You are on page 1of 4

Narrator: Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang pagitan, halos naghihirap ang kay Pebong silang

dumalaw sa loob na lubhang masukal. Iyan ang mababasa sa saknong na una Nitong kabanatang Punong Salita Sa mapanglaw na gubat magsisimula, Ang matamis na pag-iibigan nina Florante at Laura Sa Puno ng Higera, nakagapos sa gitna ng kagubatan ay may isang matipunong tila nanaghoy sa kawalan Isang mandirigma na mula sa Albanya Ngunit dinakip at ipinatapon sa labas ng kaharian Panaghoy ng problemay nangingibabaw sa kagubatan Problema sa pag-ibig ang lubos niyang dinaramdam Floranteng kanyang ngalay tinitangala sa Albanya Ngayoy nagdudusa sa kaliluhat kahirapan Florante:Oh, Panginoon, akoy iyong patawarin Sa lahat ng kabiguang aking pasanin Sa pag-ibig na ipinagkait sa akin Oh, tadhana. Bakit ka ganyan sa akin? Laurang aking iniibig, bakit mo ko iniwan Sa kamay ni Adolfoy ikay sumamot akoy nilisan Kay Adolfong sakim sa kapangyarihan Pati walang salay kanyang dinadamay Oh, kay pait ng aking buhay Sa akiy tila walang nagmamahal Laurat Albanyang aking sinilangan Ako sa inyoy nagpapaalam Narrator:Habang si Florantey walang pagod sa paghihinakit Ay may isang gererong nagngangalang Aladin Isang morong wari y naliligaw ng landas At naghahanap ng lugar ng sa kanyay giginhawa Kabiguan din sa pag-ibig ang kanyang pasanin Na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab Hindi natin aakalain na magagawa ng sariling amang agawin ang pag-ibig ng anak, ipagpalit lang sa sariling ninanais Aladin: Oh kay laking hirap nitong nasa akin Na sa pag-ibig inagaw ng malapit sa akin Ako ngayoy nandito sa kagubatan Pinagtaksilan ng ama kong mapagsarili Narrator: Sa kalagitnaan ng kanyang pagdurusa Ay may narinig siyang tinig Tinig ng animoy Nasa kagubatan din

Itoy kanyang pinakinggat inunawaan Sinundan ang tinig at kanyang pinuntahan Sa mga taghoy nitong kalumbay-lumbay Ay tila naaawa sa kalagayay kanya ding pinapasan Florante: Oh Laura, Oh Laura Akoy iyong pinagtaksilat iniwan Hahayaan mo lang ba ako dito sa kagubatan? Alam kong hindi mo maaatim ang mahal mo sa kahinagpisan Aladin: Napakapait naman ng kanyang tadhana Kahabag-habag at tila wala ng pag-asa Nasaan kat tutulungan kita Dadamayan kat gagabayan kita Kailangan ko ng magmadalit makinig Sa kanyang taghoy, hindi ko na marinig Susundan ko ang iyong mga tinig Upang makapunta sa iyong lugar na ibig Narrator: Ginamit ni Aladin ang kanyang matulis na kalis sa paghawi ng mga damong hindi kanais-nais nahimatay na pala si Florantet ang moroy hindi namalayan Ngunit nakarating na pala si Aladin sa lugar na paroroonan Nang makita si Floranteng nakagapos sa higera Ay nagulat at nabigla ang morong mandirigma Sa harap ni Florantey may dalawang leon na nakaantabay Nakaantabay sa paggising at handang sumalakay Ngunit itong si Malakas ay walang uurungan Handing iligtas kahit na sinuman (Papatayin ang leon) At pinaslang ni Gerero ang dalawang kaaway Iniligtas ang taga-Albanyang walang kamalay-malay Itoy kinawala niya sa pagkakagapos At walang hirap na iniakay-akay (Biglang nagising si Florante habang naglalakad) Florante: Laura, Nasaan ka?! Tulungan mo ako ditot tayoy magsama Narrator: hindi na pinansin pa ni Aladin ang sigaw ni Florante Hindi na sumagot at hinayaan nang umidlip muli Florante: Sino kat anong pakay mo sa kin? Akoy iyong ibabat tanong koy iyong sagutin Aladin: Akoy isang Morot ngalan koy Aladin Nagligtas sa iyo sa mga leong handa kang sunggabin Alam koy may mabigat kang pasanin

Page 1 of 4

Kaya wag kang mag-alalat walang akong masamang hangarin Florante: Ngunit hindi mo ba napapansin na tayoy magkaaway? Magkaaway mula sa magkaibang kaharian Aladin: Akoy taga-Persiat ikay taga-Albanya Akoy isang Morot ikay isang Kristiyano Magkaiba man tayo ng kaharian Walang pinipili ang pag-tutulungan Narrator: Hindi na kumibo pa ang siyang may katanungan Hanggang makarating sila sa lugar na pagpapahingahan Doon ay magpapalipas ng gabi hanggang kinaumagahan Magpapalipas ng hinagpis at kalungkutan Florante: Akoy nagpapasalamat sa lahat ng iyong kabaitan Kabaitang ipinamalas noong akoy nangangailangan Balita sa Albanyang tanyag kang mandirigma Akoy isa sa iyong mga tagapaghanga Akoy humahanga sa iyong kahusayan Kahusayang makipagdigma sa kahit anong laban Aladin: Balitang iyay walang katotohanan Wala akong pakialam sa ganyang mga bagay Nang lumapis ang gabit ang araw ay mataas na Napansin ni Alading si Florantey masigla Itoy kanyang niyakap ng may kagalakan Ngunit itong si Florantey tila malungkot pa Aladin: Akala ko bay ikay panatag na Ngunit sa aking nakikitay may dinaramdam ka pa Alam kong mahirap sariwain ang problema sa nakaraan Ngunit maaari ko ba itong malaman? Kaibigan Florante: Alam kong meron kang katapatan Kaya sisimulan ko ang kuwento nung akoy isinilang Narrator: At ikinuwento niya ang kanyang nakaraan Sa isang matapat na kaibigan at maaasahan Inilahad ni Florante ang katotohanan Katotohanan sandaling tadhanay pinagkaitan Si Floranteng anak nina Duke Briseot Prinsesa Floresca Ay isinalang sa kaharian ng Albanya Nang siyay nasa kanyang ikalabing-isang gulang Ay ipinadala sa Atenas at doon pinag-aral Doon niya nakilala si Adolfong buhong sa kasaysayan At ang gurong si Antenor na may busilak na kalooban Nakilala din niya si Menandrong pamangkin ng maestro Na naging matapat at malapit niyang kaibigan Nang wala pa si Florantey si Adolfo ang tinitingala ng kalahatan Ngunit nang dumating si Florantey tila itoy inagawan Itong si Adolfoy poot ang nasa kalooban Ibinuhos ang galit sa isang dula-dulaan Antenor: Tayo ngayoy magkakaroon ng pagsasadula Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo Tanghal si Florantet Adolfo Florante bilang Poliniset Adolfo bilang Etyokles Narrator: Nang handa ng magsadulay si Adolfoy nanlisik ang mata Kay Florantey may balak na masama Balak nitong paslangin at totohanin Ngunit merong isang taong si Florantey handang saklolohin (Magsasadula, May hawak na espada ang dalawa) Adolfo: Ikaw Floranteng mang-aagaw Dapat sa yoy mamatay! (Dadating si Menandro, Ililigtas si Florante) Menandro: Ikaw Adolfo, anong nangyayari sa iyo? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang pag-sasadulay iyong tinotoo Hindi mo kailangang gawin ito Narrator: Si Adolfoy tinotoo ang dula-dulaan Ngunit si Menandroy niligtas ang kaibigan Si Adolfong may salay pinabalik sa Albanya At pagkaraay hindi na muling nakita Pagkaraay si Florantey nakatanggap ng Liham Liham mula sa Albanyang sinilangan Itoy pinadala ni Duke Briseong kanyang amang minamahal Dali-daling binasat inalam ang nilalaman Florante:Oh mahal kong ina Bakit mo ako iniwan? Akoy hindi mo nakasama nang matagal Ama, pupunta ako riyat ikay aking dadamayan Narrator: Si Florantey binasa ang liham Liham na naglalaman ng pagkawala ng ilaw ng tahanan Uuwi siya sa Albanyat magpapaalam Sa bayan ng Atenas at sa kanyang gurot mga kaibigan Florante: Akoy magpapaalam sa inyot magpapasalamat Magpapasalamat sa lahat-lahat

Page 2 of 4

(Magpapaalam, Kakaway) Narrator: Nang dumating sa bayang sinilangan Niyakap ang ama sa kaharian Tila nabalot ng kalungkutan Nang makita ang inang lumisan Duke Briseo: Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa Tadhanay hindi basta-basta Nandito kamit susuporta Magiging gabay at tagapag-aruga Narrator: Pagkatapos ay may dumating na liham Sasakupin ng Persia ang Krotona Bayang nanghihingi ng tulong Si Florantey lalaban at susulong Duke Briseo: May sulat na dumating mula sa Krotona Humihingi ng tulong ang pakay nila Nanganganib na itong sakupin Ni Heneral Osmalik na mula sa Persia Bukas silay pupunta At ipaglalaban ang bayang nag-aalsa Sa tulong ni Floranteng aking anak Maiiiligtas natin ang bayan ng Krotona Narrator: Nang dumating si Haring Linceo Itong si Florantey may naramdaman Magkahalong kabat pag-ibig Nang makita ang anak ng hari Pagkaraay napawi ang kalungkutan Nang makakita ng babaeng napupusuan Tila napalitan ng kaligayahan At nagkaroon ng pag-asat kasiyahan Itong dalagay may angking bait at ganda Anak ni Haring Linceong taga-Krotona Si Florantey kanyang nakilala Ngalan nitoy Laura Haring Linceo: Ako si Haring Linceong taga-Krotona Ikinalulugod ko kayong makilala Ibig ko nga palang ipakilala Itong anak kong si Laura Florante: Masaya akot nakilala kita Ngalan koy Florante, wala ng iba Akoy taga-dito sa Albanya Albanyang akoy tagapagmana Laura: Masaya rin akot nakilala kita

Sana tayoy magkakilala pa Upang malaman ang isat isa At maging magkaibigan o higit pa Narrator: Itong dalaway hindi namalayan Puso nilay magkasingkahulugan Hanggang silay maging magkasintahan At lubos na nagmamahalan Ngunit panahoy dumating At sila mawawalay sa isat isa Itong si Florantey makikipagdigma Ipaglalaban ang bayan ng mahal niya Haring Linceo: Ngayoy araw ng pakikipagdigma At si Florantey makikipaglaban Laban para sa bayan At sa kanilang pagmamahalan Florante: Laura, Ikay maghintay Babalik akot ikay babalikan Laura: Pangako, Florante Ikay aking hihintayin Narrator: Itong si Florantey lumaban Lumaban para sa bayan Krotonang sinakop ng Persia Bayan ng kanyang sinta Sa kagalingan nitong si Florante Bayan ng Krotonay naibalik Dating sakop ni Heneral Osmalik Ngayoy nasa kamay ng tunay na hari (Babalik sa Albanya, Kukumustahin si Laura) Florante: Oh, Laurang aking iniibig Akoy nagbalik Krotonay aming naibalik Sa kabutihan itoy manunumbalik Laura: Mabutit ikay nasa mabuting kalagayan Akoy nag-alala sa iyot lagi kang pinagdarasal Ngunit ngayoy ikay nasa aking piling Maluwag na ang aking kaloobat nabunutan ng tinik Narrator: Si Florantey Heneral na At sa digmaay parating nanalo siya Tila wala siyang kabiguan Sa lahat ng kanyang nagiging laban Ngunit isang araw ng kanyang pakikipagdima Ay umuwi sa Albanya nang nag-iisa

Page 3 of 4

Uuwian ang kasintahang naghihintay Sa pagdating niyay siyay babalikan Ng makapasok ito sa kaharian Ay pinaligiran siya ng mga kawal Kawal ni Adolfong kaaway Adolfong sinakop ang kaharian Itong si Florantey hindi makapaniwala Na si Adolfong itoy kanyang magagawa Pinaslang si Briseot Linceo nang walang awa Karibal pala ni Florante sa pag-ibig ni Laura Si Florantey walang kalaban-laban Dinakip at ipinatapon sa kagubatan Sa mga hayop balak gawing hapunan Utos ni Konde Adolfong gahaman sa kapangyarihan (Balik sa eksena ni Florante at Aladin) Florante: Iyoy nangyari sa akin Nung sandaliy akoy malasin Ngayoy hindi ko alam ang aking gagawin Hayaan ko na lang ang tadhanay lumapit sa akin Aladin: Iyong mga kuwentong hindi naiiba sa akin Masakit man sabihin Ama ko pa ang naging pasakit sa akin Amang nag-alaga at kumalinga sa akin Fleridang aking kasintahan Ay inagaw sakin ng haligi ng tahanan Sa utos nitong akoy paslangin Fleriday handang magligtas sa akin Narrator: Sa kasalukuyay may nasa gubat din Silay nakarinig ng tinig Tinig ng pamilyar na boses Boses ng dalawang nag-uusap na binibini Itoy kanilang sinundan Tinuntun at hinanap At nang natagpuan nilay Silay nagulat at nabigla Itong dalawang babaey kanilang iniibig Si Florante kay Laura At si Aladin kay Flerida Tadhanay pinagtagpo ang apat Laura: Oh, Floranteng aking iniibig Akalain nating dito tayo magkikita Ang landas natin ay pinagtagpo ng tadhana Tadhanang minsay napakadamot sa madla

Si Adolfoy akoy pinagtangkaan Tinakasan ko siya at tinakbuhan Sa kagubatan akoy napadpad Ngunit akoy kanyang hinabol at sinundan Mabuti na lang at akoy nakatagpo ng kaibigan Kaibigan na maaasahan Siya si Fleridat akoy iniligtas Iniligtas mula kay Adolfong lapastangan (Niyakap si Florante) Flerida: Ang ama moy aking tinakasan Tinakasan kot hindi ako nasundan Pumunta ako sa kagubatan Upang hanapin kat ikay balikan Ngunit may nakita akong tao Taong nangangailangan ng tulong ko Itong si Lauray pinagtatangkaan Ng isang lalaking Adolfong nagngangalan Balak kong itoy tamaan Ng pana na aking hinahawakan Nang pinana ko siyay namatay Si Laura nagkaroon ng kapanatagan Si Lauray nagpasalamat sa akin Kaya pinasya ko siyang kaibiganin Kamiy nag-usap at nagkwentuhan Habang naglalakad dito sa kagubatan Kayong dalaway nakakita sa amin Napakabait ng tadhana sa atin Tayoy dapat maging masayat damhin Ang kaloob ng diyos na bigay sa atin (NIyakap si Aladin) (Biglang dumating si Menandro) Menandro: Kayo palay nagkatagpo na Babalik na sa dating ganda ang Albanya Si Adolfoy wala na sa puwesto Si Florante ang uupo sa trono Mabuhay ang Albanya!! Narrator: Floranteng namuno sa kaharian Albanyang bumalik sa dating kaayusan Pag-ibig na hindi matitibag ng ninuman Kahit pa mayroong mataas na kapangyarihan

Group 3
Page 4 of 4

You might also like