You are on page 1of 5

Sa malayong kalupaan dooy sumibol ang 2 kaharian ang albanya at ang krotona 2 magkakaibang

pinagugatan ng lahi relihiyon at pinaniniwalaan

Florante :(voice over)ako si florante ang bugtong anak nina duke briseo at princessa floresca ang aking
ama ay tanungan ni haring linceo ng albanya at ang aking ina naman ay princessa ng krotona.ako naman
ay namulat at nagkamalay sa albanya

Sa maiinit na kamay ni princessa floresca ay agad nakaidlip si florante

Floresca: matulog ka muna anak at ikaw ay ipagtitimpla ko muna ng gatas

Sa pag alis ni princessa floresa ay may dumating na di inaaahang pahamak

Nang malapit ng kunin ng buwitre si florante ay agad na pumasok si menalipo

Floresca :maraming salamt ginoo alam kong aking pagpapasalamat ay di makatumbas sa iyong ginawa

Menalipo:kayo po ay nagkakamali ito po ay aking ikinagaglak ako na poy mauuna kay dami pang gawain
ang dapat kong tapusin

Floreca:maraming salamat ulit ginoo paalam

Sa paglipas ng buwan araw at taon ang nooy sanggol na si florante ay lumaking makisig at matapang
nahilig si florante mamana at magpasyal sa kabukiran

Habang nag aantay sina florante at iba pang mga bata ay may bumatog na isang napakagandang ibon

Agad inilabas ni florante ang kanyang pana at busog

Sa isang iglap ang ibon ay bumagsak .Ang kanilang tinig ay agad na umaalingaw ngaw sa kapaligiran
agad namang kinuha ng mga bata ang ibon napana nang makaramdam ng pagod sa pamamana ay may
lugar silang pinupuntahan

Florante:dito,dito sa lugar naito ninanais kong magpahinga

Agad nahiga si florante at ipinikit ang kanyang mga mata .Pinakinggang niyang masinsin ang huni ng
ibong kay ganda

Nang palubog na ang araw si florante ay umuwi na sa kanilang tahanan

Nang papasok na siya ng bahay ay may tumapik sa kanyang balikat

Florante :ama.....

Duke briseo :may nais sana akong sabihin sayo

Duke briseo:matagal ko nang pinagiisipan ito .....

Florante :pinagiisipan ang ano?...

Duke briseo:nais ko sanang ipadala ka sa atenas upang doon mag aral Upang iyong matuklas ang sarili
mong buhay matuto ng ginintoang aral at pakikisalamuha sa kapwa

Florante:ngunit ......
Duke briseo:kung baga ikaw ay isang bulaklak na di pa bumubuka o sumisibol

Florante: bakit naman ito ay iyong nasabi aking ama

Duke briseo: Pag iyong sarili ay nakilala mo na sa kung sino ka ,ano ka at mga bagay na kaya mong gawin
ikaw ay sisibol sisibol sa isang napakagandang bulaklak

Florante :ngunit ama paano ko makamtan ang iyong mga kagustuhan

Duke briseo :sa tamang panahon anak

Naiwang tuliro at naguluhan ang isip ni florante sa sabi ng kanyang ama

Sa pagtung tong ni florante ng 11 taong gulang

Duke briseo:anak ikaw ay ipapadala ko sa atenas upang doon mag aral .Doon mahuhubog ang iyong isip
at diwa .Upang balang araw ikaw ay maging dakila .Nandoon ang gurong tanyag at mahusay .Isa dyan ay
si atenor .Siyay lahi ni pitako isa sa marunong sa syudad ng gresya

Florante :ngunit ama...... paano ang aking ina

Duke briseo:kahit itoy labag sa aking kalooban mas pipiliin ko ang iyong kapakanan

Sa gitna ng kanilang pag usap ay pumasok si floresca

Duke briseo:mahal kong asawa suliranin ng ating pamilya ay dapat pag usapan

Floresca:batid koy ito ang pag aaral ni florante sa atenas ayaw kong mawalay sa akin ang nag iisa kong
anak

Duke briseo:ngunit mas ikakabuti niya ito

Floresca:ngunit mahal kong asawa

batid mo ba ang aking nararamdaman si florante ang bugtong at nagiisa nating anak paano kapag.....

Duke briseo:floresca ngunit ang ating anak ay dapat tumuklas sa kanyang buhay

Floresca:pwede naman natin siyang pag aralin sa palasyo

Duke briseo:ngunit sa pakikisalamuha sa ibang tao ay di ito epektibo mas maayos kung si florante ay
mag aaral sa atenas doon marami siyang makikilala doon siya magiging dakila

Floresca :anak kong florante ikaw ba ay sasangayon sa nais ng iyong ama ?

Florante:ina kong floresca ngunit ayaw kitang nakikitang umiiyak at nasasaktan

Floresca:ngunit anak pakinggan mo at unawain ang aking sasabihin ako ay sasang ayon na sa pag aaral
mo sa atenas dahil para ito sa iyong kapakanan

Florante:ngunit ina.... ayaw kong iwan kang nalulungkot

Floresca:ngunit anak parte ito ng iyong pagkatao kailangan mong tanggapin ang lahat ng sakit na iyong
mararanasan sa paglalakbay ngunit sa isang kondisyon
Florante:ano ang kaisa isa mong kondisyon ina ?

Floresca :ipangako mo na mag iingat ka palagi at lagi mong tatandaan na nandidito kami nagmamahal at
sumusuporta sa iyo

Labis ang lungkot na nararamdaman ng mag asawa ngunit hindi nila ito ipinapadama sa kanilang anak
upang di nito maramdaman ang lungkot

Sa pag alis ni florante

Duke briseo:sana ay pagpapalain ka ng diyos sa iyong paglalakbay

Florante :paalam aking ama’t ina

Sa atenas

Atenor :mga mag aaral ng atenas ngayo’y may ipakikilala ako sa inyo

Florante : ako si florante mula albanya

Atenor:ikinalulugod ko ang iyong

pagdating

Florante:at ikinagagalak ko kayong makita

Habang naglalakadsi florante sa kanyang bagong paaralan ay may kumuha sa kanyang atensyon

Binibini:magandang araw sayo florante

Florante:magandang araw din mga binibini

Nais kong mabatid ang iyong pangalan ginoo at kung iyong mararapatin ay nais kitang maging kaibigan

Menandro :akoy nasiyahan sa iyong mga sinabi ako nga pala si menandro at aasahan mo na magiging
tapat at matalik

Florante:akoy nakakaramdam ng ubod na saya sa mga pangyayari dito silay tinatanggap akong buo at
walang pag aalinlangan

Habang silay naglalakad ay nadaanan nila ang kanilang guro na si atenor

Florante: magandang araw po!

Atenor:ay siya nga pala may nais sana akong ipakilala sayo siyay isa mo ding kababayan sa albanya ang
kanyang pangalan ay si konde adolfo isa sa mga nangunguna sa klase mabait at matipuno

Sa paglipas ng panahon ang 3 ay naging mag kaibigan sandigan sa lahat ng problema ngunit may
tinatagong paghasik ng lagim si konde adolfo

Atenor:bilang iyong tagapagturo ay may magaganap na dula dulaan sa ating klase at di nga ba sa isang
dula dulaan ay may mga tauhan tama ba o hindi

Kaklase :tama !
Atenor: at nakapili na ako ng mga taong mag papakintab ng dula dulaan

Florante bilang bida ,menandro bilang tagapagligtas at adolfo bilang kaibigan

Sa kanilang pag eensayo ay nakaramdam ng inggit si adolfo kaya’t may binalak siyang masama

Florante :gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makuha natin ang atensyon ng ating mga
manonood kaya natin to at kakayanin natin to

Sa araw ng dula dulaan

Nang nagsimula na ang palabas ay may di inaasahang aksiyon ang ginawa ni adolfo

Atenor :ano ang ibig sabihin nito adolfo muntikan mo nang mapatay si florante

Menandro:Ikaw ay isang taksil

Adolfo :florante dahil sayo naging mababa ang pagtingin sa akin ng mga tao inagaw mo sa akin ang
atensyon at pagmamahal kaya dapat mo tong pagbayaran kapalit ang iyong buhay

Florante:tandaan mo adolfo wala akong niisang inagaw sayo kayat wag na wag mo akong
pagbibintangan ginawa ko lang ang mga bagay na sa tingin koy tama adolfo ikaw ang nagparamdam sa
sarili mo na inagaw ko ang lahat ng ito sayo pero hindi hindi yan totoo

adolfo:tandaan mo florante maghihiganti ako hindi ito dito magtatapos!tandaan mo ang mukhang ito

Nang matapos ang pagsasadula ay agad napaisip si florante sa mga nangyari hinanap niya ulit si adolfo
ngunit hindi niya ito makita nalaman nalang niya na itoy tumakas na sa atenas

Florante :nasaan na si adolfo bakit ka ya siya tumakas dito akoy nagtataka parang may mali dito

Nang tulirong nag iisip si florante ay tumawag sa kaniya

Tagpaghatid ng mensahe: pasensya napo ginoo sa pang aabala ipinaparating po sayo ang sulat na ito

Nang mabasa ni florante ang sulat ay agad gumuho ang kanyang mundo

Florante :bakit! Bakit mahal kong ina hindi hindiiii ito pwede mangyari

Nang matanggap ni florante ang sulat ay ina asam asam niyang umuwi sa albanya ngunit hindi siya
pinayagan ng lumipas ang ilang araw ay muli namansiyang nakatanggap ng sulat mula sa kanyang ama
Florante :Hindi parin ako makapaniwala sa sinapit ng aking pinakamamahal na ina

Menandro:alam kong masakit tanggapin kaibigan kong florante ngunit wala akong kayang magawa di ka
man tumitinig ay ramdam na ramdam ko ang sigaw ng iyong pusong basag na basag

Tagapaghatid ng sulat :ginoo ipinapaabot po sayo ang sulat na ito

Sa pangalawang sulat agad tumayo si florante at pumunta sa gurong si atenor upang magpaalam

Florante : gurong atenor nais ko sanang magpaalam sa iyo ako muna ay babalik sa albanya upang
alagaan ang ama kong may dinaramdam at iniindang sakit
Atenor :papayagan na kita florante sapagkat isaulo mo ang isasabi ko sayo May matinding galit sayo si
adolfo ang kaniyang ugali na ipinamalas sa dula dulaan ay maari niyang gawin ulit kayat ikaw ay mag
ingat menandro alagaan at bantayan mo ng maigi si florante laban kay adolfo
Menandro :aasahan niyo po yan

Ano kaya ang mga nangyari sa paglalakbay ni florante at menandro abangan sa susunod na kabanata

You might also like