You are on page 1of 5

Kim Joshua A.

Satur
BSBA HRM 1-2

Kailangan bang magkalayo?: Isang terminolohiyang papel ukol sa Ang Bagong Paraiso ni
Efren Abueg

ANG PAGHIHIWALAY

“Huwag na muna tayong magkita, Ariel,” yan ang binanggit ng dalagang si Cleofe sa kanyang
kaibigan dahil hindi na gusto ng kanilang mga magulang ang kanilang pagkikita. Ito ay isang
mahalagang parte ng istorya dahil dito masusubok ang kanilang pagiging magkaibigan at kung ano
mang nararamdamang hindi masabi sa isa’t isa.

Ang dalawang bata ay napakalapit sa isa’t isa simula pa lamang nung sila ay mga musmos pang
mga paslit. Hindi naman naging tutol ang kanilang mga magulang dito dahil naisip siguro nila na
wala pang kamalayan ang mag kaibigang bata.

Nagpatuloy ang pagiging magkalapit ng magkaibigan hanggang sa tumuntong sa hayskul kung


saan paunti-unting nagkaroon ng bakod ang kanilang pagiging malapit. Sila ay nagdadalaga’t
nagbibinata na at mas lalo na silang nakakaroon ng kamalayan tungo sa isa’t isa.

Isang araw ay sinabihan si Cleofe ng kanyang magulang na tigilan na ang pakikipagkita kay Ariel
dahil nga malalaki na sila at hindi na tulad nung mga bata pa lamang sila. Sa isang banda ay
naintindihan na ni Cleofe ang kanyang magulang dahil nga nararamdaman din niya minsan ang
pagpigil sa ibang salitang sinasabi niya nung kanyang kabataan na muntik nang mabanggit ngayon
habang nakikipagusap kay Ariel. Tila nagkaroon na ng hiya ang kaniyang isipan tungo kay Ariel
at ganun din si Ariel tungo kay Cleofe.

Hindi naman maintindihan ni Ariel kung bakit hindi na sila maaring magkita ni Cleofe pero ito
naman ay ipinaliwanag ng kanyang ama. Ngunit kahit naipaliwanag na sa kanya ay malaki parin
ang parte ng pagiisip ni Ariel na gustong makipagkita kay Cleofe.

Dito mapapaisip ang karamihan sa mga kabataan kung bakit hindi na ba dapat maging masyadong
malapit ang isang lalaki at babae paglaki. Dito mapapatanong ang mga kabataan kung bakit ba
kailangan magkalayo ng isang babae at lalaking napakalapit sa isa’t isa simula pa lamang ng
kabataan nila.

PAGDADALAGA’T PAGBIBINATA

Sa ating paglaki, di maiiwasang mapansin na tila napapalayo ka na sa isang matalik na kaibigan


mula sa iyong pagkabata. Ito ay normal lamang dahil sa inyong pagtanda ay magkakaroon kayo
ng iba ibang pagkakawilihan. Maaring ikaw ay mahilig sa mga bagong musika at ang iyong
kaibigan naman ay interesado sa mga computer games.

Ayon sa isang pananaliksik, mas madaling maranasan ng mga kabataan ngayon ang kalungkutan
at mas matindi ang epekto kumpara sa kung ikaw ay bata o matanda. Dahil dito, mas mataas ang
tsansa na naghahanap ang mga tinedyer ng atensyon mula sa ibang mga tao bukod sa kanilang mga
magulang. Makikita sa istorya na noong pinaghihiwalay si Ariel at Cleofe ng kanilang mga
magulang ay mas lalo silang “natutuksong” makipagkita sa isa’t isa.

Isa pang halimbawa ng “kalungkutang” ito ay ang sinasabing kawalan ng sigla ni Ariel kapag
kakausapin si Cleofe ukol sa mga bagay na dati naman ay madali niyang nasasabi. Maging si
Cleofe ay hindi na rin ganun “kasigla” pagdating kay Ariel, siya ay naging mas mahinhin na.

Mahirap ang ganitong pagbabago para sa mga kabataan. Sila ay maguguluhan sa mga ganitong
pangyayari at mas mahirap pa dahil mas lumalayo sa magulang ang kabataan sa ganitong parte ng
kanilang paglaki na nangangahulugang walang magtuturo sa kanila ng tama at dapat gawin.

Ang pagiging adulto ay isang mahabang proseso. Ang pagbibinata at pagdadalaga ay tumatagal ng
ilang taon kung kaya’t makikita sa istorya na umabot na sila sa kolehiyo ngunit tila ganoon parin
ang kanilang problema. Sa panahong ito ay marami nang inaasikaso ang mga tinedyer tulad ng
pag-aaral kung kaya’t mas mahirap para sa kanila na isipin rin ang pagbabago sa kanilang katawan
at damdamin.

TUKSO
Ilang beses nabanggit ng ama ni Ariel ang salitang tukso rito ngunit hindi niya maintindihan ang
sinasabi nito. “Hindi mo ba na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso!”,yan ang
sinigaw sa kanya ng ama matapos sabihin ang pagpapalayo ng magulang ni Cleofe sa kanya dahil
nga’t ito ay nagdodoktora.

Ang pagdadalaga’t pagbibinata ay panahon rin kung saan mas nagiging mausisa ang mga kabataan
sa usaping sekswalidad. Isa ito sa mga dahilan kung bakit pinaglalayo ang dalawa dahil baka
matukso sila na magusisa sa mga ganoong bagay. Importante ang magkaroon ng kaalaman sa
usapang Sex Education, ngunit dapat ito ay sa tamang paraan at hindi sa pamamagitan ng pag
“eeksperimento”.

Maraming kaso ng mga kababaihang maagang nabuntis dahil sa mga “eksperimentong” ito at
marami na ang ipinapatupad na paraan upang maiwasan ito. Ngunit noong panahon, ang pinaka
epektibong paraan ay paglayuin ang lalaki at babae mula sa pakikipag-interak sa isa’t isa. Ito
naman ay napakaepektibo ngunit may isa rin itong depekto at iyon ay mas lalong nagiging rebelde
ang mga tinedyer kapag lalong pinipigilan sa isang bagay.

Sa Pilipinas pa lamang ay napakalaki na ng kaso ng maagang pagbubuntis dahil sa hindi


protektadong pagtatalik. Madalas rin ay mula sa mga mahihirap na sector ng lipunan ang mga
ganitong pangayari. Ito ay dahil sila ang mga madalas na hindi natuturuan ng maayos ukol sa mga
bagay na ito. Madalas ay walang mga magulang ito na magtuturo sa kanila ng tama o kung meron
naman ay abala sila sa paghahanap buhay at wala lagi sa kanilang tirahan.

KAUGNAYAN SA KASALUKUYAN

Ang pagiging malapit ng babae sa lalaki ay isang problema noon lalo na kung hindi naman sila
magkasintahan. Laganap sa isipan ng nakararami noon na ang babae ay dapat mahinhin at ang
lalaki naman ay maginoo. Hindi kinagagalakan ng karamihan kapag nakikitang masyadong
malapit ang isang lalaki at babae kahit pa na sila ay magkasintahan.

Sa panahon ngayon, marami na ang pinaglalaban ang kanilang karapatan, at isa doon ay ang
kalayaan sa pagpapakita ng damdamin. Hindi na uso ngayon ang humamak sa mga lalaking
maingay at mga babaeng madalas na may tropang lalaki. Ang mga bagay na ganoon ay normal na
sa mga tao ngayon.

Ang istorya ay nakabase sa panahon ng may akda kung kaya’t ilan sa mga paniniwalang
naipapakita sa storya ay makaluma na, ngunit kahit makaluma na ang paniniwala ay naiintindihan
natin kahit papaano dahil ang mga paniniwalang ito ay parte ng kultura natin.

SIMBOLISMO

Sa kwentong ito ay kitang-kita na ang pokus ng storya ay sina Ariel at Cleofe. At kahit sila lamang
ang mga karakter na lubusang nailarawan, ito ay dahil mayroon silang sinisimbolo sa lipunan noon.

Si Ariel ay sumisimbolo sa mga kalalakihang inosente pa sa mga bagay na dapat ay alam na


paglaki. Makikita na nung sinasabi ni Cleofe na itigil na nila ang pagkikita ay hindi maintindihan
ni Ariel kung bakit.

Sinisimbolo ni Ariel ang mga kalalakihan sa kasabihang mas madali tumanda ang pagiisip ng mga
babae kaysa sa lalaki. Si Cleofe naman ay agad na naintindihan kung bakit ipinatitigil ng kaniyang
mga magulang ang kanilang pagsasama.

Ngunit kahit naiintindihan ni Cleofe ay hindi parin maitatanggi na isa pa lamang siyang tinedyer
na hindi parin sumasang-ayon sa kagustuhan ng magulang dahil iba ang gusto nito. Makikita ito
sa parte ng kwento kung saan nagkita ulit sila ni Ariel ngunit ito ay patago na lamang.

KONKLUSYON

Si Ariel at Cleofe ay magkababatang napakalapit sa isa’t isa, ngunit dahil sila ay babae at lalaki ay
pinaghiwalay sila ng kanilang mga magulang nang sila ay lumaki. Sa panahon ngayon ay hindi
ganoon kasama ang tingin sa pagiging ganito kalapit ng babae at lalaki pero ang ilan ay sumusunod
parin sa ganitong kultura.

Hindi naman masama na maging malapit ngunit dapat ay may moderasyon tayo sa mga bagay na
ganito lalo na kung kayo ay magkasintahan. Dapat ay marunong kontrolin ang sarili at hindi
magpadala sa emosyon.
Sa isang banda ay mukhang kontrabida ang mga magulang ni Ariel at Cleofe pero kung titingnang
mabuti ay makikitang mahal na mahal lamang nila ang kanilang mga anak at ayaw na magkamali
sila sa isang bagay na hindi na maibabalik kapag nangyari na.

Hindi pinagisipang mabuti ni Ariel at Cleofe ang kanilang desisyon kaya’t huli na ng malaman na
nag bunga ang kanilang mga “pagkikita”.

Hindi na magiging madali ang buhay ni Ariel at Cleofe dahil mayroon na silang anak na kailangang
alagaan kahit na sila ay nasa kolehiyo pa.

Ang aral ng storya ay pagisipang mabuti ang mga desisyon at making ng mabuti sa mga magulang.

You might also like