You are on page 1of 4

LIT110 – A15

MAGBITANG, Patricia Ann A. Prof. Agapito


2016141946 January 2020

Sa Bagong Paraiso
Ni Efren Reyes Abueg

Introduksyon:
Ang pamagat ng aking napili na maikling kwento ay “Sa Bagong Paraiso” ni Efren
Reyes Abueg. Ang kwentong ito ay napapanahon at naglalarawan sa mga pangunahing
nagiging problema ng mga kabataan. Sa henerasyon ngayon, marami ang nalulugmok
sa maagang pagbubuntis dahil sa pagwawalang bahala sa mga payo at gabay ng mga
magulang. Malaki ang parte ng mga magulang sa edad na ito ng mga kabataan dahil sa
panahong ito nagsisimulang magtanong, malito, at maging mapusok ang mga damdamin
ng mga kabataan. Ito ay epekto ng mga pagbabago sa kanila, maging sa pisikal,
emosyonal, o intelekwal. Marami ang nasisira o nahahadlangan ang mga pangarap at
oportunidad dahil sa “early pregnancy” na ito. Ito ay isang kwento na nagmumulat sa
ating kaisipan ng mga napapanahong problema ng mga kabataan. “At ang dalaga’y
napabulalas ng iyak.” Huwag tayong gagawa ng bagay na hindi natin kayang panindigan.
Sa murang edad ay malayo pa ang ating pwedeng tahakin.
Buod:

Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ng dalawang kabataan na sina Ariel at


Cleofe. Sa simula pa lamang ay magkaibigan na sila, sa edad na walong taong gulang
ay magkasama nilang nilibot ang dalampasigan. Ang kanilang kamusmusan ay isang
maganda at masayang parte ng kanilang pagiging bata. Ito ang mga Gawain noong araw
n asana ay nagagawa pa rin ng mga bata ngayon. Ang maglaro at magalusan, hindi
magbabad sa kanilang selpon. Ngunit lahat ng bagay ay dumadaan sa pagbabago at
pagsubok. Nagsimula na silang magbinata at magdalaga. Nagbago unti-unti ang kanilang
pisikal na kaanyuan, maging ang kanilang paraan ng pag-iisip at pagtingin sa mga bagay.
Sa panahon ito ng kanilang kabataan, mayroong umusbong na pader sa kanila sa
pamamagitan ng mapusok na damdamin. Bilang mga magulang, nararapat lamang na
gabayan at protektahan ang inyong mga anak. Napagdesisyunan na paghiwalayin sina
Ariel at Cleofe dahil araw-araw silang nagkikita at ang madalas na pagkikita ay maaaring
magdulot ng kapahamakan. Dahil si Cleofe ay kanilang pinagdodoktor, ginamit nila itong
rason upang hindi na paglapitin pang muli ang dalawa. Doon na nagsimulang sumuway
sa utos ang dalawang kabataan. Nag-aral sa siyudad si Cleofe para mailayo kay Ariel
ngunit hindi napigil ang dalawa sa pagkikita. Nagkita sila sa Luneta at patuloy silang
nagsama. At sa kanilang pagmamatigas ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Personal na Pananaw:

Ako ay lubos na natuwa at nahikayat na tapusin ang kwento dahil ipinapakita nito
sa atin ang epekto ng pagsuway sa magulang. Oo, hindi sa lahat ng panahon ay tama
sila ngunit sa bagay na ito ay alam nila kung ano ang mas nararapat. Maganda ang
maikling kwento na ito dahil sinasalamin nito ang mga kabataan sa panahon ngayon.
Marami ang nabibiktima ng “early pregnancy” at dahil dito hindi nakakapagpatuloy ng
pag-aaral. Hindi kasalanan ang pagkakaroon ng anak ngunit kung ito naman ay hindi
planado, wala pa sa tamang edad at kaisipan para maging magulang, at walang
kakayahan para bumuhay ng isa pang tao ay hindi muna dapat gumawa ng bagay na
hindi kayang pangatawanan.
Kritikal na Pag-aanalisa:

Matagumpay ang layunin ng may akda na iparating sa kaniyang mambabasa ang


importansya ng paggabay at lubos na pagmamahal ng mga magulang. Iniisip lamang nila
ang ating kapakanan at gusto nila kung ano ang mas makabubuti sa atin. Naaayon
lamang ang mga naganao na sitwasyon sa milking kwento dahil inilarawan nito ang
pagsisimula ng kanilang pagkakakilanlan sa sarili. Nag-umpisa sa pagiging mga bata
hanggang sa magkaisip at matutong malito sa mga bagay na nagbabago ukol sa kanilang
paglaki. Mahusay at naaayon lamang ang naging takbo ng istorya dahil ito ay may simula
at katapusan.
Konklusyon:
Ang maikling kwento na “Sa Bagong Paraiso” ni Efren Reyes Abueg ay aking lubos
na nirerekomenda sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan. Ang mahika ng kwento
na ito ay ang pagiging totoo sa mga tao. Ipinaliwanag ng may akda ang magiging epekto
ng pagsuway sa magulang. Ang mga kahihinatnan ng ating bawat galaw na maaaring
magdulot nang malaking pagbabago sa ating mga buhay. Ito ay magsisilbing isang biyaya
kung nasa tamang edad at wastong pag-iisip na ngunit isang mabigat na responsibilidad
at dalahin kung hindi naaayon.
Isa sa tumatak na linya sa akin ay “Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila
sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang
kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan,
na ang pasimulang madalang ay naging masinsin.” Kahit anong saya talaga ang ibigay
sa atin ng pagkakataon ay biglang mayroong mangyayari na hindi natin inaasahan.
Maraming bagay ang hindi pwede pero patuloy nating ginagawa at kapag nahatulan nang
pinakamabigat na kaparusahan ay hindi na pwedeng ibalik pa. Bigyan natin ng
importansya ang mga payo ng ating mga magulang.
Tata Selo
Ni Rogelio Sikat

Introduksyon:
Buod:
Personal na Pananaw:
Kritikal na Pag-aanalisa:
Konklusyon:
ANG GILINGANG BATO
Ni Edgardo M. Reyes

Introduksyon:
Buod:
Personal na Pananaw:
Kritikal na Pag-aanalisa:
Konklusyon:

REFERENCES:
https://teksbok.blogspot.com/2011/03/sa-bagong-paraiso.html

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/tata-selo-ni-regilio-sikat.html

https://www.facebook.com/215649688828253/posts/ang-gilingang-batoni-edgardo-m-reyesmay-
kahulugan-sa-buhayang-gilingang-bato-ng-/522408428152376/

You might also like