You are on page 1of 1

Name: Max Robert Salmorin Date:

Gr 11- HUMSS E Score:

Pamagat: Batang Pasaway

Ang kwentong ito ay tungkol sa magkababatang sina Ariel at Cleofe na nasanay sa kaluwagan
noong sila ay mga bata pa lamang at nang sila ay nasa hustong isip na nakaramdam ng malaking
pagkakaiba sa kanilang kalayaan. Nagsimula silang pagbawalan sa madalas nilang pagkikita nang
sila ay maging ganap na binata at dalaga na. Ang payo ng kanilang mga magulang ay atupagin ang
kanilang pag – aaral upang makapagtapos. Dahil sa labis na pagiging malapit sa isa’t isa, nagawa
ng dalawa na suwayin ang bilin ng kanilang mga magulang. Ang tila magkaibigang turingan ay
nauwi sa hindi inaasahan sapagkat si Cleofe ay nagdalang – tao matapos na may mangyari sa
kanila ni Ariel.

Ang kanilang kamumusan ay mabilis na pinawi ng mga pagbabagong pisikal at emosyonal.


Nagawa ng dalawa na buwagin ang pader na naghihiwalay sa kanila at namulat sa katotohanang
sila ay hindi na nga mga bata. Maraming pagbabagong pisikal ang kanilang naranasan tulad na
lamang ng paglaki ng boses ni Ariel at ang kaniyang kamulatan sa pagiging ganap na lalaki.
Samantalang si Cleofe naman ay natutunan na meron siyang kakayahang magsilang ng isang
sanggol mula ng siya ay magkaroon ng kanyang buwanang dalaw. Nabatid din niya na hindi biro
ang nangyari sa pagitan nila ni Ariel.

Sa pagtatapos ng kwento, dahil sa katigasaan ng ulo at pagsuway sa magulang ay nag bunga ang
kanilang ginawa kahit sa maikling panahon ng kanilang pag kikita. Sila, tulad ng kanilang mga
magulang ay magkakaroon na rin ng panibagong responsibilidad. Ang buhay na nasa
sinapupunan ni Cleofe ay ang patunay na sila ni Ariel ay minsang naging kapos sa pang – unawa
sa mga bilin ng kanilang mga magulang.

Aral:

Makinig sa payo ng mga magulang sapagkat sila ang higit na nakakaalam ng ikabubuti ng kanilang
mga anak. Ang pagiging mapusok at pagpapadala sa kalituhan ay isang malaking hadlang sa pag
abot ng mithiin ng mga kabataan na makapagtapos ng pag – aaral.

You might also like