You are on page 1of 39

KABANATA XIII

Tinik ng Bulaklak
Tauhan
Delfin - Manunulat
Meni - Anak ni Don Ramon
Talia- Asawa ni Honorio “yoyong” Madlang-Layon
Yoyong - Abogado at asawa ni Talia
Don Ramon – May dalawang anak na nag
ngangalang Meni at Talia
Talasalitaan
Maralita - dukha/mahirap Anasan - bulong
Mapawi - mawala Kundungan - respeto
Walang kapararakan - walang kwenta Magpaumat-umat -
ipinagpaliban
Bahay na Pawid - Bahay kubo
Diyata - totoo
Pasumala - aksidente
Pumanhik - umakyat
Sapantaha - akala
Buod
Nagsimula ang Kabanata 13 sa paglalarawan ng dalawang malapit sa isa’t isa na
magkapatid na sina Meni at Talia. Kahit nang matapos ikasal ni Talia kay Honorio
Madlang-Layon ay hindi ito naging sagabal para sa pagiging malapit na magkapatid.
Isang araw, may napapansin si Talia sa pagbabago ng galaw at kilos ng kanyang
kapatid sa hindi niya malaman na dahilan, kasama na rito ang pagbabago ng pananamit
ni Meni. Kahit na alam ni Yoyong ang mga nangyayari sa pagitan ni Delfin at Meni
dahil si Delfin ay kanyang matalik na kaibigan - ngunit hindi niya ito sasabihin sa
asawa niyang si Talia dahil sa kanyang tingin ay walang patutunguhan ang relasyon ng
dalawa lalo na pagkatapos ng pagtatalo sa batis ng Antipulo. Hindi man magkwento si
Yoyong, nakararamdam pa rin si Talia kung sino ba talaga ang umaakyat ng ligaw kay
Meni – kung kaya’t ito ay kinausap niya upang malaman ang totoo sa pagitan ng
dalawa. Kinalaunan, nalaman na rin ni Talia ang totoong estado ng relasyon sa pagitan
ni Delfin at Meni at nagibabaw ang problem na ayaw ni Don Ramon kay Delfin.
Buod
Napagtanto ni Meni na ayain si Delfin na makipagtanan ngunit tutol
kanyang kapatid sa takot na wala naman maibibigay na magandang huhay si
Delfin kay Meni.
Kung kaya’t binantayan niya hanggang sa pagtulog ang kapatid upang
siguraduhin na hindi matuloy ang pakikipagtanan kay Delfin, ngunit hindi siya
nagtagumpay dahil dinalaw na rin siya ng kanyang antok. Kasabay ng pagtulog
ni Talia ang paggising ni Meni dis oras ng gabi. Naisip niya na makakaagaw ito
ng pansin kung kaya’t mamaya na lamang siyang alas kwatro ng umaga upang
hindi sumabay sa misa sa Santa Cruz bandang alas tres ng umaga. Nagsimula na
mag-impake ang dalaga ngunit biglang nagising ang kanyang kapatid – na
nauwi sa pag-aagawan ng kahwela. Sa huli, nangako na lamang si Talia na
ipakiiusap kay Don Ramon na payagan ipakasal si Meni kay Delfin sa tulong ng
kanyang asawa na si Yoyong.
Pamagat (Tinik na Bulaklak)
Nilalarawan sa kabanata na ito ang papel na ginagampanan ni
Delfin sa buhay ni Meni sa mata ni Don Ramon dahil sa malaking
pagitan ng kanilang antas sa buhay.

Moral
Sinasalamin sa kabanata na ito ang sosyalismo sa ating
lipunan at kung gaano pinahahalagahan ng nakararami ang
katayuan ng isang indibidwal. Isang halimbawa si Delfin na naging
biktima rin ng sistema na nais lamang makasama si Meni. Ang
kabanata na ito ang nagpapaalala na walang kailangan sundin na
pamantayan sa pagmamahal.
KABANATA XIV
PAGKATAO NI DELFIN
Tauhan

Delfin - Iniibig ni Meni, ang sentro ng kabanatang ito


Meni - Ang iniibig at babaeng nabuntis ni Delfin
Talia- Ang nakatatandang kapatid ni Meni, ang nagsisilbing
tagapagtanggol ni Meni nang malaman niya ang nangyari sa
kanya
Yoyong - Asawa ni Talia, ang kumausap at gumabay kay
Delfin sa kanyang mga paniniwala sa buhay
Don Ramon – Ang ama ni Meni at ni Talia, hadlang si Don
Ramon sa pag-iibigan ni Delfin at Meni
Talasalitaan
Lunos - Pagkalungkot
Tiwasay - Tahimik, mapayapa, hindi natatakot
Galumihanan - Nalilito
Kara-karaka - Agad-agad, mabilis
Lupalop - Lugar, kontinente
Buod
Ipinakita dito ni Delfin ang kanyangpaninindigan sa mga
bagay na malapit sa kanyang puso lalo’t na sa kanyang iniibig na si
Meni. Higit pa, sa kabanata din na ito ay naisaad ang nakaraan o
kinagisnan ni Delfin. Sa tiyak, tinalakay ang kanyang pamumuhay
noong siya ay bata pa – mula sa pagkamatay ng kanyang mga
magulang noong siya ay sampung-taong gulang lamang, hanggang
sa pag-aaruga niya upang mabuhay siya kasama ng pamilya ng
kanyang tita. Makikita rin sa pag-uusap ni Delfin at ni Yoyong na
naganap sa kabanatang ito ang pag-iisip ni Delfin at ang kanyang
pagkatao – kung paano siya magdesisyon at makitungo sa mga
nagawan niya ng kasalanan.
Pamagat
ANG KABANATANG ITO AY PINAMAGATANG
“PAGKATAO NI DELFIN” DAHIL GUSTONG IPAKILALA NG
NOBELA ANG KARAKTER NI DELFIN. GINAWA ANG
KABANATANG ITO UPANG MAS LALO NATIN MAKILALA
O MAINTINDIHAN ANG KANYANG MGA PANININDIGAN
AT MGA PANINIWALA SA KANYANG BUHAY. DITO
MAKIKITA ANG MGA SULIRANIN NA KANYANG
KINAKAHARAP KASAMA ANG KANYANG
PINAKAMAMAHAL NA SI MENI. DITO RIN
MASUSULYAPAN ANG BUHAY NA KANYANG DINANAS
MULA NG SYA’Y MUSMOS PA LAMANG HANGGANG SA
KAMATAYAN NG KANYANG MGA MAGULANG.
Kahalagahan Moral
ANG MORAL NG KABANATANG ITO AY ANG
PAGIGING RESPONSIBLE BILANG ISANG TAO. NA DAPAT
MALAMAN NATIN KUNG ANG DESISYONG IYONG
GAGAWIN AY MAKAKATULONG BA O MAKAKASAMA SA
SITWASYON NA INYONG KAKAHARAPIN. DAHIL ISANG
MALING DESISYON ANG SISIRA O BABAGO NG IYONG
BUHAY.

KAYA MASASABI KONG DAPAT AY PAG-ISIPANG


MABUTI ANG BAWAT MGA AKSYONG GAGAWIN UPANG
HINDI MAGKAROON NG BAGAY NA PAGSISISIHAN NINYO
SA HULI.
KABANATA XV
ANG PURI NG MAYAMAN
Tauhan

Don Ramon - Mapagmataas pa rin ang kaniyang pagtingin sa sinumang


tao na kaniyang nahahalobilo. Nakakadismaya na kahit ang
kaniyang anak na si Meni, ay walang awa niyang sinaktan dahil
lamang sa isiniwalat na balitang kaniyang nalaman. Hindi man
lamang niya naisip na nong tinadyakan niya ang kanyang buntis na
anak, ay maaaring mailagay niya sa oanganib ang buhay ng
kaniyang apo. Ngunit wala lamang ito sakanya. Nanatili siyang
mayroong galit ng kalooban.
Delfin - Kahit na may takot, nanatili paring malakas ang loob ni
Delfin kahit na sa sitawasyon nilang ito. Hindi siya nagpatinag sa
anumang masasakit na pananalitang bintaawan ni Don Ramon ukol
sa kanilang sitwasyon at relasyon ni Meni, na siya namang
ipinaalam ni Yoyong sa kaniya.
Meni - Puno ng lungkot at takot ang karakter ni Meni sa kabanatang
ito. Naging magulo ang daloy ng kaniyang pag-iisip dahil sa galit at
takot na nararamdaman niya galing sa kaniyang ama na si Don
Ramon.
Yoyong - Kalmado niyang natutulungan ang nobyang si Talia at ang
kawawa nitong kapatid na si Meni.
Dr. Gatdula - Mainam na tiningnan ang kalagayan ni Meni at ginawan
ng reseta at mga bilin para sa patuloy na pagpalakas ng katawan
nito.
Talia - Takot rin ang naramdaman ni Talia sa kaniyang ama. Subalit
sa kabila nito, nanatili pa rin siyanng malakas para sa kaniyang
kapatid na si Meni. Tinulungan niya paring mapalakas ang loob ng
kaniyang kapatid.
Siano - Mayroong galit kay Delfin ngunit mapag-alaga pa rin kay
Meni. Minabuti rin niyang samahan ang may sama ng loob na si
Don Ramon.
Talasalitaan
Nagugunamgunam - Pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o ang
pagwawari
Tarheta - Maliit na kard na may pangalan
Ipinag-ulik-ulik - Pagdadalawang-isip; Pag-aalangan; Pag-aatubili
Pagkabahing-diwa - Pag-iisang diwa
Panglaw-libingan - Kalumbayan
Nag-uusigan - Kahibangan
Pagkarukha - Kahirapan
Tumatahip-tahip - Palpitasyon
Buod
Sa pag-uwi ng pamilya, agad na ikwinento nila Talia at Yoyong ang
pagdadalang-tao ni Meni. Galit na galit itong nalaman ni Don Ramon at agarang
sinugod si Meni na nagtatago sa kaniyang silid nong sila ay dumating. Sa
lubhang galit ni Don Ramon, sinampal at tinadyakan niya ang kaniyang anak.
Nawalan ng malay si Meni matapos ang pananakit ng kaniyang ama. Nagulat
ang lahat sa nangyari, pati na rin si Don Ramon na gulat na gulat sa kaniyang
nagawa kaya lumisan ito sa kwarto ng biglaan. Mabigat ang kalooban at masakit
ang katawan noong unang beses na nagising si Meni dahil naalala niya ang
kaniyang sinapit sa kamay ng kaniyang ama. Umalis sa kanilang bahay si Don
Ramon nang magising muli si Meni. Dito na siya humingi ng pabor sa kaniyang
kapatid na si Talia na kung maaari ay tulungan siyang makausap si Delfin.
Dumating si Siano kasama si Dr. Gatdula na agad namang ginamot si Meni. Si
Yoyong ay nagmalasakit na puntahan at kausapin si Delfin upang ikwento ang
mga kaganapang karapatan rin niyang malaman.
BAKIT PINAMAGATAN (Ang Puri ng Mayaman)
Maaring pinamagatan ang kabanatang ito ng “Ang Puri ng
Mayaman” dahil sa estado ng buhay nila Don Ramon at Meni.
Malinaw kasing nailahad sa kwento ang pagkakaiba ng nakukuhang
pagtrato ng mga mayayaman sa mayaman at mayayaman sa
mahirap. Mas nakakaangat o napapabor sa estado ng mga
mayayaman ang sitwasyong nila Meni at Delfin kahit na ito ay
hindi maayos at maganda. Ito ay dahil sa kawalan ng karapatan ni
Delfin na makapasok lamang sa lugar nila Meni, at malaman kung
anuman ang nangyayari sa kanila.
KAHALAGAHAN MORAL
Natalakay sa simula ng Kabanatang ito ang pagkakaiba ng
estado ng mayayaman sa mahihirap, pati na rin ang pakikitungo ng
bawat isa sa dalawang estado. Isang halimbawa na nabanggit sa
kabanata ay ang pagnanakaw. Kung mayaman ang nagnakaw, hindi
ito masyadong naiinda dahil sila ay mahigpit at protektado. Kung
ang mahirap naman ang nagnakaw dahil sa hirap, mabilis silang
napaparusahan at hindi gaanong naipagtatanggol.
Hindi kailanman dapat na manguna ang galit at yabang sa
isang sitwasyong nangangailangan lamang ng bukas at klaradong
pag-uusap. Kailangan lamang nito ang pasensiya, pagmamahal, at
pagtanggap.
KABANATA XVI
SI NORA LOLENG
Tauhan

Don Ramon - Hindi umuuwi sa kanilang bahay kaya’t nakitira kina Don
Filemon. Naging malapit kay Ñora Loleng at saglit na nakalimutan
o napabayaan ang kaniyang mga resposibilidad. Nakaalitan niya rin
ang kaniyang butihing kaibagan na si Don Filemon.
Don Filemon - Labis ang pagtunton sa kanilang trabaho kung kaya’t
hindi madalas na nakakauwi tuwing tanghalian. Nakatanggap ng
sulat na itong pinagsimulan din ng kaniyang naguumapaw na galit
at kataksilan tungo sa kaniyang mag-anak at kaibigan.
Ñora Loleng - Nagumpisang naging malapit ang kalooban kay Don
Ramon na naging puno’t dulo ng problema sa kabanatang ito. Labis
rin ang takot na nararamdaman ng karakter na ito tungo sa kaniyang
asawa na si Don Filemon matapos na saktan ito dahil sa nalaman at
galit.
Julita - Labis ang pagkayamot o pagkainis ang ibinatid ng karakter ni
Julita tungo kay Don Ramon dahil sa kinalimutan nitong
responsabilidad sa kanilang mag-ina. Nakaramdam rin siya ng selos
sa hinala niya sa pagitan nina Don Ramon at Ñora Loleng. Siya rin
ang hinihinalaan ni Don Ramon na nagpadala ng liham kay Don
Filemon.
Isiang - Magiliw na tumutugtog ng piyano kasama si
Morales bago nagsimulang makaramdam ng takot sa
amang si Don Filemon dahil sa naabutan nitong
sitwasyon nila ni Morales.
Morales - Kaibigan ni Isiang na napagbuntungan rin ng
galit ni Don Filemon.
Talasalitaan
Pagsusumipot-dili - Urong sulong na pagpunta; Hindi
desididong pagbisita; Atras abante
Karumata - Karwahe
“Hindi mahapayang gatang” - Ayaw magpatalo
Matandang haragan - Walang respeto
Naniningalang-pugad - Nanliligaw
Maulinigan - Marinig
Buod
Patuloy na sumama ang loob ni Don Ramon sa mga kaganapan sa kaniyang
bahay kung kaya’t mas ginusto niyang makituloy na lamang sa tahanan ng kaniyang
amigo na si Don Filemon kasama ang kaniyang mag-anak na sina Ñora Loleng at
Isiang. Sa palaging pag-patuloy ni Don Ramon sa bahay nila Don Filemon, nagiging
maga-an ang loob at ang pakikisama nito kay Ñora Loleng, kung saan nakikisabay pa
silang makipagtawanan at kantahan kanila Morales at Isiang. Sa pagliban ni Don
Ramon sa pag-uwi sa kaniyang bahay sa San Miguel, nakaligtaan niya na rin ang
kaniyang resposibilidad kay Julita at sa ina nito. Hindi nakapagtimpi ang mag-ina at
walang paalam na pinuntahan ang bahay ng matandang lalaki sa San Miguel. Nagkita
ang dalawa at nagkausap ng mainitan, ngunit na nawili ni Don Ramon na umuwi
nalang sila sa bahay nito, sama-sama silang tatlo. Si Ñora Loleng naman na umaasang
bumisita si Don Ramon ay nadismaya sa hindi nito pagsipot sa kanilang tanghalian
kung kaya’t si Morales na lamang ang inibig nitong sumabay sa kanila ng kaniyang
anak sa hapag-kaininan.
Buod
Dumating ang hindi inaasahang si Don Filemon na may dalang sulat, atsaka
nagbuntong ng galit sa kaniyang mag-anak. Labis na bulabog ang naranasan ng
mag-anak matapos matanggap ng kanilang Padre de pamilya ang misteryosong
sulat. Sa galit nito, labis ang takot na nadarama ng mag-ina. Labis rin ang galit na
nararamdaman ni Don Filemon sa pagiisip kung mayroon nga bang katotohanan
ang nasa sulat. Inutusan ni Don Filemon ang kaniyang asawa na si Ñora Loleng na
tawagin at papuntahin sa kanilang tahanan mismo si Don Ramon. Dumating si Don
Ramon at nakapagsalitaan ang dalawang Don ukol sa liham na natanggap ni Don
Filemon. Nanatiling kalmado sa pakikipagusap si Don Ramon at pilit na sinasabing
walang katotohanan ang laman ng sulat at huwag si Don Filemon maniniwala nang
basta-basta sa kung sino-sino lamang. Nagdesisyon na ring umuwi sa kaniyang
tahanan si Don Ramon at doon niya na natimbog na ang may pakana ng
misteryosong sulat ay si Julita at kaniyang ina nang maalala nito ang pag-uusap
noong sila ay nasa lansangan.
BAKIT PINAMAGATAN (Si Ñora Loleng)
Ang kwentong batid ng kabanatang ito ay umiikot sa posisyon
ni Ñora Loleng na pawang naging puno’t dulo ng alitan sa loob at
labas ng kanilang mag-anak. Kaya nararapat lamang na ang pamagat
ng kabanatang ito ay ang kaniyang pangalan.

KAHALAGAHAN MORAL
Hindi maganda na nagkikimkim ka ng sama ng loob laban sa
iyong pamilya o kaibigan. Hindi rin tama na kalimutan mo ang iyong
responsibilidad at respeto bilang kaibigan, ama o ina kapalit ng
kasalukuyan at panandaliang kasiyahan lamang. Matuto rin dapat ang
bawat isa na marunong tumiwala sa kapwa.
KABANATA XVII
Daig pa ang Nagtipan
Tauhan
Meni - Tumanggap ng liham, at nalaman niya na
naghihirap sa buhay si Delfin.
Delfin - Ang kasintahan ni Meni na nagpadala ng liham
sa kanya.
Talia - Ang mapagmahal at bait na tao na minsan pinag
iisahan ng mga tao.
Dr. Gatdula - Ang taong kumukunsulta kay Meni.
Talasalitaan
Derechos- Tuloy tuloy ang pag gawa
Deberes- Takdang Gawain
Palo- Patpat o mapayat
Hangal- Walang pag iisip
Panihala- Disposisyon ng nararamdaman
Umusig- pinaglalaban
Buod
Nakatanggap ng liham si Delfin mula kay Felipe at doon ibinalita ni
Felipe ang kanyang pakikisalamuha sa mga manggagawa at pagluwas nito sa
Maynila. Nilalayuan si Felipe ng kanyang ama dahil may nakapagsumbong
na sa pagbabahagi ni Felipe ng mga aral ng Komunismo. Binabatas si Felipe
na una raw nitong tinuturo ang karapatan kaysa katungkulan, samantalang
alam ni Felipe na natural na sa mga manggawa ang gawin ang katungkulan ng
walang kuwestiyon sa kanilang Karapatan. Nagkaroon ng alitan ang
magkapatid na sina Meni at Talia dahil sa pagmamaktol ni Meni. Nagbilin si
Dr. Gatdula kay Talia na kahit may gamut na nireseta ay kay Meni parin ang
paraan upang gumaling. Pinayo niya na dalhin na lang sa malayong lugar si
Meni at libangin sa ibang bagay hanggang sa malimutan ang ikinasasama ng
loob niya sa Maynila. Nang lumubha ang kalagayan ni Meni ay ipinangako ni
Talia na dadating si Delfin at nahuli naman ni Don Ramon ang binata.
PAMAGAT
Ang pamagat na “Daig pa ang nagtipan” ay sumisimbolo sa
pagmamahal ni Talia sa kanyang kapatid na si Meni. Dahil si Meni
ay malayo sa kanyang kasintahan at kagalit ang kanyang ama, si
Talia ang tanging nag-aalaga nang lubusan muna kay Meni.
Pinakita pa lalo ang pagmamahal neto noong nangako si Talia kay
Meni na magkikita sila ni Delfin kahit na malalagay sa panganib
ang stiwasyon nila sa kanyang tatay.
KAHALAGAHAN MORAL
- Kapag mahirap ang isang tao, magiging likas na sa kanya ang
pagigising masipag upang mabuhay.
- Maging mulat sa sariling karapatan
- Lahat ng itinatago ay nabubunyag din
KABANATA XVIII
Paghuhunos-Dili
Tauhan

Meni - taong malubha na ang sakit. Nais ipaibig ng kanyang ama na


si Don Ramon kay Delfin.
Delfin - ang lalaking nais ipaibig kay Meni ng kanyang ama.
Don Ramon - ama ni Meni. Nais niyang ikasal si Meni kay Delfin
upang gamitin ito at magkaroon siya ng magandang buhay sa
amerika.
Yayong - Asawa ni Talia, hipag ni Meni
Julita – Dalagang kulasisi ni Don Ramon sa Sta. Cruz
Don Filemon – Asawa ni Nora Loleng
Talia - Nakatatandang kapatid ni Meni, asawa ni
Yoyong
Nora Loleng – Isang mestisang matanda at asawa di Don
Filemon
Talasalitaan
Pagbubulay-bulay – Isang malalim na pag-iisip ng tao
o pag-alala sa kanyang nakaraan
Gumigitaw- Lumilitaw o bahagyang nakikita
Indayong – Bilis ng tunog ng kasangkapang
pangmusika
Magmamaliw- Maglalalo/Lilipas/Mawawala
Pinatangis - Pinaiyak
Gakaling-kingan - Hinliliit
Buod
Si Meni ay nalulumbay pa rin at nagkukulong sa kwarto (buntis at
buto’t balat); Matindi pa rin ang pagkagalit ni Don Ramon kay Delfin.
Naaaninag ni Don Ramon ang kaliitan ng kasalanan ng anak na nag-aagaw
buhay na si Meni at si Delfin. Naalala ang mga panahon nang siya ay binata
pa, sa mga kasalanang natakasan niya bilang Tenorio. Alam niyang ang
pahintulot niya sa pagpapakasal kay Meni at Delfin ang magdadala ng
kaayusan sa kanilang bahay. Pero si Delfin rin ang naging kahihiyan at insulto
sa kakayanan ni Don Ramon. Nangangailangan ng puhunan ang El progreso;
Kinausap ni Don Ramon si Yoyong tungkol sa kanyang mga anak. Pumayag
na si Don Ramon na ikasal si Meni at Delfin; Nagbalak umalis si Don Ramon
papuntang Amerika at Hapon. Matagal na nawala si Don Ramon at walang
nakakaalam kung saan siya pumunta. Nang ikakasal na si meni at delfin
biglang umuwi si Don Ramon
PAMAGAT
Kahit Si Meni ay may iniindang sakit nagawa parin itong
makipag kita sa mahal niyang si Delfin. At kahit si Don Ramon ay
galit na galit at hindi na susunod ang kanyang utos sa kanyang anak
na si Meni na huwag makikipag tuluyan kay Delfin nagawa parin
nitong mag timpi dahil mahal niya ang kaniyang anak.
KAHALAGAHAN MORAL
Ipinakita sa kabanatang ito nila Delfin at Meni na mananaig
parin ang pagmamahal kahit na ano man o sino man ang hadlang.
Ipinakita din ng karakter ni Don Ramon na kahit anong galit ng
isang ama sa kanyang mga anak ay hindi pa rin mawawala ang
kanyang pagmamahal sa mga ito.

You might also like