You are on page 1of 12

FLORANTE AT LAURA:

MGA KARAKTER:
 FLORANTE – JASPER

 LAURA – JULIANNA

 FLERIDA – ELISHA

 ALADIN – BURKE

 DUKE BRISEO – NAAM

 PINSESA FLORESCA – AMANDA

 HARING LINCEO – JAYVEE

 ANTENOR – JAMES

 MENANDRO – RJ

 MENALIPO – ANGEL

 KONDE ADOLFO – ANGELO

 SULTAN ALI-ADAB – JOHN

 HENERAL MIRAMOLIN – EDMUND

 HENERAL OSMALIK – GABBY

 KONDE SILENO – EMMAN

 HUKBO – CYRUS, JULIENNCE, ATBP.

 TURKIYO – LEE

 EMIR – LUIS

 KAIBIGAN NI FLORANTE – JULIENNE, CYRUS, ATBP.

 HARI NG KROTONA – JM

 BATANG FLORANTE – BASTI

 BATANG ADOLFO – ANGEL

 BATANG MENANDRO – LEE

 MGA LEON – RUTH, EJ, SHANISSE

 MGA KAKLASE – JULIENNE, CYRUS, ATBP.

 MGA KAWAL – JULIENNE, CYRUS, ATBP.

 BUWITRE - JULIENNE
NARRATOR:

Sa isang malayong lugar umusbong ang dalawang kaharian, Ang Albanya at ang Krotona.Kung saan sumibol
ang iba’t-ibang nilalang na pinag-ugatan ng iba’t-ibang lahi,ang mga kristyano at mga muslim.

Kalaunan sa isang mapanglaw at malawak na gubat at halos di makapasok ang sinag ng araw sa labas ng
kahariang Albanya na kung saan nakagapos ang isang kaluno-lunong tao sa isang puno ng Higera. Siya si
Florante,anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca.

-------(OPEN CURTAINS)-------

(BACKGROUND: GUBAT)

FLORANTE:(SISIGAW NA PAGOD NA PAGOD)(TITINGIN SA TAAS)

OH,MAHABAGING DIYOS! BAKIT NIYO HINAYAANG MANGYARI ITO SA KAHARIANG ALBANYA! BAKIT NIYO
HINAYAANG MAGHARI ANG KASAMAAN! AKO’Y NAGHIHIRAP SAPAGKAT HINDI KO INAAKALANG NAATIM NI
ADOLFO NA PASLANGIN SI HARING LINCEO AT ANG AKING AMA.

(BUNTONG HININGA)--

Oh,Panginoong Diyos ako’y nananaghoy ,nakikiusap.Patawarin niyo ako dahil hindi ko nagawang ipagtanggol
ang kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo.

NARRATOR:

Sandaling nanahimik si Florante sa sama ng loob niya matapos matahimik ay muli siyang tumawag sa
panginoon.

FLORANTE: (MAGHIHINTAY NG LIMANG SEGUNDO) (MANGIYAK-NGIYAK) (TITINGIN SA TAAS)

Oh,Panginoon ko,Tila’y patay malisya sa aking mga hinihiling.Wala na akong magagawa hanggang dito na
lang ang buhay.Paalam na Albanya,aking siyudad na sinilangan.Paalam na bayan ko,Adolfong sing bagsik ng
tigre,Paalam Laurang taksil,paalam na.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

(SCENE NI ALADIN)

NARRATOR:

Sa hindi sinasadyang pagkakataon,Napadpad ang isang Persyanong Moro sa dakong kinalalagyan ni


Florante.Ito si Aladin.Siya ay isang anak ni Sultan Ali-Adab,na nagpakalayo-layo dahil sa kanyang hinanakit sa
kanyang ama pagkat pinagnanasaan ng kanyang ama ang kaniyang kasintahan na si Flerida.

-------(OPEN CURTAINS)-------

----(NAKAUPO SI ALADIN SA DAMUHAN)----

ALADIN: (MALUNGKOT AT HINANAKIT ANG DAMDAMIN)

Bakit sa dinarami-rami ng lalaking aagaw sa aking kasintahang si Flerida,Bakit ang aking ama pa! Nangako
ako sa aking sarili na kung sino mang magtangkang umagaw sa aking irog siyang kikitilan ng buhay.Ngunit
hindi ko matawasa kung bakit ang aking ama pa!

FLORANTE: (SA PARTENG ITO “VOICE OVER” LANG) (BOSES:NANGINGIYAK)

Ang aking Ama,Ang aking dakilang mapagmahal na ama,Siya’y nagpapaalam na!


ALADIN: (MALUNGKOT PA RIN ANG DAMDAMIN)

Kay swerte naman ng lalaking sumisigaw, pagkat kanyang ama ay mapagmahal. Hindi kagaya ng aking
ama,siya pa’y sumira sa pagmamahalan ng aking kasintahan.

FLORANTE: (VOICE OVER PA RIN) (MALUNGKOT ANG DAMDAMIN)

Oh,Laura! Laura kong sinta! Sana’y huwag mong kong kalimutan.Sana’y isipin mo lagi na mahal na mahal kita
hanggang sa huling yugto ng aking buhay.

ALADIN: (DAMDAMIN NA PARANG NASASAKTAN)

Hindi ko na kaya pang marinig ang kaniyang sinasambit,Nasaan kaya nanggagaling ang lubhang lumbay na
lalaki na iyon?Pagkat sa tingin ko kailangan niya ang aking tulong.

(TATAYO AT MAGLALAKAD-LAKAD-HAHANAPIN SI FLORANTE) (LIMANG SEGUNDO)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Dahil sa matinding kuriyosidad ni Aladin sa lalaking sumisigaw.Hindi na siya nagdalawang isip na sundan ang
boses ng kaniyang naririnig.Habang siya’y naghahanap,Nagulat na lang siya’y nakakita ng lalaking nakagapos
sa puno na at napapalibutan ng dalawang leon.

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Agad na naghanda si Aladin upang paslangin ang dalawang leon.At siya’y nagwagi.

(HINDI TATAYO ANG 2 LEON HANGGAT HINDI PA NAGSASARADO ANG CURTAINS)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

(2 SEGUNDO PARA UMALIS ANG 2 LEON)

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Matapos niyang paslangin ang dalawang leon. Agad-agad niyang kinalas ang lubid na nakatali kay
Florante.Ngunit ng pagkalas niya ng lubid ay wala ng malay si Florante. Nang naramdaman ni Aladin na wala
ng malay si Florante inihiga niya ito sa gilid ng batuhan.

(GINAGAWA NA KUNG ANO ANG SINASABI NG NARRATOR)

(3 SEGUNDO BAGO MAGISING SI FLORANTE)

FLORANTE:

Laura? Mahal kong Laura?

ALADIN:

Pasyensya na maginoo, ngunit hindi ako ang iyong sintang si Laura. Kung gusto mong mapagisa,sige nandito
lamang ako upang bantayan ka.

(LALAYO NG KAUNTI SI ALADIN)

-------(CLOSE CURTAINS)-------
NARRATOR:

Nang mapagisa na si Florante,pinikit na lamang niya muli ang kaniyang mga mata.At ng lumipas ang oras,si
Florante ay nagising muli.Dinala ni Aladin si Florante sa isang maayos na lugar.Nang maging mayos ayos na,
sila’y nagkwentuhan.Ikwinento ni Florante ang kaniyang kabataan.

(BACKGROUND: KAHARIAN-KWARTO)

-------(OPEN CURTAINS)-------

(NANDITO SINA PRINSESA FLORESCA KASAMA ANG BATANG FLORANTE)

FLORANTE/Narrator: (VOICE OVER LANG ULIT) (NAGKWEKWENTO TUNGKOL SA KABATAAN)

Ako si Florante,nagiisang anak ni Duke Briseo ng Kahariang Albanya at ni Prinsesa Floresca ng Kahariang
Krotona.Ang aking ama ay ang pangalawang pinuno ng Albanya.Ako’y nagkaisip at lumaki sa Albanya.

(PAPASOK ANG VULTURE ,AT MENALIPO)

VULTURE: *LILIPAD PAPALAPIT KAY FLORANTE*

BATANG FLORANTE: *NAKATALIKOD NAGBABASA NG LIBRO*

MENALIPO: *PAPASOK UPANG PASLANGIN ANG BERDUGO*

Kwento sakin ng aking Ina ako’y muntik ng makuha ng isang buwitre, pagkat laking pasasalamat ko sa aking
pinsan na si Menalipo ay pinaslang niya iyon.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

(PAPASOK SI PRINSESA FLORESCA,DUKE BRISEO,AT BATANG FLORANTE)

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Napagusapan nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca na si Florante ay magaaral sa Atenas.Masakit man ito sa
damdamin nila,ngunit subalit iniisip pa rin nila ang kapalaran ng buhay ng kanilang anak,upang magkaroon ng
maayos na buhay at makapagtapos.

(NAGPUPULONG-PULONG—KUNYARING NAGUUSAP SILANG 3:DUKE BRISEO,PRINSESA FLORESCA,AT


BATANG FLORANTE)

(5 SEGUNDO: NAGUUSAP)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

BACKGROUND: ATENAS-ESKWELAHAN

NARRATOR:

Nang makarating si Florante sa Atenas

BATANG FLORANTE:

Ako nga pala si Florante at ako’y taga Albanya. At nagagalak akong makilala kayo,Sana’y maging kaibigan ko
kayong lahat.

KAMAG-ARAL:

*NAGPAPALAKPAKAN at BULONG BULUNGAN*


ANTENOR: (haharap kay florante)

Ako nga pala si Ginoong Antenor,at nagagalak akong makilala ka.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

(PAPASOK SI MENANDRO AT BATANG FLORANTE)

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR: Habang si Florante ay naglalakad,May nakita siyang lalaki na isa sa kamagaral niya na nakatayong
magisa,kaya nilapitan niya iyon,at nagpakilala.

BATANG FLORANTE: Nais kong malaman ang iyong pangalan Ginoo? Ako nga pala si Florante.

BATANG MENANDRO:Ako si Menadro,Masaya akong makilala ka Florante. *shake hands*

BATANG FLORANTE: Menandro,Mahilig ka ba sa mga sandata?

BATANG MENANDRO:Oo naman

BATANG FLORANTE: Siguradong tayo ay magkakasundo tungkol sa mga bagay na iyan!

-------(CLOSE CURTAINS)-------

-NAGAARAL SI FLORANTE—PROPS: TABLE AT MGA LIBRO/ARNIS-

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Si Florante ay magaling sa Pilosopiya,Astrolohiya at Matematika,Siya’y magaling rin sa pagaarnis at sa musika.

FLORANTE: (sasabayan ang sinasabi ng narrator)

*nagbabasa lang* *magaarnis*

-------(CLOSE CURTAINS)-------

(PAPASOK SILA ANTENOR, BATANG FLORANTE, BATANG ADOLFO AT KAMAGARAL)

NARRATOR:

Sila ay may magaganap na dula-dulaan upang maipakita ang kanilang mga talent sa mga kamagaral.Ang dula-
dulaan na ito ay tungkol sa trahedya ng dalawang apo ng tunay na ina at mga kapatid ng nag-iwing amang
anak at esposo ng Reyna yocasta.

-------(OPEN CURTAINS)-------

ANTENOR:

Ngayon ay magkakaroon tayo ng dula-dulaan,Ngayon Si Florante ay bilang Etyocles,Si Adolfo bilang Polinice,Si
Menandro bilang Yocasta,At ang Kamagaral ay si Adrasto.Pagkatapos tayo’y mageensayo upang magawa natin
ito ng maayos.

(Tatayo kapag tinawag ang pangalan at karakter)

BATANG ADOLFO: *MASAMA ANG TINGIN KAY FLORANTE*


NARRATOR:

Nang masamaan ng tingin ni Adolfo si Florante,Alam niya nang may magagawa siyang matagumpay para sa
sakanya ngunit hindi niya iyon nagawa sa tulong ng kaibigan ni Florante,Si Menandro.Pinigilan ni Menandro
saktan ni Adolfo si Florante gamit ang espada.

BATANG ADOLFO: *MASAMA ANG TINGIN KAY FLORANTE*

Ikaw na mangaagaw ng kapurihan,Dapat kang mamatay! *susugod kay Florante*

BATANG MENANDRO:

*Mabilis na lumapit kay Adolfo* Hindi mo magagawa iyan! *ihaharang ang espada*

*tatalsik ang espada ni adolfo*

BATANG FLORANTE:

Maraming salamat Menandro,utang na loob kong ipinagtanggol mo ako sa kasamaaan ni Adolfo.

BATANG MENANDRO:

Walang anuman iyon Florante.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Pagkatapos pa rin ng mga kasamaan ni Adolfo hindi pa rin siya nagtatagumpay.

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Makalipas ng ilang araw,Si Florante ay nakatanggap ng liham na sumakabilang buhay na daw ang kaniyang ina.

FLORANTE: *Babasahina ang liham* ( 3 segundo)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

(PAPASOK SI ANTENOR,FLORANTE,MENANDRO AT MGA KAMAGARAL)

NARRATOR:

Sa mga susunod na araw,Si Florante at Menandro ay naghahanda na upang umalis sa Atenas,at pagkatapos ay
nagpaalam na sila sa mga kamagaral nila upang pumunta sa Albanya.Pupunta sila Albanya upang puntahan ni
Florante ang ama niya na si Duke at ang yumaong ina niya na si Prinsesa Floresca.

-------(OPEN CURTAINS)-------

--Malungkot ang damdamin--

FLORANTE: Paalam na mga kamag-aral at Ginoong Antenor,Sana’y magkita-kita tayo muli.

MENANDRO: Ikinalulungkot ko na hindi na kayong makasama.

ANTENOR: Mag-ingat kayo palagi Florante at Menandro.

KAMAGARAL: *Yakap kela Florante at Menandro* *maghihiwalay ng 3 segundo*

FLORANTE at MENANDRO: *naglalakad palayo*

KAMAGARAL: *kakaway*
-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Noong nakita ni Florante ang kaniyang ama, naging emosyonal ang muling pagkikita nila pagkatapos ng anim
na taon.

Isang araw, may dinalang liham kay Duke Briseo.

-------(OPEN CURTAINS)-------

(Papasok si Duke Briseo sa kwarto at kukuhanin niya ang liham. Bubuksan niya ang liham at babasahin niya
ang nilalalaman ng liham.)

Tulungan mo kami Duke Briseo! Sinasakop ng hukbo ni Heneral Osmalik ng Persya ang Krotona at kailangan
namin ng tulong. Kung tinanggap niyo ang aming handog, makakamit ang Krotona ng tagumpay.

ANG TAPAT MONG LINGKOD,

Hari ng Krotona

-SA GUBAT- (Nasa gubat pa din sina Florante at Aladin at nag-uusap sila)

FLORANTE: Noong nasa Albanya pa ako, may narinig ako tungkol sa isang matapang na gerero. Si Aladin, ang
tanyag at pinakamagaling na mandirigma ng Persya habang ang pangalawa ay si Heneral Osmalik.

ALADIN: (konting tawa at ngiti) Natuwa naman ako dahil sa mga narininig ko sa Albanya tungkol sa akin. Bihira
naman na totoo ang mga sinasabi ng isang tao dahil minsan dinagdagdagano binabawasan nila ang kanilang
mga sinasabi. (huminga siya ng sandali) Sinoman ka, parehas tayong nararanas ng kapalaran at paghahamak
dahil sa kasam-ang palad at hilahil.

FLORANTE: Sana naman huwag mangyari sayo ang nangyari sa akin.

-FLASHBACK-

(YUYUKO SINA FLORANTE AT DUKE BRISEO)

DUKE BRISEO: Magandang umaga, Haring Linceo.

HARING LINCEO: Sino itong lalaki na ito at bakit siya nandito?

DUKE BRISEO: Ito'y aking dakilang anak, si Florante. Gusto ko siyang gawing heneral.

HARING LINCEO: Gagawin kitang heneral sa labanan sa Krotona. Naniniwala ako na ika'y ay magiging isang
mahusay at dakilang heneral ng Albanya.

DUKE BRISEO: Floranteng anak, ipapadala ka ni Haring Linceo sa isang giyera, sana naman makakamit ka ng
tagumpay. Sundin mo ang mga kaniyang utos.

(PUPUNTA SI FLORANTE SA HARAP AT YUYUKO SIYA SA HARAP NI HARING LINCEO)

FLORANTE: Maraming salamat, mahal na hari. (pagkatapos, nagyakapan sila)

NARRATOR: Pagkatapos iyon, kinukwento ni Florante sa kanila ang kaniyang mga karanasan sa Albanya.
Tapos, may dumating na isang magandang dalaga, siya'y si Laura, anak ni Haring Linceo.

LAURA: Magandang araw, ama

HARING LINCEO: Magandang araw, aking prinsesang anak.

(TUMITIG NG SANDALI SI FLORANTE KAY LAURA AT PAGKATAPOS IYON, TATAYO SIYA AT LALAPIT KAY
LAURA)
FLORANTE: Ang kagandahan niya ay parang Venus

Nagkakaroon ako ng damdamin dahil sa'yo

Tumitibok na ang aking puso.

Nagandahan ako sa'yo at sa unang tignan, mahal kita!

(HAHAWAKAN NI FLORANTE ANG KAMAY NI LAURA)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Noong nakita niya si Laura, nagbago ang buhay ni Florante at hindi na katulad ng dati. Dahil mahal niya si
Laura, ipinangako niya na hindi siya tataksil kay Laura.

Bago pumunta sa digmaan si Florante, binigyan siya ng tatlong araw ni Haring Linceo. Para sa kaniya, mas
masakit dulot ng pag ibig kaysa sa pagkawalan ng ina. Dito, binigyan niya ang kaniyang oras kay Laura.

-------(OPEN CURTAINS)-------

(PAPASOK SINA FLORANTE AT LAURA)

Florante: O Laura sinta ko, sasabihin ko na ang totoo, mahal na mahal kita. Noong ating unang pagkita,
tumitibok ang aking puso.

(TITIGNAN NI LAURA SI FLORANTE NG 5 SEGUNDO)

-PAGKALIPAS NG TATLONG GABI- (AALIS SI LAURA AT PAPASOK SI HARING LINCEO)

HARING LINCEO: Maghanda ka na Florante para sa digmaan. Aalis ka bukas papuntang Krotona at sana
makamit mo ang tagumpay.

FLORANTE: Maraming salamat po, mahal na hari.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

-------(OPEN CURTAINS)-------

-SA SUSUNOD NA ARAW-

FLORANTE: Laurang sinta ko, aalis na ako para sa giyera. Hindi ko alam kung babalik ako dahil ang daming
nangyayari sa giyera. Mas masakit ang dulot ng pag-ibig kaysa sa pagkawalan ng ina.

LAURA: Mag-ingat ka Floranteng mahal.

FLORANTE: Salamat at mahal kita Laura.

LAURA: Mahal din kita Florante.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Nang umalis si Florante papuntang Krotona, naramdaman niya ang matinding sakit dahil nahiwalay siya kay
Laura.

-------(OPEN CURTAINS)-------

-LABANAN SA KROTONA-

FLORANTE: HINDI TAYO SUSUKO SA DIGMAANG ITO! MAKAKAMIT NATIN ANG TAGUMPAY PARA SA KROTO-
HENERAL OSMALIK: SUBUKAN NIYO AT KUNG HINDI, MAWAWASAKAN ANG INYONG BUHAY!

FLORANTE: (nagalit siya at nagsimula ang labanan)

(LUMABAN ANG MGA HUKBONG PERSYA, KROTONA AT ALBANYA, NAMATAY ANG KARAMIHAN NG MGA
SUNDALONG PERSYANO AT ILANG SUNDALO NA GALING SA ALBANYA AT KROTONA)

HENERAL OSMALIK: ANO GINAGAWA MO DITO?

FLORANTE: ANDITO AKO UPANG BAWIIN MULA SA MGA TAKSIL GAYA NIYO ANG KAHARIAN NG AKING INA!

HENERAL OSMALIK: SUMUKO KA NA DAHIL TAKOT KA SA AKIN.

FLORANTE: HINDI AKO SUSUKO PARA SAYO! (pinatay niya si Heneral Osmalik)

MENANDRO: (WINAWIGAYWAY NIYA ANG BANDILA NG KROTONA) Mabuhay ang Krotona!Mga sundalong
Albanya at Krotona: (NAGSIGAWAN SILA DAHIL NANALO SILA)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

- ANG PAGSALUBONG NG KAHARIANG KROTONA SA HUKBO NI FLORANTE-

-------(OPEN CURTAINS)-------

(NAGMAMARTSA ANG HUKBO NINA FLORANTE)

MGA TAO NG KROTONA: Maraming salamat sa mga ginawa niyo!

HARI NG KROTONA: Ipagdiriwang natin ang bagong kalayaan ng Krotona! Mabuhay ang Krotona!

LAHAT NG KROTONA: Mabuhay ang Krotona!

HARI NG KROTONA: Mabuhay ang aking apo, si Florante at ang kaniyang hukbo!

LAHAT NG KROTONA: Mabuhay ang hukbo nagpalaya sa atin at si Florante!

(NAGSAYAWAN ANG MGA TAO NG KROTONA BILANG PAGDIRIWANG AT NAGLAKAD PAALIS SA


ENTABLADO ANG HUKBO NI FLORANTE) (ITO AY NAGAGAWA NG 20 SEGUNDO)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Nagdiriwang ng kalayaan ang Krotona ng tatlong araw at dahil dito, hindi sila natulog.

Nananatili si Florante sa Krotona ng limang buwan at pagkalipas ng limang buwan, bumalik siya sa Albanya
kasama ang kaniyang hukbo. Nang dumating sila sa Albanya, may nangyaring masama.

-------(OPEN CURTAINS)-------

SUNDALO #1: A...A...An...Anong nangyari?

SUNDALO #2: Anong nangyari sa Albanya?

(TITIGNAN ANG MGA SUNDALO KINA FLORANTE AT MENANDRO)

MENANDRO: Tignan niyo ang bandila

FLORANTE: Nasakop tayo ng mga Persyano

(NAKIKITA NILA NG MGA MORONG SUNDALO NAGMAMARTSA AT PAGKALIPAS NG 3 SEGUNDO NAKITA NI


FLORANTE ANG BABAE NAKATALI AT TATAKBO SIYA PATUNGO SA MGA MORONG SUNDALO NA KASAMA
ANG BABAE NAKATALI)
FLORANTE: OY! PAKAWALAN NIYO ANG BABAE NAKATALI!

MORONG SUNDALO: Hindi po pwede.

FLORANTE: KUNG HINDI NIYO PAKAWALAN ANG BABAE NA IYON, PAPATAYIN KO KAYO GAMIT ANG KATALIS
NA ESPADA!

(INATAKE NIYA ANG ISANG MORONG SUNDALO. NANG MANGYARI IYON, TUMAKBO ANG MGA MORONG
SUNDALO)

(PAGKATAPOS NG 3 SEGUNDO, LALAPIT SI FLORANTE SA BABAE NAKATALI. TINANGGAL NIYA ITO AT


NAKITA NIYA ANG BABAENG MINAHAL NIYA)

FLORANTE: Laura..... A-An-An-Anong nangyari sayo?

LAURA: Floranteng sinta ko, pinaplano ng mga Moro na pugutan ang aking ulo. (Ginupit niya ang tali sa kamay
ni Laura gamit ang maliit na espada)

(TATAYO SI LAURA)

LAURA: (BULONG) Floranteng mahal ko..

(NAGLALAKAD SINA FLORANTE AT LAURA AT CLOSE CURTAINS)

NARRATOR:

Dahil kay Laura, nalaman ni Florante ang mga nangyari sa Albanya nang nasakop ito ng mga Persyano.
Nabihag sina Haring Linceo at Duke Briseo. Inutos ni Florante na lusubin ang mga Persyano. Pumasok siya sa
palasyo at pinalaya niya sina Haring Linceo at Duke Briseo pati na rin si Adolfo. Lahat ay naging masaya
maliban kay Adolfo dahil sa mga ginawa ni Florante.

-------(OPEN CURTAINS)-------

ADOLFO: PAPATAYIN KITA FLORANTE!

(IIKOT SI FLORANTE AT NAKATITIG SIYA KAY ADOLFO)

ADOLFO: SINIRA MO AKO! LAHAT NA DAPAT SA AKIN, NA SA'YO NA! GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG AKO'Y
MAGING PINAKAMAGALING AT PINAKATANYAG NA TAO!

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR: Maraming nangyari pagkatapos iyon. Maraming suliranin at digmaan ngunit kahit anong
mangyari, si Florante ay palaging panalo.

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Isang araw, nanggaling si Florante mula sa Etolia at sa liham na ipinadala ni Haring Linceo, inutusan siya na
bumalik sa Albanya. Nang bumalik si Florante sa Albanya, madilim ang Albanya at nagulat siya nang makita
niya na napaligiran siya ng 30,000 sundalo. Nalaman niya na si Konde Adolfo ay ang bagong pinuno ng
Albanya. Nalungkot si Florante nung nalaman niya na pinatay ni Konde Adolfo sina Haring Linceo at Duke
Briseo. Nagbago ang Albanya at ang buhay ni Florante dahil kay Konde Adolfo.

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Nagulat siya nang malaman niya na ipapakasal si Laura kay Konde Adolfo. Iniisip niya na naloko siya ng pag-
ibig. Isang gabi, nakulong siya, tapos, ipinadala siya sa gubat at tinali siya sa isang puno.
Hindi lang si Florante ay nakaranas ng kahirapan, pati rin si Aladin. Ikinuwento ni Aladin ang kaniyang buhay
at ang kaniyang sinta, si Flerida.

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR:

Habang nag-uusap sina Florante at Aladin, may nagaganap na pangyayari sa kabilang bahagi ng gubat.
(Pinagtangakaan ng masama ni Adolfo si Laura)

ADOLFO: (hahawakan niya ang katawan ni Laura) Aking mahal, huwag mag alala sa akin, magiging maganda
ang buhay mo.

LAURA: (umiiyak at nagmamakaawa) BITIWAN MO AKO! AWA MO NA!! BITI-

ADOLFO: Mahal kita Laura!

LAURA: HUWAG NA! NAGMAMAKAAWA AKO! FLO-

ADOLFO: Wala na si Florante, patay na siya

LAURA: (UMIIYAK) NAGMAMAKAAWA AKO!

(PAPASOK SI FLERIDA)

FLERIDA: Tama na, bitiwan mo ang dalaga!

(PILIT HINAHATAK NI ADOLFO SI LAURA)

FLERIDA: Itigil mo yan!

ADOLFO: Uma-

FLERIDA: (PINANA NIYA SI ADOLFO)

(KINUHA NIYA SI LAURA AT TUMAKBO SILA PAALIS SA ENTABLADO)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

-ANG PAGKAKASAMA MULI NILA FLORANTE, ALADIN, LAURA, AT FLERIDA-

-------(OPEN CURTAINS)-------

(NAG-UUSAP SINA ALADIN AT FLORANTE TUNGKOL SA NANGYARI SA KABILANG BAHAGI NG GUBAT)

FLORANTE: LAURA AKING SINTA!

ALADIN: FLERIDA AKING MAHAL!

(PAPASOK SA ENTABLADO SINA FLERIDA AT LAURA)

FLORANTE: Laura!

LAURA: Florante!

ALADIN: Flerida!

FLERIDA: Aladin!

(SABAYAN NAGYAKAP SINA FLERIDA AT ALADIN, AT SINA FLORANTE AT LAURA)

NARRATOR:Pagkatapos sila magsama muli, ikinuwento ni Laura ang kaniyang kwento. Nag-usap ang apat at sa
sandali lang, dumating si Menandro at ang hukbo ni Adolfo. Natuwa si Menandro nang nakita niya si Florante
at umalis sila sa gubat papuntang Albanya.
-------(CLOSE CURTAINS)-------

-------(OPEN CURTAINS)-------

NARRATOR: Nang dumating sila sa Albanya, naging Kristiyano sina Aladin at Flerida, at nagpakasal sila.
Pagkatapos ang binyagan at kasal nina Aladin at Flerida, sina Florante at Laura naman ay magpapakasal.

LAURA: Mahal kita Florante at sana magiging mas maganda ang ating iibigan kahit anong mangyari sa atin.

FLORANTE: Laura, i-poprotekahan ko ikaw at ang Albanya. Ipinangako ko na magiging maganda at mapayapa
kahit anong mangyari sa atin.

PARE: Ito ay ang bagong reyna't hari ng Albanya. Haring Florante at Reyna Laura! Mabuhay ang mga bagong
kasal!

MGA TAO NG ALBANYA, ALADIN AT FLERIDA: Mabuhay!

(HAHARAP SINA FLORANTE AT LAURA SA MGA MANONOOD)

FLORANTE: Mabuhay ang bagong panahon at kapayapaan sa Albanya!

LAHAT MALIBAN KINA FLORANTE: Mabuhay!

(TATAPON ANG MGA TAO NG ALBANYA ANG "CONFETTI" KINA FLORANTE AT LAURA. PAGKATAPOS NG 3
SEGUNDO, MAGSISIMULA ANG PALAKPAKAN AT ITATAAS NINA FLORANTE AT LAURA ANG KANILANG
KAMAY)

-------(CLOSE CURTAINS)-------

NARRATOR:

Dahil sa bagong hari at reyna ng Albanya, naging mapayapa at masagana ang kaharian.

You might also like