You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nabibigyang kahulugan ng mga huni / ingay na ginagawa ang mga hayop - maamo o mabangis.

II.PAKSANG ARALIN

a.Paksa : Pagsasabi ng pagkakaiba ng huni / ingay ng maamo o mabangis na hayop.

b.Sanggunian : BEC, PELC Pakikinig, Big. 1 pp.19

c.Kagamitan : Power point, litrato ng mga hayop, big book

d.Saloobin : Pag-unawa sa dinarandam na mensaheng nais iparating ng mga hayop sa tao.

III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak

Magandang araw! Tumayo muna ang lahat at manalangin.

Ngayon bago natin tahakin ang ating aralin sa araw na ito, hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang
unang pangkat ay magbibigay ng pangalan ng hayop at ang pangalawang pangkat ang magbibigay ng
huni o tunog.

Unang pangkat:

Baka

Manok

Baboy

Kambing

Ibon

Pangalawang pangkat:

MOO!MOO!

TIKTILAOK

OINK!OINK!

MEEHHHH!MEEEHHH

TWIT!TWIT!
MAHUSAY! May ideya na kayo kung ano ang tatalakayin natin ngayong araw.

B. Pagpayaman ng karanasan

1. Magpakita ng mga larawan ng iba’t-ibang hayop na hindi pa naibigay.

2. ibigay ang huni o ang ingay ng bawat isa.

C. Pagpapalitaw ng pangganyak na tanong

Mga katanungan:

1. anu-anong hayop ang maamo at pwedeng alagaan sa bahay?

2. ano ang mga hayop na mabangis?

D. Pag-aalis ng sagabal

Mayroon ako dito mga salita na bibigyan natin ng kahulugan:

Naligaw- Nawawala

Damo- halaman na may makikitid na dahon

Huni-tunog

E. Pamantayan/ Tuntunin ng Pakikinig

May kwento ako para sa inyo. Pero bago tayo magsimula, ano ang gagawin kung nagsasalita si
titser sa harapan?

-e tikom ang mga bibig

-talasan ang pandinig at;

-ilagay ang kamay sa lamesa

Mahusay! Kaya makinig ng mabuti dahil pagkatapos ng kwento may gagawin tayong aktibidad.

F.Paglalahad ng kuwento

May kwento akong inihanda para sa inyo, Ang Bakang si Basiro.

Isang araw, kasama ng kanyang ina si Bisiro. Naghahanap sila ng sariwang damo.
"MOO! MOO! MOO! Inay, maari po bang pumunta ako roon? Nakita ko po kasi na sariwa ang damo roo",
sabi ni Bisiro.

"O sige Bisiro. Huwag ka lamang lalayo at baka maligawa ka", sabi nang kanyang ina.

Napunta si Bisiro sa lugar na maraming damo. Napalayo siya sa kanyang ina.

Napunta si bisiro sa lugar na hindi niya alam at hindi na rin niya alam ang daan pauwi sa kanyang ina..

Napunta si bisiro sa lugar na hindi niya alam at hindi na rin niya alam ang daan pauwi sa kanyang ina..

"Naku! Wala na si Inay. Naligaw na yata ako. Moo! Moo! Moo!" ani ni Basiro.

Walang sumasagot sa kanya. Sa paglalakad, nasalubong niya si Muning.

"Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw! Kamusta ka? Tila nagiisa ka kaibigang Basiro?

Moo! Moo! Moo! Nawawala ako. Nakita mo ba ang nanay ko?"

Patuloy sa paglalakad si Basiro. Nasalubong niya si Bantay.

“Aw! AW! Aw! Nagiisa ka yata Bisiro? Kamusta na? matagal na tayong hindi nagkita."

"Moo! Moo! Moo! Naligaw ako. Hindi ko na alam ang pauwi sa amin! Tulungan mo ako!"

"Sige, sasamahan kita sa pag-uwi."

Sa paglalakad ng dalawa, naraanan nila si tsonggo.


"Kra! Kra! Kra! Tila naliligaw kayong dalawa.

"Nakita mo ba ang nanay ko?"

"Sinamahan ko, si Bisiro pauwi sa kanila"

Maya-maya, narinig nila na may tumatawag kay Bisiro.

"Bisiro! Bisiro! Bisiro! Nasaan ka?

Tuwang-tuwa na hinahanap ni Bisiro ang naghahanap sa kanya. Sumigaw siya ng malakas.

"Moo! Moo! Moo! Narito ako!"

Nakita niya si Lito, ang nagaalaga sa kanya at tumuturing sa kanya ng kaibigan kasama ang nanay niya.

"Hay salamat! Nakita rin kita, Basiro akala ko mawawalan na ako ng matalik na kaibigan. Halika umuwi na
tayo.

“basiro anak wag ka ng lalayo sa susunod” ani ng ina.

G. Pagsagot sa mga pangganyak na tanong at iba pang katanungan

MGA KATANUNGAN:

1. sino ang mga gumaganap sa kwento?

2. baket nawawala si basiro?

3. baket importante si basiro kay lito?

4. ano ang aral na makukuha natin sa kwento?

IV.PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Kilalanin kung anong hayop ang gumagawa ng tunog sa ibaba.

1. Grrr, grrr, grrr


2. Sssst, ssst, ssst

3. Quak, quak, quak

4. Ngiyaw, Ngiyaw, Ngiyaw

5. Aw,aw,aw

V. TAKDANG ARALIN

Magbigay 5 hayop na maamo at 5 hayop na mabangis. Isulat ito sa kwaderno.

You might also like