You are on page 1of 1

XVIII – PAGHUHUNOS DILI

Ang ama ni Meni na si Don Ramon ay tila naguguluhan ang isip dahil sa mga
desisyon at mungkahing ipinakikita nito. Halos lahat ng taong nakapaloob sa
kanilang bahay ay walang kakayahan na magumpisa ng ingay o alingawngaw
maliban sa anak niyang si Meni. Ginamit naman ni Meni ng paraan ang kanyang
sakit na iniinda para makapiling lamang ang kanyang nag-iisang minamahal na si
Delfin. Kung kaya’t maraming tanong sa kaisipan ni Don Ramon na siyang
nagpapakabagabag ng loob nito na maaaring siya ang dahilan ng unti-unting
pagkalubha ng sakit na iniinda ni Meni. Iniisip niya na binibigyan niya lamang ng
sakit ang kanyang anak na si Meni dahil sa lalong pagpapahirap sa sitwasyon nito
na ang hindi pagkikita nila ni Delfin. Pinagusapan naman nila Delfin at Yoyong
ang tungkol sa el progreso sa paraang pag-iisip kung paano pagyayabungin ito sa
kabila ng patuloy na pagtaas ng buwis sa sigarilyo at tabacco. Agad namang
naipasok sa usapan ang pagiging pilya ni Meni sa kanyang ama dahil sa patuloy na
pagsaway nito ngunit kaakibat nito ang paalalang huwag lamang magdadala ng
kahihiyan ang kanyang anak dahil pangalan nila ang bitbit nito. Napagtanto naman
ni Don Ramon ang pagbibigay ng kalayaan kay Meni ngunit ayaw niyang
makitang muli ito. Nagdiwang naman ng kasalan si Meni at Delfin kahit ito’y
hindi ayon sa kagustuhan ng kanyang ama na si Delfin.

You might also like