You are on page 1of 5

Rovejoy A.

Endino BAFIL - FIL 161

1004907 Nov. 17, 2023

Repleksiyong Papel

Nag-uumapaw sa kaalaman ang nilalaman ng talumpating aking nabasa. Napamangha ako


sapagkat katotohanan ang lahat ng kaniyang nga nabanggit at idiniin sa kaniyang nga sinabi. Na
kung iisipin natin bilang nga Pilipino nakakahiya na mas tinatangkilik at minamahal natin ang
wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Pero hindi na ito mapipigilan at maiiwasan sa paanahon
ngayon dahil unti-unti na tayong kinakain ng sistema na kung bihasa ka sa wikang Ingles ay
mataas ka at angat sa nakakarami. Ito ba talaga ang katotohanan o ito lamang ang realidad na
pilit nating ginagampanan at pinanininwalaan sa kasalukuyan. Sang-ayon ako sa lahat ng
tinuran ng ispiker dahil totoo naman ang nagiging dahilan kung bakit Ingles ang sa tingin natin
ang solusyon sa pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa globalisasyon na nagaganap sa bansa. Na
kung saan maraming mga produkto, sebisyo at iba pa na nagmula sa mga dayuhan.
Nakakalungkot nga na aminin na lahat ng meron tayo sa ngayon ay tinatagurian na lamang na
pangalawa o ang panghuling pagpipilian.

Na kahit saan banda ka man ngayon titingin ay makakita ka nang nga produkto na hindi atin
pero tinatangkilik at minamahal ng karamihan. Katulad na lamang din sa ating wikang Filipino
na kung saan ito ang sumasagisag at sumisimbolo sa atin bilang Pilipino ay nahihiya at hindi
natin alam gamitin at ang nakakalungkot diyan ay kampante tayong gamitin ang wikang Ingles
sa pakikipagtalastan na kung iisipin natin hindi ito nanggaling sa atin kundi sa dayuhan.
Nakakaiyak mang pagmasdan ang mga nagyayari ngunit ito na ang realidad na nagyayari sa
panahon natin ngayon na sa tingin ko ay hindi na kailanma'y mawawala. Sinasabi nila na ang
kabataan ang siyang magiging tulay para muling mabuhay ang wikang Pambansa pero sa tingin
ko malabo na itong mangyari. Mapapansin naman natin, na nagiging mundo na ng mga kabtaan
ang social media at makikita natin dito na imbes wikang Filipino ang ginagamit para sa
pagbabahagi ng mga nararamdaman natin ay wikang Ingles ang ating ginagamit dahil
nagmumukha itong sosyal at katanggap-tanggap ng lahat. Ito ang isa sa mga pangyayari sa
panahon ngayon na ka kahit sino man ay wala nang makakapigil dahil ito na ng nakasanayan ng
nakararami.

Kahit pilitin mang ipamulat sa mga kabataan na ang wikang Filipino ang siyang susi sa
pagkakaroon ng pang-unlad sa ekonomiya ay iilan lamang ang naniniwala dahil bulag na tayo sa
sistema na nagyayari sa bansa. Na kailangan ay bihasa sa Ingles nang sa ganoon ay makakapag-
ugnayan ng mabuti patungo sa pagkakaroon ng kaunlaran sa bansa. Totoo nga ba ito? Na kahit
sa ilan nang mga taon ang nakaraan walang nagaganap na pag-angat sa ekonomiya sa
kadahilanan lamang na magaling tayo mag Ingles. Kung pagbabasihan natin ang Malaysia at iba
pang mga bansa na kung saan ang kanilang mismong wika ang ginagamit sa pakikipagtalastan at
pakikipag-ugnayan umaangat sila dahil pinipili nilang panindigan ang wikang kanilang kinagisan
kaysa sa magpasakop at mapasailalim sa mga wikang dayuhan. Dahil ayon nga sa aking nabasa
sa talumpati, sinasabi doon na kung nais nilang maintindihan ang wika na mayroon kami ay
kailangan muna nilang pag-aralan kaysa kami ang gagawa ng paraan para maintindihan nila na
sila naman ang nangangailangan sa amin hindi naman kami. Maganda sana kung ganito ring
pag-iisip ang mayroon tayo na imbes iangkop natin ang ating sarili sa mga wikang dayuhan ay
sila dapat ang magkaroon ng pagkukusa upang maintindihan nila ang ating wika. Hindi ito
masama dahil ipinapakita lamang dito na ang ating wika ay hindi mahina at kayang makipag-
sabayan sa anumng laban sa loob man o kahit sa labas ng bansa.

Bilang mag-aaral sa Kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino ay lubos akong gumagalang at


pumupugay sa mga taong pilit na ipinaglalaban ang Wikang Filipino nang dahil dito ay hindi pa
ito mawawala at patuloy na mabubuhay sa kasalukuyan at sa hinaharap. Kahit hindi man
masolusyonan ang problemang kinakaharap ng wikang Filipino sa ngayon ay gagawin kong
isang sandata ang aking sarili upang mapanatili ang katatagan at katayuan ng wikang mayroon
ako na sumasagisag hindi lamang sa aking pagkatao pati na rin sa aking mga ninuno at ito ang
wikang Filipino na kahit kailan hinding-hindi ko isasawalang tabi kahit sa huling hininga ng aking
buhay.
Jobaina Esmael BAFIL II- FIL161 1004906
Nov. 17, 2023

Repleksiyong Papel
Kagaya na lamang sa mga tsinelas na ating isinusuot imbes na ang sariling atin na tunay na
matitibay ay doon naman tayo nahuhumaling sa mga mamahaling mga Christian Dior at iba
pang nga dayuhang produkto na kamahalan ang presyo ngunit hindi naman tugma sa kalidad at
tibay ng produkto. Nang dahil dito namumulat tayo sa kaisipan na kung makikisabay tayo sa
kung ano ang uso ay magiging sosyal at di tayo kaawa-awa. Pero kung iisipin nating lahat tayo
ng tunay na kawawa dahil unti-unti nating nilulugmok ang sarili nating bansa. Katulad na
lamang sa ating Wikang Pambansa na kung saan isinasawalang tabi natin ito na sa pag-aakala
na ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nagmumukhang sosyal at kaaya-ayang tingnan ng
karamihan. Isipin mong mabuti na ang wikang Filipino ang siyang tunay na sandata sa
pagkakaroon ng pag-unlad sa ating bansa dahil ito ang magiging daan para maipkita natin sa
lahat na ang wikang nayroon tayo ay kakaiba at matatag kumpara sa iba. Ngunit papaano ito
mangyayari na tayo mismo ang siyang naglilibing at nagbabaon sa hukay sa ating Wikang
Pambansa. Hindi lamang sa hindi natin ito giagamit kundi ikinahihiya pa natin itong gamitin sa
mga okasyon na ating dinadaluhan dahil nagmumukha ka lamang second class at ang nag iingles
ay ang tinatawag na first class.

Natawa naman ako sa sinabi ng ispiker na nang tanungin siya ng kasamahan niyang guru na
bihasa sa Ingles kung ang pinag-aaralan lang ba daw nang nga guru sa Filipino ay patungkol sa
kung ano nga ba sa Filipino ang French Fries ito ba daw ay piniritong pranses. Pero nang tinuran
niya na ang salitang ito ay hindi naman nanggaling sa atin kung kaya't ito ay tatawagin paring
French fries sa wika Filipino. Nang sya naman ang nagtanong na ano ba sa Ingles ang Bikang-
bikang at iba na na mga malalaim na salita ay natulla lamng ang Ingleshera sapagkat hindi niya
alam ang katumbas ng mga malalim na salitang iyon. Ito ang realidad sa buhay eh bilang isang
mag-aaral sa kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino ito ang palaging nakakasalamuha kong isyu
patungkol sa kung ano ang pinag-aaralan nating mga Filipino ang Kinukuha dahil iniisip ng
marami ay puro lamang tayo simuni at panag-uri hindi nila alam na iyo ay ang mga
pinakamababaw na usapin sa ating kurso, hindi pa nila nalalaman ang tunay at ang kailalim-
laliman na ating pinag-aaralan.
Sa tingin ba ng iba na kapag matatas sa wikang Ingles ay sosyal at kaaya-aya kanang
pagmasdan, malaking hindi dahil para ka lamang isang langgam na nakapatong sa kalabaw na
ang tingin mo naman sa iyong sarili ay kalabaw na dahil kitang-kita ang kung anong meron ka at
nagbabalatkayo ka lamang sa pag-aakalang hindi kana makikilala sa iyong pagpapanggap.
Magising na sana tayo sa panahon ngayon na ang pag-aakalang ang wikng Ingles ang
magtatawid sa atin sa ginhawa ay isa itong pagkakamali. Dahil ito ang unti-unting sumasakal sa
atin bilang mga Pilipino. Malaking sampal sa ating mga mukha kung patuloy nating oaiiralin ang
wikang banyaga sa sarili nating baya. Magkaroon naman tayo ng utang na loob sa ating mga
bayani na pilit ipinaglaban ang Wikang Filipino sa pakikipagpatayan pa na pammaraan.
Samantalang sa atin ngayon na paggamit lamang ng wikang Filipino ay hindi pa magawa-gawa.

Siguro nga ay tunay na tayong nasakop ng mga dayuhan hindi man pisikal ngunit ang ating pag -
iisip ay kolonyal. Sapagkat mahal natin ang iba kaysa sa sariling atin. Mananatili na lamang isang
magandang alaala ba babalikan ang wikang Filipino bilang siya ang wikang pambansa na sa
ngayon ay parang walannang halaga na kung gagamitin man o hindi ay wala ay wala nang paki
basta ang mahalaga ay nabibilang sa karamihan. Isang kabaluktotan na pag-iisip na marami sa
atin ang patuloy na pinanininwalaan ang ganitong uri ng sitwasyon. Mawala na sana ang
ganitong pag-iisip dahil kailn man ay hindi ito makatulong sa ating Wikang Pambansa ang
Filipino.

You might also like