You are on page 1of 18

Page 1

Florante at Laura Script

"Florante at Laura "

(Gubat sounds)
Tagapagsalaysay (SALAMO): Madilim, masukal, tahimik at mapanganib. Ito ang mga
katangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin magsisimula ang kwento ng matamis na pag-iibigan nila
Florante at Laura.
(naghahabol ng hininga at binubugbog sounds)
Tagapagsalaysay (SALAMO): Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng
paulit-ulit at hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante.

Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang kaharian
kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.

Florante (DAGOC): O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,
nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)

Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang
awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!
Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke Briseo na aking
ama ay kanyang dinamay.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Sandaling nanahimik si Florante dahil sa sama ng loob

(umiyak sandali) matapos manahimik ay muli siyang tumawag sa Panginoon.

Florante (DAGOC): O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mga panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy
maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.

Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong
tulungan!

Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.

Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!

(Gubat sounds)
Tagapagsalaysay (SALAMO): Habang nagdudusa si Florante sa gubat, isang Gererong
Morong nagngangalang Aladin ang dumating sa gubat na pagod na pagod at naghahanap ng pagpapahingahan.

Aladin (ZONIO): Oh Flerida! Flerida! Ama ko! Bakit mo ako natiis na magdusa nang dahil sa aking irog? Di yata’t
ikaw na rin ang umagaw sa aking kaligayahan! Kung hindi ang iginagalang kong ama ang umagaw kay Flerida,
hindi ko masabi kung ang aking sandata’y bumuga ng laksang kamatayan.

(Gubat sounds)
Tagapagsalaysay (SALAMO): Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinig siyang tinig sa
kagubatan at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.

Aladin (ZONIO): O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis na tao. Sino kaya siya?
Florante (DAGOC): Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan sa kamay nang taksil na si Adolfo. Si
Adolfong malupit at higit pa sa halimaw kung manakit.
Page 2

Aladin (ZONIO): Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y pinahirapan at
pinagtaksilan.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagkatapos na marinig ni Aladin si Florante ay nagmuni siya

ng isang malaking problema.

Aladin (ZONIO): Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap lutasin dahil sa aking
sintang inagaw.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina ang

boses na kanyang narinig…

Aladin (ZONIO): Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na maabutan ang taong

iyon…

(Pag-aalis ng halaman sounds)

Tagapagsalaysay (SALAMO): Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang mga sagabal sa
pamamagitan ng kanyang kalis. Nang Makita niya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong
dalawang leon. (Ungol ng leon)
Siya ay naghanda at nilusob ang mga leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay pinakawalan niya
si Florante.

Aladin (ZONIO): Parang nakita ko na ang taong ito?

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at……

Florante (DAGOC): Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito…

Tagapagsalaysay (SALAMO): Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si

Florante…

Florante (DAGOC): Sino ka at bakit ako narito?

Aladin (ZONIO): Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa iyo.

Florante (DAGOC): Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?

Aladin (ZONIO): Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong.

Florante (DAGOC): Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit ang
pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.

Aladin (ZONIO): Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!

Tagapagsalaysay (SALAMO): Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si

Florante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi. (Gabi sounds)

Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.
Page 3
Florante (DAGOC): Maraming salamat sa lahat ng tulong mo kaibigan!

Tagapagsalaysay (SALAMO): Inaliw ni Aladin si Florante ngunit napansin nitong

malungkot pa rin siya.

Aladin (ZONIO): Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang malaman?

Florante (DAGOC):Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako'y ipinanganak.

(Gubat at flashback sounds)

Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo,
ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay
pinangalanan nilang Florante.

Noong sanggol pa lamang ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre.

(WILD VULTURE SOUND/INTENSE)

Nakita ng pinsan kong si Menalipo na ako ay dadagitin ng buwitre kaya Dali-Dali niya itong pinana at
napatay. At noon namang naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking dibdib ang aking Cupidong
Dyamante. Buti na lang at Hindi ako napahamak.

Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't busog at
ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay nagpapahinga at
naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang tinutugtog nila ang
kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod. (sinasalaysay habang inaarte ng
batang Florante).

Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil ako'y
lilisan. (RECORDED WITH DRAMATIC SOUND EFFECTS)

Prinsesa Floresca (CRISTOBAL,BRIANA): Bakit kailangan pa niyang umalis?

Duke Briseo (DEGUZMAN): Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-aaral ano ang
kanyang magiging kinabukasan.

Prinsesa Floresca (CRISTOBAL,BRIANA): Sino ang mag-aaruga sa kanya roon?

Duke Briseo (DEGUZMAN): Aalagaan siya ng kanyang mga guro't kaibigan doon.

Florante (DAGOC):Sa mga sinabi ng ama ko ay nakumbinse niya si ina upang ako'y lumisan.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Sa pagdating ni Florante sa Atenas…

Antenor (DELOS SANTOS): Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang magiging guro
mo dito sa Atenas.

Florante (DAGOC): (malungkot na malungkot) Salamat po!

Antenor (DELOS SANTOS): O, bakit tila kay lungkot mo?

Page 4
Florante (DAGOC): Ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.

Antenor (DELOS SANTOS): Hayaan mo, lilipas din yan.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Sa isang buwang pagtigil ni Florante sa Atenas ay

kapansin-pansin na palagi siyang tulala at di makakain.

Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan. Napansin niya
ang pinong pagkilos nito.

Makaraan pa ang anim na taong pag-aaral……

Antenor (DELO SANTOS): Binabati kita Florante! May talento ka sa pilosopiya,astrolohiya at matematika.

Florante (DAGOC): Salamat po!

Tagapagsalaysay (SALAMO): Dito nagsimulang magalit si Adolfo dahil nasasapawan na siya ni Florante.

Isang hapon, tinipon ni Antenor ang mga estudyante.

Antenor (DELO SANTOS): Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng dalawang Apo. Si Florante ang
mangunguna bilang Polinise at si Adolfo bilang Etyokles.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Nang magsimula na ang dula-dulaan. Nanlisik ang mata ni Adolfo kay Florante.
(INTENSE SOUND EFFECTS)
Adolfo (DE LEON): (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko, dapat kang mamatay.

Menandro (GALICIA): (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigil mo ang iyong kahibangan.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Natapos ang pagdiriwang at di na nakita si Adolfo.

Makalipas pa ang isang taon, isang sulat ang dumating para kay Florante.
*babasahin ang sulat*
(EMOTIONAL SOUND EFFECTS)
Florante (DAGOC): (malungkot) HINDI!!!!! Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa
matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay! (walang patid ang pag-iyak)

Tagapagsalaysay (SALAMO): Dalawang buwan pa si Florante sa Atenas bago dumating ang kanyang sundo.

Florante (DAGOC): Maestro, paalam na po.

Antenor (DELO SANTOS): Florante, tandaan mo palaging mag-iingat kay Adolfo.

Florante (DAGOC): Salamat po sa lahat. Tatandaan ko po ang inyong bilin.

Menandro (GALICIA): Mag-iingat ka Flortante. Kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang kami.

Antenor (DELO SANTOS): Menandro, sumama ka kay Florante sa Albanya.

Menandro (GALICIA): Salamat po.

Page 5

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagdating sa Albanya…… (PEACEFUL SOUND EFFECT)

Florante (DAGOC): (humalik sa kamay ng ama) O aking ama!

Duke Briseo (DEGUZMAN): (niyakap ang ama) O bunso.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Biglang may dumating na isang mensahero.

Mensahero (ANZANO): Magandang araw po. Humihingi ng tulong ang Krotona sa inyo dahil nanganganib po na
masakop ni Heneral Osmalik.

Duke Briseo (DEGUZMAN): Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.

(Karuwahe sounds)

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagdating sa palasyo, sinalubong sila ni Haring Linceo.

Duke Briseo (DEGUZMAN): Mahal na hari, ang aking anak na si Florante.

Haring Linceo (GOÑA): Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa aking trono. Pansamantala
pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona. Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng
karangalan.

Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong kahusayan sa Atenas. Walang pagdududa na iyong
namana ang mga katangian ng iyong
ama.

Florante (DAGOC): Maraming salamat po sa papuri. Ginawa ko lang po ang nararapat.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Nasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.

Florante (DAGOC): Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang binibining iyon?

Haring Linceo (GOÑA): Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami
ng iyong ama.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pumasok si Haring Linceo sa loob ng palasyo at nilapitan naman ni Florante si
Laura.
(ROMANTIC SOUNDS)
Florante (DAGOC): Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin. Tila kabigha-bighani ang
kayo sa aking paningin

Laura (DUITIZ): Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kang ikinuwento sa akin ng iyong ama.

Florante (DAGOC): Sana'y makilala pa kita ng lubusan.

Laura (DUITIZ): Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.

Florante (DAGOC): Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na ang piging.
Page 6

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagkatapos ng tatlong gabing piging…

Haring Linceo (GOÑA): Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda para bukas.

Florante (DAGOC): Maraming salamat po sa paalala. Magandang gabi rin po.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Kinabukasan…

Duke Briseo (DEGUZMAN):Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.

Florante (DAGOC): Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo, Haring Linceo.

Haring Linceo (GOÑA): Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.

Florante (DAGOC): Salamat po.

Laura (DUITIZ): Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka. Paalam.

Florante (DAGOC): Pangako, Laura. Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng lahat!

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.

Osmalik: Sugod!

Florante (DAGOC): Sugod!

*digmaan* (INTENSE AND WAR SOUND EFFECTS)

Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang kawal) Isa…
Dalawa… Tatlo… Takbo!

Florante (DAGOC): Nanalo tayo!! Mabuhay ang Albanya!

Mga kawal: Mabuhay!!

Tagapagsalaysay (SALAMO): Sa pagbalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga di-binyagan na
may dalang isang babae.

Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?

Florante (DAGOC): Kami'y mga taga-Albanya./ Pakawalan niyo ang babaeng iyan!

*labanan* (INTENSE AND SWORD FIGHTING SOUND EFFECTS)

Florante (DAGOC): Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito. Maari ko bang malaman ang
iyong pangalan?

Laura (DUITIZ): Ako ito, Florante. Si Laura. Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.
Florante (DAGOC): Salamat sa pag-aalala. Kamusta ka na?
Page 7

Laura (DUITIZ): Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May bayang malapit dito na
pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may masamang mangyari sa
kanya? Paano kung...

Florante (DAGOC): Kumalma ka. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Makalipas ang ilang linggo…

Florante (DAGOC):Nanalo ulit tayo!!!

Haring Linceo (GOÑA): Salamat naman at dumating ka.

Florante (DAGOC): Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Matapos noon ay bumalik na ang lahat sa Albanya.

Haring Linceo (GOÑA): Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala ulit kita sa Etolya para lumaban sa mga
turko. Mag-ingat ka.

Florante (DAGOC):Pupunta po kami kaagad.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Makalipas ang ilang araw…

Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.

Florante (DAGOC): Maraming salamat, maaari ka ng umalis.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Pagkatapos basahin ni Florante ang liham, pinatawag niya si Menandro.

Florante (DAGOC): Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako ng hari. Ikaw
muna ang mamahala dito.

Menandro (GALICIA): Ikararangal ko ito.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-iisa. Pagdating niya ay pinaligiran siya
ng mga kawal.
(INTENSE SOUND EFFECT)
Florante (DAGOC): Anong ibig sabihin nito?!

Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Dinala si Florante sa palasyo at nakita si Adolfo.

Adolfo (DE LEON): Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap. Kuwentuhan mo naman ako.

Florante (DAGOC): Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!

Adolfo (DE LEON):Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko.. Magpaalam na ang
iyong amang si Duke Briseo.
Page 8

Florante (DAGOC):Papatayin kita, papatayin kita!

Adolfo (DE LEON): Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko…

Tagapagsalaysay: At doon nagwakas ang pagsasalaysay ng buhay ni Florante…

Florante (DAGOC): At ganoon nga ang nagyari.

Aladin (ZONIO): Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay… Ang ngalan ko'y Aladin mula sa
syudad ng Persya. Anak ng bantog na sultan Ali-Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng sarili kong
ama.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Sa madilim na parte ng kagubatang Albanya mapagnasang si Adolfo’y

kabig-kabig si Laura
(INTENSE SOUND EFFECTS)
Laura (DUITIZ): Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?! Bitiwan mo ako Adolfo! Ako ay para lamang
kay Floranteng giliw ko, Ang tulad mong taksil at duwag sa pag-iibigan naming ni Florante’y hindi makatitibag

Adolfo (DE LEON): O, Laurang prinsesa huwag mo akong galitin ang Floranteng sinta mo’y hindi na aabutin sa
dilim Katawan niya ngayo’y pinagpipyestahan na wari ng mga Leon kaya’t wala kang ibang pagpipilian
kundi…..mapasa akin.

Laura (DUITIZ): Mas pilpiliin ko pang mamatay, o Adolfong Sukab Kung wala na si Floranteng sinta aanhin ko pa
ang buhay! hindi ako papayag na mapasaiyo, at ipinapangako ko di ka magtatagumpay sa iyong plano

Adolfo (DE LEON): nauubos na ang Pasensiya ko kakaintindi sa iyo wala na Si Floranteng sinisinta mo!

Flerida (FLOREN): Itigil mo yan! (pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)

Aladin (ZONIO):(maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam na sila pala ito) Huh?!...
Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?

Florante (DAGOC): Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggan nila ito)

Flerida (FLOREN): Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari
na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa kaharian.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Di na nakatiis si Florante at Aladin… Kaagad nilang nilapitan ang kanilang
sinisinta. Wari bang sabik sa pagmamahal ng isa't-isa.
(ROMANTIC SOUND EFFECTS)
Florante (DAGOC):O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi nagkita!

Laura (DUITIZ): Mahal ko!

Aladin (ZONIO): Flerida! Aking sinta!

Flerida (FLOREN): O Aladin…

Page 9
Florante (DAGOC): Pano ka napadpad dito, Laura?

Laura (DUITIZ): Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ng kamatayan…
(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong pagtangkaan ni
Adolfo… Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong ama na si Duke Briseo.

Flerida (FLOREN): Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya ni Adolfo kaya kinuha ko ang
busog at palaso at pinana ko sa dibdib ang walang-awang hangal.

Florante (DAGOC): Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon ay masaya na tayong lahat at
magkakasama.

Tagapagsalaysay (SALAMO): Habang sila ay nag-uusap ay dumating si Menandro at ang

kanyang mga sundalo. Dapat ay hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga kasalanan nang Makita
nilang maayos na ang lahat..
Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa Albanya. Masaya ang mga tao na nakita silang
maayos na nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante at Laura at maging Nina Aladin at Flerida
matapos sila kapwa magpabinyag.

Aladin (ZONIO): Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na
sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't
matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang kamustahin kayong
mag-asawa. Paalam kaibigan!

Tagapagsalaysay (SALAMO): Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo ay pinalitan sila ni Florante.
Sa kanyang, paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng kaharian. Namauli ang kapayapaan, umunlad muli
at bumalik rin sa dati ang mga tao.

*:WAKAS:* (END)

You might also like