You are on page 1of 10

For Eternity..

(A BTCHO special chapter) -- Married Life

At 24 years old...

"B-babes! S-stephen! Help me! Ang sakit na ng tyan ko! Sobrang sakit na!!!"
pagsigaw ni Naomi habang pababa siya ng hagdan doon sa bago nilang bahay. Mariin
siyang napakapit sa may hawakan ng hagdan habang hawak hawak naman niya ang malaki
at bilog na bilog niyang tyan

Dali-dali namang napakaripas ng takbo si Stephen ng marinig niya ang sigaw ng asawa
niya

�Babes what�s happening?!� halos manlaki ang mata nito ng Makita niyang may dugong
umaagos sa hita ni Naomi �Oh God Naomi!!!� agad niyang nilapitan ang asawa niya at
pilit niya itong binuhat sa kotse niya kahit sobrang bigat nito gawa ng pagdadalang
tao niya.

Walang Sali-salita ay agad niyang pinaharurot ang kotse niya papunta sa


pinakamalapit na ospital sa bahay nila.

Ng makarating sila sa ospital, agad naming isinakay si Naomi sa isang stretcher


papasok sa emergency room. Sa labas nito ay naiwan si Stephen.

Napatingin si Stephen sa pintuan ng emergency room. Apat na taon na ang nakalipas,


nandito din siya sa labas ng emergency room dahil kasalukuyang nag-aagaw buhay si
Naomi gawa ng isang aksidente. Pero ngayon, nandito siya ngayon at inaantay ang
pinakamamahal niyang asawa at alam niya, na pag bumukas ang pintuan nay an, dalawa
na silang sasalubong sa kanya. Si Naomi at ang magiging anak nila�

Ilang oras na ang nakalipas. Nakaupo lang si Stephen doon habang patuloy na
nagdarasal sa Diyos na maging ligtmatas ang panganganak ng asawa niya. Matapos ang
ilang oras ng paghihintay, bumukas narin ang pintuan at sinalubong siya ng isang
magandang ngiti ng doctor.

Pinapasok siya nito sa loob ay nakita niya ang kanyang asawa� Sa tabi nito ay isang
sanggol.

�Stephanie Mikael Cruz� sabi ni Naomi habang ipinapakita kay Stephen ang anak nila

Nilapitan niya ang kanyang mag-ina �Baby Timi�� sabi nito at hinalikan ang noon g
sanggol atsaka narin ni Naomi..

A year after their wedding, Naomi Mikael Perez-Cruz gave birth to a baby bouncing
girl and they named it �Stephanie Mikael Cruz�
At 29 years old�

Halos hindi maipinta ang saya sa mukha ni Stephen habang pinapanuod niyang
binibihisan ni Naomi ng school uniform ang anak nilang si Timi. First day nito sa
school at sabay nilang ihahatid ang anak nila.

�Daddy! Daddy! Maganda na ba ko?� tawag sa kanya ng anak niya.


�oo naman!� sagot niya ditobatsaka nilapitan �ang baby Timi ko ang pinakaaaaaaa
magandang babae sa balat ng lupa�

Biglang nap pout si Timi �hindi kaya! Si Mommy kaya ang pinaka maganda!� sabi ni
Timi

Natawa naman si Naomi sa sinabi ng anak �pangalawa lang ako sayo baby. Para samin
ng daddy mo, ikaw ang pinakamaganda�

Ngumiti sa kanila si Timi �mommy! Daddy! I love you!!!�

At 32 years old�

It�s Stephen and Naomi�s 11th wedding anniversary.

Nasa Palawan silang dalawa ngayon. Ipinangako kasi ni Stephen kay Naomi na babalik
sila ditto para sa 11th wedding anniversary nila. Dahil hindi nila pwedeng isama si
Timi at may pasok sa school, iniwan muna nila ito sa mommy nila Stephen at Naomi
for a week.

�Babes naalala mo nung pumuta tayo ditto nung college tayo? Ditto din yun sa snake
island. Takot na takot kang mag snorkeling. Hahahaha � sabi ni Stephen habang
nakaupo sila sa isang puno sa snake island at inaantay ang paglubog ng araw

�oo! Tapos sinamantala mo ang pagkakaroon ko ng phobia sa tubig para ma-chansingan


mo ko! Makakalimutan ko ba yun!�

�grabe ka hindi kita chinansingan nun no! sadyang gusto ko lang talaga ipakita sayo
yung ganda ng dagat!� =___=

�hahahaha joke lang babes� sabi niya sabay kurot sa pisngi ng asawa niya �Stephen
alam mo bang sobrang saya ko. I have a handsome and loving husband , tapos dumating
pa sa buhay natin si Timi. Napaka-bait talaga sa akin ng Diyos no?�

Bigla naman niyakap ni Stephen si Naomi �hindi lang sayo babes, pati rin saakin. Sa
dami ng babaeng pinaiyak ko, napakabait parin ng Diyos na ipinakilala kah niya sa
akin� humiwalay siya sa pagkakayap nitokay Naomi at hinawakan niya ang magkabila
nitong pisngi �I love you very very very much babaes� hinding hindi ako magsasawang
sabihin at iparamdam sayo� sa inyo ni Timi� kung gaano ko kayo kamahal.�
Ngumiti si Naomi �I love you too babes. I love you very very very much� you and our
baby Timi��

Dahan-dahang naglapit ang mukha ni Stephen at ni Naomi hanggang maglapat ang mga
labi nila.

Ilang taon na nga ba sila magkasama? Ilang beses na nga bang nahalikan ni Stephen
si Naomi? Pero kahit na matagal na nilang ginagawa ito, hindi parin nagbabago ang
nararamdaman ni Naomi kada maglapat parin ang mga labi nila. Kada hinahalikan siya
ng asawa niya, nararamdaman niya kung gaano siya nito kamahal.

�Thank you God for giving me a guy like him� bulong ni Naomi sa sarili.

That night Stephen and Naomi made love.

At 36 years old�

�no Nami! Hindi ako papaya! Timi is a girl!! Wag mo naming gawing boyish ang anak
natin!� sigaw ni Stephen sa asawa niya

�ano k aba naman!! Hindi naman magiging tomboy ang anak natin kung pag aaralin ko
siya nh taekwondo di ba?!�

�but babes! Bakit kailangan pa niya yun?! Timi is strong enough to defend herself!
Nakita mo naman kung gaano katapang yang anak natin di ba?! Kahit lalaki
pinapatulan ng sigawan! Ayokong mapapatawag ako sa school nila dahil nanggulpi ang
anak ko!�

�wala ka bang tiwala kay Timiha?! She knows what�s right or wrong! Isa pa, paano
kung may mambastos sa kanya?! Paano niya ipagtatanggol ang sarili niya?!�

�t-then he better find a boyfriend!!�

Natigilan bigla si Naomi ng dahil sa sinabi ng asawa niya. Napabuntong-hininga na


lang siya.

�ayokong lumaki ang anak ko na idine-depende ang sarili niya sa lalaki� mariing
sabi ni Naomi atsaka siya lumabas ng kwarto nila.

Agad bumaba si Naomi at dumiretso siya sa dati nilang bahay.

�oh Mika, bat nandito ka?� sabi ng daddy niya


�Si Stephen kasi eh!�

�nag-away na naman ba kayo?�

Tumango lang si Naomi atsaka siya dumiretso sa kwarto niya.

Naiinis siya kay Stephen. Gusto kasi ni Naomi na pag-aralin ng taekwondo si Timi
pero ayaw pumayag ni Stephen. Ang dahilan lang naman ni Naomi ay gusto niyang
matuto ang anak niya ng self defense kung sakaling may magtangka mang masama dito.
Habang nagdadalaga si Timi, napapansin kasi ni Naomi na madaming mga lalaki ang na-
aattract dito. Maganda ang anak nila at proud siya doon. Pero bilang ina, hindi
parin mai-alis ni Naomi ang takot para sa kanyang anak. Isang bagay na hindi
maintindihan ni Stephen.

Buong maghapon nag stay si Naomi sa bahay ng parents niya dahil narin sa inis kay
Stephen. Pero ang mas kinaiinis niya, ni hindi man lang ito tumawag or mag text
manlang sa kanya para kamustahin siya kung buhay pa ba siya o hindi. Nung mga
panahon na yun, parang gusting manapak ni Naomi para mailabas lahat ng galit niya
kaya pinagdiskitahan niya yung dart board ng daddy niya at dinikitan ito ng litrato
no ni Kim Bum, ang artistang kamukha ni Stephen, atsaka niya ito pinagbabato ng
dart.

Mga bandang alas-sais, naisipan naring umuwi ni Naomi dahil parating narin galling
school si Timi. Pero nagulat siya ng pagdating niya sa bahay, patay ang lahat ng
ilaw nito at tila nagmistulang isang hunted house ang itsura ng bahay nila. Hindi
din niya makita kung saan nagpunta ang mga maid nila.

Dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan ng bahay nila at nagulat nalang siya ng
makita niyang madaming scented candles ang nakabukas sa paligid nito. May nagkalat
pang rose petals sa sahig. Maya-maya lang, may narinig siya na biglang kumanta

�I�m sorry my love�

Kung ikaw ay nasaktan ko..�

Napalingon siya ditto at nakita niya si Stephen na papalapit sa kanya habang may
dala-dalang bouquet ng roses

�Ang puso ko�y sumasamo

Mahal ko patawad��

Natawa naman bigla si Naomi

�mag so-sorry ka na nga lang yung lumang kanta pa yang naisipan mong gamitin!� sabi
ni Naomi

�eh sorry na babes wala na talaga ko maisip na kanta. Pero napatawa naman kita di
ba?�
Inirapan ni Naomi si Stephen pero hindi parin niya maitago ang ngiti sa labi niya

�for you� sabi ni Stephen sabay abot ng bouquet ng roses sa kanya �sorry na babes
kung hindi ko iniintindi ang mga sinabi mo kanina. Ngayon ko lang narealize na tama
ka. Sorry kung nagging baluktot ang pananaw ko ha? Kanina nagpunta ako sa Prince
Academy para kumuha ng application form ng taekwondo lessons para kay Timi. Bati na
tayo ha?�

Nginitian ni Naomi si Stephen �matitiis ba kita?� then niyakap niya ito

�Ilove you very much Nami� bulong ni Stephen sa kanya

�I love you too� I love you very very much��

At 39 years old�

�Timi! Bakit ngayon ka lang umuwi?! Madaling araw na!!� sigaw ni Naomi sa anak na
halos kararating pa lang

�mommy! Galling nga po ako sa party! Tsaka hinatid naman ako nung boyfriend ko eh!�

Lumapit si Naomi sa anak niya �uminom k aba? Amoy alcohol ka��

Umiwas ng tingin si Timi �i-it�s a party! Syempre may inuman! Hindi naman ako
masyadong uminom eh.�

�but still you�re a minor Timi! For pete�s sake! 15 years old ka palang and umiinom
kana?!�

�bakit ba mommy! Sa panahon natin normal nang uminom ang 15 years old!�

*slaps*

Napahinto bigla si Naomi. Ayun ang unang beses niyang napagbuhatan ng kamay ang
anak niya.

�I hate you mommy�� bulong ni Timi dito atsaka siya kumaripas ng takbo papunta sa
kwarto niya habang umiiyak siya..

Napaupo si Naomi sa sofa sa living room nila at napahilamos lang siya ng mukha
niya. Hindi niya ginustong pagbuhatan ng kamay ang anak niya. Pero hindi niya
napigilan ito dahil sinagot-sagot siya nung bata.
�babes�� lumapit sa kanya si Stephen then inakbayan siya nito �it�s alright..�

�Stephen, I�m scared. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Timi. Tama naman ang
pagpapalaki natin sa kanya di ba? Pero bakit ganun? Kung sinu-sino ang nagiging
boyfriend niya? Ang hilig niyang gumimik.. tapos ngayon umiinom narin siya? Paano
kung mapahamak siya? Paano kung masaktan siya sa mga ginagawa niya?

�babes, anak natin si Timi at atayo ang nakakakilala sa kanya. Alam ko na hindi
gagawin ni Timi ang mga bagay na ikapapahamak niya. At doon sa mga nagiging
boyfriend niya, siguro wala tayong magagawa kundi hayaan lang siya. Ganyan din
naman ako dati di ba? Pero dumating ka sa buhay ko at natuto ako. Alam ko Nami, may
dadating din sa buhay ng anak natin at tuturuan siya kung gaano kasarap magmahal ng
totoo. Oo dadating ang panahon masasaktan din si Timi, pero kung hindi mangyayari
yun, hindi siya tatatag, hindi siya matututo� hinawakan ni Stephen ang kamay ng
asawa niya �magulang niya tayo pero hindi sa lahat ng bagay, kaya natin siyang
protektahan. May mga bagay din na dapat, si Timi mismo an gang tumayo sa sarili
niyang paa. Ang magagawa lang natin ay dapat palagi tayong nandiyan para sa kanya��

Kinabukasan, pagbaba ni Stephen at ni Naomi sa may dining area, nagulat na lang


sila ng makita nilang may nakahanda ng almusal para sa kanila. Sa may dulo ng
lamesa, nakaupo si Timi at iniintay niya ang kanyang mga magulang. Ng makita niya
parating na ang mga ito, sinalubong niya ito agad.

�mommy, nagluto ako ng breakfast natin�� napuno ng luha ang mata ni Timi �I-I�m
sorry about last night. It�s my fault. I don�t hate you mommy. I love you very
much��

Napangiti si Naomi ng dahil sa sinabi ng anak niya. Pinunasan niya ang luha sa mata
ni Timi atsaka niya ito niyakap.

�I love you too baby.. mommy loves you very much��

Ilang taon pa ang nakalipas. Ilang wedding anniversary ang dumaan. May mga panahong
nag aaway sina Naomi at Stephen katulad ng mga normal na mag-asawa pero ang isang
bagay na nakakapagpatatag ng pagsasama nila ay pareho silang marunong magbaba ng
pride kung kinakailangan.

Habang tumatagal ang pagsasama nila, nakikita rin nila kung paano unti-unting
lumaki ang nagiisa nilang anak. Nandun sila ng mga panahong umiyak si Timi ng dahil
sa pag ibig. Nandun din sila ng mga panahong makita nila ang anak nilang masaya ng
dahil din sa pag ibig. Hindi din sila nawala sa tabi nito ng gumraduate siya ng
highschool..pati narin college. Sobrang proud nila sa anak nila ng makakuha ito ng
magandang trabaho.. lalo na nung araw na naglalakad na sila sa altar, this time,
para ihatid ang anak nila sa lalaking pakakasalan nito.

Tumanda ng magkasama si Stephen at Naomi. Nandun parin ang asaran, ang alitan, pati
narin ang lambingan.

Isang gabi, pinagmasdan ni Stephen matulog si Naomi. Medyo kumukulubot na ang mukha
ng asawa niya gawa ng katandaan. Medyo nagiging puti narin ang buhok nito. Pero
para sa kanya, hindi parin nagbabago ang ganda ng asawa niya. Pag tinitingnan niya
ito sa mata, kada makikita niya itong ngumingiti, he still can�t help to fall for
her over and over again.

At 65 years old�

May hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Stephen at Naomi. Napag
alaman nila na may malalang sakit si Stephen. Leukemia

Halos mabingi si Naomi sa balitang nakarating sa kanya. Ayaw niyang paniwalaan ang
doctor.

May leukemia ang pinakamamahal niyang asawa? Bakit si Stephen pa ang nagkaroon ng
ganung sakit? Bakit di nalang siya?

Ayan ang paulit ulit na tanong niya sa sarili niya.

Pinilit magpakatatag ni Naomi para kay Stephen. Sinusuportahan niya ito sa


pakikipaglaban sa sakit niya.

Nakita niya kung paanong unti-unting malagas ang buhok ng pinakamamahal niyang
asawa. Nakita niya kung paanong unti-unting manghina ito at mawalan na sigla sa
katawan.

Ilang beses ng sinubukan ni Stephen na labanan ang sakit niya sa pamamagitan ng


cemotheraphy pero dala narin siguro ng katandaan, hindi na kinaya ng katawan niya.

May mga panahong suka lang ng suka si Stephen. May mga panahon ding halos hindi na
siya makapagsalita dala ng sobrang panghihina. Halos madurog ang puso ni Naomi
habang nakikita niya ang asawa niya na nagdurusa.

Isang gabi, pinagmasdan niyang matulog si Stephen habang naka-confine ito sa


ospital. Sobrang putla nan g kulay ng balat nito. Kulay papel narin ang labi ni
Stephen na dating pulang pula.

Napaluha nalang siya sa sinapit ng asawa niya. Hindi niya alam kung hanggang kelan
na lang niya ito makakasama. Isipin pa lang niya na mawawala na si Stephen, halos
mabaliw na siya sobrang sakit. Paano pa kaya pag nangyari yun?

Patuloy ang pagpatak ng luha ni Naomi habang tahimik siyang humahagulgol sa tabi ng
asawa niyang may sakit. Nagulat na lang siya ng may daliring nagpunas ng luha sa
mata niya.

�S-stephen?� dali-dali niyang pinunasan ang luha sa mata niya �nagising ba kita? Do
you need anything? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang pagkain?�

�N-nami��

Napalingon si Naomi kay Stephen at nakita niyang nakangiti ito sa kanya

�I love you v-very very much� marahang sabi ni Stephen �tatandaan mo yan ha? P-pati
si Timi.. m-mahal na mahal ko kayo..�

Bigla ulit bumuhos ang luha ni Naomi

�I love you too babes.. I love you very very much��

�w-wag ka na iiyak.. t-tahan ka na.. mas maganda ka pag nakangiti ka..�

Pilit na pinakalma ni Naomi ang sarili niya at pinunasan niya ang luha sa mata niya
atsaka binigyan ng isang ngiti si Stephen.

Stephen smiled back then pumikit siya �babes I�m tired.. matutulog lang muna ako
ha?� sabi ni Stephen sa kanya

Tumango si Naomi �sige babes, matulog ka na. bukas pagkagising mo, papakainin kita
nung favorite mong pagkain� sabi ni Naomi at hinalikan niya si Stephen sa noo �I
love you Stephen� good night��

�I love you too babes, good night��

The next morning, hindi na tuluyang nagising si Stephen. At the age of 66 years
old, Stephen died because of leukemia.

Ilang taon na ang nakalipas simula ng mamatay si Stephen. Naomi is now 70 years old
at doon narin siya nakatira sa bahay ng anak niyang si Timi at ng asawa nito.
Simula ng mamatay ang kabiyak niya, nagging mahirap para kay Naomi ang mabuhay.
Pero pinilit niyang mabuhay dahil alam niya, hindi parin siya nagiisa dahil
nandiyan ang anak niya para sa kanya. Masaya siya na kahit sobrang tanda na niya,
patuloy parin siyang inaalagaan ng anak niya pati ng asawa nito. Minsan, pag
naiiwan siya sa bahay, nakikipaglaro siya sa mga apo niya.

Pero ng araw nay un, mag isa lang siya sa bahay nila. Parehong may pasok si Timi at
ang asawa niya sa trabaho at nasa school naman ang mga apo niya. Para malibang ang
sarili, naisipan na lang niyang magtingin-tingin ng mga litrato.
Nung kukunin na niya ang isang album, may napansin siya doon na isang pamilyar na
notebook. Binuksan niya ang notebook na to at halos madurog ang puso niya ng makita
niya ang nasa loob nito.

Ang contract. Ang dahilan kung paano sila nagkakilala ni Stephen. Ang naging tulay
para sa kanilang dalawa.

Biglang nagbalik lahat n gala-ala ni Naomi sa nakaraan. Ang unang beses siyang
mahalikan ni Stephen, ang una nilang pag-aaway, ang unang beses na sinabihan siya
nito kung gaano siya nito kamahal� at unang beses na maamin niya sa sarili niyang
mahal din niya ito. Naaalala niya nung panahong inaantay niya ang pagbabalik ni
Stephen� yung proposal ni Stephen sa kanya.. pati narin ang panahong naglalakad na
siya sa altar papalapit sa lalaking pinakamamahal niya.

Napahagulgol na lang bigla ng iyak si Naomi at napayakap doon sa notebook. Nagulat


siya ng biglang may nalaglag na litrato ditto at nakita niya yung wedding picture
nila ni Stephen. Mas lalo siyang nangulila sa asawa niya . miss na miss na niya ito
at gusto niyang makasama ulit si Stephen. Nananabik siya sa boses nito, sa mga
ngiti nito. Gusto ulit marinig ni Naomi na sabihin ni Stephen kung gaano siya
kamahal nito.

�babes miss na miss na kita� sabi ni Naomi�

Mas lalong napalakas ang hagulgol niya at bigla na lang siyang napahawak sa dibdib
niya dahil unti-unti itong naninikip. Napakagat si Naomi ng labi niya dahil sa
sakit na nararamdaman niya gawa ng paninikip ng dibdib niya hanggang sa tuluyan na
lang siyang mawalan ng malay.

At the age of 70 Naomi died because of heart attack.

Sabi nga nila, kamatayan ang makakapagpahiwalay sa dalawang taong nagmamahalan.

Pero ang hindi alam ng lahat, kamatayan din ang susi para magsama ulit ang dalawang
nagmamahalan.

Naomi woke up for a start pero wala na siya sa bahay nila o sa ospital kung hindi,
nandito na siya sa isang mala-paraisong lugar.

Tahimik ang lugar na ito at masarap ang simoy ng hangin. Parang naninibago si Naomi
sa pakiramdam niya dahil parang nanumbalik ang lakas niya. Napahinto siya sa may
sapa at tiningnan niya ang sarili niya sa tubig. Nagulat siya ng makita niyang
nanumbalik sa pagiging bata ang itsura niya. Wala na ang puting buhok. Para bang
bumalik siya sa pagiging labing walong taong gulang.

"babes..."
Agad siyang napalingon ng marinig niya ang pamilyar na baose nayun. Sa may puno
malapit sa sapa, nakita niya si Stephen na nakatayo at nakatingin sa kanya.

Hindi katulad ng huli nilang pagkikita, masigla na ulit ang itsura ni Stephen. Wala
na din ang kulubot na balat, nanumbalik na ang itim niyang buhok, pati ang
pagkapula ng labi nito. Katulad ni Naomi, parang bumalik din sa pagiging labing
walong taong gulang si Stephen.

Dahan-dahang lumapit si Stephen sa kinatatayuan ng asawa niya

"Nami, I've been waiting for you..." sabi niya dito

Nginitian siya ni Naomi "I'm already here Stephen... you don'y have to wait for me
now.."

And again, Stephen and Naomi met in a place where pain, hatred and sufering
couldn't reach them. In that place, they will live together...

....for eternity

You might also like