You are on page 1of 1

Filipino II Pantomime

JV Rabano bilang Tinoy Rodnick Prudente bilang Baby Odette Ong bilang Remy Lourdes Bulda bilang Petra Joaquin Gonzales bilang June Cathy Del Prado - Narrator Regina Yamada - Narrator

Isang araw, galing sa trabahoy pagod na pagod na dumating sa bahay mula sa opisina si Tinoy at siyay napansin agad ni Remy na tila may malalim itong iniisip. Matamlay na bumati sa asawa,halos hindi man lang pinansin ang papalapit ng mga anak at dumire-direcho na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod si Remy at sinuyo-suyo si Tinoy, inihanda ang damit-pamnahay at tsinelas at saka inalok ng kape ngunit hindi ito sumagot. Nagdadabog si Tinoy, hinagis ang sapatos-pampasok at saka naupo sa gilid ng kama. Umalis na lamang si Remy, at maya-mayay sumunod si Baby na tulad nooy nilalambing siya twing pagdating sa bahay. Kumatok sa kwarto si Baby. Pumasok sa kwarto at saka inaliw-aliw ang kanyang ama, ngunit di tulad nooy si Baby ay nasigawan at napagbuntungan ng galit ni Tinoy at saka napalo sa pigi. Umiyak si Baby at siya namang sugod ni Remy. Nagalit si Remy kay Tinoy sapagkat wala namang ginagawa si Baby ngunit itoy pinagalitan niya. Nakalipas ang ilang oras ay ini-alok ni Petra si Tinoy sa hapunan ngunit tila wala itong narinig at hindi sumagot. Sa hapaghainan namay wala rin sa kanilang ang kumain, pati si Baby ay hindi kumain at nag-iiiyak sa sakit ng pigi. Sa kwarto ng magkapatid ay ginamot at minasahe ni Remy si Baby. Si Tinoy nama y nasa labas ng pinto at naghihintay sa paglabas ni Remy. Nang lumabas ng pinto si Remy ay humingi ito ng paumanhin ngunit hindi ganonganon na lamang ang ginawa niya kaya t ang hiniling ni Remy ay humingi siya ng paumanhin kay Baby. Lumapit si Tinoy kay Baby at humingi ng paumanhin. Tila napapa-iyak na si Tinoy kayat lumingon ito patalikod dahil ayaw niyang makita ni Baby na siya y umiiyak.

You might also like