You are on page 1of 12

Magdasal tayo

Panginoong Diyos, Maraming salamat po sa panibagong araw na


kaloob mo po sa amin, Sa araw pong ito, ako po ay iyong ingatan
sampu ng aking mga mahal sa buhay. Panginoon ngayon kame ay
magkakaroon ng munting talakayin bigyan mo po sana ang bawat
isa ng gabay, karunungan na siya naming magagamit sa aming
pag-aaral, ipinapanalangin ko rin po ang aming guro na inyo pong
protektahan sa lahat ng oras. Ibinabalik namin sa iyo Panginoon
ang puspos na papuri sa ngalan mo po ama, Amen.

Grade IV- Confucius


Ms.Marijane Reyes
Panuto: Iwasto ang mga letra sa bawat larawan

raigat

gitara
Panuto: Iwasto ang mga letra sa bawat larawan

onyaip

piyano
Panuto: Iwasto ang mga letra sa bawat larawan

akemira

amerika
Tayo ng
bumasa!
Ang Batang Maikli
ang Isang Paa
Two concepts

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang


isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri
siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay
na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala
na iyong remedyo. Habambuhay na raw
magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at
naawa sa kanya ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang
naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-
aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong
bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak
sa panunukso sa kanya. Lumaki siyang matapang at matatag.
Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang
malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang
tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Superlative adjectives

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika.


Nakakatugtog siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang
humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng


kanyang ina ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni
Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa
talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang
humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa
na siyang kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang
bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya
doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng
Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso
ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay
hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.
Mga Katanungan

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Anong kapansanan mayroon si Mutya?

3. Sa kuwento na iyong binasa anong katangian mayroon si


Mutya?
4. Sa kabila ng panunukso kay Mutya nakitaan ba siya ng
kahinaan? Bakit?
5. Sa kuwento na iyong binasa, anong aral ang iyong nakuha?
Bakit?
Aral:
 Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong
manalig at tumawag sa Panginoon.
 Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol
sa’yo. Huwag mo na lang pansinin ang pangit na
sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na linangin ang
iyong kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.
 Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung
pagsusumikapan ay maaring maging mahusay ka sa
larangang ito.

You might also like