You are on page 1of 11

Florante at Laura

Scene 1 (ang kabataan ni Florante)

TAGAPAGSALAYSAY:si florante ay bugtong na anak nina Prinsesa Floresca at Duke Briseo. Ang
butihing prinsesa ay anak ng hari ng krotona at ang mabait na duke ay siyang salamin sa karunungan
sa buong albanya. Nang sanggol pa lamang si Florante ay ...
MENALIPO: haa!!. isang Buwtre! iyan ang nararapat sa iyo halimaw.
FLORESCA: anong nangyayari at…
MENALIPO: princessa floresca ang...
FLORESCA: ang aking anak.. mabuti’y nasa mabuti kang kalagayan anak. salamat na lamang nandito ka
menalipo kundi’y malamang napahamak na ang aking anak. Halika’t dalin natin siya sakanyang ama.
TAGAPAGSALAYSAY: sapaglipas ng panahon si Florante ay nasa wastong gulang na upang tumuklas
ng kanyang karunungan napagtanto ng kanyang ama na si Duke Briseo na siya ay pag aralin sa Atenas..
FLORANTE: ama,.narito po pala kayo, at napansin ko ang iyong pagkabalisa..
DUKE BRISEO: florante, anak, napag isip isip ko napapanahon na upang tumuklas ka ng karunungan.
Ikaw anak ay ipadadala namin sa Atenas, ang lungsod ng walang hanggang karunungan doon hinuhobog
ang diwa na baling araw ay magiging dakila
FLORANTE: pano po ang aking ina? Diyata’t mawawalay ako sa kanya.
DUKE BRISEO: batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit kung tayo’y patatangay ng
kalungkutan sanhi ng ating paglalayo ay hindi mo matatagpuan ang tagumpay....... Iyan ang dahilan kung
kaya’t dapat nating pagtiisan ang lahat. Ang kapangyarihan ng luha ay dapat nating pawalang
kabuhulan.
(lalapit si floresca)
PRINSESA FLORESCA:nagkausap nap ala kayong mag-ama?
FLORANTE:opo ina ngunit ayaw kong malulungkot kayo…
PRINSESA FLORESCA:mahal kong asawa bakit kailangang doon sa malayo mag-aral ang ating
anak?bakit din a lamang natin paturuan sa ibang guro sa loob n gating tahanan
DUKE BRISEO:may katwiran ka giliw ko. Ngunit ang karanasan sa paglalakbay ay hindi mapapantayan
ng karunungan mula sa mga dahon ng aklat?
PRINSESA FLORESCA:(malungkot) sge para sa ikabubuti ng ating anak pumapayag na ako… Florante
..anak mag-aaral ka ng mabuti …lagi mong iisipin ang mabuting asal na itinuro naming sayo at doon sa
malayo huwang mo akong kakalimutan aking anak….
FLORANTE:opo ina makakaasa po kayo magsisikap po ako sa pagtuklas ng karunungan upang
maipagmalaki niyo ako (niyakap ang ina at ama at sasabihing)paalam pos a inyo mga mahal kong
magulang …

Scene 2 (Atenas)

TAGAPAGSALAYSAY:Atenas! Isang lungsod ng mataas na uri ng kabihasnan. Pangulong syudad na


bantog sa Gresya na kadluan ng kultura at karunungan.
ANTERNOR:Nagagalak ako sa iyong pagdating, Florante
FLORANTE: gayun din po ang sumasapuso ko maestro.
TAGAPAGSALAYSAY: isang buwan na ang lumipas subalit hindi humiwalay ang kalungkutan sa kanya,
kahit minsan...... pinayuhan siya ng kanyang guro na makipagkaibigan at sinabi pa niyang maykakabayan
siya dito. Nagpakilala si Florante sa kanyang mga kamag aral at di niya akalain na doon pala niya ang
magiging pinakamatalik niyang kaibigan.
FLORANTE: mula ngayon ay kaibigan niyo akong lahat. Ako si Florante.
MENANDRO: asahan mong magiging matalik mo akong katoto! (nagyakapan sa harap ng gruo)
ANTENOR: Wala yata si Adolfo?
MENANDRO: Nariyan lamang po at marami raw siyang ginagawa.
FLORANTE:Adolfo?
ANTENOR:(itinuro si adolfo)siya si adolfo .anak ni konde sileno ng albanya at kababayan mo
TAGAPAGSALAYSAY:napangiti si florante at pinuri si Adolfo
FLORANTE:napahinhin ng asal niya,hindi magaso at kung lumakd pay palging patungo
ANTENOR: oo Florante mabait yang si Adolfo. (lalapit si adolfo) o Adolfo ito nga pala si florante
mula rin siya sa albanya gaya mo.
ADOLFO: Ikinagagalak kitang makilala, ako si Adolfo.
TAGAPAGSALAYSAY: Mula noon ay naging masaya na si Florante. Madali silang nagkapalagayan ng
loob ni Menandro. Ilang pahahon pa ang lumipas.
MENANDRO:alam mo Florante simula ng dumating ka ditto ikaw lang ang itinuring kong matalik na
kaibigan, siguro ay dahil busilak ang iyong puso at walang halong kaplastikan.
FLORANTE:ako rin Menandro ,kahit si adolfo na kababayan ko ay hindi ko kapalagayan ng loob ewan
ko pero parang hindi tuna yang kanyang kabaitanna ipinapakita
MENANDRO:napapansin ko din yan at simula ng dumating ka dito ay mayrron kaming napansing
kakaiba sa ugali niya.

Scene 3: dula dulaan lang hindi totohanan

TAGAPAGSALAYSAY: At di nagkabula ang kanilang sapantaha pagkalipas pa ng ilang taon ay si


Florante na nga kinikillalang pinakamarunong sa paaralan. Ang pangalan niya’y naging bulaklak ng dila
ng mga tao.
At pagkalipas ng ilang buwan ang paaralan ay nagtangi ng isang araw ng kasayahan.
ANTENOR: ang ating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay ni Reyna Yokasta.
Florante, papel ni Etyokles ang gagampanan mo. Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni
Menandro
TAGAPAGSALAYSAY: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing
tauhan ng kasaysayan si Florante.
MGA TAO: florante! Florante!
ANTENOR: magsisimula na ang ating dula kaya lahat ay pumwesto na.
TAGAPAGSALAYSAY; at sakalagitnaan ng kanilang pagtatanghal
Sa halip na sabihin ang nasa orihinal na ikaw’y kumilala;t kapatid mo ako kay Epidong Bunga,”
ang nawika ni Adolfo ay.....
ADOLFO; (hinugot ang espada) ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay! Umm
Umm!...... Mamatay ka!. (akmang sasaksakin at nagpagulong gulong sa sahig)
MENANDRO: bitiwan mo iyan! Traidor, taksil. (nilapitan si florante at niyakap)
ANTERNOR: anong nangyayari dito? Bakit Adolfo anong tinangka mong patayin ang iyong
kababayan?
ADOLFO: kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karanangalan ko!
TAGAPAGSALAYSAY: hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina uwi sa
Albanya at si Florante ay naiwan pa at hinintay ang pasya ng kanyang ama.
MENANDRO: ilang taon nalang Florante at malapit na tayong magpatpos , uuwi ka na sa albanya
FLORANTE:oo at nasasabiok na akong Makita ang aking mga magulang lalo na ang aking ina, gusto mo
bang sumama para makabawi ako sayo sa pagligtas sa aking buhay?
MENANDRO:ikinagagalak ko kung papaya ang aking tiyuhin(biglang lalapit si Antenor)
ANTENOR:Florante may sulat ka galing sa albanya.
FLORANTE:salamat (binasa ang sulat)
(binasa ng tagapagsalaysay; Florante aking anak, binalak kong ipaalam sa iyo ang masakit na
pangyayari sa ating buhay ngunit wala akong magagawa , ang iyong ina ay pumanaw na at tinawag ni
bathala sa kabilang buhay hindi ko na ipaalam sa iyo agad upang hindi masira ang iyong pag-aaral,
hintayin mo ang sulat kung kalian kita papabalikin ditto sa albanya…. Ang iyong ama… Duke Briseo
FLORANTE: (nabitawan ang papel) wala na ang mahal kong ina. O mahabaging langit
ANTENOR: lakasan mo ang iyong loob Florante
MENANDRO: nakikiramay ako sa kalungkutan mo. Florante (pinulot ang papel)
TAGAPAGSALAYSAY: napatingin sa malayo si Florante na wari ay natatanaw ang larawan ng kanyang
ina.....
FLORANTE: (iiyak) ina, bakit hindi mo na ako hinintay. Hindi ba’t sinabi ko sa iyong ako’y magbabalik
upang handugan ka ng aking tagumapay.
MENANDRO: (yayakapin si florante)huwag masayadong malumbay Florante, hindi makakatulong sa
katawa mo ang kalungkutan.
FLORANTE: salamat sa iyong paalala Menandro, isa kang dakilang kaibigan
TAGAPAGSALAYSAY: nakaraan pa ng dalawang buwan, dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo.
FLORANTE: pinauuwi na po ako mahal kong guro, nasa daungan na raw po ang sasakyan
ANTENOR: florante sa pag babalik mo sa Albanya ay tandaan mong mayroon kang isang kalaban, ang
higanti ni Adolfo ay pakaingatan mo. At kung ikaw ay salubungin ng ngiti, mag ingat ka pero wag kang
magpapahalata, lagi mong ihanda ang iyon sandata.
FLORANTE: salamat po sa iyong paggunita, siyanga pala Menandro, di ba sasama ka sa akin?
MENANDRO: ang pasiya lamang ng aking amain ang dapat nating hingin.
TAGAPAGSALAYSAY: hindi na hinintay ni Antenor na tanungin siya ng dalawa. Noon din ay pumayag
na sumama si Menandro kay Florante, ilang saglit pa sa daungan. At nakarating rin sila sa albanya
scene 4(ang pqgbabalik)

FLORANTE: (niyakap ang ama) ama ko. Hindi ko akalain na ganito kapait ang ating pagkikitang muli.
DUKE BRISEO: anak ko sinubok tayo ng tadhana.
FLORANTE: marahil nga ama. Ama may gusto po akong ipakilala sa inyo siya po ang aking kaibigan si
menandro.
MENANDRO: ang aking kaliitan ay handang maglingkod a inyo
DUKE BRISEO: Nabalitaan ko na ang lahat, isa kang tunay na kaibigan, nagtitiwala ako sa iyo
Menandro. Bilang araw ay makagaganti rin kami sa iyo.
TAGAPAGSALAYSAY:naputol ang kanilang paguusap ng may dumating na sugo
SUGO: mahal na duke ako po ay napagutusan ni haring linceo ,humihingi po ng tulong ang hari ng
krotona dahil sila’y nilusob ng mga moro sa pamumuno ni heneral osamlik.
TAGAPAGSALAYSAY: hindi nag-aksaya ng sandali ang mag ama, noon din ay nagsadya sila sa palasyo
ni Haring Linceo at ng magkaharap sila ay...
HARING LINCEO: mabuti at nag sadya ka agad sa akin, ang Krotona ay nangangailangan ng ating
tulong. O duke... sino ang binatang kasama mo? Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero,
ang aking napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro ko’t reyno
DUKE BRISEO: siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas. Si Florante na
inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang na isang basalyo’t na alagad.
FLORANTE: haring poon, pag-utusan po ninyo ako.
HARING LINCEO: mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral ng aking
hukbo, Florante.
TAGAPAGSALAYSAY:sa kagalakan ni florante dumapa siya sa yapakng hari upang hangkan ang mga
bakas nito
FLORANTE:hindi po ako makapaniwala, ngunit ako’y sadyang nagagalak sa inyong pagtitiwala sa akin.
TAGAPAGSALAYSAY:agad naman siyang pinatayo at niyakp ni haring linceo, habang naguusap sila ay
biglang sumulpot na babae na siyang ikinahanga ni florante.
LAURA:(biglang papasok si laura): narito pala kayo, mahal kong ama.
HARING LINCEO: o laura anak ko
TAGAPAGSALAYSAY: sa kagustuhan narin ng hari, ang magandang si Laura ay nakaumpok nila sa
pag-uusap na iyon kakaibang damdamin ang nadama ni Florante. Halos litung lito at di tuwid mag salita
si Florante at laging sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa kanya ay gayun di ang
nadarama ni Laura.
FLORANTE:( bulong niya sa satili) napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko. Pag-ibig na ba
ito.
LAURA: kay kisig na binata, sino kaya siya? (bulong niya sa isipan)
TAGAPAGSALAYSAY: nang matapos ang kanilang pulong, umuwi na sila Florante,
di mapawi ang kanyang kalungkutan dahil malapit na ang digmaan at hindi pa rin siya nakakapagtapat
ng kanyang pag-ibig sa kanyang minamahal nasi Laura. Ng minsang hindi sinasadyang magkita ang
dalawang nag iibigan ay..........
FLORANTE: anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na ako’y humihinga pa sa
mga ssandaling ito.
LAURA: nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo ang pagpanaw ng iyong ina.
FLORANTE: hindi iyon ang dahilan laura, ang kalunkutang nadarama ko ngayon ay nagsimula ng kita’y
makilala.
LAURA: kung gayon kinalulungkot ko ang una nating pagkikita.
FLORANTE: hindi mo ako nauunawaan Laura, ang kalungkutan ko’y sanhi ng aking damdaming inuukol
sa iyo na hindi ko maipahayag! Subalit sa pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo mababatid na
ikaw ay aking iniibig Laura!....... Laura iniibig kita, at kung hindi kalabisan ay nais kong bago ako
magtungo sa larangan ay bigyan mo ng liwanag ang isinamo ko.
LAURA: hindi ko nais na lumisan kang malungkot, Florante.
FLORANTE: kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa
daigdig.
LAURA; florante, lumakad ka na at umaasa kang patnunubayan ka ng aking mga dalanigin.
FLORANTE; ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay, salamat
,paalam(umalis na si florante)
LAURA: diyos na mahabagin huwag mo pong itulot na mapahamak si florante. Patnubayan niyo po siya
ng iyong mapagpalang kamay.
TAGAPAGSALAYSAY: kinabukasan, ang hukbong patungo sa Krotona ay handang-handa na
ang mga kawal at si Florante kasama si Menandro ay tumungo na sa Krotona.

Scene 5: sa krotona

FLORANTE :Sugod mga Kasama!


MGA KAWAL:haaaaaa!!!
TAGAPAGSALAYSAY: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo at hindi
matutuhan ang gagawin. .samantalang sa limang oras na paglalaban nina osmalik at florante,ipinakita
ni florante ang kanyang galing sa pakikihamok at Napatay niya si osmalik
(isasara ang entablado at babasahin ng tagapagsalaysay ang mga susunod na pangyayari)
TAGAPAGSALAYSAY:nabawi dun nila ang Krotona , ang limang buwan na inilagi niya sa krotona ay
parang limang taon kaya nagpumilit siya na makuwi sa albanya upang masilayan si laura. Ngunit ng
malapit na sila ay nakitang nilang hindi bandila ng albanya ang nakawagayway kundi bandila ng mga
moro. Ang kaharian ay nasakop ng mga moro sa pamumuno ni aladin ang pangalawa kay heneral osmalik
sa pagiging kilabot sa pakikidigma. Nang masupil ang mga moro ay pinasok ni florante ang bilangguan
at pinakawalan sina haring linceo,duke briseo at laura…

Scene 6:; sa albanya

MGA TAO:mabuhay si florante….. mabuhay!!!!!! Mabuhay si Prinsesa Laura.


HARING LINCEO:Florante,karapatdapat ka sa lalong matayog na papuri.ikaw ang tanggulan ng bayan
.. pinatunayn mo florante na ikaw ang lalaking dumalaw sa aking panaginip.
FLORANTE;(lumuhod si florante tanda ng malaking paggalang sa hari)
TAGAPAGSALAYSAY:si adolfo naman sa halip na magpasalamat kay florante ay mas lalong nabalot
ng galit at inggit ang kanyang puso lalo pa ngayong wala na siyang puwang sa trono ng hari at sa puso
nil aura.
TAGAPAGSALAYSAY: ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at malaking
kapanalunan. Labing pitong kaharian ang gumalang at sumuko sa kanyang katapangan. Ilang buwan ang
lumipas, muling sinalakay ang Albanya, pumasok ang mga Turko sa pamumuno ni Heneral Miramolin. At
sa kahuli hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga Mapanakop na nilalang. Nasa kaharian ng Etolya sina
Florante pagkatapos ng laban ng may dumaring na liham galing kay Linceo.

Scene 7: ang taksil

KAWAL NG (A): Heneral may liham po galing Kay Haring Linceo.


FLORANTE: salamat.
MENANDRO: ano ang sabi Florante.
FLORANTE: pinauuwi ako sa Albanya at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo. Paalam muna Menandro uuwi
muna ako sa Albanya. Aalis na ako.
MENANDRO: ako na ang bahala ditto florante…gagampanan ko ang tungkulin na iniatas mo sa
akin(niyakap si florante)
TAGAPAGSALAYSAY: nakarating na si Florante sa Albanya ngunit....
FLORANTE: ano ang ibig sabihin nito, hindi nyo ba ako kilala.
KAWAL (B): ikinalulungkot namin Heneral, subalit iyan ang pinag ustos sa amin ng Hari.
TAGAPAGSALAYSAY: at sa laki ng kanyang pagkamangha ay kinulong siya sa isang madilim na
bilanguan at dito niya nabatid na.
ADOLFO: magandang gabi, inutil na Heneral. Kamusta naman sa iyong kwarto. Maganda ba?
FLORANTE: Adolfo? bakit.. pano’t.. Bakit na sa iyo ang sentrong Korona. Taksil ka!!!!. Pano mo nagawa
iyan sa sarili mong bayan. Nasan ang hari at ang aking ama?
ADOLFO: Florante... florante... kawawa ka naman at hulog ka sa aking bitag. Alam mo pinugutan ko
lang naman ang iyong ama at ang hangal na Hari. Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya.
Mga walang utak..
FLORANTE: (sumisigaw) pakawalan mo ako dito, buhong Florante. pagbabayaran mo ito ng mahal
Adolfo. Ngunit hindi ko lubos na maisip kung paano naging Hari ang isang duwag.
TAGAPAGSALAYSAY: pagkalipas ng labing walong araw ay inilabas siya sa piitan at:.....
FLORANTE: saan niyo ako dadalhin?
KAWAL NG (c): ikaw ay isang billango at ang hatol sa iyo ay. Igapos sa madilim na gubat.
FLORANTE: at kailan pa siya nagkaroon ng kapangyarihag humatol.
KAWAL NG (D): gaya ng aking sinabi noon. Siya ang hari ngayon at dimagtatagal ay pakakasalan niya
si Prinsesa Laura.
FLORANTE: (namangha sa narinig)hindi…. Hindi…… an gang sinasabi mo….. mga walang puso….. mga
haypo kayo…..

Scene 8 mapanglaw na gubat

TAGAPAGSALAYSAY:inilabas sa piitan at dinala sa madlim at mapanglaw na gubat na halos hindi na


nasisinagan ng araw. Madawag ang gubat at maraming mababangis na hayop. May tinik ang mga
baging na nakakalason ang bunga ,masangsang ang amoy ng mga bulaklak ng mga punong kahoy . at Si
florante nakagapos sa puno ng higera na ang dalawang mata ay puno ng lugkot at hinagpis sa luha
idinaan ang sakit ng nakakaawang itsura
FLROANTE:(sumisigaw) mahiganting langit!! Bangis mo’y nasaan! O diyos ko!!! Anong uring kalupitan
ito!!!!
TAGAPAGSALAYSAY: parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong libingan na ang
tanging maririnig ay huni ng ibon at mumunting hayop. Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang
kanyang ama ay wala na, si Menandro ay walang kaalam alam na naiwan sa Etolya at si Laura ay nasa
kapangyarihan ng malupit na Konde.
FLORANTE: laura, o aking laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na ito’y wala akong makitang
pag-asa.
TAGAPAGSALAYSAY: lumipas ang magdamag na di halos namalayan ni Florante. isang pikit man ay di
makatulog. Sa kabila ng nanghihinang katawan ay pinipilit paring makatakas subalit wala siyang
magawa..... habang naglalakbay ang diwa ni florante sa nakaraan may isang geregong naglalakad at
parang mayroon din siyang dinadalang problema .ipinatong ni gererong bayani sa kaliwang kamay at
saka tinuptop ang noong kanan.para bang isang mahalagang bagay ang nakalimutan. Makalipas ng ilang
minute ay kinalimutan niya na lamang ito. Sa medaling himutok ay kasalimuha ang wikang….
ALADIN:Flerida sinta ko tapos na ang atig suyuan. Di ko akalain na ang aagaw sa babaeng mahal ko’y
sarili ko pang ama dapat igalang. Lahat ay gagawin ko kahit pumatay wag lamang si amang aking mahal.
TAGAPAGSALAYSAY:dahil makapangyarihan ang pag-ibig, maging mag-ama’y kanyang nasasaklaw.
ALADIN;oh,pag-ibig makapanyarihan kapag ikaw ay pumasok sa puso ninuman hahamakin lahat
masunod ka lamang. Ama ko!!!bakit si flerida pa?....bakit sinaktan mo ang sarili mong anak??? Bakit
kaligayahan ko pa? bakit ama???? Bakit….
TAGAPAGSALAYSAY:habang umiiyak ang gerero ay mayroon parang sumasagot sa kanyang mga
hinaing.
ALADIN: (pinapakinggan ang narinig na boses)sino kaya ang lalaking iyon na umiiyak kagaya ko?kung
ganoon hindi pala ako nag-iisa sa gitna ng gubat?(muling pinakinggan ng moro ang iyak ng lalaki)
FLORANTE:ama ko bakit buhay mo ang unang naptid?bakit kinuha ka sa akin ng diyos …. Ikaw na
walang ibang inisip kundi ang kaligayahn ko…? Parang nakikita ko kung paano winakasan ni adolfo ang
buhay mo…. Patawa ama ko at hindi kita natulungan patawad …
TAGAPAGSALAYSAY:hinanap ni aladin ang pinanggagalingan ng boses at gayon na lamang ang
pagkabigla nang may nakitang dalawang leon na handing sakmalin ang lalaking nakagapos.
LEON:grrrr. Grrr…. Grr……
ALADIN:anong gagawin ko?(kinuha niya ng espada at nakipglaban sa leon)
TAGAPAGSALAYSAY:ubod ng lakas na nakipag-away sa mababangis na leon ….. nang magwagi ay
maingat niyang kinalagan ang walang malay na si florante.
ALADIN;kaawa-awa ang kanayng kalagayn sino kaya ang walang puso na gumawa nito sa kanya
TAGAPAGSALAYSAY:dinali niya ito sa maayos na lugar at pinagpahinga sa isang malapad na bato at
saka ginamot ang mga sugat na tinamo sa pagkakatali kay florante.
FLORANTE (nagising at napabalikwas): si...sino ka? Ang kasuotan mo’y nagpapahiwatig ng Moro!
ALADIN: huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong Moro na kaaway ng iyong
lahi, subalit ngunit sa pagkakataong ito’y tao rin ako na may puso at damdamin.
FLORANTE: sasalamat sa pagligtas mo sa akin.
ALADIN: walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo na ligtas na pook. Kaibigan
may natira pa akong pagkain. Heto kumain ka na. Alam kung gutom na gutom kana.
FLORANTE: maraming salamat.
TAGAPAGSALAYSAY:kinaumagahan,inalalayan ng moro ang nanghihinang katawan ng binata,
tinalunton nila ang landas patungo sa bahay ni aladin at doon inalagaan at pinakain ang binata.
ALADIN;ngayon ay magaling ka na maari bang malaman kung ano ang dahilan ng iyong pagdurusa
kaibigan?
FLORANTE: kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula
sa kamusmusan.
TAGAPAGSALAYSAY: isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata hanggang lumaki,
ang mga nangyari sa kanya, at kung paano siya nakapunta sa gubat.
FLORANTE: at sa tuwing maaalala ko si Laura ay halos mawalan ako ng diwa.
ALADIN: masalimuot pala ang pinagdaanan ng iyong buhay, Florante.
FLORANTE: at sa maraming digmaan sinuungan ko’u isa na si Heneral Osmalik sa aking nagapi, na
ayon sa Balita ay siyang pangalawa sa tapang ni Aladin!
ALADIN: huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dag dag.
FLORANTE: at ayon pa nga sa balita ay walang kasing bangis si Aladin.
ALADIN: yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggan mo naman ang aking kapalaran.
FLORANTE: ikaliligaya kong mabatid kaibigan.
ALADIN: florante ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay.... ako.
FLORANTE: i........ ikaw?
ALADIN: ako nga florante si Aladin, na katulad mo isa ring sawi.
FLORANTE: Diyata’t ang kaharap ko’y ang kilabot na mandirigma ng Persiya.
ALADIN: ang akin namang kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang
umagaw sa mahal kong si Flerida.
TAGAPAGSALAYSAY: isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. pati
narin ang dahilan ng alitan nilang mag ama. Samantala sa kabilang banda ng etolya……
MENADRO: mukhang nagkakasiyahan kayo.
KAWAL: may Liham galing kay Laura
MENANDRO: kay Laura???? Tama nga ang aking hinala.. mga kawal.. mga kawal maghanda kayo
ngayun din at lulusob tayo sa Albanya.
TAGAPAGSALAYSAY: at ng , sila’y makarating sa kaharian ng Albanya...
MENANDRO: sugoooood! Patayin ang mga taksil
TAGAPAGSALAYSAY: habang nagkakagulo ang ,mga tao sa Albanya itinakas ni Adolfo si Laura
ADOLFO: magiging akin ka ngayon
LAURA: bitiwan mo ako. Halimaw!!!(kinakalmot si adolfo).
FLERIDA: bitiwan mo siya. Nilalang. Isa kang Halimaw. Ito ang nababagay sa iyo. (pinukpok si adolfo)
LAURA: maraming salamat... ummm..
FLERIDA: flerida
LAURA: maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni Adolfo ang kanyang masamang
balak. Ahh. Siya nga pala ako nga pala si Laura
TAGAPAGSALAYSAY: nagpalagayang loob ang dalawang dalaga at sanhi narin ng pangyayari
isinalaysay nilang pareho ang kani kanilang karanasan bago ang pagkakataong iyon.
(katuloy nung nasa gubat si florante at aladin)
ALADIN: at ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi...
FLORANTE: hintay wala ka bang naririninig?
ALADIN: oo nga, tena at ating pakinggan!
FLERIDA: subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng sultan. Ninais ko pang magpakamatay
ngunit paano si Aladin.. hanggang sa maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang kaparangan at
kabundukan hanggang marating ko ang kagubatan at...
LAURA: isa ka rin palang sawing nalayo sa iyong tunay na minamahal
FLORANTE: diyata’t si Laura ang narinig ko.
ALADIN: at kasama niya ang muyta kong si Flerida. (magkikita silang apat sa gubat)
FLORANTE: laura o aking laura
LAURA: Florante
ALADIN: flerida
FLERIDA: Aladin
TAGAPAGSALAYSAY: walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang
madawag na gubat na iyon ay naging paraiso.
LAURA: o florante, mula ng lumisan ka ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.
FLORANTE: Gulo? Anong gulo ang naganap mahal kong Laura?
TAGAPAGSALAYSAY: sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. ikinuwento ni Laura ang mga
nangyari sa Albanya habang siya ay nakikipag digma sa Etolya.... ang hindi nakaligtas sa matalas na
pandinig ni Aladin ang......
ALADIN: teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.
FLORANTE: oo nga! Dali! Magsipag kubli tayo!
TAGAPAGSALAYSAY: at mula sa kanilang pinagkukublihan, ay ito ang kanilang nakita.....
FLORANTE: teka, tila namumukaan ko ang nangunguna. Oo nga, si..... si Menandro!
FLORANTE: Menandro,
MENANDRO: Florante. oh kaibigang Florante, ang akala ko’y hindi na tayo magkikita.
FLORANTE: Menandro, salamat.... salamat sa pagdatin nyo.
MENANDRO: pagkaalis mo’y isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon ko nabatid ang
inilaang patibong ni Adolfo para sayo. Hindi ako nag aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo
at noon din ay sinalakay namin ang Albanya. At hindi kami na bigo, naibagsak namin ang mga kabig ni
Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit hindi ko kayop matagpuan.
LAURA: kasalukuyan akong itinatakas a palasyo ng itakas ako’t dalhin ni Adolfo sa gubat at dito ako
nakita ni Flerida. Na siyang nagligtas sa akin.
MENANDRO: kay ganda ng pagkakataon ngayon, wala ng liligalig sa bayan ng albanya
FLORANTE: menandro.
MENANDRO: florante,
KAWAL NG A.: MABUHAY SI Florante, MABUHAY SI prinsesa Laura
TAGAPAGSALAYSAY: at nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik sa Albanya.
Gayon na lamang kanilang kagalakan ng matanaw na nila ang Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay
sinalubong sila ng di magkamayaw ng mga mamamayan.
MAMAMAYAN SA ALBANYA: mabuhay ang bagong hari!!!, mabuhay sina Florante at Laura. !!!!
TAGAPAGSALAYSAY: at di naglipat araw ang dalawang puso ay pinag tali, sina florante at Laura,
Aladin at Flerida. Pagkatapos ng malaking pigging sa Palasyo ay nagpaalam na sina aladin at Flerida..
ALADIN: paalam na florante, laura, hanggang sa muli nating pagkikita
FLORANTE: pagpalain kayo ni Bathala aladin, flerida.
TAGAPAGSALAYSAY: AT SI Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng kaharian, malaki
ang isinulong ng Albanya. Magbuhat noon ay di na humiwalay sa kanila ang kaligayahan.

You might also like