You are on page 1of 8

Onda, Deo Kristofer C.

Seatwork #2 A
Great Books/ B4
Kabanata 1: Sa Batis ng Antipolo

A. TEORYA
Historikal, dahil binasi ko ito sa senaryong kung paano sinusuyo ni Delfin Si Meni. Pinapakita ang
tradisyong paraan ng panliligaw na nagpapadala ng sulat at gagawin talaga ang lahat makuha lang
ang puso ng babae. Na kung ihahalintulad sa panahon ngayon, ay malaki na ang pagbabago ng
panliligaw sa ngayon.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. Tauhan
-Delfin, dahil para sa akin, nakuha niya ang aking kalooban sa kaniyang naging karakter sa
kabanata, kinukulit niya si Meni upang makuha niya ang loob nito. Sumasalamin ito sa mga
kasalukuyang kalalakihan na minsan ay kailangang maging makulit sa panliligaw sa babae.

2. Galaw ng Pangyayari
Ang kabanata ay umiinog sa panunuyo ni Delfin kay Meni na bigyan siya ng permiso na
ligawan siya. Kinukuha ni Delfin ang kalooban ni Meni. Nag-aaral nang Mabuti si Delfin para
kay Meni.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
-Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw ay ang kaisipang hindi lahat ng bagay at
gusto mo ay madaling makuha. Kailangan mo itong paghirapan upang makuha. ‘Wag susuko!

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay mapagkumbaba, dahil kailangan
magpapakumbaba para makuha mo ang iyong mga kagustuhan. Kahit sinusuyo at kinukulit na
ni Delfin si Meni, di pa rin itinataas ni Delfin ang kanyang sarili para lang makuha ang loob ni
Meni.

3. Kaasalan
-Matutong respetuhin ang mga kababaihan, dahil sa panliligaw at kung naging kayo na
kailangan respetuhin ang ating karelasyon pati ang mga kababaihan. Ang mga babae ay
sensitibo kaya kailangan mag-ingat sa ating mga ginagawa.

4. Lipunan
-Ang Paniniwala nga ng mga taga-Antipolo tungkol sa milagro ng batis, na unti-unting nasira
ang paniniwala sa paglipas ng panahon. Sa paglipas ng panahon, nababawasan na ang pagiging
kristiyano ng mga Pilipino, dahil na rin siguro sa pag-usbong ng teknolohiya.
Kabanata 2: Sino si Don Ramon

A. TEORYA
-Para sa akin ang teoryang nanaig sa kabanata ay ang teoryang Klasismo. Dahil makikita natin sa
kabanata ang karakter ni Don Ramon at Don Filemon, na mga mayayaman nga pero ubod naman
ng sama dahil ginagawa nilang kapangyarihan ang pagiging mayaman. At sa ating panahon ngayon,
marami pa rin ang ganitong mga tao. Na umiikot ang buhay sap era, wala silang pakialam kahit
may natatapakan silang tao basta para sa kanila makapangyarihan sila dahil marami silang pera.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. Tauhan
-Don Ramon, si Don Ramon ang sentro ng kabanata dahil ikinikuwento dito kung anong
klaseng karakter ba si Don Ramon sa buong nobela. At ano ang kanyang magiging parte sa
buhay nina Delfin at Felipe.

2. Galaw ng Pangyayari
Ang kabanata ay umiikot sa pagwewelga ng mga magsasaka kina Don Ramon, dahil nga
mababa ang sahod na nakukuha nila sa kanilang pagt’trabaho kay Don Ramon.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
-Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw ay ang pagkakapantay-pantay ng tao sa
mundo. Mahirap man o mayaman dapat pare-pareho ang trato sa bawat isa.

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay nalungkot, dahil ang mga nararanasan
ng mga nagwewelga sa kabanata ay hanggang sa ngayon ay nararanasan pa rin ng mga Pilipino
ngayon. Marami pa rin ang nagwewelga dahil sa mababang sahod at patuloy na pagtaas ng mga
bilihin.

3. Kaasalan
-Ang asal na aking natutunan sa kabanatang ito ay maging patas sa bawat aspeto at marunong
tumingin sa isang tao na kinikilalang kapwa. Lahat talaga tayo ay pantay pantay, kung ako sa
sitwasyon ni Don Ramon, tataasan ko ang sweldo kapag maganda ang kita pero pag medyo
lugi regular na sweldo ang aking ibibigay para maging patas.

4. Lipunan
-Ang pagkakaroon ng Karapatan ang bawat Pilipino sa mga adhikaing gusto nilang mabago at
mangyari para sa sariling atin at para sa pagbabago ng lipunan. Sa kabanatang ito, nagwelga
ang mga tao dahil gusto nilang itaas ang sahod.
Kabanata 3: Salapi at Pawis

A. TEORYA
-Para sa akin ang teoryang nanaig sa kabanata ay ang teoryang Siko-analitiko, dahil sa bahagi ng
kabanata ay nagtatalo pa rin sina Delfin, Felipe at Don Ramon at Felimon tungkol sa mga nagwelga.
Ipinaglalaban ni Don Ramon ang kanilang mga paniniwala na wala silang pakialam sa kanilang mga
manggagawa dahil mahirap lamang sila, ang iniisip niya ay ang kanyang salaping makukuha mula sa
pagt’trabaho ng kanyang mga trabahador.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. Tauhan
Felipe at Delfin, dahil sa kabanatang ito talagang pinatunayan at pinamukha nina Delfin at Felipe
kina Don Ramon at Don Felimon ang kanilang mga masasamang nagawa sa mga tao. Talagang
prinobok nila ang mga sinasabi ni Don Ramon tungkol sa mga mahihirap.

2. Galaw ng Pangyayari
Ang kabanata ay umiikot sa diskusyon nina Delfin at Felipe at Don Ramon tungkol sa mga nagwelga
at sa kalagayan ng mga mahihirap, na tuloy pa rin ang paghihirap dahil sa mababang sahod ng mga
ito.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
-Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw ay ang magkaroon ng paninindigan sa sariling
paniniwala kung alam mong ito ang tama at makakatulong sa iyong sarili at lipunan. Ito ang ipinamalas
nina Delfin at Felipe habang sila ay nakikipagdiskusyon kina Don Ramon.

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay pagiging matapang, dahil matapang na tinapat
nina Delfin at Felipe sina Don Ramon kahit alam nilang wala silang kalaban-laban dito.

3. Kaasalan
-Ang asal na aking natutunan sa kabanatang ito ay ang maging maingat sa mga sinasabi sa kapwa,
dahil ito sa sinabi ni Don Ramon tungkol sa mga “patay gutom” daw ang mga tao. Si Don Ramon ay
nagkamali sa sinabi niya, ang di niya alam ay marami pala itong interpretasyon o kahulugan.

4. Lipunan
-Sa kabanatang ito naipaliwanag at pagpapakilala sa sosyalismo. Na kailangan magkaroon ng pantay-
pantay sa bawat tao ng pamamaraan ng sahod. Dahil ito nalang ang magiging paraan para sa mga
mahihirap upang maka-angat sa buhay. Sa ating panahon ngayon, kailangan pa rin ipairal ang ganitong
kalakaran fahil minsan nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakapantay-pantay pagdating sa sweldo at
kinikita ng mga nagt’trabaho.
Kabanata 4: Sa Isang Pasulatan
A. TEORYA
-Para sa akin ang teoryang nanaig sa kabanata ay ang teoryang Sosyolohikal, dahil ang kabanata ay
nangyari sa palimbagan. Nabanggit sa kabanata ang hindi pagiging patas ng mga nilalabas na balita sa
dyaryo. Kung sa ingles ito ay tinatawag na “bias.” Natatakot ang mga naglilimbag na maglabas ng mga
balitang may madadawit silang makapangyarihang tao. Ito lamang ay mga katotohanang nangyayari sa
ating lipunan, kaya ko ito nasabing sosyolohikal.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. Tauhan
-Delfin, dahil si Delfin ay hindi natatakot sa paglimbag o paglabas ng mga balita sa publiko ng dawit
ang mga makapangyarihang tao.

2. Galaw ng Pangyayari
-Sinasabi sa kabanata ang mga tunay na nangyayari sa loob ng palimbagan, at kung paano pa rin
nagkakaroon ng diskrimasyon sa mga mahihirap at mayayaman sa pamamagitan ng mga balitang
inilalabas sa dyaryo.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
- Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw ay ang maging patas sa lahat dahil ang tao sa
mundo ay pantay-pantay. Mahirap man o mayaman dapat pare-pareho ang trato sa bawat isa. Lahat
naman tayo ay nakagagawa ng mga kasalanan na dapat nating pagbayaran.

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay pagiging matapang, dahil walang takot si
Delfin sa mga makapangyarihang tao pagdating sa mga balitang inililimbag sa dyaryo.

3. Kaasalan
-Ang asal na aking natutunan sa kabanatang ito ay gawin kung ano ang tama, kahit alam mong
mayroon kang matatamaang tao sa iyong gagawin kung alam mo sa iyong sarili na tama ang gagawin
mo, ituloy mo lang ito. Dahil ang mali ay di mananaig sa mata ng batas at ng Panginoon.

4. Lipunan
-Sa kabanatang ito naipakita ang pagiging bias ng mga palimabagan. Kailangan malaman at isatupad
ng mga gumagawa ng balita ang etiko ng dyornalismo, na maging patas sa bawat opinyong binibitaw
at maging totoo sa mga balitang isinusulat at inilalabas sa dyaryo o sa media.
Kabanata 5: Magnanakaw

A. TEORYA
Ang dulog o ang teoryang nanaig sa kabanatang ito para sa akin ay ang teoryang Klasismo, dahil
ang paghihintay ni Delfin kay Meni ay maihahalintulad at nangyayari pa rin sa kasalukuyan. Nasabi
ko itong klasismo dahil na rin sa akin karanasan tungkol sa pag-ibig. At ang pagnakaw ng halik ni
Delfin kay Meni ay isa rin sa mapapansin natin ngayon na madalas ng nangyayari sa mga kabataan
sa panahon kahit nanliligaw pa lamang ito.

B. MGA PANSIN AT PUNA

1. Tauhan
-Delfin, dahil para sa akin, siya ang naging sentro ng kabanata kung paano niya hinintay at
pinakita kay Meni na seryoso siya para sa kanya.

2. Galaw ng Pangyayari
Ang kabanata ay umiikot sap ag-iibigan nina Delfin at Meni. Dito sa kabanatang ito ay sinagot
o tinanggap na ni Meni si Delfin sa kanyang buhay kahit tutol ito sa kanyang ama na si Don
Ramon. Patago lamang nila itong ginawa, dahil hindi nga sasang-ayon si Don Ramon sa
kanilang relasyon.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
-Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw ay ang kaisipang kailangan paghirapan ang
isang bagay bago mo ito makuha. Na hindi lahat ng bagay ay madali lang makukuha kung gusto
mo ito. Gaya ni Delfin na hindi madali ang pagkuha niya ng kalooban ni Meni.

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay pagiging matapang para sa pag-ibig
kahit alam nilang hindi tama ang kanilang relasyon, tinuloy pa rin nila ang kanilang
pagmamahalan kahit alam nilang itataboy sa pamilya si Meni, dahil mahal nila ang bawat isa.

3. Kaasalan
-Ang asal na aking nakuha mula sa kabanata ay ang pagiging pasyente, o marunong maghintay
magsakripisyo para sa taong mahal nito. Yun ang pinakita ni Delfin kay Meni par sagutin ni
Meni si Delfin.

4. Lipunan
- Ang mga lihim na mga relasyon ay hindi maganda. Sa ating lipunan ang mga lihim na mga
relasyon lalo na sa gobyerno ay alam nating may mga masasamang balak ang gobyerno
kaya ito inililihim sa publiko. Marami ang ganitong mga bagay sa gobyerno na ginagawa
tayong mangmang ng mga nakaupo, ginagawa pa rin ito ng mga nakaupo kahit alam nilang
mali dahil alam naman nila may benepisyo silang makukuha dito at wala na silang
pakialam sa mangyayari sa publiko.
Kabanata 6: Si Felipe

A. TEORYA
-Para sa akin ang teoryang nanaig sa kabanata ay ang teoryang Klasismo, dahil alam ko na
hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang napipilitang mag-aral sa kolehiyo ng kursong di nila
gusto, kinuha lamang nila ito dahil gusto ng magulang. Si Felipe ay kumuha ng comcercio na gusto
ng kanyang ama, pero napilitan lamang siya kuhanin ito dahil itatakwil siya ng kanyang ama kung
di niya ito kinuha kahit ayaw na ayaw niya ang kursong ito.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. Tauhan
-Felipe, dahil si kabanatang ito ay ikinuwento ang buhay ni Felipe na labag sa kanya ang
kanyang pag-aaral ng comercio at pagtrabaho niya sa palibagan ni don Ramon.
2. Galaw ng Pangyayari
Ang kabanata ay umiikot sa pamumuhay ni Felipe, kung paano niya tinaguyod ang kanyang
sarili na nagtrabaho siya sa Palimbagan ni Don Ramon upang makapagbayad ng upa. Ito rin ay
tungkol sa tingin ko ang simula ng kanyang pagrerebelde sa kanyang ama, dahil na rin sa
pagpilit sa kanyang paaralin ng comercio kahit ayaw ito ni Felipe.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
-Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw ay ang pagiging madiskarte sa buhay. Si
Felipe ay nagsikap habang siya ay malayo sa kanyang Ama. Pinilit niyang makapagtrabaho
upang may pangbayad ng upa kay Don Ramon.

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay dismaya, dahil kung ako ang sa
kalagayan ni Felipe madidismaya ako dahil hindi makukuha sa kolehiyo ang gusto kong kurso.
Masasayang ang aking pangarap na hindi matutupad kung ang magulang ko ang masusunod
sa aking kurosng kukunin.

3. Kaasalan
-Ang asal na aking natutunan sa kabanatang ito ay ang maging responsable, dahil si Felipe ay
nagkolehiyo na at nahiwalay na siya sa kanyang magulang. Katulad ko na nahiwalay na sa
magulang ko, kailangan ko maging responsable upang mabuhay mag-isa.

4. Lipunan
- Ang bisa ng kabanatang ito sa lipunan ay maihahalintulad sa gobyerno at publiko. Ang
pagpilit kay Felipe na mag-aral ng comercio ay ang mag-uudyok sa kanya upang hindi
sundin ang kanyang Ama at tanggapin na lamang ang parusa ng kanyang Ama. Parang sa
gobyerno, kung masyadong nagdikta ang mga nakaupo at hindi ito pabor sa publiko,
mapipilitang magrebelde ang publiko na magkakaroon ng konplik sa dalawang panig.
Kabanata 7: Sa Concordia
A. TEORYA
-Para sa akin ang teoryang nanaig sa kabanata ay ang teoryang Eksistensyalismo, dahil binase ko
ito sa pag-aaral ni Marcela sa kolehiyo. Madaming pagbabago ang nangyari kay Sela simula ng
siya ay nahiwalay sa kanyang magulang. Naging Malaya siyang mabuhay simula ng siya ay malayo
sa kanyang magulang.Nagagawa niya na ang mga bagay na hindi niya magawa sa kanilang bahay.

B. MGA PANSIN AT PUNA


1. Tauhan
-Marcela, si Marcela ang pinagtuunan ng pansin sa kabanang ito, dahil ipinakita sa kabanang
ito ang pagbabagong nangyeri sa buhay ni Marcela noong siya ay nahiwalay sa kanyang Ama
upang mag-aral ng Kolehiyo

2. Galaw ng Pangyayari
- Ang kabanatang ito ay umiinog sa buhay ni Marcela sa labas ng puder ng kanyang Ama.
Natutunan niya ang pagiging normal na tao, normal na dalaga, at normal na babae noong siya
ay natutong mabuhay mag-isa.

D. BISANG PAMPANITIKAN
1. Isip
-Ang naging epekto ng kabanata sa aking pananaw, na hindi sa buong buhay natin ay aasa tayo
sa ating mga magulang, kailangan natin matutong mabuhay mag-isa at magbago para sa sarili.
Hindi lahat ng pagkakataon ay katabi natin ang ating mga magulang na handing tumulong para
sa atin.

2. Damdamin
-Ang damdaming nanaig sa aking nabasang kabanata ay mas ginanahan ako at ang kabanatang
ito ang nag-udyok sa akin na ipagpatuloy ang buhay na meron ako. Dahil ako ay nabubuhay
rin mag-isa tulad ni Marcela habang nag-aaral ng kolehiyo. Na ang paghihiwalay sa magulang
ay hindi ibigsabihin na gumawa ng mga katarantaduhan kundi matutong buhayin ang sarili.

3. Kaasalan
-Ang asal na aking natutunan sa kabanatang ito ay maging mabuting anak, dahil si Marcela ay
nagpakita ng pagiging mabuting anak noong siya ay nasa puder pa ng kanyang Ama. Sinusunod
niya ang gusto ng kanyang ama para sa kanya. May panahon naman na magiging Malaya tayo
at matutong mabuhay mag-isa. Habang nabubuhay pa ang mga magulang, maging isang
mabuting anak

4. Lipunan
-Ang bisa ng kabanatang ito sa ating lipunan, na ang katotohanang maraming kabataan ang
kailangan humiwalay sa kanilang mga magulang upang makapag-aral sa kolehiyo. Ang
katotohanan na kailangan isakripisyo ng mga magulang ang kanilang anak upang magkaroon
ito ng magandang kinabukasan.

You might also like