WEEK 6 - Kabanata 13-18 (Banaag at Sikat)

You might also like

You are on page 1of 29

NOBELANG

BANAAG AT
SIKAT:
KABANATA
XIII-XVIII
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XIII: Tinik ng mga Bulaklak
Tungkol sa mas matinding kasalanan kaysa sa paggawa ng
masama: ito ang HINDI PAGGAWA ng mabuti o ng nararapat
gawin (sin of o mission).
Sa kabanata 13, malinaw na ipinakita ni Ka Lope na anumang tinik o hamon sa mga
bulaklak o sa dalawang magkatid, hindi iniwan ni Talia ang kanyang kapatid. Gumawa
siya ng mabuti o ng nararapat gawin sa sitwasyon o sa hamong kanilang kinaharap o
ang pagbubuntis ni Meni. Naglaman man ito ng mga pagtatalo, takot, panganib, sa
bandang huli ay mananatili silang magkapatid. Isa itong hamon ni Meni (na nagpapakita
na hindi lahat ay kayang bilhin at paikutin ng salapi. Ang pagtalikod ni Meni sa
ipinangangakong yaman ng kanilang magulang ay pahiwatig na pananalig sa sariling
pagsisikap, sa mataas na pagpapahalaga sa “puri” o “dangal,” at ang anumang yaman
ng pamilya ay hindi dapat manatili sa pamilyang iyon lamang bagkus marapat
matamasa rin ng iba pang mahihirap na tao.) Anuman ang nangyari, sa kabanatang ito
ay may magkapatid na patuloy na gumawa ng mabuti o nararapat lalo na nangyayari.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XIV: Si Delfin

Tungkol sa pakikibahagi sa usaping


panlipunan
Sa Kabanata 14, malinaw na ipinakita ang pakikialam ni Delfin at
pananaw hinggil sa mga dinaramdam ng mga dalita o naaapi.
Ipinapakita sa bahaging ito na may mga tao pa rin na may
pakialam sa mga nangyayari sa lipunan. ang mga posibleng
solusyon sa paghihirap ng bayan at may malasakit (concern) sila
sa kapakanan (welfare) ng mga kapwa Pilipino. Dapat silang
tularan ng mga kabataan sa kasalukuyan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XIV: Si Delfin

Tungkol sa pagkakaroon ng prinsipyo, ng paninindigan ay di


dapat mawala kailanman sa isang tao: ito ang ipinagkaiba ng
tao sa hayop
Makikita sa kabanata 14 “Pagkatao ni Delfin”, ang pagkakaroon
niya ng prinsipyo, ng paninindigan ay di dapat mawala kailanman
sa isang tao: ito ang ipinagkaiba ng tao sa hayop. Makikita si
Delfin na nagbibigay halaga sa kanyang pagiging ama at sa mga
pinagdaanang mga hamon na nangyayari sa kanila ni Meni.
Pinanindigan ni Delfin ang kanyang pagmamahal kaugnay sa
nangyayari sa kanilang mga manggagawa gayundin ang kanyang
paninindigan sa pag-ibig.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XV: ANG PURI NG MAYAMAN
Tungkol sa kayang gawin ng Mayaman: Ang kayamanan ay
maaaring gamitin sa paggawa ng mabuti at ng masama; sa
pagbuo at pagwasak.
Sa bahaging ito, malinaw na kayang gawin ng mayaman ang lahat
kaugnay sa kanyang puri masaktan man ang anak. Nangyari ito dahil
sa pagtutol ni Don Ramon sa pag iibigan nina Delfin at nang kanyang
anak na si Meni. Ikinahiya rin ni Don Ramon si Meni nang malaman
niyang ito'y nagdadalang-tao . Sa kaisipang ito,
ipinapakita na ang puri lamang ang mahalaga sa ibang mga
mayayaman na katulad ni Don Ramon.
KABANATA XVI: SI NORA LOLENG
Ano ang iyong mithiin?
PAGSUSURI
KABANATA XVII
DAIG PA ANG NAGTIPAN
Ano ang iyong gampanin?
KABANATA XVIII
PAGHUHUNOS-DILI
Ano ang iyong panukala?
KABANATA XIX
WALA NANG ALAPAAP
Ano ang iyong depinisyon?
KABANATA XX
ANG NAGAGAWA NG SALAPI
Ano ang iyong kinabukasan?
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXI : SI MENI, SA PAGKATIWALAG
Tungkol sa halaga ng tao at ginhawang hindi nabibili ng
salapi
Sa kabanatang ito, ipinahiwatig ni Ka Lope ang halaga ng tao
at ginhawang hindi nabiibli ng salapi sa katauhan ni Meni.
Ipinakita dito ang kalagayan ni Meni matapos siyang matiwalag
subalit wala itong pagsisisi dahil ang mas nangibabaw ay ang
kanyang desisyon at puso bilang tao, bilang ina, at bilang
maybahay.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXI : SI MENI, SA PAGKATIWALAG

Tungkol sa halaga ng paninindigan


Sa kabanatang ito, matutunghayan ang iba’t
ibang hamon na kinahaharap ni Meni bilang
anak, bilang ina, bilang minamahal (ni
Delfin) subalit ganoon pa man ay hindi siya
nagpadala sa iba. Tayo bilang tao ay
hinahamon ng mundong ito upang
manindigan sa ating mga desisyon sa
buhay lalo na’t itong para sa ating
kinabukasan.
Ang paninindigan para sa inyong kabutihan,
kaligayahan at kapayaan ang isa sa halaga
bilang tao lalo ngayon na sa dami ng mga
nangyayari sa ating bansa, hanggang
saang reporma at pagbabago natin kayang
panindigan.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXII: MGA LAYON NI MADLANG-LAYON

Tungkol sa motibo ng isang tao—masama


o mabuti
Sa kabanatang ito, masasaksihan ang layunin ni
Yoyong kaya talagang naging bahagi siya sa
pagpapaalis kay Don Ramon at kung paano niya
minamanipula ang mga yaman nito. Sa kabanata ay
masasaksihan ang tunay na halaga ng isang tao—
kung ito ay para lamang sa salapi o ito’y para sa
kabutihan ng nakararami.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXII: MGA LAYON NI MADLANG-LAYON

Tungkol sa ugali ng mayayaman o


magpasamantala sa lipunan

Sa kabanatang ito ay malinaw din na


ipinakita kung paanong naging malabnaw
na ang pagmamahalan ng magkapatid na
Meni at Talia bunga na rin ng mga sinasabi
o layon ni Yoyong para sa kanyang asawa
(Talia). Samakatuwid, ang iniisip lang ng
mayaman ay ang lalo pang yumaman,
sila’y binulag na ng kayabangan at luho; at
dahil sila’y namumuhay nang masagana,
lalo na kapag sila’y may mga
makapangyarihang kaibigan, wala na
silang pakialam sa iba o sa kanilang
kapwa..
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIII : SALAMAT SA KANTANOD
Tungkol sa halaga ng pagbibigay tiwala sa lipunan
Sa kabanatang ito, ipinakita ni LPK kung sino lamang ang handing
alayan ng tiwala. Ipinakita sa kabanatang ito ang matinding mascara
ng kahalayan na nais gawin ni Kantanod na isa sa
pinakamapanghamon sa kalagayan ni Tentay bukod sa kanilang
pagiging mahirap. Sa bahaging ito pinatunayan ni Ka Lope na si
Felipe lamang ang dapat pagkatiwalaan at huwag basta magtitiwala
sa ibang tao na hindi naman lubusang kilala. Sa bahaging ito ng
nobela, naging pasasalamat ito ni Felipe dahil mas nakita ng Pamilya
ni Tentay ang kanyang halaga.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIII : SALAMAT SA KANTANOD
Tungkol sa pagtrato sa kababaihan o
mga tao
Sa kabanatang ito, maiiugnay natin ito sa
kasalukuyan kung paano natin binibigyan
ng tamang trato ang kababaihan o mga
tao. Sa bahaging ito ay binuksan ni Ka
Lope ang usapin sa pagnanasa o
kahalayan na ginagawa ng mga walang
puso o di makatao sa ating lipunan.
Nawa’y patuloy na magkaroon ng pangil
ang batas sa usaping ito at ang mga tao
ay wala nang masamang gawain o maling
pagtrato sa kababaihan o mga tao.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK
Tungkol sa gampanin/papel ng babae sa buhay-mag-asawa
at pagiging ina
Sa kabanatang ito, ipinakita ni Ka Lope ang gampanin ng isang babae bilang ina
at asawa. Kung papalawakin ang mensahe ng kabanata, matutunghayan ang
hamon na kanilang kinahaharap bilang mag-asawa at bilang ina subalit hindi na
pinaghinaan ng loob si Meni. Tinatagan niya at patuloy na lumalaban at
naninindigan sa kanyang buhay na pinili lalo na sa kanyang anak. Kung gayon,
ito ay kabanata na nagsasabing kung magiging asawa na, ay dapat tumulong sa
lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa panganib, at alalahaning
lagi na walang hirap na di matitiis ng bayaning puso. Imulat ang mata ng anak
sa pag-iingat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at
sa pagtupad ng katungkulan o resposibilidad.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK

Tungkol sa halaga
ng Edukasyon

Sa kabanatang ito, ipinahayag


din ang pangarap na edukasyon
ni Delfin para sa kanilang anak
na siyang magiging susi sa
kanilang antas ng pamumuhay.
Ito ay isa lamang patunay na ang
kasipagan sa pag-aaral o ang
pagtingin sa edukasyon ay isang
susi sa tagumpay at kaunlaran.
MGA KAISIPAN/IDEYA NI LOPE K. SANTOS SA
KABANATA XXIV : INA AT ANAK

Tungkol sa ugnayan ng ina (bilang inang bayan) at


anak (bilang tayong mamamayan)
Ang pagsasakripisyo ng ina na kaya niyang harapin ang
mga hamon o pagsubok para sa kanyang anak ay isang
usapin ng ating inang bayan para sa atin bilang mga
Pilipino. Ito ay isang laban kung hanggang saan natin
kayang maniwala na ang bayan ay dapat iisa at tayo
bilang mga Pilipino (anak) ay nag-iisip ng mga reporma
para sa kabutihan ng Pilipinas (Ina). Nawa’y ang
kabanatang ito’y maging hamon sa atin bilang mga anak
ng bayang ito kung paano nga ba tayo magbabalik ng
magagandang pangarap para sa patuloy na pag-unlad
ng ating bayan.

You might also like