You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES


Tamag, Vigan City
2700 Ilocos Sur

ANG PAGTUGON
SA PANAGINIP
Mga Gawaing Pangkomunikasyon
Proyekto sa Filipino 101 ng

Group 4

JANINE M. SORIANO
JAYJAY SUNIO
ALFREDO RACHO III
KRISTINE KYLE RAGUINDIN
WIANNE MAE RAGUS
MARIA LOURDES R. TUQUIB
SHAN ELOISETUAZON

Kay

MR. KEM ELI PACPACO


Instructor
SCRIPT

ANG PAGTUGON SA PANAGINIP

Sa Purok Kulimlim ay kilala si Mayumi Batumbakal dahil sa


kanyang katayuan sa buhay at kapansanan. Siya ay isang bingi at pipi
ngunit may angking talino at kakaibang kagandahan. Sa kuwentong ito ay
matutunghayan natin ang mga pangyayaring hindi natin inaasahan at
tunay na kapupulutan ng aral.

(TSISMISAN AT DI-BERBAL)
Nag-ususap habang nakatingin kay
Mayumi(nakikipagkomunikasyon ng di berbal sa may puno)

Bebang: Alam mo ba Berta, yang si Mayumi mayroon raw siyang


karelasyong kapre sa may puno ng mangga sabi ng nanay ko.
Berta : Aaah, Kaya pala palagi siyang nandyan sa ganitong oras Bebang,
tapos parang may sinesenyasan. Ano sa tingin mo?
Bebang: HAHAHAHA kaya nga, may sugar kapre yan. nakakatakot
talaga yang si Mayumi, pipi na nga malandi pa!
Berta: Sinabi mo pa bes!

(Umeksena si Aling Turing)


Turing:Hoy Bebang umuwi ka na!, kanina ka pa hinahanap ng asawa mo.
Si Jun Jun kanina pa raw umiiyak. Ganyan na lang ba ang gawain mo
araw araw?

(Napakamot sa Noo si Bebang)


Bebang: Sige na, mauna na ako. Kita kita ulit tayo sa may tindahan ni Ka
Ador.
Berta: Sige, isama mo si Lita para may kasama tayo bukas. Maraming
chika ‘yon.
Bebang: Wag kang mag-alala.

(Nginitian ni Mayumi ang Dalawa.)

Si Bebang at Berna ay matalik na magkaibigan, lagi nilang pinaguusapan


si Mayumi.
KINABUKASAN
Sa isang dapi’t hapon, naisipan ni Mayumi na matulog sa may
puno ng mangga sa dahilang walang sino man ang nagbalak na
kaibiganin siya sapagkat hindi nila alam kung paano makipag usap sa
kanya. Madalas siyang mag-isa at tanging matulog lamang ang kaniyang
ginagawa.Sa daan ay nakasalubong niya sina Bebang at Berta.
(Sa Daan)
Bebang: Hoy! Mayumi!Miss Batumbakal
Berta: Tanga ka ba? Hindi ka maririnig niyan.
(Hinagisan ng bato at napalingon si Mayumi)
Mayumi: (Sign Language) Bakit? Anong problema?
Bebang: Anong pangalan ng mister Sugar Kapre mo ha?
Mayumi: (Sign Language) Hindi kita maintindihan
Bebang: Haynako! Mayumi pipi , ang hirap mong kausap.
Berta: Bakit ba kase napakainteresado mo sa Sugar Kapre niya? Hayaan
mo na nga siya. Sayang lang oras natin diyan.

(Dumaan si Lita)
Bebang: Litaaaaaaaaaaaaaa! Mare!
Lita: Oh Bebang! Kumusta na! (Nakita si Mayumi) O Mayumi ikaw pala.
(Nag Sign Language)
Mayumi: (Sign Language) Hello Lita
Bebang: Wow , Lita ha, huwag mong sabihing close na kayo ni Mayumi.
May Sugar Kapre yan.
Berta: Bagong buhay ah HAHAHAH
Lita: Aba oo naman, malaki ang utang na loob ko kay Mayumi. Sa
pagiging abala niyo sa pagtsitsismisan, nakalimutan niyo na katulad rin
siya ng anak ko. Dahil kay Mayumi natutong mag-aral si Cheska ng mga
sign languages at kami ngayon ay nagkakaintidihan ng anak ko. (sign
language) kaya salamat sa’yo Mayumi.
Mayumi: (Sign Language) Walang Anuman Lita.
Bebang: Oy Mare, pasensya na. Hindi namin alam, matagal ka na kasi
naming hindi nakikita.
Lita: Abala ako sa pag-aalaga kay Cheska, buti nalang talaga at nandyan
si Mayumi. Maganda na nga, napakatulungin pa niya.
Berta: Mga Mare si Mayumi kinukuha ng Kapreeeee
Lita at Bebang: Mayumi! MAYUMIIIIII…
---
TUNAY NA MUNDO (REAL WORLD)
TALAHAYAN
Sa Loob ng Silid Aralan
Apolinario:Mayumi!Mayumi!
Clara:Oy Apolinario! Gising! Nanaginip ka! Nandyan na si Ginoong
Tanggol
(Yinugyog si Apolinario )
Apolinario:Si Mayumi!
Clara:Sinong Mayumi?
Ginoong Tanggol:Hep Hep Hep! Makinig kayo , maghanda kayo dahil
bukas ay mayroon kayong pagsusulit. Pero sa ngayon ipinakikilala ko sa
inyo ang bago niyong kaklase. Si Kiyomi Pamamon.
Kiyomi: Hello sa inyo, Ako si Kiyomi Pamamon. Ikinagagalak kong
makilala kayong lahat.
Ginoong Tanggol:Maraming salamat binibining Pamamon. Maaari ka ng
umupo sa tabi ni Apolinario.
(Nakatitig kay Kiyomi)

Napatigil ang mundo ni Apolinario dahil sa isang panaginip


nakilala niya si Mayumi at tila nakikita niya ito sa katauhan ni Kiyomi sa
tunay na mundo. Nahulog ang puso ni Apolinario kay Mayumi kung
kaya’t parang naging determinado siya sa lahat.

Ginoong Tanggol: Ngayong araw, pag-aaralan natin ang kahalagahan ng


Komunikasyon sa bawat tao. Kapag naririnig niyo ang salitang ito, ano
ang mga salitang naiisip niyo?
Clara: Pakikipagpalitan ng kuro-kuro sir
Amira:Pakikipag-usap
Ginoong Tanggol:Tama! Bakit mahalagang pag-aaralan ang
Komunikasyon?
Apolinario: Napakahalagang pag-aralan ang anumang uri ng
Komunikasyon dahil dito tayo mas magkakaunawaan, nagkakaroon ng
masusing usapan at nagiging konektado sa isa’t isa.
Ginoong Tanggol: Mahusay Apolinario, mukhang inspirado ka ngayon.
Lahat: YIEEEEE!
(UMPUKAN)
Makalipas ang ilang buwan, naging mas malapit sina Apolinario at
Kiyomi maging sa mga kaklase at kay Ginoong Tanggol. Naisipan nilang
magkaroon nga pagtitipon na magsisilbing kanilang pahinga sa gitna ng
nakakapagod na mga gawain.

Apolinario: Buti nalang at sumama ka Kiyomi.


Kiyomi: Makakatanggi ba ako sa’yo?
Clara: Hay nako, malalanggam yata tayo dito
Ginoong Tanggol: Hep Hep Hep! Halina kayo dito. Sabayan niyo ako.
Lahat: (Kumanta)
At diyan nagtatapos ang kuwento ng Pagtugon sa Panaginip ni
Apolinario.
~~~~~~~~~~WAKAS~~~~~~~~~~~
Mga Karakter
JayJay Sunio---------------------------------------------------------Apolinario
Wianne Mae Ragus---------------- ---------------------------------Mayuma/Kiyomi
Janine M. Soriano-----------------------------------------------Bebang at Clara/Kaklase
Kristine Kyle Raguindin-----------------------------------------Berta/ Kaklase
Shan Eloise Tuazon----------------------------------------------Lita
Alfredo Racho III------------------------------------------------Ginoong Tanggol
Maria Lourdes Tuquib----------------------------- Aling Turing at Tagapagsalaysay

You might also like