�t sinakop naming ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya ako�y
bumalik sa Persya nang hindi kasama ang aking hukbo
����..
Aladin: Ano yun sino iyong nagsasalita?
(hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit)
Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking kalagayan
Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya anak ni Linceong Tubong Krotona
Flerida: Nung nalaman kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa
ako sa paanan ng masamang sultan. Hiniling na si Alading aking irog ay pakawalan at
huwag pugutan kapalit nito�y pagpayag ko sa isang kasunduan, ito ay ang pakasalan
ang sultang sukaban.
Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit ang
kasuotan ng isang gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. Ilang taon rin
akong nagpagala-gala rito sa kagubatan hanggang sa maabutan kitang muntik nang
pagsamantalahan.
Flerida: O Aladin!
Florante:O salamat sa diyos at ika�y ligtassalamat din Flerida dahil puso moy likas
ako ngayo�y panatag na pagkat ika�t matiwasay
at dahil rin kay Aladin na nagligtas ng aking buhay
Nang walang magawa si Konde Adolfo ay dinalang gapos sa kabayo kapag dating dito
ako�y dinahas at ibig ilugso ang puri ko.
Buti�t dumating si Flerida at akoy Niligtas. Salamat sa iyo Flerida, Salamat dahil
sa iyo ako�y buhay pa
Flerida: Ako ay nahabag kay Laura ng Makita kong nilalapastangan siya kinuha ko ang
Busog at pana kinitil ang buhay ng taong masama
(uuwi sa kaharian)