You are on page 1of 6

Florante: 

Nang dahil sa korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang paghahangad
ni Konde Adolfo sa kapangyarihan ng Albania, naging malupit sa amin ang Kapalaran! Kung ayaw
dinggin ng langit ang sigaw ng aking malumbay na boses! Kung ibig mong ako’y magdusa, isagi mo
lamang sa puso’t isipan ni Laura ako’y minsang mapag-alaala.

(Si Aladin at Florante aynasa magkalayong  dako ng gubat ngunit si Aladin ay naglakad patungo kung
saan malapit si Florante.)

Aladin: Flerida! Flerida!
 Ama ko! Bakit mo ako natiis na magdusa nang dahil sa aking irog? Di yata’t ikaw na rin ang umagaw sa
aking kaligayahan! (exhibition with sword and shield) Kung hindi ang iginagalang kong ama ang
umagaw kay Flerida, hindi ko masabi kung ang aking sandata’y bumuga ng laksang kamatayan.

Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako’y inulila sa gitna ng sakit
para kong nakikita ang malupit na parusa  sa iyo ng taksil na si Adolfo.

Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na ako sana ay maligtas na
lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!

Aladin:  Ako’y lumuluha hindi dahil sa pagmamahal ni ama sa akin, kundi sanhi sa kanyang kasakiman 
na ako’y agawan ng kaligayahan. Kay palad ko sana kung ang kasawian kong ito ay nauuukol sa
nakapanghihinayang na pag-aaruga ni ama.

Florante: Ay, mahal kong Laura, paalam na ang abang sinta mong kinulang palad. Gayon man ay
hinangad ko rin ang iyong kaligayahan, madurog man ang aking mga laman at buto, Laura, ikaw pa rin
ang mamahalin ko.
Florante:  Paalam, Albanyang pinamamayanihan ng lupit at kaliluhan. Malaki ang aking
panghihinayang sa iyo. Pagkabata ko na’y wala akong inadhika kundi, ang ikaw ay paglingkuran at
gugulin sa iyo ang aking dugo. O, Albanya huwag mo lamang sanangg ipahamak ang aking Laura.

(nang matagpuan ni Aladin ang binatang nasa harap na ng mga Leon ay agad niyang nilabanan ang
mga hayop at pinatay.

Pagkatapos mapatay ni Aladin ng dalawang mabangis na Leon, pinakawalan niya si Florante sa


pagkakatali.)

(mawawalan ng malay si Florante at aarugain siya ni Aladin)

Aladin: Ano kaya ang nangyari sa taong ito?

Florante:  Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin kung mamamatay
ako’y gunitain mo rin……- hala? Sino? Sa aba ko’t nasa Morong kamay!

Aladin: Ligtas ka na sa panganib  at sa mga sakit nakikita mo na ako’y isang moro, datapwat hindi
bininyagan ay tao rin ako, may damdamin at nasasaklaw ng mg utos ng Diyos. Naririnig ko ang iyong
panaghoy at nagdamdam ang aking puso kaya hinanap kita. Natagpuan kitang nakatali at sasagpangin
ng dalawang Leon. Hindi ako nagsawalang bahala at kinalaban ang mga Leon.
Florante:  Kung di mo sana kinalag sa puno ng kahoy. Nalibing na sana ako sa tiyan ng Leon. O, bakit
mo pa ako niligtas at di hinayaang malagot ang aking buhay?

Aladin: tayo’y lumipat ng puwesto doon sa bato at tayo’y kumain at magpahinga.

Florante: (sobrang mahina) sa-salamat…

Florante: Salamat. Ano kaya ang maigaganti ko sa iyo sa kabutihang ipinagkaloob mo?

Aladin:  nainiwala akong hindi ka magaaalinlangan sa akin, bagamat nakikita mong ako’y isang moro
lamang, kayat nais ko sanang ipagtapat mo ang lahat ng iyong damdamin upang  hanggang maaga ay
makatulong ako sa iyo.

Florante:  umid ang dila kong magpahayag ng aking malaking pagtanaw ng utang na loob kaya’t di
lamang ang aking pagdurusa ang ihahayag ko kundi simula’t sapul sa aking pagkabata.

Ang pangalan ko’y Florante at ako’y nakatira sa Albania. Ang ama ko’y si Duke Briseo at ang mahal
kong  ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona.

Noong ako’y bata pa kamuntikan na akong kunin  ng Bwitreng ibon ngunit nakita ako ng Pinsan kong si
Menalipo at pinana niya ito

Nang ako naman ay tumuntong sa ikalabing-isang taong gulang ay pinilit ni ama na akoy mag-aral sa
Atenas.

Doon ko nakilala si Adolfo pati na rin si Menandro, Sinabi sa akin ni Maestro Antenor na Si Adlofo’y
galing sa Albanya kaya ako’y lubusang natuwa

Hindi nagtagal ay naging malapit kong kaibigan si Menandro. Pagkatapos ng anim na taon na pag-aaral
ko sa Atenas. Ang kahusayan na mayroon si Adolfo ay nakikita narin sa akin nang aming Maestro

Dito nagsimulang magalit sa akin si Adolfo sa kadahilanang nalampasan ko na raw ang aking kagalingan
na mayroon siya

Antenor:  tayo ngay’y magkakaroon ng isang pagsasadula


Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Ang tatanghal ay si Florante’t Adolfo
Florante Bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles

Tagapagsalaysay:   nanghanda nang magsadula’y si Adolfo ay nanlisik ang mata


kay Florante’y may balak na masama
balak nitong paslangin at totohanin
ngunit mayroong isang taong si Florante’y handang saklolohan

(magsasadula mayhawak na Espada ang dalawa)

Adolfo:  Ikaw Floranteng sa kapurihan ko’y umagaw


Dapat sa iyo’y mamatay!

(dadating si Menandro at ililigtas si Florante)


Menandro:  Ikaw, Adolfo anong nagyari sa iyo
nasisiraan ka na ba ng ulo?
Ang pagsasadula’y iyong tinotoo
hindi mo kailangang gawin ito

Antenor: Adolfo, ito’y isang dula-dulaan lamang, kaya’t hindi katanggap-tanggap ang iyong ginawa.
Ito ay isang malaking kamalian at hindi ko hahayaan nais kong bumalik ka sa Albanya at mamuhay ng
tahimik at payapa.

Florante: pagkatapos ng isa pang taon sa Atenas, ako’y nakatanggap ng isang sulat na ang hatid ay
isang masamang balita. Ang aking pinakamamahal na  ina ay namatay na at ang  liham ay nagmula sa
aking butihing ama.

Pagkatapos kong malaman iyon, nagtagal pa ako ng dalawang buwan sa Atenas hanggang sa
makatanggap muli ako ng liham mula sa aking ama at nais niya sa Albanya’y ako’y magbalik na sampu
nang sasakyan ang sumundo sa akin

Nong ako umuwi, dun ko na nakilala ang aking iniirog. Laura ang kanyang pangalan.

Florante:  Magandang umaga Bb.Masaya akot nakilala kita


ngalan ko’y Florante, wala ng iba

Laura: Magandang umaga FloranteMasaya rin akong makilala kita

Florante: Nawa’y makilala rin kita ng lubusan

Laura: Gayon rin ako ngunit ilang araw na lang ay aalis ka na

Florante: Oo  nga ngunit sinisigurado ko sa iyong ako’y magbabalik

Laura tara na’t pumasok sa loob magsisimula na ang piging.

Aladin:  dahil natalastas mo na ang iyong buhay, ako nama’y magpapakilala nang pormal.

Ako si Aladin ng Persya. Ako ay anak ni sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero na nakaranas at
nakipaglaban sa napakaraming digmaan, ngunit ako’y hindi naghirap dito, dahil wala nang mas hihirap
pa sa pagkuha sa babaeng minamahal ko, sa pagkuha sa kanya ng aking sariling ama.

Oo nga’t sinakop naming ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya ako’y bumalik sa Persya
nang hindi kasama ang aking hukbo

Sultan Ali-Adab: Ano ang dahila’t ika’y naparito


iyong iniwan ang Albanya at hukbo?
ika’y nasa gitna ng dIgmaan
kaya’t sa iyong pag-uwi ano ang kadahilanan

Aladin: Ama ko sandali ito ang kapaliwanagan………..

(hindi pa siya tapos magsalita ay susunggaban siya ng mga kawal, mapupumiglas si Aladin ngunit
wala itong silbi.)
Aladin:  Ama ko ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?
isa kang taksil sukab at huwad na gerero!
Kung si Flerida ang dahilan ng kataksilan mo
hindi mo maaagaw ang sinta ko!

Sultan Ali-Adab: tama na ang satsat kung ayaw mong masaktan


Ako ang pinuno ng Persiya, iyan ay aking karapatan!
hala sige, ikulong yan sa gitna ng kawalan
at sa madaling panahon siya ay pugutan!

(tatawa ng malakas ang sultan)

(May narinig silang nagsasalita)

Aladin: Ano yun sino iyong nagsasalita?

Florante: Aba ewan ko hindi ako iyon

( Sa madilim na parte ng kagubatang Albanya mapagnasang si Adolfo’y kabig-kabig si Laura)

Laura:  Bitiwan mo ako Adolfo! Ako ay para lamang kay Floranteng giliw ko. Ang tulad mong taksil at
duwag sa pag-iibigan naming ni Florante’y hindi makatitibag

(hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit)

Adolfo: O, Laurang prinsesa huwag mo akong galitin ang Floranteng sinta mo’y hindi na aabutin sa
dilim. Katawan niya ngayo’y pinagpipyestahan na wari ng mga Leon kaya’t wala kang ibang pagpipilian
kundi…..mapasa akin.

Laura: Mas pilpiliin ko pang mamatay, o Adolfong Sukab. Kung wala na si Floranteng sinta aanhin ko pa
ang buhay! hindi ako papayag na mapasaiyo, at ipinapangako ko di ka magtatagumpay sa iyong plano

Adolfo: nauubos na ang Pasensiya ko kakaintindi sa iyo wala na Si Floranteng sinisinta mo!

(Akmang sasaktan ni Florante si Laura


Ngunit isang pana ang tumama
tumalima sa dibdib ng Adolfong taksil
na sa buhay nito ay siyang kumitil)

Flerida: O abang dalaga, anong kalagayan mo


Talagang walang hiya ang lalaking ito
Flerida nga pala ang aking ngalan
na nagmula sa Persiang kaharian

Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking kalagayan
Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya anak ni Linceong Tubong Krotona

(iikot sa kagubatan ang dalawang kababaihan habang nagkukwentuhan)


Flerida: Nung nalaman  kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa ako sa
paanan ng masamang sultan. Hiniling na si Alading aking irog ay pakawalan at huwag pugutan kapalit
nito’y pagpayag ko sa isang kasunduan, ito ay ang pakasalan ang sultang sukaban.

Pumayag ang sultan, Prinsipe Aladin ay agad pinakawalan, ngunit siniguradong malalayo ito sa
kaharian

Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit ang  kasuotan  ng isang
gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. Ilang taon rin akong nagpagala-gala rito sa kagubatan
hanggang sa maabutan kitang muntik nang pagsamantalahan.

Laura: Maraming salamat sa iyong kabutihan


nang dahil sa iyo buhay ko’y naligtas mula kay Adolfong puno ng kasamaan.

(habang naglalakad ay magkikita-kita ang mga magkakasintahan)

Flerida: O Aladin!

Laura: Sinta kong Florante!

Aladin:  Minamahal kong Flerida

Florante:  O Laura! Giliw ko!

Laura:  O Florante, ako’y tunay na nabahala!


Ang gubat na ito’y lubhang mapinsala
Akoy nagpapasalamat dito kay Flerida
Na sa aki’y nagligtas at kay Adolfo’y pumana

Florante:O salamat sa diyos at ika’y ligtassalamat din Flerida dahil puso moy likas
ako ngayo’y panatag na pagkat ika’t matiwasay
at dahil rin kay Aladin na nagligtas ng aking buhay

Kung hindi dahil sa kanya, ako ngayo’y  pagkain na


Ng mga gutom na leon na dito ay naglipana
gayon na lamang ang tuwa, ng isang moro ang sumagupa
sa mabangis na Leon na tila handa

Aladin:  Walang Anuman , katoto kong Florante

Laura: Florante irog ko
Di lubhang naglaon noong pag-alis mo,
Bayang Albanya’y naging pipi sa gulo

Ito’y kagagawan ni Adolfo pinapugutan niya ang ama ko at iba pang inosenteng tao. Pinadalhan kita ng
isang liham umaasang magbabalik kasama ang hukbo upang lumaban ngunit si Menandro ang
dumating. Nang walang magawa si Konde Adolfo ay dinalang gapos sa kabayo. Buti’t dumating si
Flerida at akoy Niligtas. Salamat sa iyo Flerida, Salamat dahil sa iyo ako’y buhay pa

Flerida: Ako ay nahabag kay Laura ng Makita kong nilalapastangan siya kinuha ko ang Busog at pana
kinitil ang buhay ng taong masama
Florante: Mabuti sigurong umuwi na tayo ng Albanya

(Soldiers enters the scene) (nagluhod)

Mga tao: Viva Floranteng hari ng Albanya!


mabuhay mabuhay ang Prinsesa laura!

You might also like