You are on page 1of 2

SALIGUMBA, KYLLE DENNICE S.

2018102685

FIL110 – B3

JOURNAL 1: KABANATA 8 -11

Kung lubos iisipin, ang ibabaw sa walong kabanata ay ang teoryang romansa. Makikita rito ang
lubos na pagmamahal ni Delfin kay Meni: Hahamakin ni Delfin ang lahat upang maipakita ang
pagmamahal kay Meni sapagkat lihim padin itong naparoroon sa tahanan nila Meni kahit alam niyang
maaring mahuli sya ni Don Ramon sa tulong ni Felipe. Tunay na makikita ang kapangyarihan ng pagibig
kay Meni at Delfin sa pamamagitan ng nilalaman ng sulat gaya ng pilit na pagkumbinsi ni Delfin na kahit
siya’y paghinalaan ni Meni ng pagtataksil, ay si Meni parin ang pipiliin niya. Naituro ng mga liham ang
pagiging tapat sa minamahal kahit na malayo sa isa’t isa at madaming tukso at iba pang nagkakagusto sa
dalaga. Ngunit, nakita ko rin ang kababawan ng pagiibigan ni Meni at Delfin (marahil dahil sa bata pa
sila) sa pamamagitan ng selos na nabuo sakanila at ang pagsasabi na “ang selos ay pagibig” na kung saan
para saakin ang selos ay hindi dapat nangingibabaw sa magkasintahan sa distansya man o sa mga taong
nakapaligid. Sa kabilang dako ng pagibig, nakita ko ang pagmamahal sa kaibigan. Ang pagkakaibigan sa
katauhan nina Delfin at Felipe; hindi lamang sa pagtulong ni Felipe sa pagiibigan ni Meni at Delfin kungdi
narin ang pagaalala ni Delfin sa kalagayan ng Binata sa kasalukuyang kalagayan at nararamdaman nito sa
kalagayan naman ng kasintahan ni Felipe na si Tenya. Ang pagkakaibigan ng mga karakter na si Delfin,
Meni, Felipe at tenya ay isang klase ng pagibig na di hindi madaling makita sa panahon ngayon dahil sa
hindi tinignan ng mga karakter ang estado ng buhay ng isa’t isa para sila ay maging magkakaibigan at
magtulungan sa oras ng pangangailangan.

Isang makabuluhang pagiibigan naman ang nakita ko kay Felipe at kay Tentay. Ang pagiibigan ng
dalawa ay hindi naapektuhan ng estado ng buhay. Ang pamilya ni Tentay ay hindi nagsamantala sa
pagibig ni Felipe kay Tentay. Pinapaliwanag ni Felipe na mula pa noong simula ay buo na ang kanyang
pag-ibig para kay Tentay, na ang pagkakaiba sa kanilang antas ng panlipunang-kabuhayan ay ‘di
kailanman magiging sukatan ng pagmamahalan o ng pagtingin nito na isang pagibig na dapat maranasan
ng lahat. Nangibabaw naman sa ika-siyam na kabanata na tunay ngang ang mga anak ang tanging
kayamanan ng mga mahihirap sa panahon noon at di mapagkakaila sa panahon ngayon dahil totoo na
marahim ang mga anak ang magdidikta ng kapalaran ng pamilya sa mga susunod pang henerasyon.
Nakadepende sa pagaaral, kapalaran, trabaho ng anak kung maiaahon nito sa hirap ang kaniyang
pamilya. Sa panahon ngayon ito nga ang kalagayan ng karamihan. Pilit na nagaaral at nagsusumikap ang
mga kabataan hindi lamang para sa sarili ngunit upang magpabalik sa mga magulang at maiahon ito sa
hirap. Ngunit hindi ito ang laging kaso. Gaya ng nabangit na si Ruperto na kapatid ni tentay na siyang
nakalimot na sa pamilya at di na bumalik. May mga ganito paring mga kabataan na kung hindi sa
marunong tumanaw ng utang na loob at maaring mali ng landas at taong napagdikitan. Maaring
napahamak na o ayaw na bumalik. Hindi naman masisisi ang mga ganitong tao lalo na’t marahil hindi
nila dama ang pagibig ng pamilya o sa pagod na marahil sa pagsisilbi sa pamilya. Sa panahon ngayon,
mayroon na nagsusulong na hindi obligasyon ng mga anak ang kinabukasan ng magulang ngunit para sa
sakin ay hindi man ito obligasyon pero dahil sa pagibig sa mga taong ito ay magkukusa kang magbalik ng
utang na loob at maging pagasa nila na mapabuti pa.
Ang pagmamahal ng magulang ay siyang walang katumbas na naipakita ng karakter ng
magulang ni tentay. Ang katayuan ng ama sa pamilya ay siyang pinatunayan ng ama ni tentay sapagkat
ito ay humihingi ng tawad sa maagang pagpanaw nito. Kung titignan natin ang kultura ng pilipinas, ang
ama ang haligi at siyang nagbibigay ng pangunahing pinansyal sa pamilya na kung siyang mawala ay
isang malaking epekto at hirap. Higit na iba din ang sinusweldo or binibigay na trabaho sa lalaki at babae
noon. Sa panahon ngayon ay hindi na ito ang laging makikita. Ang pantay na oportunidad sa trabaho at
sweldo ay makakamit na ngayon sa halos lahat ng bagay. Hindi na din lamang ang ama ang may
kakayanan magbigay ng pangunahing pinansyal kung hindi narin ang mga ina. Walang ibang ninanais ang
isang magulang kung hindi mapabuti ang kalagayan ng anak na siyang pinakita ng ama ni tentay sa
pagbilin nito kay Felipe ng kaniyang anak na siyang tunay na katangina ng magulang na siyang dapat
nating tandaan sa lahat ng oras.

Ang kasalan ni Talia at yoyong sa ika labing isang kabanata ay nagbibigay ng masalimuot na
pagiisip ng ilan sa mga tao noon at ngayon at mas mapait pa’t kapwa mo itong Pilipino. Ang mga bisita
na nakakita sa suot ng dlaagang si Talia aypatagong nagtatawan sa suot nito marahil ay sa inggit. Ang
mga karakter na ito ay nagpakita ng kalagayan ng lipunan at pagiisip ng tao na makikita parin hanggang
sa ngayon. Kahit ano pang estado mo sa buhay, kahit gaano kappa kabait at wala kang sinasaktan o
ipaakan ay may masasabi at masasabi parin ang mga tao sa paligid mo hinggil sa iyo. Madaming matang
nakatingin na marahil inggit ang nagingibabaw kaya’t walang ibang kayang gawin kung hindi magsalita.
Ito ay makikita parin sa panahon ngayon lalo na’t may teknolohiya na nakakapagpakita ng lahat ng
ginagawa ng isang tao. Madami ang nakakaalam at nakakakita ng kilos ng bawat isa at lahat at
makikisawsaw at may masasabi. Ayon naman kay Talia, kahit ano pang tingin ng iba ay pamilya padin
ang inuuna at ang pinakamahalaga kahit pa sa araw ng kasal niya sa paghahanap nito kay meni. Nakita
rin na ang kasalan ito ay pabor kay Don Ramon pagkat ang estado sa buhay ng pamilya ni Honorio-
Madlang Layon ay angkop sa antas ng buhay nila ng pamilya. Marahil nais lamang ni Don Ramon
mapabuti ang anak ngunit paano nalamang kung hindi ito gusto ng anak. Gaya ni Meni at Delfin.
Masasabing ginagawa lamang ni Don Ramon ang pag protekta sa mga anak ngunit mayroon itong
kakayanan na suportahan si Meni at Delfin sa pagiibigan. Hindi man pinansyal kung ito ang nais ng Don
kungdi ang pagtulong sa dalawa makapagsimula kung mapatunayan ni Delfin ang kanyang nais at
kakayanan suportahan ang dalaga. Kung ang Don man ay maging bukas ang isip siyang ikatutuwa ko
pero hindi ko din masisisi sapagkat ang kalagay ng pinas noon ay hindi kaaya-aya.

You might also like