You are on page 1of 4

KABANATA XV – ANG PURI NG MAYAMAN

TAUHAN
Don Ramon Mapagmataas pa rin ang kaniyang pagtingin sa
sinumang tao na kaniyang nahahalobilo.
Nakakadismaya na kahit ang kaniyang anak na si
Meni, ay walang awa niyang sinaktan dahil
lamang sa isiniwalat na balitang kaniyang
nalaman. Hindi man lamang niya naisip na nong
tinadyakan niya ang kanyang buntis na anak, ay
maaaring mailagay niya sa oanganib ang buhay
ng kaniyang apo. Ngunit wala lamang ito sakanya.
Nanatili siyang mayroong galit ng kalooban.
Delfin Kahit na may takot, nanatili paring malakas ang
loob ni Delfin kahit na sa sitawasyon nilang ito.
Hindi siya nagpatinag sa anumang masasakit na
pananalitang bintaawan ni Don Ramon ukol sa
kanilang sitwasyon at relasyon ni Meni, na siya
namang ipinaalam ni Yoyong sa kaniya.
Meni Puno ng lungkot at takot ang karakter ni Meni sa
kabanatang ito. Naging magulo ang daloy ng
kaniyang pag-iisip dahil sa galit at takot na
nararamdaman niya galing sa kaniyang ama na si
Don Ramon.
Yoyong Kalmado niyang natutulungan ang nobyang si
Talia at ang kawawa nitong kapatid na si Meni.
Dr. Gatdula Mainam na tiningnan ang kalagayan ni Meni at
ginawan ng reseta at mga bilin para sa patuloy na
pagpalakas ng katawan nito.
Talia Takot rin ang naramdaman ni Talia sa kaniyang
ama. Subalit sa kabila nito, nanatili pa rin siyanng
malakas para sa kaniyang kapatid na si Meni.
Tinulungan niya paring mapalakas ang loob ng
kaniyang kapatid.
Siano Mayroong galit kay Delfin ngunit mapag-alaga pa
rin kay Meni. Minabuti rin niyang samahan ang
may sama ng loob na si Don Ramon.
TALASALITAAN
Nagugunamgunam Pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o ang
pagwawari
Tarheta Maliit na kard na may pangalan
Ipinag-ulik-ulik Pagdadalawang-isip; Pag-aalangan; Pag-aatubili
Pagkabahing-diwa Pag-iisang diwa
Panglaw-libingan Kalumbayan
Nag-uusigan Kahibangan
Pagkarukha Kahirapan
Tumatahip-tahip Palpitasyon
BUOD
Sa pag-uwi ng pamilya, agad na ikwinento nila Talia at Yoyong ang pagdadalang-tao ni Meni. Galit na
galit itong nalaman ni Don Ramon at agarang sinugod si Meni na nagtatago sa kaniyang silid nong sila
ay dumating. Sa lubhang galit ni Don Ramon, sinampal at tinadyakan niya ang kaniyang anak. Nawalan
ng malay si Meni matapos ang pananakit ng kaniyang ama. Nagulat ang lahat sa nangyari, pati na rin si
Don Ramon na gulat na gulat sa kaniyang nagawa kaya lumisan ito sa kwarto ng biglaan. Mabigat ang
kalooban at masakit ang katawan noong unang beses na nagising si Meni dahil naalala niya ang
kaniyang sinapit sa kamay ng kaniyang ama. Umalis sa kanilang bahay si Don Ramon nang magising
muli si Meni. Dito na siya humingi ng pabor sa kaniyang kapatid na si Talia na kung maaari ay tulungan
siyang makausap si Delfin. Dumating si Siano kasama si Dr. Gatdula na agad namang ginamot si Meni.
Si Yoyong ay nagmalasakit na puntahan at kausapin si Delfin upang ikwento ang mga kaganapang
karapatan rin niyang malaman.
BAKIT PINAMAGATAN (Ang Puri ng Mayaman)
Maaring pinamagatan ang kabanatang ito ng “Ang Puri ng Mayaman” dahil sa estado ng buhay nila
Don Ramon at Meni. Malinaw kasing nailahad sa kwento ang pagkakaiba ng nakukuhang pagtrato ng
mga mayayaman sa mayaman at mayayaman sa mahirap. Mas nakakaangat o napapabor sa estado ng
mga mayayaman ang sitwasyong nila Meni at Delfin kahit na ito ay hindi maayos at maganda. Ito ay
dahil sa kawalan ng karapatan ni Delfin na makapasok lamang sa lugar nila Meni, at malaman kung
anuman ang nangyayari sa kanila.
KAHALAGAHAN MORAL
Natalakay sa simula ng Kabanatang ito ang pagkakaiba ng estado ng mayayaman sa mahihirap, pati na
rin ang pakikitungo ng bawat isa sa dalawang estado. Isang halimbawa na nabanggit sa kabanata ay
ang pagnanakaw. Kung mayaman ang nagnakaw, hindi ito masyadong naiinda dahil sila ay mahigpit at
protektado. Kung ang mahirap naman ang nagnakaw dahil sa hirap, mabilis silang napaparusahan at
hindi gaanong naipagtatanggol.
Hindi kailanman dapat na manguna ang galit at yabang sa isang sitwasyong nangangailangan lamang
ng bukas at klaradong pag-uusap. Kailangan lamang nito ang pasensiya, pagmamahal, at pagtanggap.

KABANATA XVI – SI NORA LOLENG

TAUHAN
Don Ramon Hindi umuuwi sa kanilang bahay kaya’t nakitira
kina Don Filemon. Naging malapit kay Ñora
Loleng at saglit na nakalimutan o napabayaan ang
kaniyang mga resposibilidad. Nakaalitan niya rin
ang kaniyang butihing kaibagan na si Don
Filemon.
Don Filemon Labis ang pagtunton sa kanilang trabaho kung
kaya’t hindi madalas na nakakauwi tuwing
tanghalian. Nakatanggap ng sulat na itong
pinagsimulan din ng kaniyang naguumapaw na
galit at kataksilan tungo sa kaniyang mag-anak at
kaibigan.
Ñora Loleng Nagumpisang naging malapit ang kalooban kay
Don Ramon na naging puno’t dulo ng problema
sa kabanatang ito. Labis rin ang takot na
nararamdaman ng karakter na ito tungo sa
kaniyang asawa na si Don Filemon matapos na
saktan ito dahil sa nalaman at galit.
Julita Labis ang pagkayamot o pagkainis ang ibinatid ng
karakter ni Julita tungo kay Don Ramon dahil sa
kinalimutan nitong responsabilidad sa kanilang
mag-ina. Nakaramdam rin siya ng selos sa hinala
niya sa pagitan nina Don Ramon at Ñora Loleng.
Siya rin ang hinihinalaan ni Don Ramon na
nagpadala ng liham kay Don Filemon.
Isiang Magiliw na tumutugtog ng piyano kasama si
Morales bago nagsimulang makaramdam ng
takot sa amang si Don Filemon dahil sa naabutan
nitong sitwasyon nila ni Morales.
Morales Kaibigan ni Isiang na napagbuntungan rin ng galit
ni Don Filemon.
TALASALITAAN
Pagsusumipot-dili Urong sulong na pagpunta; Hindi desididong
pagbisita; Atras abante
Karumata Karwahe
“Hindi mahapayang gatang” Ayaw magpatalo
Matandang haragan Walang respeto
Naniningalang-pugad Nanliligaw
Maulinigan Marinig
BUOD
Patuloy na sumama ang loob ni Don Ramon sa mga kaganapan sa kaniyang bahay kung kaya’t mas
ginusto niyang makituloy na lamang sa tahanan ng kaniyang amigo na si Don Filemon kasama ang
kaniyang mag-anak na sina Ñora Loleng at Isiang. Sa palaging pag-patuloy ni Don Ramon sa bahay nila
Don Filemon, nagiging maga-an ang loob at ang pakikisama nito kay Ñora Loleng, kung saan
nakikisabay pa silang makipagtawanan at kantahan kanila Morales at Isiang. Sa pagliban ni Don
Ramon sa pag-uwi sa kaniyang bahay sa San Miguel, nakaligtaan niya na rin ang kaniyang
resposibilidad kay Julita at sa ina nito. Hindi nakapagtimpi ang mag-ina at walang paalam na
pinuntahan ang bahay ng matandang lalaki sa San Miguel. Nagkita ang dalawa at nagkausap ng
mainitan, ngunit na nawili ni Don Ramon na umuwi nalang sila sa bahay nito, sama-sama silang tatlo.
Si Ñora Loleng naman na umaasang bumisita si Don Ramon ay nadismaya sa hindi nito pagsipot sa
kanilang tanghalian kung kaya’t si Morales na lamang ang inibig nitong sumabay sa kanila ng kaniyang
anak sa hapag-kaininan. Dumating ang hindi inaasahang si Don Filemon na may dalang sulat, atsaka
nagbuntong ng galit sa kaniyang mag-anak. Labis na bulabog ang naranasan ng mag-anak matapos
matanggap ng kanilang Padre de pamilya ang misteryosong sulat. Sa galit nito, labis ang takot na
nadarama ng mag-ina. Labis rin ang galit na nararamdaman ni Don Filemon sa pagiisip kung mayroon
nga bang katotohanan ang nasa sulat. Inutusan ni Don Filemon ang kaniyang asawa na si Ñora Loleng
na tawagin at papuntahin sa kanilang tahanan mismo si Don Ramon. Dumating si Don Ramon at
nakapagsalitaan ang dalawang Don ukol sa liham na natanggap ni Don Filemon. Nanatiling kalmado sa
pakikipagusap si Don Ramon at pilit na sinasabing walang katotohanan ang laman ng sulat at huwag si
Don Filemon maniniwala nang basta-basta sa kung sino-sino lamang. Nagdesisyon na ring umuwi sa
kaniyang tahanan si Don Ramon at doon niya na natimbog na ang may pakana ng misteryosong sulat
ay si Julita at kaniyang ina nang maalala nito ang pag-uusap noong sila ay nasa lansangan.
BAKIT PINAMAGATAN (Si Ñora Loleng)
Ang kwentong batid ng kabanatang ito ay umiikot sa posisyon ni Ñora Loleng na pawang naging
puno’t dulo ng alitan sa loob at labas ng kanilang mag-anak. Kaya nararapat lamang na ang pamagat
ng kabanatang ito ay ang kaniyang pangalan.
KAHALAGAHAN MORAL
Hindi maganda na nagkikimkim ka ng sama ng loob laban sa iyong pamilya o kaibigan. Hindi rin tama
na kalimutan mo ang iyong responsibilidad at respeto bilang kaibigan, ama o ina kapalit ng
kasalukuyan at panandaliang kasiyahan lamang. Matuto rin dapat ang bawat isa na marunong
tumiwala sa kapwa.

You might also like