You are on page 1of 1

FLORANTE ATLAURA SCRIPT

FRANCISCO BALAGTAS WRITING FLORANTE AT LAURA SCENE


SCENE 1: SA ISANG MADILIM NA GUBATNarrator:
Sa gitna ng malawak na gubat na matatagpuan sa labas ng kahariang Albanya ay mayisang binatang
nakagapos sa puno ng higera. Ang gubat ay pinamumugaran ng mababangis
nahayop, nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punongkahoy na may
masangsang naamoy. Ang binatang nakagapos sa higera ay si Florante na maihahambing kay
Adonis. Anak siya ngmag- asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga – Albanya. Si Adolfo
na sukaban angpumatay sa kanyang amang hari. Si Laura naman na kanyang
kasintahan ay inagaw rin niya kayFlorante at pinapatay pa nito ang ama na si Haring Linceo.
Florante:
Diyos ko! Bigyan niyo po ng katarungan ang kasamaang nangyayari sa Albanya. Wala kang makikitang
mabuti! Dahil lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay may parusa nang kamatayan.Naglipana
ang kalupitan, karahasan, at pagsasamantala sa kapwa. Kaya wala ng magawa ang mgatao.
Kakagawan lahat ito ni Konde Adolfo! Dahil sa paghahangad niya sa kapangyarihan ng Albanya! Ano’t naging
malupit sa’tin ang kapalaran? Nasaan ang katarungan? Ni isa wala man lang dumamaysa akin.
Florante:
Nasaan na Laura ang iyong mga sumpa?!?! Nasaan ang iyong pangako? Isa kang taksil!Bakit
ngayon ay magpapakasal ka kay Adolfo?!??!?!
Narrator:
Biglang nanumbalik sa gunita ng binata ang ilang bahagi ng lumipas…
Laura:
Florante, ang bawat sandaling ika’y hindi ko kapiling ay katumbas ng maraming taon sa akin.
Florante:
Wag kang mag-alala giliw kong Laura, ang pag-ibig ko sa’yo ay walang maliw.
Laura:
Florante, heto ang mga bulaklak, upang mapasaya kita.
Florante:
Maraming salamat. Inahalintulad kita sa kagandahan ng mga bulaklak na ito.
Laura:
Florante, heto ang espada mo, itago mo yan. Para sa iyong pakikidigma.
Florante:
Wag kang mag-alala mahal kong Laura, hindi ako mapapahamak sa mga pakikidigma ko.
Narrator:
Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako si Aladin na isang Morong taga –Persya na anak ni Sultan
Ali – Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sapag – ibig ng kanyang kasintahan ay
umalis sa sariling bayan.
Aladin:
Flerida, bakit mo ako ipinagpalit sa aking ama? Sa dinami-daming pwedeng umagaw sa’yo ayang ama ko
pang iginagalang. Tapos na ang ating pagmamahalan.Ngunit patuloy na pumapatak ang bawat
sandaling natitira habang ika’y kapiling ko. Siguro nga’ypaalam na subalit may iniwan kang
puwang sa aking puso.

You might also like