You are on page 1of 32

ANG MAG-ANAK NA CRUZ

ACT 1: MULING PAMUMULAKLAK

SETTING: TAHANAN

SCENE 1

Natapos na ni Remy ang paghahanda ng kanilang sinaing. Siya ay naghilamos,


at hindi pa niya nahuhugasan ang kaniyang mukha ay narinig niya ang iyak ni
Baby. Dali-dali siyang lumapit upang tingnan ang kanyang anak.

REMY: Susmaryosep! Tahan na anak, tahan na! Sige, papaluin natin ‘yang
Nanay na yan, ano? Salbahe ‘yang Nanay na yan.

(Insert song: Sa ugoy ng duyan)

Hinehele ni Remy ang bata, nang maamoy niya na nasusunog ang kaniyang
sinaing.

REMY: Diyos ko! Ang sinaing nasusunog na!

Dali-dali siyang lumapit sa kalan at pinatay ito habang pinapasuso si Baby.


Biglang dumating ang kaniyang asawa na si Tinoy.

TINOY: Anong ginagawa ninyong mag-ina diyan sa harap ng kalan?

REMY: Naku kasi itong anak mo! Nagligalig! Hindi ko na namalayan ang sinaing
kaya ayan, nasunog.

Napatawa si Tinoy sa sinabi ng asawa.

REMY: Hayaan mo, ipagpapalit ko na lang sa bigas ni Aling Tomasa.

TINOY: Aling Tomasa? Bakit naman sa kaniya mo ibibigay?


REMY: E kasi sosyal ang pagkain ng mga baboy niya, ipinagsasaing pa talaga.
Sabihin ko na lang na ito na lamang ang ipakain kapalit ng bagong bigas, para
hindi sayang.

Napahalakhak muli si Tinoy.

TINOY: Akin na nga ‘yang si Baby, tapusin mo muna ang paghihilamos mo.

SCENE 2

Naghahain si Remy ng kanilang hapunan. Maingat niyang tinawag ang kaniyang


asawa.

REMY: Dear, natatandaan mo ba si Gloria? Yung may eskwela na ngayon sa


dress making?

Tila walang narinig si Tinoy at umupo na lamang siya.

REMY: Tinoy...narinig mo ba ang sinabi ko?

TINOY: Oh? Ano namang mayroon kay Gloria?

REMY: ‘Yan ang hirap sa inyong mga lalaki! Di niyo kami pinapakinggan!

TINOY: Ano ba gusto mong sabihin? Di kita maintindihan.

REMY: Ano kasi, naghahanap ng titser si Gloria dun sa dress making.

TINOY: Ah, so kinausap ka na ni Gloria para magturo?

REMY: Eh parang ayaw mo ata…

TINOY: Aba, ikaw diyan ang nagrereklamo na kulang ang oras mo, tapos
magtatrabaho ka ngayon? Pano ang anak mo?

REMY: Edi kunin natin si Petra, gawin nating full time kasambahay imbis na
labandera lang natin. Para may mag-alaga na rin kay Baby.

Ano, payag ka na ba?


TINOY: E kung ayan naman ang gusto mo e. At saka, naniniwala naman ako na
ang babae, kaya pagsabayin ang pamilya at karera.

REMY: Ang iniisip ko, pang-hapon na klase ang kukunin ko para sa umaga,
nandito pa rin ako at magagawa ko ang mga gawaing bahay. Tsaka dahil
alas-sais pa naman ang tapos ng klase ko, may isang oras ka pa para gumimik
bago mo ako sunduin.

TINOY: Aba ay buo na pala ang plano mo eh.

REMY: Oo, Tinoy. Malaking tulong ito kasi makakapagtabi tayo ng pera sa
bangko at maaari pa tayong makapagpatayo ng bahay. Mahirap itong
nangungupahan tayo, ang dami nating utang!

SCENE 3

TINOY: Dear, tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas simula ng magtrabaho


ka ah. Pansin ko na parang bumabagsak na kaagad ang katawan mo.

Hindi sumagot si Remy.

TINOY: Baka hindi hiyang ang katawan mo na mag-trabaho ulit. Magpa-check up


ka kaya? Pati si Baby isama mo na rin, medyo matamlay na rin eh.

REMY: Hindi ko naman pinapabayaan si Baby ah.

TINOY: Kaya nga, ang akin lang baka kailangan ng bitamina o kung ano man.
Basta, sa Sabado ha, Rem. Magpatingin tayo sa doktor.

Hindi na umimik pa si Remy.


SCENE 4

SETTING: SA OSPITAL

DOKTOR: Malinaw ang findings natin. Misis, huwag mo na masyadong


papagurin ang sarili mo. Tapos, tigil muna ang breast-feeding, sa bote na lang
muna padedehen si baby, okay?

REMY: Bakit ho, Dok? Hindi ko po maintindihan, ganoon na ho ba kalala ang


sakit ko?

DOKTOR: No, Misis! Actually this is great news! Binabati ko nga kayong
mag-asawa. The results are very clear! Masusundan na si baby!

Napahalakhak si Tinoy sa tuwa, habang napaiyak naman si Remy.

ACT 2

SETTING: BAHAY

SCENE 1

Umuwi si Tinoy na may ngiti sa kaniyang mga labi. Lumapit siya sa kuna ng
kaniyang bunsong anak at binuhat ito.

TINOY: Halika nga bunso! Palagay ko, ikaw ang suwerte sa amin!

REMY: Oh bakit parang tuwang-tuwa ka diyan?

TINOY: Dear, may balita sa opisina.Magkakaroon daw ng promotion, at


panigurado na lahat kami ay tataas ang puwesto!

REMY: Aba, magandang balita nga ‘yan! Ibig sabihin, tataas na rin ang suweldo
mo. Kapag isinama pa ntin yan sa kita ng tahian, pwede na tayong kumuha ng
insurance para sa educational plan ng mga bata.

TINOY: Aba oo. Alam mo Dear, sobrang excited na nga ako!


REMY: Um, Dear…hindi mo ba naiisip yung pagbalik mo sa pag-aaral?

TINOY: Para saan pa? Okay na naman ang lagay natin.

REMY: Diyos ko, Tinoy! Dadalawang taon na lang, ayaw mo pa ituloy. Mas
maganda ang oportunidad mo sa mga trabaho kapag nakakuha ka ng diploma.

TINOY: Saan ba ‘to nanggagaling, Rem?

REMY: Naisip ko kasi, baka mabawasan na rin ang galit sa atin ng Nanay Sela
mo. Kahit naman hindi niya sabihin, alam kong ako yung sinisisi niya kung bakit
ka huminto.

TINOY: Ikaw talaga, iba imagination mo!

REMY: E totoo naman kasi…tumigil ka sa pag-aaral, tapos minadali mo ako!


Inisip tuloy niya na pinilit kita.

TINOY: Tama na yan, huwag na muna natin pag-usapan iyan. Ang mahalaga ay
mapo-promote si Tatay! Yehey!

Napatalon rin sa tuwa si Baby.

SCENE 2

Puyat sa paghihintay si Remy, inaasahan ang magandang balita mula sa


kanyang asawa. Biglang pumasok sa bahay si Tinoy, hindi man lamang siya
pinansin.

REMY: Dear, anong balita? Mukhang napasarap kayo sa inuman, ah.

Walang kibo si tinoy habang padabog itong nagbibihis.

REMY: Tinoy, ano bang nangyayari sa’yo? Kamusta ang promotion?

TIINOY: Wala! Walang promotion! Lintek na yan, ano dahil sila ang may diploma,
sila lang ang puwedeng tumaas ang posisyon? Paano naman ang experience
namin?

REMY: Kung ganon, yung promotion na inaasahan natin eh naging bato pa?
TINOY: Ganon na nga! Akala yata nila porket di kami napromote ay hindi kami
makakabili ng alak, aba, edi nag-inuman din kami!

REMY: Anong balak mo ngayong gawin?

TINOY: Tama ka, Remy. Tatapusin ko na ang pag-aaral ko. Parang wala ata
tayong mararating sa paganto-ganto. Mag-aaral muli ako, para man lang
makausad-usad tayo.
(Insert song : Title - Doon lang - Kung natapos ko ang aking pag-aaral… chorus)

Scene 3

Naiwang mag-isa sa kwarto si Tinoy. Biglang may kumatok na siya namang


ikinainis lalo ni Tinoy.

TINOY: Sino ba ‘yan ha? Namamahinga yung tao eh!

BABY: Tay, ako po ito.

Pumasok si Baby sa loob ng kwarto ngunit walang imik at tila naglalambing.

TINOY: Ano bang kailangan mo?

Walang sagot si Baby.

TINOY: Aba’y umimik ka! Tinatanong ka ng tatay ah!

Nanatiling walang imik si Baby.

TINOY: Ano? Hindi ka iimik? Para kang ahas diyan na kikiwal-kiwal!

Hinawakan ni Tinoy si Baby sa balikat. Bahagyang nasaktan si Baby.

TINOY: Sabihin mo na kasi kung anong gusto mo! Kanina ka pa diyan, ayaw mo
na lang magsabi kung ano bang kailangan mo sa tatay!

Kinuha ni Tinoy ang tsinelas sa isa niyang paa. Sunod- sunod na palo ang
natikman ni Baby sa kaniyang pige.
TINOY: Ikaw, bata ka, pikon na pikon na ko sa’yo! ( Habang pinapalo si Baby)

BABY: Nay! Nay! Ang tatay oh, pinapalo ako! Nay! Ang tatay oh! Nanay! Nanay!
(Habang umiiyak)

Napatakbo si Remy patungong kwarto nang marinig ang palahaw ng anak.

REMY: Diyos ko po! Tinoy, ano ba ‘yan? Tigilan mo na nga yan!

TINOY: ‘Yang anak mo eh! Pagsabihan mo nga yan! Pumunta-punta dito tapos
ayaw namang sabihin kung anong kailangan!

REMY: Yun nga yung ikinakatuwa mo sa kaniya dati di ba? Tapos ngayon
sinaktan mo!

SCENE 3

SETTING: Sa kwarto ng mga bata.

REMY: Tahan na anak ha. Matulog ka na. Bukas, hindi na yan masakit
pagkagising mo.

Nag-aabang si Tinoy sa labas ng kwarto nang biglang dumaan si Remy.

TINOY: Kamusta si Baby?

REMY: Ano pa nga ba, edi ayon! Natatakot dahil sa ginawa mo.

TINOY: Pasensya ka na, Rem.

Hindi na kumibo si Remy, iniwan na niya sa tapat ng kwarto si Tinoy. Dahan-


dahang nilapitan ni Tinoy ang humihikbing anak.

BABY: Nay? Ikaw ba ‘yan?

TINOY: Ang tatay ito. Pasensya ka na ha.

Wari’y natakot si Baby nang malamang ang tatay niya ang katabi. Nakita ni Tinoy
ang latay sa pige ng kawawang anak.
TINOY: Gusto mo, gamutin natin?

BABY: Ginamot na ng nanay.

TINOY: Masakit pa ba?

BABY: Bukas daw hindi na masakit, sabi ng Nanay.

ACT 2: MARE

SCENE 1

SETTING: SAPATAHIAN

NENITA: Kumare! Kamusta ka na? Sige, anak, magmano ka muna sa ninang!

Hindi kumibo ang bata.

NENITA:’Tong gagang ito nga naman oo, minsan na nga lang kayo magkita ng
Ninang mo ayaw mo pang kumibo.

Palihim nitong kinurot sa tagiliran ang anak na katabi sabay bulong.

NENITA: Hindi ka aaginalduhan ng Ninang mo kahit birthday mo ngayon.

REMY: Hayaan mo na! Mukhang mahiyain. Kamusta kayo? Buti at napadaan


kayo.

NENITA: Nako! Kumare, kung alam mo lang, yaya nang yaya ang inaanak mo
dito. Araw-araw ipinapaalala sa akin na dumaan kami dito sa inyo! Birthday niya
ngayon!

REMY: Mabuti na lang at birthday nitong si Josie, kung hindi ay hindi kayo
makakadalaw dito.

NENITA: Pasensya na ‘Mare, hindi ko alam kung ba’t biglang napipe ang gagang
ito. Sa bahay naman ay suksukan ng daldal!
REMY: Gano’n talaga siguro ‘Mare! Kahit naman mga anak ko ay gano’n din! Si
Baby nga ay hindi ko rin madala sa kanyang mga ninang dahil natatahimik din!

NENITA: Magkasintanda sila, hindi ba?

REMY: Oo, ‘Mare!

NENITA: E ito nga ‘Mare, maituloy ko ang sinasabi ko kanina. Alam mo bang
kilalang kilala ka niyan!

REMY: Talaga ba? Kahit minsan lang kaming magkita?

NENITA: Aba, Oo ‘Mare! Ipinagmamalaki ka pa niyan sa mga kalaro niya at


sinasabing mahusay na modista ang kanyang ninang na itatahi siya ng mga
damit!

REMY: Nako! Bakit nga naman nakalimutan kong ipanahi ng damit ang inaanak
ko?

NENITA: Kahit dati nang yari, Ninang, kamo.

Sinundot nito sa tagiliran bago inilapit ni Nenita si Josie kay Remy.Nakatungo pa


rin ang bata at walang kibo.

REMY: Nako! Hindi naman mapapahiya ang Ninang, dahil mayroon na kong
handa.

NENITA: Aba, tignan mo nga naman! Sabi ko na nga ba’t hindi mo malilimutan
na birthday niya!

REMY: Talagang hindi! Kaya lang ay hindi ko pa nababalot, balak ko kasing


magpunta sa inyo, e bigla naman kayong dumating.

Pagkukunwari ni Remy.

NENITA: Naku! Ang ganda Josie, sukatin mo dali!

Mahaba ang damit para sa bata.

NENITA: Ganito na lang ‘Mare, ako na lang ang magiikli, bigyan mo na lang ako
ng sinulid! At ‘wag ka nang mag-abala sa pagbabalot, malaki naman ang bag ko!
Tsaka pagdating naman samin ay ipaparangya niya na ‘to sa mga kalaro niya.
Aalis na kami!

REMY: O siya, sige ‘Mare. Ayaw ninyong papigil e.

ACT 3: REYNA

SCENE 1

SETTING: Patahian

PETRA: Ate, may naghahanap sa ‘yo.

REMY: Nako, patay tayo! Baka ahente na naman ‘yan ha! Sana sinabi mo na
lang na wala ako.

PETRA: Wala naman hong dalang bag na dala palagi ng ahente.

REMY: Nako, baka kontribyusyon na naman ‘yan! Nakakasakit na ng ulo!

Hinarap ni Remy ang panauhin.

BABAE: Magandang umaga ho, Misis!

REMY: Magandang umaga rin, upo ho kayo. Pwede ko bang malaman kung
anong sadya ninyo?

BABAE: E ‘yon nga ho, nais ko lang hong manghingi ng kaunting tulong sa inyo.

Napaubo si Remy, napatagilid ng bahagya sabay bulong na “Nako! Abuloy nga!”

REMY: ‘Wag ho kayong magagalit pero matanong ko lang sana kung para saan?

BABAE: Ako ho kasi ang hinirang na Reyna ng Linggo do’n sa programa ni


Renato Tolentino na Peach Face Powder.

REMY: Ah, ‘yong pumipili sa Radyo sa araw-araw? Kasali pala kayo do’n.

BABAE: Opo, kaya nga ho ako humihingi ng tulong sa inyo. Kahit magkano lang
ho sana. O kaya kahit isang selyo lang.
REMY: Selyo? Selyo ba ang pinaglalabanan?

BABAE: E, kasi ho, kailangang sumulat sa programa para sabihin na ako ang
pinipili ninyong reyna.

REMY: Pero hindi naman ho siguro sinabi sa inyo na magbahay-bahay para


makakuha ng boto. Pero, para sa akin kasi mas maluwag sa loob magbigay sa
mga nasunugan, binagyo o nadisgrasya.

BABAE: Hindi ho bale.

Lumabas na ng patahian.

SCENE 2

TINOY: Ikaw naman, bakit hindi mo naman binigyan kahit singko? Ano bang
pangalan at nang maiboto ko? Kawawa naman.

REMY: Hindi ko na naitanong at naiyamot na ako. Hindi naman ako maramot sa


abuluyan e, pag nasa tama at may kabuluhan.

TINOY: Nagsabi naman siya sa’yo na gusto niyang maging reyna e.

REMY: Oo nga, e sasali sali sa pagiging reyna, mas maganda pa si Petra.

TINOY: Ayyy, sya nga pala, iniimbita tayo nila Ismael at Arsenia sa kanilang
bahay.

ACT 4 : SENYORITA. SENYORITO.

SCENE 1

BATA: Mommy, mommy, may tao!

Nagsimula na ang kasiyahan sa loob.

REMY: Dear, tingnan mo oh, ibang- iba na ang pamumuhay nila.


TINOY: Oo nga Dear, dati lang ang tawag ng batang ‘yan kina Kumpare ay
Nanay at Tatay ngayon ay pangmayaman na.

YAYA: Senyorito, nakahain na po ang pagkain, tara na.

Nagkatinginan sila Remy at Tinoy.

ARSENIA: Halina kayo! Magpasensya nga lang kayo at pagkaing Pilipino lang
ang handa ko.

TINOY: Aba! Hindi nila-lang ang pagkaing Pilipino.

ISMAEL: Talagang ikaw agad ang nasa isip ko Tinoy nang sabihin kong iyon ang
iluto.

Habang nasa hapag-kainan.

YAYA SENYANG: Senyorito, ito po ang tubig.


: Senyorita, bagoong po.

SCENE 2

Nakauwi na ang mag-asawa.

REMY: Nanliliit ako sa tuwing tatawagin akong Senyorita ng utusan nila, dear.
Ang kapal ng kilabot ko.

TINOY: Petra, mula bukas Senyorito at Senyorita na ang itawag mo sa amin. Sa


almusal, sabihin mo sa akin, “Senyorito kape po.”

REMY: Ikaw talaga dear! Petra, binibiro ka lang ng Mang Tinoy mo. Sige,
matulog ka na.

TINOY: Mommy, matulog na rin tayo.

REMY: Oo daddy.
ACT 5: HIRAM NA PAKPAK

SCENE 1

BABY: Nay! Nagpapagawa ng bahay sila Sioning.

REMY: A, gano’n ba?

BABY: Sabi niya, bulok daw school ko. Wala raw kwenta. Pati s’ya sinusundo ng
school bus, ako raw hindi. Sila raw mayaman, tayo hindi!

REMY: Hindi bulok ang school mo. Kaya nga dun ka namin pinapag-aral ay dahil
maganda ang turo. Totoong hindi tayo mayaman pero hindi naman kapintasan
yon. Kaya namin kayo pinag-aaral ni June ay dahil karunungan ang magiging
kayaman ninyo.

BABY: Totoo ba ang sabi ni Petra, Nay?

REMY: Ano bang sabi niya?

BABY: Bobo raw si Sioning.

PETRA: E, talaga namang bobo! Mayabang pa! ‘Yang pamilyang Rubio talagang
mayabang. Tanungin mo naman sa tindahan e ang haba- haba ng listahan.

REMY: Petra! Shhh.

PETRA: E, totoo naman ho. Hindi nga ho mabayaran ang lista kahit araw ng
sweldo. Pati ho yung katulong, nagrereklamo sa akin. Atrasado raw ang sweldo.
Ilang buwan na.

SCENE 2

REMY: Dear, kilala mo ba sila Mrs. Rubio?

TINOY: A, oo. Nagpapatulong nga pala si Mr. Rubio para makautang sa bangko.
Isinanla ang lupa para makapagparemodel ng bahay. Medyo malaki-laki rin ang
halaga. Gusto raw kasi ng misis niya. Paano, nagparemodel yung kapitbahay.

REMY: Aba e, para pala silang sira. Kung makikipagpatayugan sila ng lipad,
baka masakit ang pagbagsak nila!

TINOY: E, para namang hindi sila takot bumagsak.


SCENE 3

REMY: Aba, may kotse na pala sila Mr. Perez!

BABY: Nay, hindi na raw susunduin ng school bus si Sioning.

PETRA: Bumili na raw ho ng oto ang mga Rubio.

ACT 6: PISTA NG BAYAN

SCENE 1

SETTING: SASAKYAN NI ALING MUDING

Nagtungo sa palengke si Remy at ang manugang niyang si Luming. Pauwi na


sila ngunit napakahirap sumakay.

REMY: Nako, Aling Muding, salamat ho sa pagpapasakay sa amin a. Sobrang


siksikan na ho sa palengke. Sobrang dinarayo ho kasi ang pista sa atin, ewan ko
ba.

ALING MUDING: Aba’y mukha namang malakas ang patahian mo dahil sa pista.

REMY: Hindi ko nga lang ho mahindian ang mga suki. Pero ang malakas ho
talaga ang kita e si Aling Barang.

ALING MUDING: Diyos ko! Napakalaki namang magpatubo. Ewan ko nga ba


bakit pinipilahan. Kung ako lang naman e, bakit pa ako maghahanda kung
ipangungutang ko lang din.

LUMING: Alam niyo naman ang ibang tao. Gustong nakikipagsabayan.

ALING MUDING: Kung sino ba naman kasing mahihina ang kita, ‘yon ang
matatakaw sa utang! Lagi na lang ubos-ubos biyaya. Basta makapagpasikat!

Makalipas ang ilang taon.


ACT 7 : BAGONG PAGTINGIN

SCENE 1

TINOY: May mga anak na tayong dalaga. Biruin mo, nakatapos na ng hayskul si
June. Kailangang pag-ukulan ng pansin ang kaniyang hinaharap.

(Insert song: Start up to Chorus -Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba


ang kahapon)

REMY: Ano nga kaya ang gusto niyang karera?

TINOY: Mukha namang ayaw ng bunso nating maging doktora. Gusto niya rin
kaya ang kurso ni Baby na Home Economics?

REMY: Hindi ko rin alam, Dear. Kilala mo naman ang mga anak mo.

TINOY: Oh, ayan na pala ang anak natin.

Nagmano si June pagdating.

REMY: Anak, pinag-uusapan namin ng tatay mo ang tungkol sa pagpili mo ng


karera. May nagugustuhan ka na bang kurso?

JUNE: Nay, Tay, ang gusto kong kuhanin ay ‘yong madaling matapos at
mapapakinabangan agad.

REMY: Mag-titser ka!

JUNE: Matandang karera na ‘yan, Nay! ‘Yong tulad na lang kaya ng sa Ate,
Home Economics?

TINOY: Nanggagaya ka lang yata e, kung sabagay mahirap talagang mamili ng


karera.

JUNE: Nay, Tay, mag-nars na lang kaya ako?

BOTH: H-ha?!
JUNE: Para magkaroon kayo ng manugang na doctor!

TINOY: Ikaw, Oo hanggang ngayon puro biro ka! Bakit ang karera ba ng babae
ay para sa pag-aasawa lang niya?

JUNE: Hindi naman, pero… partly.

REMY: Iba na ang may natapos kayo, mag-asawa man kayo, hindi kayo
maaagrabyado.

Pagkalipas ng ilang semester sa pag-aaral bilang isang nars.

JUNE: Nay, alam ko na kung anong gusto ko.

Napakunot ng noo si Remy.

JUNE: Ibig sabihin ko, kung anong klaseng nars ako. Nakikita kong gusto kong
maging katulong na nars ng isang surgeon o surgical nurse.

BABY: Magiging tagapunas ka lang ng pawis ng doctor habang nag-oopera.

JUNE: Basta ba gwapo ang doctor e.

ACT 8 : ANG PARAAN NG PAG-IBIG

SCENE 1

Isang balita ang gumimbal kay Remy.

JUNE: Alam mo Nay, si Ate nag-iisip pumunta sa Amerika.

REMY: Dear, narinig mo ba?

TINOY: O, ano naman? Mabuti nga at libre ang pag-aaral niya doon.

REMY: Hindi mo ba naiiisip na baka pakana ‘yon ng dalawa para magkita sila?!

TINOY: Ikaw naman, oo. Wala ka bang tiwala sa anak mo? Matutuwa ka kapag
nando’n na ‘yan, matututong tumayo sa sariling mga paa. Makikita niya pati kung
gaano kahalaga ang magulang kapag malayo na siya.
Makalipas ang mahabang panahon ng pagpapasiya, nakapunta rin sa States si
Baby hanggang sa nagpadala na nga ito ng sulat sa mga magulang.

Nagpakasal na kami huwag mag-alaala tuloy pag-aaral humahalik kamay


Baby Leonardo.

ACT 9 : PALUSONG

SCENE 1

Napag-isipan ng mag-asawang Remy at Tinoy na magpagawa ng


bahay-bakasiyunan sa lote na kanilang nabili. Nanguna sa paggawa ang mga
kamag-anak ni Tinoy.
Sa loob ng apat na araw ng Linggo ay nayari ang bahay.

TINOY: Tara, ipa-bless natin ang bahay. Mabuti at nakatipid tayo.

Napabulong si Remy sa kanyang sarili,

REMY: Nakatipid nga ba? May utang na loob pa sa kamag-anak.

ACT 10 : BAGONG PAKIKISAMA

SCENE 1

SETING: LIVING ROOM

JUNE: Nay, salamat dahil ikaw ang magtatahi ng damit pangkasal ko.

REMY: Akala ko nga hindi ka na iibig pang muli nang masaktan ang puso mo kay
Dr. Marcial. O, kumusta ang pagpaplano ng kasal ninyo ni Fred? Hindi ka ba
pinangungunahan ng biyenan mo?

JUNE: ‘Yon nga Nay, alam mo bang sabi ng Nanay ni Fred? Sky is the limit daw!
Pero hindi naman pera nila ang habol ko Nay.

REMY: Alam mo kapag mag-asawa na, ibig sabihin magkahati na kayo sa buhay.
Kaya dapat sa kasal pa lang hati na kayo at huwag masyadong maluho.
SCENE 2

DONYA LUCIA: Nako! Kakasya kaya ‘yong mga regalo? Mukhang hindi na
kakasya dito!

REMY: Palagay ko naman kakasya, balae. Malapit na rin naman silang magsarili.

DONYA LUCIA: Aba, siyempre! Marami naman kaming apartments na pwede


nilang pagpilian. At alam mo ba sa Hong Kong ko gustong magdaos ng
honeymoon ‘yang dalawa.

SCENE 3

TINOY: O kumusta naman ang lakad mo, Dear?

REMY: Hay naku, Dear! Alam mo ba? Napakagagaling makisama pero kapag
nakatalikod ka iba na ang sinasabi. Aba’y kung magtsismisan parang walang
bukas at kapag dumating ang pinag-uusapan nila, una-unahan pa sa pagbati at
paghalik.

TINOY: ‘Yon bang parang halik ni Judas?

REMY: Parang gano’n na nga.

TINOY: Itutuloy mo pa ba ang pagtulong sa kanila?

REMY: Oo naman at naipangako na ‘yon kay Kumareng Luz.

ACT 11 : ANG LAHAT NG LABIS

SCENE 1

SETTING: PATAHIAN

Bonggang entrance.
MIMOSA: My dear, ikaw naman ang mag-make up sa ‘kin! Alam mo ba ito ang
uso ngayon sa Big Apple City!

REMY: Saktong sakto, may pamangkin akong kakabukas lang ng parlor! Forte
niya ang pagma-make up! Bagong bukas lang ang parlor niya!

MIMOSA: Basta ba mahusay e!

SCENE 2

SETTING: Parlor

Nakikipagkwentuhan si Mimosa kay Glecy.

MIMOSA: Alam mo ba ako lang ang galling sa abroad sa mga kumbidado sa


event mamaya? At siyempre! Gusto ko ako ang pinakasikat mamaya! Ayokong
mahigitan ako ng mga locals! Kaya mas pagandahin mo pa ako!

GLECY: Baka gusto ninyo ako na rin ang mag ayos ng buhok ninyo?

MIMOSA: Oo, papipiliin kita sa limang bestido na dala ko, tapos bagayan mo ng
ayos ng buhok. Alam ko namang magaling ka dahil nireto ka sa akin ni Remy.

Fast forward ng pag-aayos… (insert song – fashionista)

Phone call

GLECY: Nako Tita! Hindi mo naman sinabi, imported pala ‘tong dinala mo sa’kin.
Napakahirap kausap! Ang kulit! Hanggang ngayon nasa fitting room pa at
nagsusukat!

REMY: Nako! Ganyan talaga siya! Palibhasa ayaw maungusan.

GLECY: Sa susunod Tita, ‘wag mo na akong dadalhan ng ganitong customer ah.


(Sabay tawa) Alam mo bang nakailang palit ng damit pero sa una pa rin pala ang
patak! At binilinan pa kong ‘wag mag-iwan ng kahit anong marka sa kanyang
mukha. Sobrang kapal ng foundation kung makikita mo lang! (tawa ulit)

SCENE 3

REMY: Ang ganda natin ngayon ah! Ang ganda ng makeup mo, parang wala.
MIMOSA: Alam mo ba, nagkaroon ako ng leksyon. Hindi ko malilimutan ang
make-up sa’kin ng pamangkin mo.

REMY: Bakit? Ano bang nangyari sa party?

MIMOSA: Paano ba naman? Akala ko ako ang mapapansin ng lahat! Akala ko


ako na ang star of the night dahil puro imported ang nasa katawan ko, mula ulo
hanggang paa. Pero ako lang pala ang nakaformal. Silang lahat nakacasual. Aba,
wala nga man lang nagsayaw sa’kin eh!

ACT 12 : UOD

SCENE 1

Nag-aayos ng halaman si Remy. Katabi niya ang kaniyang apo na si Vic.

REMY: Nako!

VIC: Bakit po ‘la?

REMY: Heto may uod. Naku! Ang mga halaman ko.

VIC: Ang ganda naman ng uod na ‘yan ‘la. (Muntik nang hawakan)

REMY: May tinik ‘yan, huwag mong hahawakan. Mangangati ka.

VIC: Kawawa naman siya Lola.

REMY: Eh kung hindi natin siya aalisin, mauubos niya ang halaman ko. Wala ng
magiging bulaklak.

VIC: E paano ‘La, pag hindi siya kumain, mamamatay siya!

REMY: Ayaw mo bang mamatay ang uod? Salbahe naman siya eh.Mabuti kung
ang kinakain niya ay walang kwentang halaman e hindi naman.
VIC: Sige, patayin mo na lang po siya. Pero kung magiging paru-paro, ‘wag po
‘la.
Bakit po may sungay?

REMY: Ibig sabihin, magiging paru-paro na ‘yan.


VIC: Pwede ko po bang itago yung isa? Ilalagay ko po sa kahon. Sabi mo po sa
kwento, lahat ay gawa ng Diyos. Mabuti ang Diyos… mabait ang Diyos… e di
‘pag ginawa ng Diyos….

REMY: Pero iba ‘to. Walang kwenta ‘to.

(Insert song: Ang mga ibon na lumilipad, ay mahal ng Diyos. Di kumukupas…)

SCENE 2

Araw-araw tinitingnan ni Vic ang kahon.

VIC: Lola! Lola! Nakain na po yata ng hayop yung uod.

REMY: Hindi ba yun ‘yon? Nakadapo sa kurtina oh. Halika tingnan mo.

VIC: Kagabi lang nandito pa sya.

REMY: Ganyan talaga apo, sa ngayon narito ka sa tabi namin pero sa ibang
araw ikaw na rin ang makakatuklas na hindi ka na musmos.

ACT 13 : SA LIKOD NG TAGUMPAY

SCENE 1

REMY: Naaalala mo pa ba si Fidel? Tingnan mo ‘tong kaibigan natin. (Ipakikita


ang artikulo sa magasin.) (Insert magasin chorus)

TINOY: Oo nga ano. Si Fidel ‘yan!

REMY: Nakakatawa ang mga artikulo minsan ‘no?

TINOY: Hindi ba totoo ang mga nakasulat diyan?

REMY: Dapat nga sana, kaso dito hindi lahat ay totoo. Hindi ba isa siyang tanyag
na mang-aawit sa radyo, ngayon ay sa tv, tanghalan at pelikula na.

TINOY: Baka ungkatin mo na naman ang nakaraan, Dear. Kalimutan mo na ang


utang sa ‘yo ni Fidel.
REMY: Matagal ko ng nakalimutan yun. Kung alam ko lang na hindi siya maalam
magbayad at puro pangungutang lang ang alam e di ko sana siya pinautang.

TINOY: Talagang hindi ko alam ang ugali nyan. Tapos mababalitaan ko hindi
lang pala sa atin may utang. Ang gusto mo ba’y malabas sa magasin ang mga
pinagkakautangan ni Fidel? Bad publicity naman yun.

REMY: Hindi naman sa gano’n. Ang akin lang, sana nabanggit man lang ang
pamilya niya. Lalo na si Mely.

TINOY: Hindi ilalagay yun.

REMY: E sino ba naman ‘yang Fidel na ‘yan bago s’ya nakilala? Hindi ba’t si
Mely ang naghikayat sa kaniya na ipagpatuloy ang pagkanta? Si Mely ang
naghanapbuhay at nagpalakas ng loob niya.

TINOY: Ano na namang iniisip mo, Dear?

REMY: Iniisip ko, Dear. Noong walang-wala pa sila, mahal pa ni Fidel si Mely.
Ngayong nagkapera at yumaman, akala mo walang pamilya.

(Insert song: Bakit kung sino pa, ang s’yang marunong magmahal ay syang
madalas maiwan nang hindi alam ang dahilan…)

TINOY: Ito naman, paano mo naman nasabi?

REMY: Hindi ba? Ibang-iba ang nababasa natin kaysa sa katotohanan.

ACT 14 : DAYUHAN

SCENE 1

EXTRA #1(BABAE): Good day everyone! So we gathered here to talk about how
we changed this place from dirt to diamonds.

REMY: Diyos ko! Wala na bang magsasalita sa Tagalog? Nagkakaintindihan


kaya sila?

EXTRA #2 (BABAE): Paano nga naman, ay gusto nilang malaman din ni Joan
ang kanilang sinasabi ng hindi na kailangan pang isalin sa Ingles.

EXTRA #1: And now, let’s welcome, Ms. Joan!


JOAN: Meynga keybegan, meyraming seleymat po sa leyhat!

(Insert song: Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi kano. ‘Wag kang mahihiya kung ang
ilong mo ay pango. Mayro’ng isang aso, daig pa ang ulol, siya’y ngumingiyaw,
hindi tumatahol. Katulad ng iba, paIngles- Ingles pa. Kung pakikinggan, mali- mali
naman. Huwag na lang.)

Nakauwi na si Remy sa kanilang tahanan.

TINOY: O, kamusta ang lakad mo?

REMY: Ayun okay naman. Medyo nakakainis at Ingles nang Ingles ang mga tao.
Samantala ang foreigner ang nagtagalog.

TINOY: Hayaan mo na Dear.

REMY: At ito pa, dear, mas marami pang alam tungkol sa ating bansa si Joan na
isang dayuhan kaysa sa ating mga Pilipino.

ACT 15 : LIMPIYA BOTA

SCENE 1

Mayroong kumatok sa pintuan.

REMY: O Nonoy! Kailan pa kita hinihintay. Hinihintay ka na rin ng mga sapatos


na lilinisin mo.

NONOY: Pasensya na po, Aling Remy. Nag-review po kasi ako para sa test
namin.

REMY: O siya sige, diyan ka muna at kukunin ko ang sapatos.

NONOY: Opo.

Kinuha ni Remy ang mga sapatos.

REMY: O ayan, may extra ka ngayong lilinisin, ang tagal mo kasing nawala. Ilang
taon ka na nga?
NONOY: Sampu na po.

REMY: Ah matangkad ka ha! E anong grade mo na?

NONOY: Grade five na po. Ngayon pong bakasyon magtitinda ako ng diyaryo at
magasin, gusto ninyo po bang magparasyon? Isang linggo na lang po bakasyon
na.

REMY: O sige dalhan mo ako, at ‘wag mong kakalimutan. Para sa pasukan ba?

NONOY: Opo, sa pasukan po itutuloy naman ng kaibigan ko.

REMY: O sige, diyan ka muna.

Palalapit sa patahian si Menta, na kanyang suki.

REMY: Aba, Misis Menta tuloy kayo!

MENTA: Nonoy! Umaabot ka pala rito sa paglilinis!

NONOY: Opo, marami po akong suki dito! (nagpatuloy na sa paglilinis)

REMY: Kilala ninyo ho pala si Nonoy.

MENTA: Kapitbahay namin ‘yan! Alam mo ba hangang-hanga ako sa kanya at sa


kapatid niya. Alam mo ba ang napakagandang bahay sa bandang kaliwa namin?
Pangalawa si Nonoy sa anak ng may-ari. Sila ang may ari ng Pride Of The Town!

REMY: ‘Yong pinakamalaking supermarket dito?

MENTA: Pero alam mo, kahit na mayaman sila parang wala lang para sa mga
anak. Tumutulong pa rin sa paghahanapbuhay na parang walang yaman. Pati
nga anak ko na kabarkada, isinasama. Nako! Nakakatuwa talaga ang mga ‘yan.

ACT 16 : PULITIKA

SETTING : SA KOTSE

SCENE 1

LODY: Remy, maaari ko bang mahiram ang kotse?


REMY: Bakit? O Sige, malakas ka sa’kin e. At alam ko namang
mapagkakatiwalaan ka.

LODY: Salamat! Saka isasama rin kita para malaman mo kung paano
maghalalan ang mga peryodista. Hihingin ko rin sana ang tulong mo para sa
aming kandidata.

REMY: Nako! Maaari ba ko diyan? Alam mo naman, makina ang pinapatakbo ko


at hindi makinilya.

LODY: Oo naman. Basta sumama ka a.

SCENE 2

Araw ng halalan ng mga peryodista.

LODY: Alam mo ba Remy, ‘pag natalo ang aming kandidata ngayon, wala ng
pagkakataong makasingit ang manunulat na Tagalog sa press club. Puro Ingles
ang manunulat! Ang manunulat sa Tagalog ay laging karaniwang miyembro lang.

REMY: Malaki ba ang pagkakaiba ng eleksyon ng mga peryodista sa pulitika?

LODY: Hindi! Para ngang totoong eleksyon.

REMY: Kung ganon, kapag wala kang maibibigay, talo ka?

LODY: Ganon na nga. At madalas, mga negosyante o di kaya’y pulitiko ang


sponsor.

REMY: Hindi ba takot ang mga pulitiko sa mga peryodista? Hindi ba maaaring
ilantad ng mga peryodista ang kamaliang ginagawa nila?

(Insert song: Kayo po na nakaupo. Subukan nyo naman tumayo. At baka


matanaw, at baka matanaw ninyo, ang tunay na kalagayan ko.)

LODY: Noong araw yun. No’ng hindi ba corrupted ang mga peryodista na
lumalaban sa corruption pero ngayon sila mismo ang lumalapit at humihingi ng
tulong na salapi. At kung ikaw ay professional politician, susugal ka rin syempre!
Mas matipid yun kaysa bumayad ng ahensya para pabanguhin ang pangalan mo.
At ngayon, wala silang interes na manalo si Purita. Noong isang taon
nagbigay kami sa kanila ng pera para magkaroon ng Tagalog sa pamunuan.
Hindi nila binoto dahil naliitan sa bigay sa’min.
(Insert song: Tatsulok)

REMY: Lagi na lang api ang Tagalog! Lagi na lang nakikiangkas sa Ingles.
Parang talaba e! Kailangang kumapit para mabuhay, kahit sa bulok na kahoy.

(Insert song: Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa….)

ACT 17: NASYONALISMO

SCENE 1

SETTING : LIVING ROOM

Umuwi galing Bangkok ang kaibigan ni Baby at si Remy ang nadatnan nito sa
tahanan.

REMY: O Lita! Kamusta ka na? Nabanggit nga sa akin ng Nanay mo ang iyong
pag-uwi.

LITA: Sayang nga ho, hindi ko na inabot ang Papa.

REMY: Ayy sya nga pala, gusto mo ba e samahan kita kina Baby? Matagal na rin
kayong hindi nagkikita.

LITA: Aba, sige ho!

SCENE 2

SETTING: TAHANAN NG PAMILYA NI BABY AT NARDO

Nagtungo si Lita sa tahanan nila Baby at Nardo. Nagkaroon ang magkaibigan ng


pagkakataong makapag-usap matapos ang mahabang panahon.

BABY: Lita! Kamusta ka naman?

LITA: Heto, medyo nahihirapan nga ako.

BABY: Bakit naman? Hindi ba maayos ang lagay mo do’n sa Bangkok kasama si
Dennis?
LITA: Maayos naman. Kaya lang e, ang anak ko, wala ng alam kundi Siamese.
Hindi na maisingit ang Tagalog!

BABY: Sanay ka naman yata sa wika nila.

LITA: Naku, hindi! Inggles ang gamit namin ni Dennis sa pag-uusap. Pati mga
biyenan at hipag ko, Inggles din. Pero pagdating sa anak ko, Siamese o kaya
naman ay French ang ginagamit nila sa pakikipag-usap!

BABY: Aba, dapat turuan mo ng wika natin. Paano ‘yan makakausap ng Mama
mo?

LITA: Hay naku! Gusto ngang turuan naman ng Kastila. Kawawa naman ang
anak ko, malilito!
Pero hindi naman ako nagsisisi na si Dennis ang napangasawa ko.

BABY: Mahal ka naman niya e. Mas okay na yung hindi kalahi na mahal ka
kaysa Pilipino na sasaktan ka lang!

LITA: Alam mo, dito ako sa atin naninibago e. Doon, mahigpit ang pagpapatupad
ng batas. Ibang-iba talaga dito sa atin.

BABY: Demokrasya tayo e.

LITA: Baka naman masasamahan mo ako? Kailangan ko kasi kumuha ng


papeles para sa pag-uwi ko. Nakumpiska kasi e. Dapat daw nationality… ayy
mali pala, dapat citizenship na ng asawa ko ang dala ko.

SCENE 3

SETTING: AHENSYA

BABY: Hay nako! Kanina pa tayo dito e wala man lamang umaasikaso sa atin!

LITA: Aba’y oo nga e! Yung iba naman e nagkukuwentuhan lang. Ito ngang
babae sa mesang itinuro sa atin, nakailang bati na ako ng magandang hapon,
patuloy pa rin sa pagpopolbo at pagsusuklay!

BABY: Nakakaloka ha!

LITA: Ehem! Good afternoon!


BABAE: Hi! Um, sorry Ma’am but it’s almost five now. Come back tomorrow,
okay?

Umalis na ang magkaibigan sa tanggapan.

BABY: Kalahating oras pa bago mag-alasingko a.

LITA: At kung kanina pa nila tayo inasikaso, sana tapos na!

BABY: Dapat pala nag- Inggles agad tayo!

LITA: Hayaan mo, bukas, tatambakan ko siya ng isang bayong na Inggles!

BABY: Ewan ko nga ba! Minsan talaga, maiinis ka sa mismong kababayan mo!

ACT 18: PAGLINGON

SCENE 1

SETTING: SA TAHANAN NILA REMY

Nagdiwang ng bagong taon sina Remy at Tinoy kasama ang pamilya nila Baby at
June.

VIC: Malakas akong umihip ng torotot!

OSI: Ako rin!

VIC: Mas malakas ako, dahil mas malaki ako!

OSI: Malaki rin ako a! Nag-aaral na nga ko e!

BABY: Tama na ‘yan. Halika na’t kumain na tayo. Gusto ko sanang umuwi at sa
bahay salubungin ang bagong taon.

REMY: A, sige! Luto na naman lahat.

JUNE: Tama ka, ate Baby! Kami rin Nay, sa bahay na magbabagong-taon. Pati
dadaan pa kami sa bahay ng Mama ni Fred.
BABY: Vic, anak, tara na at kakain!

JUNE: Osi, tama na yan! Halika na.

SCENE 2

Kinausap ni Tinoy si Remy.

TINOY: O, bakit parang malungkot ka? Halata ka ng manugang mo, si Nardo.

REMY: Hindi naman sa malungkot ako. Kaya lang e, naaalala ko lang no’ng
sama-sama pa tayo. Noong bata pa sila Baby at June. Pero naiintindihan ko
naman na may sarili na silang mga pamilya. Kailangan na nilang bumuo ng sarili
nilang tradisyon.

SCENE 3

Nagring ang telepono.

TINOY: Ikaw daw! Si Osi ‘to!

OSI: Lola, Happy New Year… Kay Lolo, Happy New New Year… I Love you! I
love you din si Vic!

Pagkababa ng telepono.

REMY: Binati tayo ng apo mo! Sa kanila raw ni Vic galing!

ACT 19: IBA NA NGAYON

SCENE 1

Kasagsagan ng holy week.

VIC: ‘La napapagod na po ako. Talaga po bang maglalakad lang tayo papuntang
simbahan?

BABY: Malapit lang naman yun. Pati di ba, sabi mo natutuwa si Jesus kapag
nakakagawa tayo ng sakripisyo? Lalo na kapag gawa ng isang bata.
VIC: Yun po ang sabi mo sa’kin ‘La. Pati sa school, yun din po turo ni Ma’am.

SCENE 2 (PASYON)

REMY: Tingnan mo, dear. Walala kayang sumisita sa kanila?

TINOY: Bakit naman? Nagpapasyon lang naman sila a.

REMY: Hindi yun. E nakaloudspeaker pa! Hindi ba parang nawawala ang


kabanalan ng okasyon?

TINOY: Para nga naman rinig ng mga nasa likod. Pati para hindi antukin ang
mga nagsisidalo. Dry na dry nga naman ‘pag yung matandang tono.

REMY: Noon naman… hindi ganito.

TINOY: Rem, noon ‘yon. Iba na ngayon.

SCENE 3

SETTING: TAHANAN NG PAMILYANG CRUZ

Sa hapagkainan.

JUNE: Susunod na lang daw ho si Fred, may dumating kasing pasyente. Pero
pupunta ho yun at alam niyo namang laging bukambibig ang luto ng biyenan.

REMY: Iniba ko nga pala ang putahe para naman hindi nakakasawa.

TINOY: Tingnan mo, ikaw man ay may binago sa nakasanayang tradisyon mo ng


pagluluto.

BABY: Bakit ho tay?

TINOY: ‘Yan kasing Nanay nyo. Masyadong pinapansin ang mga pagbabago sa
paligid. Ultimo pasyon e, pinapakialaman. Ayaw ng may paloudspeaker.

REMY: Iba naman ‘yon. Ayaw ko lang na nawawala yung kultura natin.
ACT 20: SA MULING PAGKIKITA

SCENE 1

Nag-eempake ng mga damit sa maleta si Remy.

TINOY: Sabi ko na nga ba e! Bakit parang nagdadalawang isip ka pa?

REMY: Ewan ko ba. Parang hindi ko maiwan ang mga bata!

TINOY: Naaalala ko pa ang sabi mo no’n. Pagbibiyahe na lang ang pangarap mo


na hindi pa natutupad. Ayaw mo ba niyan? Makakabiyahe tayo ng walang
kagastos-gastos kundi yung mga personal na pangangailangan lang natin. Aba,
e kung hindi ngayon, kailan pa? Malalaki na ang mga anak natin. Libre na tayo sa
responsibilidad.

REMY: Kung sabagay.

SCENE 2

SETTING : AIRPORT

Nagpaalam na ang mag-asawa sa kanilang mga anak at apo.

BABY: Ang nanay! Umiiyak.

JUNE: Unang biyahe pa lang kasi ng Nanay. Sa susunod na mga biyahe, hindi
ka na maiiyak, Nay.

Papasakay na ang mag- asawa sa eroplano.

TINOY: Kawayan mo naman ang mga apo mo. Ayun sila o!

REMY: Sana, sa halip na sandali ito ng ating pag-alis ay sandali na lamang ng


ating pag-uwi.

(Insert song: Manila)

You might also like