You are on page 1of 17

FORMAT:

ACT # (UPPER LEFT SIDE, BOLD)


SCENE # (CENTER, BOLD)
SETTING (Center, right under Scene #)

Stage Scene description of what the stage will look like upon opening of scene in ITALICS

CHARACTER: indent 3” all caps


Lines Indent 3”
Lines
Lines

(Director’s Notes, Stage Notes in ITALICS, enclosed in parenthesis)

MUSIC, SFX INSTRUCTIONS in BOLD

ADDITIONAL NOTES:
(Put in parenthesis, colored font– RED- Yesha, BLUE- Jed)
Or use comment box

FOUR ACTS
ACt 1 Florante
S1: Sa Gubat
S2: Kabataan ni Florante
S3: Sa Paaralan
S4: Pagtatalo ni Florante at Adolfo
S5: Balita mula sa Kaharian
S6:
Act 2 Aladin
Act 3 Laura
Act 4 Flerida

Lahat ng scene na nagkita sila sa Gubat, patula, tulad ng orihinal na komedya. Maaring
humalaw mula sa orihinal na Florante at Laura, paikliin, pagsamasamahin.

LINK>> modern Filipino version ng Florante at Laura sa original na syllabic version


https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version_236.html

Lahat ng EKSENA na flashback, story kung ano ang nangyari, maaring conversational
pero masining na pagkakabigkas. Halimbawa ay makikita sa Eksena 2, 3
ACT 1- SI FLORANTE

EKSENA 1: SA GUBAT

Kagubatan ng Albania

(Makikita ang isang lalaki, si FLORANTE na Duke ng Albania, na nakatali sa isang


malaking puno na naghihinagpis)

FADE IN, Soft, sad, background music for FLORANTE <Florante BG MUSIC>

SFX: Tunog ng kagubatan

FLORANTE:
Mahiganting langit! O maparang kapalaran!
Bakit ganito ang iyong kalooban
Iyong aba’y lubusang pinagkaitan
Nang Kalayaan at kinabukasan

Sa mapanglaw na kagubatang ito,


Ako’y iniwang naghihingalo,
**(Hihiyaw na parang mamamatay sa kawalan ng pag-asa)

Sa korona dahil ng Haring Linceo,


at sa kayamanan ng dukeng ama ko,
ang ipinangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.

Ay! Laurang iniibig bakit isinuyo


sa iba ang sintang sa aki'y pangako;
Iyong pinagtaksilan ang tapat na puso
Ipinagpalit sa traydor na si Adolfo.

Ngayon ang puso’y naghihinagpis


Ano ang kasasapitan at ako’y tinitiis?
Ang aking buong katuwira't bait,
pinayagang mong ilubog ng lupit.

FADE OUT, FLORANTE background music


**KATAHIMIKAN**

FADE IN, ALADIN background music

(Makikitang papasok sa entabblado ang isang moro, si ALADIN, na titngin tingin sa paligid.
Matapos ay titingin sa kalangitan)

FADE OUT, Aladin music bg

ALADIN:
O palad!
(mapapaluhod na parang nawalan rin ng pag-asa)

ALADIN:
(Puno ng hinagpis)
O Flerida kong iniibig,
Ikaw ay inagaw ng aking ama nang pilit
Ang aking galit ay abot ng langit

O pagsintang labis ng kapangyarihan,


sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang!

(Nakaluhod pa rin at yuyuko na parang umiiyak)

FADE IN, Music background for FLORANTE then FADE OUT

FLORANTE:
Ay aking amang iniibig!
Bakit ang buhay mo'y naunang napatid,
ako'y inulila sa gitna ng sakit?

(Titingin si ALADIN sa direkson ni FLORANTE, mapapatayo at lalapit sap


uno)

ALADIN:
O mahabaging kapalaran!
Bakit ganyan ang iyong kinasapitan
Ano ang iyong pangalan
Ikaw ay aking tutulungan

FLORANTE:
Ikaw estranghero,
Ikaw ay isang moro!
Kalaban ng aming kaharian
Lumayo ka sa akin, hindi ka kailangan

SFX Maririnig ang *growl* ng leon

FLORANTE:
Mga leon!

ALADIN:
(Haharap sa isang bahagi ng entablado kung nasaan ang leon, makikipag-
laban at itataboy ito)

SFX Espada at Leon—Labanan, FADE OUT pag tapos na ang labanan

(Matapos ang pakikipag-laban sa Leon, muling haharapin ni Aladin si


Florante)

ALADIN:
Ipinahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako'y Persiyano;
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko,
sa lagay mo ngayo'y magkakampi tayo.

(Aalisin ni ALADIN sa pagkakatali si Florante at tutulungan syang umupo ng


maayos)

FLORANTE:
Kundi mo kinalag sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa tiyan ng leon.

ALADIN:
Kumain ka muna kaibigan,
Ikaw ay magpalakas
Ako’y narito, ikaw ay tutulungan

FADE IN, background music

NARRATOR:
Inalagaan ni Aladin si Florante ng magdamag. Pinakain ng kanyang baon ang
dalawang araw na nakagapos sa gubat, bago dinatnan ng saklolo o tulong.
Ito'y binantayan ng Moro habang natutulog dahil sa laki ng panghihina ng
katawan. Sa pagkagising ni Florante, lubos na nagpasalamat sa Maykapal at
sa kanyang tagapagligtas na butihing kalaban.

(Papakainin ni Aladin si Florante at pupunasan ang mga sugat. Makikitang


uupo ng maayos si Florante sa tabi ni Aladin, sila ay akmang nag-uusap)

FLORANTE:
Sa kaharian ng Albanya, ako’y nagmula
Anak ng Dukeng Briseo at Prinsesa Floresca

Si Ina’y nagmula sa kaharian ng Krotona


Ang aking ama’y tagapayo naman
Ng Haring Linceong makatarungan.

Sa iyo’y ilalahad ang aking kabataan


Upang istorya ko’y iyong maunawaan

MUSIC FADE IN, KABATAAN BACKGROUND MUSIC

CHANGE SET
EKSENA 2: Kabataan ni Florante

Kaharian ng Albania

(Papasok sa entablado si Prinsesa Floresca na bitbit ang sanggol na si Florante habang siya
ay naglalakad na parang namamasyal sa hardin. May upuan sa entablado kung saan uupo si
Prinsesa Floresca)

BG MUSIC FADES OUT,

SFX: Ibong buwitre

(May aaligid na buwitre na umiikot ikot sa langit)

(Papasok sa entablado si Menalipo na patakbo)

MENALIPO:
Prinsesa Floresca, mag-ingat ka sa buwitre!!!
(Papanain ni Menalipo ang buwitre at ang buwitre ay aalis)

P. FLORESCA:
Salamat, Menalipo, salamat sa pagtatanggol mo sa amin.
Napakabuti mong pinsan kay Florante

MENALIPO:
Walang anuman Prinsesa Floresca.

P. FLORESCA:
Hinahanap mo ba ang Duke Briseo na aking asawa?
Siya ay pinatawag ng Haring Linseo sa palasyo ng Albanya.

MENALIPO:
Kumusta naman ang iyong amang Haring Krotona?

P. FLORESCA:
Mabuti, Mabuti. Nitong nakaraan ay pinadalhan niya kami ng kupidong
dyamante para kay Florante na kanyang apo.

(Lalabas ang dalawa sa entablado)

MUSIC FADE IN as SCHOOL BACKGROUND MUSIC

CHANGE SET
EKSENA 3: SA PAARALAN

Atenas, Paaralan ni Florante

Makikita sa entablado mga mag-aaral sa Atenas, gayundin si FLORANTE, ANTENOR,


MENANDRO, ADOLFO, atbp na mag-aaral (extra) na nag-uusap-usap. Makikita ang dalawang
grupo--si Adolfo na kausap ang ilang mag-aaral, si Menandro na kausap si Antenor at isa pang
mag-aaral.

NARRATOR:
Nang si Florante’y tumuntong sa edad na labin-isang taong gulang, siya ay
pinadala sa Atenas upang mag-aral sa ilalim ng pagtuturo ni Antenor. Dito
makikilala ni Florante si Menandro na kanyang magiging matalik na kaibigan,
at si Adolfo na kanayang magiging mahigpit na katunggali.

ANTENOR:
(Tinatawag si FLORANTE na papasok sa entablado at pupuwesto sa tabi ni
Antenor)
Florante, Florante.
Halika dito upang ikaw ay ipakilala
Kay Menandro na iyong ka-iskwela
At kay Adolfo na kapwa mong taga-Albanya

MENANDRO:
Pagbati Kaibigan, pagbati sa’iyo
Ako si Menandro, isa ring estudyante dito.
Palagay ko’y magkakasundo tayo.

ANTENOR:
Si Adolfo nga pala ang pinakamahusay na mag-aaral dito sa Atenas.

ADOLFO:
Ako nga pala si Adolfo, ang anak ni Konde Sileno
Parehas mong nagmula sa Albanya.

FLORANTE:
Ako ay nagagalak na kayo ay makilala.

(Magkukuwentuhan ang mga mag-aaral at si Antenor habang unti-unting


lalabas ng entablado)

MUSIC FADE IN, NARRATOR BG MUSIC


EKSENA 4: ANG PAGTATANGKA NI ADOLFO

SA BUHAY NI FLORANTE

Atenas, Paaralan ni Florante

Sa entablado na nakapwesto ang mga tauhan na gaganap sa pagsasadula sa istorya nila


Etiocles at Polinese. Si FLORANTE (Etiocles) at ADOLFO (Polinese) ay naka-tableu na parang
naglalaban. Si ANTENOR at MENANDRO naman ay nasa gilid na nanood kasama ang ilang
mag-aaral.

NARRATOR:
Ilang taon ang lumipas sa pag-aaral sa Atenas, nahigitan ni Florante ang
antas at kahusayan ng lahat ng kanyang kamag-aral, kabilang si Adolfo. Siya
ay tinaguriang pinakamahusay sa lahat ng antas mula sa akademiya,
kahusayan sa larong pisikal at maging sa artes.

Nagdesisyon ang gurong si Antenor na magkakaroon ng dula kung saan


gaganap bilang Eticles si Florante at Polinese naman si Adolfo. Ito ay isang
dula kung saan maglalaban ang mga karakter upang maging tagapagmana ng
kaharian…

(Gagalaw ang tableu matapos ang pagsasalita ng Narrator)

(Seryosong labanan ang ipinapakita ni ADOLFO habang si FLORANTE


naman ay nagtatangkang umiwas)

FLORANTE:
(Habang nagdedepensa sa labanan)
Sandali lamang Adolfo, tayo ay nasa isang dula lamang. Hindi kailangan na
lakasan ang paghambalang ng iyong espada.

(Lalong lalakasan ni Adolfo ang pakikipag-espada)


(Mapapaatras si Florante at tutumba, akmang sasaksakin sya ni Adolfo ngunit
pipigilan ito ni MENANDRO)

MENANDRO:
Itigil na natin ang dulang ito ADOLFO!
Baka iyo pang mapatay si FLORANTE!!

ADOLFO:
(Isang malakas na hampas at padabog na ititigil ang laban)
Hindi ba’t ito’y tunay na labanan sa kung sino ang mas mahusay?
Ako lamang ang pinaka mahusay at hindi si Florante!

(Tatakbo palabas ng entablado, susundan ng isang kamag-aral. Sa kabilang


dako ng entablado ay tinutulungan ni Menandro si Florante na maayos ang
kanyang kasuotan).

(Tatakbo pabalik ang kamag-aral na humabol kay Adolfo, humahangos)

KAMAG-ARAL:
Ginoong ANTENOR! Florante! Menandro! Mga kamag-aral!
Si Adolfo ay tuluyang umalis dala ang kanyang kagamitan at sumakay ng
kabayo. Siya daw ay aalis na at tutungong Albanya.

(Magsasalita ng sabay-sabay ang mga tao sa entablado; may kaunting


kaguluhan)

ANTENOR:
Siguro ay di kinaya ni Adolfo ang kahihiyan ng kanyang ginawa kay Florante.
Maging aral nawa ito sa inyong mga mag-aaral.

MENANDRO:
Florante, ikaw at mag-iingat kay Adolfo sa mga susunod na pagkakataon na
magkikita kayo sa Albania..

(Tatango si Florante sa pag-sang-ayon. Unti-unti na lalabas ng entablado ang


mga karakter)

MUSIC FADE IN, BACKGROUND MUSIC


EKSENA 5: ANG PAMAMAALAM NG ISANG INA

Atenas, Paaralan ni Florante

Makikita na papasok si FLORANTE sa entablado. Susunod si Menandro na may hawak na


papel. Iaabot ito kay Florante.

MENANDRO:
Florante, may liham na nagmula sa iyong ama. Siguro ay balita sa inyong
tahanan?
(Iaabot ang liham)

FLORANTE:
(Babasahin ang liham)

DUKE BRISEO (VOICE OVER):


Pinakatatangi naming anak, FLORANTE,
Nais kong ipabatid sa’iyo nang buong kalungkutan ang pagpanaw ng iyong
inang si Prinsesa Floresca. Ikaw ay aming hinihintay na magbalik sa Kaharian
ng Albanya. Gayundi na ikaw ay ipinatatawag ng ating Haring Linceo para sa
isang napakahalagang bagay.

Ang iyong amang nagmamahal.

FLORANTE:
Ina kong sawi, bakit hindi hinintay ang anak na tangi?
(Mag-eemote, sya ay aaluin ni Menandro)
(Lilingon kay Menandro)
Menandro, kailangan kong magtungo sa Albanya sa pinaka madaling
panahon!

MENANDRO:
Bilang iyong matalik na kaibigan, nais kong samahan ka Florante.

FLORANTE:
Kung gayon tayo’y maghanda. Tayo ay tutungo sa palasyo ni Haring Linseo
ng Albanya.

(Lalabas ng entablado ang dalawa)

MUSIC FADE IN, BACKGROUND MUSIC


EKSENA 6: PAHINGI NG TULONG NG ALBANYA AT KROTONA

Palasyo ng Albanya

Makikita sa Entablado si DUKE BRISEO, kasama sila H. LINCEO at H. KROTONA at mga


kawal, mandirigma. Sila ay nag-uusap usap ng tahimik. Papasok naman sa entablado si
FLORANTE kasama si MENANDRO.

DUKE BRISEO:
(Sasalubong ng yakap kay FLORANTE)
Maligayang pagbabalik sa ating kaharian, anak!

FLORANTE:
Ama! (Ilang segundo ng katahimikan na ang mag-ama ay magkahawak
kamay na nagdadalamhati)
(Ipapakilala si MENANDRO)
Ito nga pala ang aking matalik na kaibigan na si MENANDRO

MENANDRO:
(Yuyuko ng paggalang) Ang iyong lingkod, Duke Briseo.

DUKE BRISEO:
Florante, alam kong ikaw ay nagluluksa pa rin sa pagkawala ng iyong
mabuting ina. Ngunit, may bagay na kailangan nating harapin.

Narito ang Hari ng Krotona na ama ng iyong inang si Prinsesa Floresca, at


ang Haring Linceo. May panganib na kinakaharap ang ating mga kaharian.

HARI NG KROTONA:
Magiting na Florante, batid ko sa mga liham ng iyong ina na ikaw ay isang
mahusay na mag-aaral at mandirigma. Ang ating kaharian ng Krotona,
kabilang ang mga karatig na kaharian ng Albanya ay kasalukuyang
sinasalakay ng mga persiyano sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Sultan na
si Ali-adab at ng Heneral na si Osmalik.

HARING LINSEO:
Kailangan nating bumuo ng pwersa na lalaban sa mga pagsalakay na ito ni
Henral Osmalik.

Napag-usapan namin ng Hari ng Krotona at ng iyong amang si Duke Briseo


na ikaw ang pinakamahusay na mandirigma at lider na maaring manguna sa
ating hukbo.
FLORANTE:
Malugod ko pong tinatanggap ang inyong pagpapasya at nagpapasalamat sa
inyong tiwala sa aking kakayahan. (Yuyuko bilang pagrespeto)

HARI NG KROTONA:
Kung gayon ay napagpasyahan na! Si Florante ang ating kampeon at
mangunguna sa ating hukbo.

LAHAT NG KAWAL:
Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Albanya! Mabuhay ang Krotona!

(Papasok sa entablado si Laura at hahalik sa kamay ng amang Hari na si


Linceo). (Mapupukol ang tingin ni Flourante kay Laura) (Samantala, ang mga
kawal ay lalabas na ng entablado, habang si Duke Briseo at Hatri ng Krotona
ay tahimik na nag-uusap sa likod habang unti-unting lalabas ng entablado)

HARING LINSEO:
Florante, nais ko nga palang ipakilala ang aking anak na si Prinsesa Laura.

FLORANTE:
Ikinagagalak kong ikaw ay makilala Prinsesa Laura.

LAURA:
Ako man ay ganun din, Ginoong Florante.

(Tahimik na magpapaalam si HARING LINCEO at lalabas ng entablado.


Lalabas na rin si MENANDRO sa entablado kasabay ni Haring Linseo.
MANANTILI sa entablado si FLORANTE at LAURA)

MUSIC FADE IN SOFTLY AS BACKGROUND


EKSENA 7: ANG PAG-IIBIGAN NI FLORANTE AT LAURA

Palasyo ng Albanya

Makikita pa rin sa entablado si FLORANTE at LAURA. Kung kaya, maaring maglagay ng bench
para dito maaring umupo ang magkasintahan.

FLORANTE:
Kung iyong mamarapatin,
nais kong sabihin ikaw ay kasing ningning
ng mga dyamante at sa langit na bituin…

Sa iyong kagandaha’y ako’y nahalina


Ako ay parang nawalan ng hininga
Oh Laura, ikaw ay sinisinta
Kahit sa maikling panahong ikaw ay nakilala

(Luluhod sa harap ni Laura at hahalik sa kamay nito)


(Ipapakita sa pag-arte na si Florante at Laura ay nagkakamabutihan na

LAURA:
(Habang nakaluhod si Florante, ay luluhod rin si Laura sa lebel ni Florante)
Oh Florante, aking liyag
Ako ay iyong napahanga sa iyong ipinamalas
Ang kampeon ng Albanya at Krotona
Ikaw ay mag-iingat sa iyong paglalayag.

Asahan mong ikaw ay hihintayin


Pag-ibig mo’y laging paka-iisipin
Ang iyong mutya’y tahimik na mananalangin
Sa ligtas na iyong pagbabalik din.

(Magyayakap ang magkasintahan)


EKSENA 8: ANG PAG-SAGIP SA PALASYO NG ALBANYA

Palasyo ng Albanya

MUSIC FADE IN, NARRATOR’S MUSIC BACKGROUND

NARRATOR:
Magiting na pinangunahan ni Florante ang hukbo ng Albanya at Krotona. Sa
huling bahagi ng digmaan ay limang oras itong nakipag-laban sa Heneral na si
Osmalik hanggang ang Persyano’ng Heneral ay nagapi. Umatras ang hubo ng
Persyano at matagumpay na nagbalik sa Kaharian ng Albanya si Florante
kasama ang kaibigan na si Menandro.

Ngunit sa kanilang pagbabalik sa Palasyo, napansin ng magiting nating bayani


na ibang bandila ang nagwawagayway sa Palasyo. Ito ay bandila ng mga
Moro.

Dali-dali, inihanda ni Florante ang kanyang mga kawal sa planong


pagtatanggol.

(Sa entablado, makikitang papasok sa isang bahagi (left side) ang grupo ni FLORANTE.
Kakausapin nito ang mga KAWAL na kasama. Kasama rin niya si MENANDRO.

FLORANTE:
Mga kasama, napag-alaman kong ang palasyo ay nasa ilalim ng kontrol ng
mga MORO sa pangunguna ng Morong Gobernador na si Emir. Kasalukuyan
nilang bihag si Prinsesa Laura. Sila ay ating ililigtas at palalayain ang palasyo.

Kayo ba ay handang sumama sa misyong ito?

MGA KAWAL:
Hoooo-hah!!

MENANDRO:
Mabuti pang magdalawang grupo tayo. Papangunahan ko ang grupong
aatake sa tarangkahan ng palasyo. Ikaw naman ay magtungo sa lihim na
lagusan patungo sa loob at iligtas si Laura…

FLORANTE:
Tama ka kaibigan
(Maghihiwalay ang dalawang grupo at lalabas ng entablado)
MUSIC FADE UP, BATTLE MUSIC BG

EKSENA 9: ANG PAGLILIGTAS KAY LAURA

Palasyo ng Albanya

Makikita sa entablado si LAURA, nakaluhod at nakatakip ang mga mata, guya-guyanit ang
kasuotan. Siya ay bihag ng isang moro at akmang pupugutan ng ulo.

LAURA:
O mahabaging langit!
Ako’y iyong iligtas mula sa mga Morong ito.
Hindi ko nais tanggapin ang pagsuyo ng kanilang Gobernador..

(Patakbong papasok si Florante at makikipag-laban sa mga kawal na MORO)

LAURA:
Florante aking irog!

FLORANTE:
Laura!

(Makikipaglaban sa MORONG may bihag kay LAURA. Makakalaya si LAURA


at ito ay aalalayan ni FLORANTE.

Papasok sa entablado ang ibang pang kawal ng Albanya kasama si


MENANDRO)

MENANDRO:
Florante! Tagumpay na natalo natin ang mga MORO. Maibabalik na natin ang
Palasyo sa Haring Linceo at sa Kaharian ng Albanya.

LAURA:
Salamat, Florante aking irog,
Salamat Menandro.

MGA KAWAL:
Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Albanya

MUSIC FADE IN, BACKGROUND MUSIC


(EXIT ALL OFF STAGE)
EKSENA 10: ANG PAG-TATAKSIL NI ADOLFO

Palasyo ng Albanya

Makikita sa entablado si Adolfo

ADOLFO:
Hindi ko matanggap na si Florante ang tinaguriang kampeon ng Kaharian ng
Albania! Hindi ko matanggap na siya rin ang iniibig ni Laura na aking
pinakamamahal.

(Papasok ang dalawang kawal na may dalang balita)

KAWAL 1:
Aking panginoon, nais na ipabalita sa inyo na nagapi ng hukbo ni Florante ang
hukbong Miramolin. Matagumpay rin nilang nabawi ang labimpitong kaharian.

KAWAL 2:
Nais rin namin ipabatid na matagumpay na napaslang si Haring Linceo at
Duke Briseo ayon sa inyong utos (PAUSE FOR DRAMATIC EFFECT). Ngunit,
nabawi ni Florante ang palasyo ng Albanya at nailigtas si Laura.

ADOLFO:
ARRRGHHHH! (Galit na galit)
Pakilusin ninyo ang tatlumpung libong kawal at dakpin ninyo si FLORANTE.
Siguraduhin niyong siya ay patayin sa pinakamarahas at walang awang
pamamaraan. Itali niyo sya sa puno ng Higeras sa gubat at ipakain sa mga
leon!!

MGA KAWAL:
Masusunod po!

MUSIC FADE IN, ADOLFO’S BETRAYAL MUSIC


(Lalabas si ADOLFO at susundan siya ng lahat ng mga kawal sa entablado)

Sa iyong kagandaha’y ako’y nahalina


Ako ay parang nawalan ng hininga
Oh Laura, ikaw ay sinisinta
Kahit sa maikling panahong ikaw ay nakilala

You might also like