You are on page 1of 13

ANG NAKATAGONG KAHULUGAN NG

KUWENTO

TEMA
TEMA
-Ay nakatagong ideya sa isang
kuwento na binuo batay sa mga
pangyayari. Ang tema kung minsan ay
malinaw na inilalahad sa isang akda o
kung minsan ay hindi lantad na
inilalahad.
Mga hakbang sa pagbuo
ng Tema:
1. Unawain ang kaibahan ng “paksa”
at “tema”

 Paksa
- Ay mas pangklahatang tawag kaysa sa
tema. ito ay isang kondisyon ng tao na sinisiyasat sa
kabuuan ng akda.

 Tema
-Lantad o di-lantad na pahayag hinggil sa
paksa.
2.ALAMIN ANG LAYUNIN NG IYONG
PAGSUSULAT
-Ang layunin sa likod ng iyong
pagsusulat ang siyang huhubog sa iyong
tema.

4 na layunin:
a) Impormasyon
b) Paglalahad ng opinyon,ideya at paniniwala
c) Panghihikayat
d) Pagbibigay ng aliw
3.KILALANIN ANG MAARING
MAGBABASA NG IYONG KUWENTO
-Ay makatutulong sa pagukoy kung
ano ang pinakaangkop at mabisang tema na
naaangkop sa kanila.

4.ISAALANG-ALANG ANG HABA NG


IYONG ISUSULAT
-Ang mahahabang akda gaya ng
nobela ay nangangailangan ng pantulong na
tema na magpapaangat sa pangkalahatang
tema habang ang maiikling kwento ay
nangangailangan lamang ng isang tema.
5) ALAMIN ANG KABUUANG
ISTRUKTURA NG IYONG ISUSULAT
-Ang maikling kuwento ay isinaayos sa
pamamagitan ng iba’t ibang pakikipagtunggali ng
mga tauhan.

6) ILAHAD ANG IYONG TEMA SA SIMPLE AT


MALINAW NA PAMAMARAAN
-Mas madaling magsulat ng isang
kuwento kung simple ang pagpapakahulugan ng
iyong tema.
7) MANALIKSIK HINGGIL SA IYONG TEMA
UPANG ITO AY MASUPORTAHAN
-Ito ay mahalaga upang mabigyan ng
sapat na detalye ang bawat parte sa kwento.

8) GUMAMIT NG ANGKOP NA PAMAMARAAN SA


PAGSUSULAT
-Gamitin ang mga bagay na tanong.
a) Anong uri ng akda ang iyong isinusulat?
b) Ano ang iyong isinusulat?
c) Sino ang sinusulatan mo?
d) Ano ang dahilan ng iyong pagsusulat?
e) Alin sa mga pamamaraan ng pagsulat ang angkop sa iyong
tema?
*SA BAGONG
PARAISO

-ni Efren R. Abueg


-
* Buod:
 Ang kuwentong ito ay napapanahon at
tumutukoy sa mga pangunahing nagiging problema
ng mga kabataan. Malaki ang parte ng mga
magulang sa edad na ito ng mga kabataan sapagkat
sa panahong ito nagsisimulang malito at maging
mapusok ang mga kabataan nang dahil sa mga
pagbabagong nangyayari sa kanila, pisikal man o
intelekwal. Gayunpaman, kinakailangan ang
malawak na pag-unawa at paggabay sa kanila.

 Ang kwentong ito ay tungkol kina Ariel at cleofe


na sa simula’y mga batang walong taong gulang na
ang itinuturing na paraiso ay ang malawak na
dawagan at ang dalamapasigan. Ang kanilang
kamusmusan ay isang makulay na yugto at
masasabing ang lahat ng dapat gawin ng isang bata
ay nagawa na nila.
 Ngunit katulad ng inaasahan, ang lahat ng bagay
ay nagbabago. Nagsimula na silang magdalaga at
magbinata. Nagbago na ang kanilang itsura maging ang
kanilang paraan ng pag-iisip at pagdedesisyon. Sa
puntong iyon ay nagsimula nang magkaroon ng lamat sa
kanilang isipan at nagsimula nang umusbong ang pader
na sa kanila ay pumapagitan.

 Bilang mga magulang, ang naging pangunahing


aksyon nila ay ang paglayuin sina ariel at cleofe sapagkat
ang patuloy nilang pagkikita at pagiging malapit sa isa’t
isa ay maaaring magdulot o magbunga ng kapahamakan.
Mas iniinip ng kanilang mga magulang ang kanilang
kinabukasan kung kaya’t pilit silang pinaglayo nang
walang sapat na dahilan o eksplanasyon kung bakit
kailangan silang paglayuin.
 Doon na nagsimulang tumaas ang pader sa
kanilang pagitan at paglaban ng kanilang mga
damdaming nahihirapan. Nag-aral sa siyudad si
cleofe para mailayo kay ariel ngunit hindi nagpapigil
ang dalawa. Nais nilang makasama ang isa’t isa. Nais
nilang maipadama ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

 Nagkita sila sa lugar na hindi dapat sila makita


at nang dahil doon ay tuluyan nang mawasak ang
pader na nakapagitan sa kanila. Ang dati nilang
maaliwalas at masayang paraiso, na kung saan ay
malaya silang naglalaro, nagtatakbuhan at
nagpapatiran ay napalitan ng isang malamig at sulok-
sulok na silid, na tanging init ng kanilang mga
lumayang katawan ang yumayakap sa kanila.
 Patuloy silang nagkita. Patuloy silang nagsama.
At sa kanilang palagay ay tuluyan na silang lumaya.
Maligaya na sila sa kanilang bagong paraiso…..

 Hanggang sa isang araw, kumulog at


dumagundong ang kalawakan. Ang dalaga ay
dumungaw sa bintana habang masama ang kanyang
pakiramdam… May kung anong nakakatakot na bagay
na nais niyang ilabas, na ibig niyang itapon. Siya ay
napatungo at kasabay nito ay biglang sumiklad ang
kanyang lalamunan at siya’y napanganga, napapikit,
napaluha at sa paghigpit ng kanyang pagkapit sa
palababahan ng bintana ay napaduwal siya. At sa huli
wala siyang nagawa kundi ang mapabulalas ng iyak.
THE END

ANG WAKAS

You might also like