You are on page 1of 2

Ang Daigdig ni Helen Keller

nina Florentino C. Torres at Gloria O. Garcia

May mga taong biniyayaan ng mata ngunit pinagkaitan ng paningin, may dalawang magkabilang
tenga ngunit hindi makarinig. Ito ang madilim na daigdig ni Helen Keller.

Ang isa sa mga pinaka-kagilaang bingi o deafblind na kababaihan ay si Helen Keller, ipinanganak
noong Hunyo 27, 1880 sa isang maliit na cottage sa Alabama. Si Kapitan Arthur Keller, sundalo ng armi
ang kanyang ama at si Kate Adams ng Massachusetts ang kanyang ina.

Labing siyam na buwan pa lamang si Helen nang nagkaroon siya ng hindi malamang
karamdaman at akala ng lahat ay mamatay na ang sanggol dahil sa matinding lagnat nito. Lingid sa
kaalaman ng pamilyang Keller, ito ang unang tanda sa kalbaryo ni Helen. Ilang linggo ang lumipas,
napansin ni Gng. Keller na kahit haplusin ng ispongha ang mukha ng anak ay hindi nito ipinipikit ang mga
mata. Nagkagulo ang lahat ng malaman na nabulag ang mga mata ni Helen at tenga'y na hindi na
makarinig ng anumang tunog. Bulag na si Helen ay bingi pa. Magmula noon, ang mundo niya ay pinag-
aralang mabuti ng kanyang mapagmahal na ina sa pamamagitan ng aksyon niya. Dinala ng mag-asawang
Keller si Helen sa isang espesyalistang doctor dahil ayaw nila na ganoon na lamang ang maging buhay ni
Helen. Nalungkot ang mag-asawa dahil walang gamot sa kondisyon ng kanilang anak ngunit pwedeng
turuang bumasa ang mga bulag at bingi upang makapagsalita sa pamamagitan ng mga daliri, ani ng
doctor.

Mula sa Perkin’s Institute for the Blind sa Boston, dumating sa buhay ni Helen Keller ang guro ng
mga bulag at bingi, si Bb. Annie Sullivan. Hindi naging madali ang trabaho ni Annie kasama si Helen dahil
ito ay abusadong bata. Hindi nawalan ng pag-asa ang guro dahil sa prinsipyong pinanghahawakan na
gustong matulungan si Helen. Dahil sa kagustuhang mapalapit sa bata, binigyan niya ito ng isang
magandang manyika. Kinuha ng guro ang kamay ng limang taong gulang na si Helen at inispel sa palad
ang salitang manyika sa Ingles. D-O-L-L. Ito ay inulit-ulit niya sa palad ng bulag kaya nabwesit ang bata at
itinapon ang manyika. Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang guro.

Isang umagang tirik ang araw, nauhaw si Helen sa kalalakad nila sa paligid ng komunidad kaya
dinala siya ng guro sa posong maiinuman. Habang umiinom si Helen ay patuloy na nababasa ng malamig
na tubig ang labi at mga kamay niya. Nagkaroon ng magandang pagkakataon ang guro at madaling
isinulat sa palad ni Helen ang salitang tubig sa Ingles. W-A-T-E-R. Tubig. Dito niya nalaman na ang bagay
na nakatanggal sa uhaw niya ay salitang isinusulat ni Bb. Sullivan sa kanyang palad at naisip nitong
mahalaga nga ang tubig sa buhay ng tao. Ikinatuwa niya ito nang labis. Hinahawakan ni Helen ang mga
bagay na nadaanan sa paligid at isinusulat naman kaagad ni Bb. Sullivan sa palad ng bata ang pangalan
ng bawat bagay na ituro ng bulag. Naunawaan ni Helen Keller na ang bawat bagay ay may pangalan at
siya nagkaroon ng malaking pagnanais na makapagsalita sa pamamagitan ng pasenyas na lengguwahe.
Sa araw-araw, nadaragdagan ang mga salitang natutuhan ni Helen sa tulong ng guro.
Isang araw, itinanong ni Helen sa guro na si Annie ang salitang hirap niyang unawain: Pag-ibig.
Kinuha ng guro ang kanang kamay ng bata at ipinatong sa kaliwang dibdib ng bulag. “Nariyan ang pag-
ibig. Ang pag-ibig ay kaligayahan.” Magmula noon, natutuhan ni Helen ang ibig sabihin ng pag-ibig—
nanggaling sa puso, sa emosyon at ito ang nagpapaligaya sa lahat ng tao. Ito ang naging pundasyon ni
Helen upang magsikap na matuto at makapag-aral.

Sa pamamagitan ng pagdampi ng mga palad sa leeg at labi ng guro, inaral niya kung paano ang
pagsasalita. Mahirap at matagal pero dahil sa determinasyon sa sarili, dumating ang pagkakataong
nasabi ni Helen ang mga salitang, “It is warm.” Nagulat at natuwa si Bb. Sullivan. Buong sayang
nagdiwang ang mag-asawang Keller nang malamang kahit limitado ay marunong nang magsalita si
Helen.

Dahil sa tibay ng loob at tiwala sa sarili na laging pinapasok ni Bb. Sullivan sa isipan ni Helen,
nagpa-enroll ito sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng wikang pansenyas ni Bb. Sullivan, nakukuha ni Helen
ang mga aralin sa Radcliffe College.

Subalit dumating ang araw na hindi inaasahan ni Helen. Namatay ang kanyang pinakamamahal
na guro na si Bb. Sullivan at ang tanging pamana na naiwan sa kanya ay ang tibay ng loob,
determinasyon at wagas na pag-ibig sa kapwa. Ang mga ito ang naging sandigan ni Helen Keller upang
dakilain ang kaluluwa ng kanyang guro. Magmula noon, pinag-ibayo ni Helen Keller ang pagsisikap na
aliwin ang mga kapus-palad na mga bulag, pipi, at bingi. Sumapi siya sa American Foundation for the
Blind sa Amerika at naging aktibo sa Massachusetts’ Commission for the Blind.

Sa pamamagitan ng pagsulat, nakapaglimbag siya ng mga aklat na hinangaan ng buong daigdig,


ng mga Amerikano, Pranses, Asyano at Pilipino. Sa aklat na ito buong linaw niyang isinulat ang kanyang
damdamin, sentimyento, pag-ibig at tibay ng loob na hinangaan, pinuri at minahal ng milyon-milyong
mamamayan ng daigdig.

Si Helen Keller ay nagsilbing pag-asa ng mga bulag at ilaw ng mga nabubuhay sa daigdig ng
kadiliman. Siya ang gabay ng mga taong nangangailangan ng lakas ng loob at tibay ng damdamin. Siya
ay isang modelong mamamayan ng daigdig. Siya ay bulag, pipi at bingi subalit siya ay nagtataglay ng
kadakilaang magmahal sa kapwa, sa mga kapus-palad.

You might also like