You are on page 1of 7

Tatanggalin nila ang Filipino sa kolehiyo

Hindi pa rin akong makapaniwalang


Dapat pinapahalagahan din ang wikat kulturang
Pilipino
Nakakaligtaan na ng marami na
Ingles lamang ang tanging solusyon sa pag-unlad ng
bansa
Huwag sanang isiping
May pagkakaiba ang ng at nang, may at
mayroon, atbp

Alam kong ikaw ay nagulat sa iyong


nabasang tula ngunit ngayon basahin mo naman ito
mula sa ibaba hanggang pataas. Ito ang isa sa mga
tulang nakapukaw ng aking atensyon dahil sa
kakaiba nitong estilo. Sa kabila ng kakaiba nitong
estilo hindi ko pa rin nakaligtaang alamin ang
nakakubling mensahe sa tulang ito.
Filipino.
Isa itong asignaturang tumatalakay sa paggamit ng wikang Pilipino sa tamang paraan. Ang
kahalagahan ng asignaturang Filipino ay
makakatulong upang mas maging malawak ang
ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa. Ang
wika ang sumasalamin ng kaluluwa ng bansa kaya
pinag-aaralan ito sa elematarya,sekondarya at
tersiyarya. Pinag-aaralan ang Filipino Dahil sa nagiiba-iba ang salitang katutubo ng mga Pilipino,
mahalagang pag-aralan ang wikang pambansa, ang
Pilipino o Filipino.

Ngunit nag-isyu ang CHED ng Memorandum


Order 20 noong nakaraang taon para alisin ang
asignaturang Filipino na pinag-aaralan mula
Batanes hanggang Jolo . Sa kadahilanang
isinusulong na programa ng K-12 nabago ang
sitema at curriculum sa halos lahat ng paaralan sa
bansa. Pinapatanggal nila ito dahil ililipat sa Grade
11 at 12 ang asignatura na orihinal na tinuturo sa
kolehiyo. Ayon sa kanila ang pag-aaral ng Filipino ng
labing dalawang taon sa elementarya at sekondarya
ay sapat na kaya hindi na dapat itong pag-aralan sa
unang dalawang taon sa kolehiyo lalo na sa mga
kursong hindi naman kaugnay dito.
Hindi problema ang pag-aaral ng banyagang
wika gaya ng Mandarin, French, Japanese atbp
Ngunit bago mahumaling sa ibang wika bakit hindi
muna ayusin ang baluktot mong pagsasalita ng
iyong sariling wika.. Tayo ay pinanganak sa Pilipinas
ngunit hindi yun sapat na rason upang sabihin
magaling na tayo sa pagsasalita ng Filipino dahil

marami tayong kakaining bigas para masabihang


magaling. Bakit hindi pagtuunan ng pansin ang
pagpapaunlad ng edukasyon at hindi ang pag-aalis
ng asignaturang Filipino para tayo ay hindi
magkumpisal kay Gat Jose Rizal.

Matindi na naman ang krimen. Lalong


lumalala ang mga nangyayaring krimen na
nababalitaan natin araw-araw. Sa tuwing
manonood ng balita ay hindi mawawala ang
walang-awang pagpaslang ng
kriminal.Maraming naiisip na solusyon para
matigil na ang pagtaas ng bilang nito pero
hindi halos natitigil ang krimen, parang
lumalala pa, parang mas nagiging halang ang
bituka ng mga kriminal.Kaya ngayon ay
nauungkat na naman ang pagbabalik ng
Death Penalty na hindi sinasangayon ng ilan.
Limang taon na ang nakalipas ,
matapos akong gahasin ng taong haling ang
bituka. Ngunit sariwa pa rin sa aking

memorya ang lahat ng nangyari.Naalala ko pa


nung kakalabas ko pa lang sa banyo, mga
labindalawa pa ako nung panahon na iyon
kaya wala pa akong kamalay-malay na may
tao na palang may masamang balak sa akin.
Bigla akong hinila ng lalaking
pinagkakatiwalaan at iyon ang aking ama.
Tinakpan niya ang aking bibig at
pinagbantaan na papatayin niya ang aking ina
sa oras na sumigaw ako at humingi ng tulong.
Sa panahong mga yun umiiyak ako dahil
sa sakit na nararamdaman ko hindi lang
pisikal kundi emosyonal din. Nagpupumiglas
ako laban sa pagkakahawak ng aking mga
kamay. Ngunit wala akong nagawa dahil mas
malakas siya sa akin. Lumaban ako at
akmang sisipain na ang kanyang pagkalalaki
ngunit bigla niya akong sinuntok sa puson na
agad kong kinawalan ng malay.Nang ako ay
nawalan ng malay napanaginipan kong
dumating aking ina at niligtas niya ako sa
tinuturing kong ama. Sa panahong wala akong
malay tumatakbo sa isip ko kung bakit niya

yun ginawa sa akin? Wala naman akong


ginawa at tinuring ko pa nga siya tunay na
ama
Nabilanggo siya ng panghabang buhay
dahil sa kanyang paggahasa sa akin at sa
tangkang pagpatay sa akin. Sinabi ng aking
ina na dapat ipataw sa kanya ang death
penalty kung ito ay ibabalik. Ngunit para sa
akin hindi ko hahayaan yun dahil mapapadali
lang ang pagiging miserable niya sa
kulungan. Gusto ko pang pagbayaran niya sa
kulungan ng mahabang panahon ang mga
nagawa niyang kasalanan at para sa akin ang
Diyos lang ang may karapatan na kunin ang
binigay Niyang buhay sa atin.
Tumaas na naman ang bilang ng krimen
dito sa Pilipinas. Ngunit hindi solusyon ang
pagkitil ng buhay para matakot ang mga
gagawa ng krimen dahil malalim ang ugat ng
kriminalidad sa ating bansa. Nandiyan ang
nagkalat na mga bawal na baril, ang

korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno na


naatasan na sugpuin ang mga krimen, ang
kahirapan at ang kawalang pag-asa ng
maraming Filipino.

You might also like