You are on page 1of 9

“HABANG MAY TATSULOK”

INTRO
(chorus part Tatsulok by Bamboo without instrumental)

(Rally setting)

Lahat: Hustisya!

Narrator:

Sa gabi ng katahimikan, tinig ng karumaldumal,


Sa dilim ng kasakiman, may lumuluha ng katarungan.

Bala na nagtataglay ng pagkakasala,


Itinapon sa hangin ang pangarap ng walang sala.

Boses ng karahasan, naglupasay sa kalsadang madilim,


Sa puso ng inosenteng nilalang, ang hinagpis ay tunay na masidhi.

Mga mata'y namumutawi ng pagluha,


Sa pagbangon ng araw, ang dilim ay nagdudulot ng takot.

Sa anino ng krimen, naglalakbay ang tinig ng hinagpis,


Pangarap ng inosente ay nasira, ang buhay ay naputol, tulad ng isang alon.

Katarungan, tagapagtanggol ng mga dukha,


Boses ng mga nagluluksa, sa pag-asa ay umaasang darating ang araw.

Hukuman, bitbit ang sulyap ng galit,


Naglalakbay sa landas ng katarungan, tila hangin na humahaplos sa mga sugat.

Ang bala, saksi sa kasaysayan ng pighati,


Ngunit sa hukay ng katarungan, ang lihim ay ilalantad.

Sa pagtingin ng mata ng hustisya, walang lihim na maitatago,


Bawat alon ng sakit, isang yugto sa laban ng katotohanan.

Boses ng katarungan, hindi matitinag,


Ang buhay ng inosente, hindi dapat mawala ng ganun ganun na lang.
Sana'y magsilbing liwanag ang paglalakbay ng hustisya,
Upang ang tinig ng katarungan, ay magsilbing gabay sa landas ng pag-asa.

Sa huli, ang bituin ng katarungan ay kumikislap,


Ang araw ng pagtatagumpay, sisiklab sa puso ng bawat nilalang.

House Scene

(Naghahanda ng almusal ang Nanay ni Totoy)

Inay: Totoy gumising ka na at may pasok ka ngayon. Lunes ngayon hindi ka pwedeng mahuli sa
klase! Ala syete na at baka pamag-iwanan ka pa ng sasakyan.
Itay: Hindi pa ba gising si Totoy? Mahuhuli na siya sa skwelahan, nakita ko sila Mang Badong
siya nalang daw hinintay sa paradahan ng jeep.
Totoy: Punta na po ako! (nagmano muna sa kanyang mga magulang)

(playing music habang tumatakbo papunta sa silid aralan si Totoy)

Classroom: sin sinan adda klase (adlib)

(After klase diretso agad si totoy sa bahay nila)

House scenario

Inay: Gabi na, bakit ngayon ka lang?


Totoy: Marami lang ginawa sa skwelahan inay.
Inay: oh siya at ako’y mag-hahanda na ng ating hapunan at mukang napagod ka yata ngayong
araw anak. Nga pala, ang iyong itay ay kadadating lang din, nasa sala siya nanonood ng balita.

(habang kumakain ng hapunan)

Itay: Maraming balita ngayon na uso daw ang may pumapatay, kaya Totoy umuwi ka ng maaga.
Delikado na ang panahon ngayon, kung wala ng importanteng gagawin sa skwelahan Totoy
umuwi kana agad para hindi narin mag-alala ang iyong inay. Lalo na’t lagi kang ginagabi ng uwi.

Inay: Tama ang itay mo Totoy. Delikado na ngayon ang panahon.


Itay: nagkakaintindihan ba tayo Totoy?
Totoy: opo itay

Eskwelahan Scene

(uuwi na sana si totoy ngunit pinigilan ito ng kanyang kaibigan)

Classmate 1: wait lang Toy, ang aga pa naman aalis kana agad? Ala singko pa naman.
Classmate 2: oo nga, daig ka pa ni Maria Clara sa aga ng uwi mo.Yung oras 4:30 palang.
Classmate 3: hahaha Alam mo Toy mamaya ka na umuwi, hangout muna tayo kahit saglit lang.

(hindi makatanggi si totoy sa knayang mga kaibigan, ngunit biglang nakita ni totoy ang kanyang
nobya na si Isabel. Pinagsabihan ni Isabel si Totoy na kabilin bilinan ng kanyang Itay na umuwi
ng maaga, ngunit nagpupumilit si totoy na saglit lamang ito sa kanilang pupuntahan ng kanyang
mga kaibigan)

Isabel: Toy, sabay na raw tayo umuwi sabi ng Tatay mo, kaka-text niya lang sakin kanina.
Totoy: Isa, mamaya na akong uuwi, may pupuntahan pa kami ng mga kaibigan ko.
Isabel: Aware ka naman siguro kung ano yung mga kaganapan sa panahon ngayon, Toy. Nag-
aalala lang ako, kase what if mapano ka sa daan pag-uwi mo.
Totoy: Chill lang, magiging maayos ako, pangako.
Isabel: Toy, pakiusap mag-ingat ka sa pag-uwi mo mamaya.
Totoy: Oo, mauna na kami, pakisabi na lang kay Tatay na gagabihin ako ngayon ng pag-uwi.
Tiyaka, pakisabi na rin na about sa project.

(labis ang pag-alala ni Isabel sa kanyang nobyo, ngunit hindi niya ito matiis kung kaya’t
hinayaan na lang si Totoy sa gusto niyang gawin.)

Adlib: habang nasa galaan sila Totoy.

(Sa bandang alas otso na ng gabi ito nagpasya na umuwi,. Si totoy ay mag-isang
nalalakad sa madilim na eskinita ng may isang naka itim na lalaking na bumaril kay totoy)

Kanta Habang may tatsulok by Bamboo

House scene

(nag-aalala na ang inay ni totoy dahil malapit ng mag alas dose ng gabi hindi pa ito naka
uwi)

Inay: mag-aalas onse na hindi pa naka-uwi si totoy. Naku kung saan-saan na naman siya
nagpunta. Nawa’y umuwi na siya. Ruben, tawagin mo ang iyong anak at baka napano na siya
sa daan.

(Sinubukan ang itay ni Totoy na tawagan ito, ngunit hindi ito sumasagot)

Itay: wala hindi siya sumasagot.

(Biglang may narinig silang naghahabulan na sasakyan ng mga pulis. Pati na rin ang
kanilang mga kapitbahay nagsisigawan. Isa sa mga kapitbahay nila ay dali-daling
pumunta sa bahay nila Ruben)
Chismosa 2: Mang Ruben, wala ba si Totoy?!

Itay: Wala pa naman siya, kanina pa namin siya hinaantay.

Kapitbahay: HIndi kaya si Totoy ng nakahandusay sa may eskenita? (nagpapanik)

(agad naman lumabas ang mag-asawa upang tingnan kung ano ang nangyari. Biglang
sumigaw at nag wala ang nanay ni Totoy, at Agad itong nilapitan ang bangkay ni totoy.)

Inay: Oh diyos ko! (umiiyak habang sumisigaw ng saklolo)

(tinititigan nalang ni Ruben ang kanyang mag-ina)

Kanta: Kabilang Buhay (Adlib for lamay at burol)

………………………………………Nakalipas ng ilang linggo……………………………………….

Labas ng bahay nila Ruben scene

Chimosa 1: Bali-balita ngayon yung mga sindikato na namamaril sa gabi, baka yun yung
dahilan kung bakit namatay si Totoy.
Chismosa 2: At baka napagkamalan nila si Totoy yung target nila.
Chismosa 3: kumusta na kaya sila kumareng Secil noh?
Chismosa 1: Sana nga ay makamit nila yung hinahangad nilang hustisya.

(Biglang may naririnig silang nag-aaway galing sa bahay nila Ruben. Nag-aaway ang
mag-asawa dahil sa ibinalita galing sa tawag ng mga pulis.)

Inay: Ano?! Ganon-ganon nalang? Ruben, hahayaan na lang ba natin na hindi bigyang hustisya
ang iyong anak?!
Itay: Hindi ko alam kung anong dapat gawin Secil! Nahuli na raw yung suspek, pero walang
matibay na ebidensya ng pagkamatay ng ating anak kaya di-nissmiss nalang yung kaso sa
korte. Base sa sinabi ng pulis, ang itinuturong suspek ay isa sa mga tauhan ni Congressman
Silva. Anong laban natin doon, kung alam naman natin na mahirap lumaban sa kung walang
sapat sa armas. Mahirap lang tayo Secil, yung binabangga natin mismong mayayaman.
Inay: Hindi porket mahirap lang tayo ay ibig sabihin ay wala tayong karapatan para sa hustisya!
Itay: Alam naman natin na ang malalaking tao lang ang nakakakuha ng hustisya!
Inay: Wala ka ba talagang pakialam sa anak mo, Ruben? Buhay ng anak ang pinag-uusapan
natin. Magpaka ama ka sa anak mo, Ruben. Wala mangyayari kung inuuna mo yang takot na
nararamdaman mo. Kaya nga magtulungan tayo para makamit natin ang hustisya na
hinahangad natin.
Itay: Hindi sapat na tayo lang dalawa ang nagtutulungan!

(Biglang sumingit ang mga kapitbahay nila sa away ng mag-asawa)


Chismosa 1: Hindi sa nakikisawsaw kami sa problema ninyo, Ruben. Handa kaming tumulong
sa para sa hustisya ng anak ninyo.
Chismosa 2: Tama si Secil, hindi dahil mahirap lang tayo ay ibig sabihin ay wala tayong
karapatan para ibag laban kung ano ang nararapat.
Chismosa 3: Ruben at Secil, hindi kayo nag-iisa, nandito kami na kaibigan ninyo. Laban
ninyong dalawa ay laban rin namin.

kanta: Umagang kay ganda Bamboo (open for suggestion)

Itay: Maraming salamat mga kapitbahay.


Badong: walang ano man, para sa hustisya ni Totoy. Ilalaban natin sa kung ano ang tama.

(sa hindi nila napansin, may isang naka itim na tao ang na nagmamasid sa Barangay nila
Ruben)

Phone rings……..

Unknown caller: Anong balita?


Anonymous: Mukang may binabalak silang ilaban yung kaso, boss.
Unknown caller: lintik na yan! Bantayan mo lahat ng mga kilos nila, para alam natin kung anong
susunod na hakbang.

Another segment………….
Badong and Ruben scene

(Inimbita ni Bidang si Ruben at Secil sa kanyang bahay. Hindi siya mapakali at mukhang
nine-nerbyos sa kanyang kalagayan.)

Ruben: Oh Aling Bidang ano yung sinasabi mong may dapat tayong pag-uusapan?
Bidang: Nais kong sabihin to noon pa man, ngunit pinapangunahan lamang ako ng aking takot
kase baka kung may maka alam baka naman ang puntira nila. Kung mamarapatin Ruben
huwag mong sabihin sa iba. Noong gabing namatay si Totoy, nandoon din ako sa may eskinita
kase may hinihintay ko. Sa una, hindi ko mahagilap ang mukha ni Totoy, pero napansin ko na
may nagmamanman sa kanya na naka itim na lalaki. HIndi ko nakita yung mukha pero
nakuhaan ko ng video.

(ipinakita ni Bidang ang Video na kanyang nakuha sa insidente, sa gulat nito ay


nahagilap pala ang sasakyan ni Cong, Silva at tama ang espekulasyon na isa sa mga
tauhan nito ang pumatay kay Totoy. Sa gulat ang mag-asawa humagulgol sa inis si Secil
at napa luha nalang din si Ruben)
Bidang: Kung sino pa yung nasa taas, sila pa yung pilit na idinidiin tayo sa hirap. Ang tanging
solusyon lamang ngayon upang makamit natin ang hustisya at ireport natin sa mga pulis. Lalo
na’t may matibay na ebidensya tayong pinang hahawakan. Nawa’y ipanalo na natin ito.
Ruben: Maraming salamat Secil, malaking bagay na ito saamin. Pero hindi ko alam ang mga
susunod na pwede nating gawin.

(bagamat may pinag-sususpetsahan si BIdang na posibleng sangkot sa insidente. Biglang


napaisip si Bidang)

Bidang: Napaisip lang ako, napansin ko lang na laging wala si Maris. Pati na rin sa gabing
namatay si Totoy. Hindi kaya may kinalaman siya sa pagkamatay ni Totoy?
Ruben: Mahirap magbintang, Bidang. Lalo na’t wala tayong kasiguraduhan.
Bidang: Tama ka nga naman, pero paano kung may kinalaman siya. Balita ko rin na
nagtatrabaho raw siya opisina ng mga Congress. Naku marami lang talaga akong iniisip. Pero
tulad ng sinabi namin, ang laban niyo ay laban din namin. Dapat ipaalam natin sa mga ibang
samahan natin at maghanda tayo.

(agad nilang ibinalita sa mga pulis ang buong detalye tungkol sa mga nangyari kay
Totoy, kung kaya naman ay nagtungo sila adda sa istasyon ng mga pulis)

Ruben: Ma’am, sigurado kami na may kinalaman si Cong sa lahat na ng yari sa anak namin,
may matibay kaming ebidensya.
Bidang: Ma’am, sana naman bigyan niyo ng pansin itong kaso na’to.
Secil: Parang awa niyo na po, para sa ikakatahimik ng lahat.
Pulis 1: Makakaasa po kayo. Agad namin po itong a-aksyonan sa kasong ito at isinisiguro
namin na magiging mabusisi lahat ng mga imbestigasyon amin.

(Congressman Silva Scene)

(Biglang ikinagulat ang congresswoman sa kanyang nakita sa online na kumakalat na


allegasyon sa kanya sa pagpatay kay totoy)

Silva: Akala ko ba tapos na yung lintik na problema na yan! Bakit kumalat na naman yang isyu?!
Kung nag-ingat ka lang sana edi hindi ka nagkamali ng target.
Anonymous: Pasensya na bossing akala namin siya yung target.
Silva: Mga tanga! Inutil!
Anonymous: Nag ingat naman kami boss, akala namin yung bata mismo yung nagtutulak ng
droga.

(Biglang may narinig sila Cong. Silva na nagsisigawan sa labas ng kanyang opisina, at
nagulat ito dahil may mga press at nagra-rally sa labas.)

Silva: bwisit na yan!


(Agad itong lumisan ang tumakas sa mga kapulisan, ngunit bago itong naka takas ay
hinabol sila ng kapulisan)

PNP. Mayroon po kaming warrant of arrest para sa inyo. (pinusasan si Silva)


Silva: (nagulat) Warrant of arrest? Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit ako huhulihin?
PO: May mga ebidensya at impormasyon na nagsasaad na kayo ay sangkot sa isang kaso ng
pagpatay at pagiging drug lord. Kailangan namin kayong i-aresto.
Silva: (tumataas ang boses) Walang katotohanan 'yan! Sino ang nagsampa ng kaso na 'yan?
PO: Ang imbestigasyon ay isinagawa ng aming ahensya at iba pang awtoridad. Kailangan lang
nating sundan ang proseso ng batas.

(Nag-aabang lahat ng mga reporter at mga nagrarally)

Silva: Ito ay malinaw na kasinungalingan. Wala akong alam sa anumang krimen na 'yan. Ang
lahat ng ito ay pulitika lamang!
Reporter: (excited) Kongresman Silva, Reporter Ramos po ako. Ano po ang inyong reaksyon sa
pag-serve ng warrant sa inyo?
PO: Ikaw ay may karapatang manahimik o magpasa walang kibo
Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang
hukuman. Ikaw ay meron ding karapatang kumuha ng abogado na iyong pinili at kung wala
kang kakayahan. ito ay ipagkakaloob sa iyo.
.
Silva: (galit) Ito ay malinaw na panggigipit! Hindi ko hahayaang sirain ang aking pangalan.

(PO pinapakita ang warrant kay Congressman Reyes, at naglalakad na patungo sa labas ng
gusali)

Reporter: (humahabol) Kongresman, may mensahe po ba kayo sa publiko?


Silva: Ang totoo ay lilitaw. Haharapin ko ito ng may tapang at determinasyon. Hinihingi ko ang
suporta ng aking mga taga-suporta sa panahong ito ng hamon.

(Ang pulis ay umaalis kasama si Congressman Silva, at ang media reporter ay nananatiling
pagrereport sa pangyayari.)

Reporter: (live report) Narito kami sa opisina ni Kongresman Silva kung saan siya ay hinuli
matapos ang pag-serve ng warrant ng mga kapulisan. Mananatili namin kayong binabalita sa
mga kaganapan habang ang kwento ay umuusad.

……………………………………………..Transition……………………………………………..

Korte Scene……………
(lahat ng mga kaibigan nila Ruden at Secil ay naroon din sa mismong korte para
magbigay ng suporta sa kanila. Nag-aantay sa huling desisyon ng korte. HIndi maitago
ang pag-alala ang mag-asawa, pati narin ang kanilang mga kapitbahay.)

Piskal: Ang husgado ay nagpapasya nang may kabatiran at malasakit, na ang akusado
ay guilty sa mga alegasyon ng pagpatay at iligal na bentahan ng droga.

(sa tuwa ng mag asawa ay na nagyakapan ang mag-asawa. Hindi mapigilang maluha
sa saya si Secil. Lahat ng mga tao sa korte ay biglang naghiyawan, dahil sa wakas ay
nakamit na nila ang hustisya)

Ending song: Hallelujah by Rivermaya (without rap part)

Mga karakter

Inay (Secil) Cess

Itay (Ruben) Kieth

Totoy Pol

Classmate 1 Joseph
Classmate 2 Christel
Classmate 3 Alleonah

Isabel Criselyn

Bidang Nerissa

Cong. Silva Miles

Anonymous/ Maris Elysha

Chismosa 1 Heigene
Chismosa 2 Rodessa
Chismosa 3 Alleonah

Pulis 1 Ashley
Pulis 2 Althea

Narrator Nalpas nai=shooten

Judge (Piskal)
Reporter

You might also like