Professional Documents
Culture Documents
NARATOR: si florante ay bugtong na anak nina Prinsesa Floresca at Duke Briseo. Ang butihing prinsesa ay anak ng hari ng krotona at
ang mabait na duke ay siyang salamin sa karunungan sa buong albanya. Nang sanggol pa lamang si Florante ay ...
FLORESCA: ang aking anak.. mabutiy nasa mabuti kang kalagayan anak. salamat na lamang nandito ka menalipo kundiy malamang
napahamak na ang aking anak. Halikat dalin natin siya sakanyang ama.
NARATOR: sapaglipas ng panahon si Florante ay nasa wastong gulang na upang tumuklas ng kanyang karunungan napagtanto ng
kanyang ama na si Duke Briseo na siya ay pag aralin sa Atenas..
DUKE BRISEO: florante anak, anak, napag isip isip ko napapanahon na upang tumuklas ka ng karunungan. Ikaw anak ay ipadadala
namin sa Atenas, ang lungsod ng karunungan. Ang Atenas ay bantog sa mahuhusay na guro, isa na rito ay si antenor na siya mong
magiging guro.
DUKE BRISEO: batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit kung tayoy patatangay ng kalungkutan sanhi ng ating
paglalayo ay hindi mo matatagpuan ang tagumpay....... Iyan ang dahilan kung kayat dapat nating pagtiisan ang lahat. Ang
kapangyarihan ng luha ay dapat nating pawalang kabuhulan.
FLORANTE: makakaasa po kayo ina. Sige... paalam po........ Scene 2 (Atenas, atenas,pagkikipagkaibigan)
NARATOR: isang buwan na ang lumipas subalit hindi humiwalay ang kalungkutan sa kanya, kahit minsan...... pinayuhan siya ng
kanyang guro na makipagkaibigan at sinabi pa niyang maykakabayan siya dito. Nagpakilala si Florante sa kanyang mga kamag aral at
di niya akalain na doon pala niya ang magiging pinakamatalik niyang kaibigan.
ANTENOR: o Adolfo... Siya nga pala si Florante, Adolfo, ang kababayan mo sa Albanya at anak ni Konde Sileno.
NARATOR: Mula noon ay naging masaya na si Florante. Madali silang nagkapalagayan ng loob ni Menandro. Ilang pahahon pa ang
lumipas.
FLORANTE: Akoy naliligayahan pagkat ang ating pagkakaibigan ay nagdudulot sa akin ng sigla at sasiyahan.
MENANDRO: Sakaling akoy palaring makakarating sa Albanya, asahan mong di upang humanap ng katanyagan kundi upang huwag na
tayong magkahiwalay!
NARATOR: At di nagkabula ang kanilang sapantaha pagkalipas pa ng ilang taon ay si Florante na nga kinikillalang pinakamarunong sa
paaralan. Ang pangalan niyay naging bulaklak ng dila ng mga tao.
2|Page
ADOLFO: (sa isip lamang) Hindi!!! Hindi ko maaaring palagpasin ang pag-agaw mo sa aking karangalan! Isa lamang sa amin ni
Florante ay dapat na salubunging bangkay sa Albanya!
NARATOR: At pagkalipas ng ilang buwan ang paaralan ay nagtangi ng isang araw ng kasayahan.
ANTENOR: ang ating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay ni Reyna Yokasta. Florante, papel ni Etyokles ang
gagampanan mo. Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni Menandro.
NARATOR: patuloy ang kanilang paghahanda, lahat ay masaya maliban kay adolfo na noon ay.....
NARATOR: isang araw bago pasimulan ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi dalawin ng antok laging sumasaisip niya ang maiitim na
balak kay Florante.
NARATOR: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing tauhan ng kasaysayan si Florante.
NARATOR: Sa halip na sabihin ang nasa orihinal na ikawy kumilala;t kapatid mo ako kay Epidong Bunga, ang nawika ni Adolfo ay.....
ADOLFO: ikaw na umagaw ng kapurihan koy dapat kang mamatay! Umm Umm!...... Mamatay ka!.
ANTERNOR: anong nangyayari dito? Bakit Adolfo anong tinangka mong patayin ang iyong kababayan?
ADOLFO: kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karanangalan ko!
KAMAG-ARAL: isa kang habang, ulupong at sakim!.. Patayin si Adolfo. Patayin ang sukab!
NARATOR: hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina uwi sa Albanya.
ADOLFO: sa muli nating pagtatagpo ay titiyakin ko ang aking tagumpay, Florante titiyakin ko!
ANTENOR: hindi masama na ang isang tao ay magkaroon ng matayog na layunin, ang masama ay ang tamuhin ang katuparan na
niyon sa kapinsalaan ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng isang kain na pumatay sa kanyang kapatid na si Abel ng dahil sa inggit,
paano nga kayang hindi magkakaroon ng isang Adolfong naghahangad ng pumatay sa kanyang sariling kababayan! Kahanga-hanga
ang ginawa ni Menandro, itoy isang magandang halimbawa ng pagkabayani.
FLORANTE: paano kaya kita magagantihan Menandro, kundi sa iyo ay isa na akong malamig na bangkay!
MENANDRO: iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan, dapat tayong mag pasalamat sa dakilang lumkha! Ang lahat ay utang lamang
sa diyos akoy kasangkapan lamang niya upang iligtas kasa kapahamakan!
MENANDRO: Florante, para ko ng nakikitang malapit ng dumating ang araw ng iyong pag-uwi
MENANDRO: kung sumama kaya akoy ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong mga kaibigan, sampu ng ama mong Duke?
MENSAHERO: ipagapatawad niyo po ang aking pang aabala. may sulat po galing kay Duke Briseo ng Albanya para kay Florante. narito
ang liham... : iyan ang katotohan anak, pumanaw na ang iyong ina. Hindi ko na ito ipinaalam sa iyo noon upang huwag masira ang
iyong pag-aaral. Ang iyong AmaDuke Briseo
3|Page
NARATOR: napatingin sa malayo si Florante na wari ay natatanaw ang larawan ng kanyang ina.....
FLORANTE: ina, bakit hindi mo na ako hinintay. Hindi bat sinabi ko sa iyong akoy magbabalik upang handugan ka ng aking
tagumapay.
MENANDRO: huwag masayadong malumbay Florante, hindi makakatulong sa katawa mo ang kalungkutan.
NARATOR: nakaraan pa ng dalawang buwan, dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo.
FLORANTE: pinauuwi na po ako mahal kong guro, nasa daungan na raw po ang sasakyan
ANTENOR: florante sa pag babalik mo sa Albanya ay tandaan mong mayroon kang isang kalaban, ang higanti ni Adolfo ay pakaingatan
mo. At kung ikaw ay salubungin ng ngiti, mag ingat ka pero wag kang magpapahalata, lagi mong ihanda ang iyon sandata.
MENANDRO: ang pasiya lamang ng aking amain ang dapat nating hingin.
NARATOR: hindi na hinintay ni Antenor na tanungin siya ng dalawa. Noon din ay pumayag na sumama si Menandro kay Florante, ilang
saglit pa sa daungan.
FLORANTE: ama ko. Hindi ko akalain na ganito kapait ang ating pagkikitang muli.
FLORANTE: marahil nga ama. Ama may gusto po akong ipakilala sa inyo siya po ang aking kaibigan si MENANDRO.
DUKE BRISEO: Nabalitaan ko na ang lahat, isa kang tunay na kaibigan, nagtitiwala ako sa iyo Menandro. Bilang araw ay makagaganti
rin kami sa iyo.
SUGO: galing na po ako sa palasyo ni Haring Linceo na siyang nagsabi na narito kayo. Aalis na po ako.
DUKE BRISEO: itoy galing sa iyong ninuno na siyang Monarko sa Krotona, kailangan niya ang tulong ni Haring Linceo. Nakubkob ng
mga kaaway na Moro ang Krotona sa pamumuno ng kilabot na si Heneral...
MENANDRO: ano ang pasya niyo mahal na Duke? Scene 5: Nanganganib ang Krotona
NARATOR: hindi nag-aksaya ng sandali ang mag ama, noon din ay nagsadya sila sa palasyo ni Haring Linceo at ng magkaharap sila
ay...
HARING LINCEO: mabuti at nag sadya ka agad sa akin, ang Krotona ay nangangailangan ng ating tulong. O duke... sino ang binatang
kasama mo? Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero, ang aking napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro
kot reyno
DUKE BRISEO: siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas. Si Florante na inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang
na isang basalyot na alagad.
HARING LINCEO: mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral ng aking hukbo, Florante.
NARATOR: sa kagustuhan narin ng hari, ang magandang si Laura ay nakaumpok nila sa pag-uusap na iyon kakaibang damdamin ang
nadama ni Florante. Halos litung lito at di tuwid mag salita si Florante at laging sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa
kanya ay gayun di ang nadarama ni Laura.
FLORANTE: napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko. Pag-ibig na ba ito.
NARATOR: di mapawi ang kanyang kalungkutan dahil malapit na ang digmaan at hindi pa rin siya nakakapagtapat ng kanyang pag-ibig
sa kanyang minamahal nasi Laura. Ng minsang hindi sinasadyang magkita ang dalawang nag iibigan ay..........
FLORANTE: anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na akoy humihinga pa sa mga ssandaling ito.
LAURA: nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo ang pagpanaw ng iyong ina.
FLORANTE: hindi iyon ang dahilan laura, ang kalunkutang nadarama ko ngayon ay nagsimula ng kitay makilala.
FLORANTE: hindi mo ako nauunawaan Laura, ang kalungkutan koy sanhi ng aking damdaming inuukol sa iyo na hindi ko maipahayag!
Subalit sa pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo mababatid na ikaw ay aking iniibig Laura!....... Laura iniibig kita, at kung hindi
kalabisan ay nais kong bago ako magtungo sa larangan ay bigyan mo ng liwanag ang isinamo ko.
FLORANTE: kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa daigdig.
FLORANTE; ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay, paalam. Scene 6: ang digmaan
LAURA: diyos na mahabagin huwag mo pong itulot na mapahamak si florante. Patnubayan niyo po siya ng iyong mapagpalang kamay.
MENANDRO: gawin nating bigla ang pagsalkay upang malito ang mga kalaban.
NARATOR: at gaya ng kanilang plano. Tila limbas na nagsisilakay sina Florante at Menandro.
NARATOR: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo at hindi matutuhan ang gagawin. Nakipaglaban ang
lahat hanggang magtapat sina Florante at Osmalik.
HENERAL OSMALIK: kung ako ang hinahanap mo, magpakatatag ka na, mayabang na Heneral.
FLORANTE: ikaw pala ang sinasabi Osmalik, masusubukan ko ngayon ang tapang mo.
FLORANTE: ito ang nababagay sa iyo haaaa. Ito na ang wakas mo, buhong. Uummm. Sayang na heneral.
MENANDRO: nagsitakas ang iba, nagtagumpay tayo, Florante!...... Isang kilabot na girero Florante, nagapi mo ang bantog na Heneral
ng mga Moro.
FLORANTE: ikaw naman Menandro, kahanga-hanga ang iyong tapang tayo na sa Palasyo.
Scene 7:
NARATOR: iniisip niya ang kanyang minamahal na si Laura. Bumalik sila agad sa palasyo ng......
5|Page
FLORANTE: Menandro, hindi ba ako namamalik mata lamang? Tingnan mo. Ang watawat ng Moro ay nasa itaas ng palasyo ng
Albanya.
MENANDRO: nasasakop ngayon ng moro ang Albanya. Pinasok nila habang tayoy nasa Krotona.
FLORANTE: hindi ko gaanong maaniga..... diyos ko.... si..... Laura, siya nga.
FLORANTE: mamamatay kayong lahat sa ginawa niyo... haaaa.... Laura, aking Laura. Ano ang nangyari at?...
LAURA: florante, salamat at akoy nailigtas nyo sa tiyak na kamatayan. Ang buong kaharian ay nasa kamay ng mga Moro ang aking
Ama at si Duke Briseo ay kasalukuyang nakakulong.
FLORANTE: wag kang mag alala, ngayon din ay sasalakayin namin ang palasyo! Mga kawal, mga kaibigan tayoy maghanda. Tayoy
lulusob ngayon sa palasyo upang gupuin ang mga Moro. Lumusob na tayo. Haaa.....
NARATOR: walang lakas at katapangan ang nakahadlang sa kanila. Ang mga kaaway ay parang dinaanan ng salot . kabi kabila ang
mga bangkay na Moro. At pag katapos rin nuy agad agad nilang pinasok ang palasyo upang ilabas sa piitan ang Hari at Ama.
HARI: salamat at inabot nyo kamingbuhay! Hindi ako nagkamaling hirangin kang Heneral ng aking Hukbo. Ikaw nga mandirigma na
dumalaw sa aking panaginip.
ADOLFO: talagang sakanya na humaling ang hangal na hari. Kung mayroon mang anay na sumisira ng kahoy. Ako ang anay na yaon
na sisira sa inyong lahat.
NARATOR: ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at malaking kapanalunan. Labing pitong kaharian ang
gumalang at sumuko sa kanyang katapangan. Ilang buwan ang lumipas, muling sinalakay ang Albanya, pumasok ang mga Turko sa
pamumuno ni Heneral Miramolin. At sa kahuli hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga Mapanakop na nilalang. Nasa kaharian ng Etolya
sina Florante pagkatapos ng laban ng may dumaring na liham galing kay Linceo.
FLORANTE: salamat.
FLORANTE: pinauuwi ako sa Albanya at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo. Paalam muna Menandro uuwi muna ako sa Albanya. Aalis na
ako.
FLORANTE: ano ang ibig sabihin nito, hindi nyo ba ako kilala.
KAWAL NG (A): ikinalulungkot namin Heneral, subalit iyan ang pinag ustos sa amin ng Hari.
NARATOR: at sa laki ng kanyang pagkamangha ay kinulong siya sa isang madilim na bilanguan at dito niya nabatid na.
ADOLFO: magandang gabi, inutil na Heneral. Kamusta naman sa iyong kwarto. Maganda ba?
FLORANTE: Adolfo? bakit.. panot.. Bakit na sa iyo ang sentrong Korona. Taksil ka. Pano mo nagawa iyan sa sarili mong bayan. Nasan
ang hari at ang aking ama?
ADOLFO: Florante... florante... kawawa ka naman at hulog ka sa aking bitag. Alam mo pinugutan ko lang naman ang iyong ama at ang
hangal na Hari. Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya. Mga walang utak..
FLORANTE: pakawalan mo ako dito, buhong Florante. pagbabayaran mo ito ng mahal Adolfo. Ngunit hindi ko lubos na maisip kung
paano naging Hari ang isang duwag.
KAWAL NG (A): ikaw ay isang billango at ang hatol sa iyo ay. Igapos sa madilim na gubat.
KAWAL NG (A): gaya ng aking sinabi noon. Siya ang hari ngayon at dimagtatagal ay pakakasalan niya si Prinsesa Laura.
FLORANTE: ano... kailangan niyo ako! Patutunayan ko na di karapatdapat mamuno si Adolfo. At di rin pakakasal si Laura sa Duwag
niyong Hari.
KAWAL NG (A): huli ka na. Wala ka ng magagawa at sa palagay ko ito na ang ito na ang iyong katapusan.
NARATOR: inilabas na ng piitan si Florante at idinala na siya sa madilim na gubat at iginapos sa puno ng higera. At si Florante ay
iniwan sa gubat.
NARATOR: parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong libingan na ang tanging maririnig ay huni ng ibon at mumunting
hayop. Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang kanyang ama ay wala na, si Menandro ay walang kaalam alam na naiwan sa
Etolya at si Laura ay nasa kapangyarihan ng malupit na Konde.
FLORANTE: laura, o aking laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na itoy wala akong makitang pag-asa.
NARATOR: lumipas ang magdamag na di halos namalayan ni Florante. isang pikit man ay di makatulog. Sa kabila ng nanghihinang
katawan ay pinipilit paring makatakas subalit wala siyang magawa..... Samantala sa kabilang panig isag girero ang ....
ALADIN: napakadilim ng gubat na ito. Dito muna ako magpapalipas ng pagod. (leon)
ALADIN: sino kaya iyon! Humuhingi ng tulong. Sandali lang.... nasapanganib siya. (espada laban)
ALADIN: huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong Moro na kaaway ng iyong lahi, subalit ngunit sa
pagkakataong itoy tao rin ako na may puso at damdamin.
ALADIN: walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo na ligtas na pook. Kaibigan may natira pa akong pagkain.
Heto kumain ka na. Alam kung gutom na gutom kana.
NARATOR: naging palagay ang loob ni Florante sa Girerong Moro. Naubos niya ang tinapay at nakatulog.
NARATOR: sa pangambang baka masila ng mabangis na hayop binantayan ng Moro si Florante hanggang itoy magising.
FLORANTE: hindi ka natulog? Kay buti mo, hindi ko malaman kung paano kita pasalamatan.
ALADIN: kaibigan, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nagkaganito ka.
FLORANTE: kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula sa kamusmusan.
NARATOR: isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata hanggang lumaki, ang mga nangyari sa kanya, at kung paano
siya nakapunta sa gubat.
FLORANTE: at sa maraming digmaan sinuungan kou isa na si Heneral Osmalik sa aking nagapi, na ayon sa Balita ay siyang pangalawa
sa tapang ni Aladin!
ALADIN: huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dag dag.
ALADIN: yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggan mo naman ang aking kapalaran.
ALADIN: florante ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay.... ako.
FLORANTE: Diyatat ang kaharap koy ang kilabot na mandirigma ng Persiya. ALADIN: ang akin namang kasawian ay dahil naman sa
aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang umagaw sa mahal kong si Flerida.
NARATOR: isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. pati narin ang dahilan ng alitan nilang mag ama.
Samantala sa kabilang banda sa etolya....
MENANDRO: kay Laura???? Tama nga ang aking hinala.. mga kawal.. mga kawal maghanda kayo ngayun din at lulusob tayo sa
Albanya.
NARATOR: habang nagkakagulo ang ,mga tao sa Albanya itinakas ni Adolfo si Laura
FLERIDA: bitiwan mo siya. Nilalang. Isa kang Halimaw. Ito ang nababagay sa iyo.
FLERIDA: flerida
LAURA: maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni Adolfo ang kanyang masamang balak. Ahh. Siya nga pala ako
nga pala si Laura
NARATOR: nagpalagayang loob ang dalawang dalaga at sanhi narin ng pangyayari isinalaysay nilang pareho ang kani kanilang
karanasan bago ang pagkakataong iyon.
ALADIN: at ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi...
NARATOR FLERIDA: subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng sultan. Ninais ko pang magpakamatay ngunit paano si
Aladin.. hanggang sa maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang kaparangan at kabundukan hanggang marating ko ang kagubatan
at...
LAURA: Florante
ALADIN: flerida
FLERIDA: Aladin
NARATOR: walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang madawag na gubat na iyon ay naging paraiso.
NARRATOR: sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. ikinuwento ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang siya ay
nakikipag digma sa Etolya.... ang hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aladin ang......
ALADIN: teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.
FLORANTE: Minandro,
MINANDRO: Florante. oh kaibigang Florante, ang akala koy hindi na tayo magkikita.
MINANDRO: pagkaalis moy isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon ko nabatid ang inilaang patibong ni Adolfo para sayo.
Hindi ako nag aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo at noon din ay sinalakay namin ang Albanya. At hindi kami na bigo,
naibagsak namin ang mga kabig ni Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit hindi ko kayop matagpuan.
LAURA: kasalukuyan akong itinatakas a palasyo ng itakas akot dalhin ni Adolfo sa gubat at dito ako nakita ni Flerida. Na siyang
nagligtas sa akin.
FLORANTE: menandro.
MENANDRO: florante,
NARATOR: at nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik sa Albanya. Gayon na lamang kanilang kagalakan ng
matanaw na nila ang Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay sinalubong sila ng di magkamayaw ng mga mamamayan.
MAMAMAYAN SA ALBANYA: mabuhay ang bagong hari, mabuhay sina Florante at Laura.
NARATOR: at di naglipat araw ang dalawang puso ay pinag tali, sina florante at Laura, Aladin at Flerida. Pagkatapos ng malaking
pigging sa Palasyo ay nagpaalam na sina aladin at Flerida..
NARATOR: AT SI Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng kaharian, malaki ang isinulong ng Albanya. Magbuhat noon ay
di na humiwalay sa kanila ang kaligayahan.