You are on page 1of 15

IKALIMANG LINGGO

NOBELANG
BANAAG AT
SIKAT:
KABANATA VII-XII
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA VII: Sa Concordia

Tungkol sa Tradisyon o Kulturang Pilipino

Bagamat kaumpok din si Delfin at si


Felipe, silang dalawa’y nalalayu-layo at
may pasaglit-saglit na salitaang bukod
sa usapan ng mga babae.
Pinagmamalas nilang isa-isa ang mga
kuwadro, at ang iba pang mga
larawang sa kabi-kabila’y natitingala.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA VIII: Mga sulat ang nag-usap

Tungkol sa halaga ng komunikasyon/relasyon

Meni: -- aantayin ko sanang ikaw ang


sumulat sa akin.. Ikaw ang may
katungkulang magpaliwanag ng di ko
madalu-dalumat na mga sanhi ng
pagkagalit mong yaon kahapon.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA IX: Kayamanan ng Mahirap

Tungkol sa halaga ng Pamilya o Relasyong Pang-tao


Nariyan sa anim na iyan ang kayamanan
mo. Ang yaman ng mahirap ay mga anak.

Oh.. Mga anak na kayamanan ng mahirap!


Magdarang pang-aliw ng Sosyedad sa mga
sawimpalad na alipin ng karalitaa?
Sampung kamatayan’y ipinaaaring buhay.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA IX: Kayamanan ng Mahirap

Tungkol sa kalagayan ng mahihirap ng manggagawa


Dumaraing ng uhaw! Ang bulong ni Felipe-
mayroon ba kayong sabaw ng karne, upang
makalakas-lakas sa katawan?
Ang mag-ina ay parang pinagtiyap na
nagkakatinginan, nang marinig ang tanong na
ito, at si Tentay ay bahagya nang makailing
waring ibig magsabi ng isang masaklap na
wala!.. – Kahit na am o sabaw ng nilugaw.
THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF
THE PHILIPPINES – ARTICLE XIII
SOCIAL JUSTICE AND HUMAN RIGHTS
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA X: Huling Pati ng Isang Ama

Tungkol sa Lalaking dapat ibigin ng babae sa


pananaw ng isang Ama
Ako’y mamamatay na at hindi ako magtitiis
kung sakali. Datapwa’t kung sa mga binate
rin lamang na napaparito sa atin, ako’y
talagang kay Felipe na. Ang kabaitan niya
ay inaakala kong labis na maipaiibabaw sa
kapangyarihan ng nila. Hindi naman ang
yaman ang ikinaiibig ko sa kanya kundi ang
bait.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA X: Huling Pati ng Isang Ama

Tungkol sa pagbibigay ng tiwala

Ikaw na sana……….ang bahala


sa kanila: kahabag-habag na
totoo ang mag-iinang iyan…kung
maiwan ko.. Nang walang
mapaghabilinang paris mo..
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XI: Si Talia at SI Yoyong

Tungkol sa nagagawa ng pangalan o kapangyarihan sa mga


pahayagan
-sa bahaging ito, malinaw na ang mga pahayagan ay wala o mayroong pinipiling impormasyon o
pangalan na nais nilang iparating sa bayan. Sa pangyayaring kasalanan ni Talia at yoyong,
masasaksihan ang kaibahan ng buhay ng mayaman at ang patuloy na kalagayan ng mahihirap
(manggagawa, katulong, alila kung ito ay arawan lamang ang bayad). Sa kasalukuyan, makikita pa
rin naman ang ganitong sitwasyon at kung paanong binibuo nito ang kulturang popular ngayon sa
Pilipinas.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XI: Si Talia at SI Yoyong

Tungkol sa kultural na selebrasyon ng mayayaman


Sa Kabanata 11 ay ipinakita ni Ka Lope ang lipunan ay nahahati sa iba’t ibang uring
nagtutunggalian (conflicting socio - economic classes) tulad na lamang na selebrasyon ng
mayayaman tuwing kasalan o handaan na nalalaman ng mga taga-rito sa pamamagitan ng
kasal nina Yoyong at Talia. Matutunghayan pananamit, pananalita, pagkilos, usapan,
pagbibigay respeto at paghahanda ng mga tao sa pagdiriwang batay sa katayuan nito sa
lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang karakter sa kwento

Tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa


Makikita sa kabanata ang kalagayan ng mga manggagawa sa ilalim ng
pamamahala ni Don Ramon. Ang kanilang kalagayan na “Magtiis ka muna
tiyan sa araw ng linggong ito!”. Ang ganitong kalagayan ay matutunghayan pa
rin sa kasalukuyan. Sa mukha ng mga Pilipinong hindi nabibigyan ng tamang
benepisyo, sahod, o proteksyon sa kanilang pagawaan o pinagtatrabahuhan.
Malinaw na malinaw na iba ang trato ng lipunan sa mahihirap o dukha.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XII: Ang Poot ni Kapitang Loloy
Tungkol sa pagsandig sa sarili o self - reliance ang isa sa
pinakamahalagang kahingian o requirement sa pag-unlad ng
isang bansa.
Sa kabanata 12, makikita ang kaisipang tungkol sa pagsandig sa sarili o
self - reliance ang isa sa pinakamahalagang kahingian o requirement sa
pag-unlad ng isang bansa o ang buhay ay dapat ialay o ilaan o idedicate sa
isang dakilang paninindigan o prinsipyo. Makikita at maipapamalas sa
kabanatang ito ang pagsandig ni Felipe sa kanyang sariling paninindigan
kahit pa ang bunga nito ay ang kapootan ng sariling ama. Ipinakita rin na
nanindigan si Felipe anuman kamuhi ang kanyang ama at si Don Ramon
sa mga tinatawag nilang "pulubi" o mahihirap. Idagdag pa ang paninindigan
para sa pagkakaibigan nina Delfin at Felipe, na patuloy na gumagawa ng
paraan para sa hustisya at pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. 
Tungkol sa pagbuo ng usapin na mga nasa ibaba
o pulube
Sa kabanatang ito’y patuloy na ipinakita na Ka Lope ang totoong kalagayan ng
mahihirap o pulube . Ito’y isang hamon sa lahat na Makita na ang bayan ay
hindi lamang pananahimik kundi dapat ay may paghahamak para sa
panghahamak o kasakiman. Ang pagwawakas sa lahat ng pang-aapi o
oppression, panlipunan (social), pampulitika(political) o pang-ekonomya
(economic) man ang siyang magdudulot o magbubunga ng pag-unlad ng
makabuluhan o meaningful na edukasyon na kailangan sa pag-unlad ng
bansa. Hangga’t matindi o grabe ang mga social inequalities at social
injustices, imposibleng magkaroon ng makabuluhang edukasyon na ang tuon o
focus ay ang pagbuo ng lipunang mapagkalinga (caring and sharing society)
broken), depektibo at kailangan tunawin (melt/dissolve). ”

You might also like