You are on page 1of 4

Intro

Ange: Ang tagumpay ay nagsisimula sa isang simpleng pangarap, isang bagay na kayang
gawin ng lahat. Ngunit sa pagtupad nito tayo nagkakaiba, dahil may ibang naniniwalang
wala silang kakayahang tuparin ang pangarap dahil salat sa oportunidad. Ngunit may iba
naman na naniniwala sa kanilang sariling kakayahan at lumilikha ng oportunidad para sa
kanilang sarili sa kabila ng kasalatan. Ngayong gabi, tunghayan natin ang kwento ni Lucy
Pearl De Ablo sa kanyang pagsisikap na maabot ang kanyang mga pangarap.

Stage 1

---------------------- bahay
Ange: Dear Charo, bata pa lang ako ay nakikita ko na ang hirap na dinaranas ng pamilya
namin upang maitawid ang aming pang araw-araw.
(Nakilos sa bahay while narrating)
Ciara: oh anak, bilisan mo na mag asikaso jan malelate ka na sa school mo.
Eibe: mama ayaw ko po pumasok wala po ako baon :(((
Ciara: nak, kailangan mo pumasok. Osige, pag hindi ka pumasok ngayon hindi ka
makakapag laro sa labas mamaya. Sila maemae lang makakalaro
Eibe: hala mama gusto ko po maglaro!
Ciara: edi kumilos ka na jan at anong oras na oh
---------------------- school
Kim: mga bata magsi tahimik na kayo
Eibe: hello, ano pangalan mo? (kausap si krisha)
Krisha: ako si krisha
Eibe: ah Krisha, hello ako si Lucy Pearl!
Eibe: hala ano ‘yang nasa notebook mo? Ang ganda namannnn! Yung notebook ko walang
ganyan e pero maganda din notebook ko
Eibe: ano gusto mo paglaki mo? Ako gusto ko maging model e tapos tutulungan ko sila
mama. E ikaw ba? Anong gusto mo paglaki?
Krisha: Teacher! Si Lucy po maingay! Kanina pa po ako kinakausap
Kim: Lucy! Tumahimik ka na jan, ipupunta kita sa guidance pag hindi ka tumigil kakaingay
mo.
Eibe: sorry po ma’am
*bell rings
Kim: bago umuwi, pulutin ang kalat. Pag may nakita pa akong kalat jan hindi ko kayo
papauwiin.
Zenef: wala na pong kalat teacher!
Kim: osige na umuwi na kayo
----------------------

[transition from bata to teenager]

Stage 2

Ange: Labis na lamang ang pasasalamat ko sa aking mga magulang dahil nakatungtong
kaming magkakapatid sa high school.
---------------------- kanto
Gillianne: uy lucy! Kamusta pag aaral?
Eibe: uy! Eto, kinakaya pa naman
Andeng: malapit ka na mag college ah! Ano balak mo?
Eibe: naku, mukhang malabo pa yan mangyari ngayon. Marami pa kaming utang na dapat
bayaran e. Hindi ko na rin alam san pa kami makakakuha ng pang gastos.
Gillianne: mahirap nga yan lucy, ‘lika mag shot nalang muna tayo
[dumating sila jerimae]
Jerimae: ate nandito ka lang pala, tara sabay sabay na tayo umuwi
Eibe: Osiya Andeng, Gillianne, mauna na kami ah
---------------------- bahay
Ciara: ‘san tayo ngayon kukuha ng pera nyan?
Dev: pasensya na, nagpadala ako kay pareng boyet
Ciara: ‘yan ang problema sayo e. Kulang na nga tayo sa pera, ipinang sabong mo pa!
Kayeh: Ma, Pa, nandito na po kami
[nagmano ang mga ferson]
Ciara: nakauwi na pala kayo. Nak, lucy pwede ka ba namin makausap ni papa mo?
Eibe: osige po nay
[lumabas sa far far away]
Ciara: nak, pwede ‘bang huminto ka muna sa pag aaral? Hindi na kasi namin kaya ni papa
mo na pag aralin kayo nang sabay sabay ng mga kapatid mo
Dev: sorry nak, nagka sunod sunod kasi mga bayarin natin ngayon. Pwede naman natin
ituloy pag aaral mo pag nakapag tapos na yung dalawa mong kapatid. Tapusin mo muna
‘tong taon na ‘to nak at sa susunod na pasukan hindi ka muna namin mapapa enroll.
[nag cry cry sa gedli]
Eibe: sige po ma, pa, naintindihan ko naman po.

---------------------- school
Ange: halos gumuho lahat ng pangarap ko nung mga araw na ‘yun. Para akong bata na
inagawan ng paborito kong laruan.

[nagtitimpi ng anger issue si lucy while narrating]


Kim: pumunta na ang lahat sa court!
[pumunta court yung mga fanget except kay eibe kasi magnanakaw sya hmp]
Voice over ni eibe: malaki laking pera din ‘tong nasa table ni ma’am, malaking bawas din ‘to
sa mga bayarin namin sa bahay
Eibe: di naman siguro ‘to mapapansin ni ma’am [kumuha ng 10 billion]
[nakita ni alleah sabay takbo palabas ulit]
[bumalik sa upuan si eibe]
[bumalik na rin mga classmate nya]
Kim: Lucy, bakit naiwan ka dito sa loob?
Eibe: sorry po ma’am, masakit po tyan ko
[napansin ni kim na nawawala yung wallet nya]
Kim: class, mayroon ba sa inyo ang nakakaalam o nakakita na lumapit sa gamit ko?
students: wala po ma’am
[lumapit si alleah kay kim]
Alleah: ma’am nakita ko po si lucy kanina lumapit po sa bag nyo
Kim: Lucy, pwede ba tayo mag usap sa labas?
Kim: nak, totoo ba yung nakita ni alleah kanina?
Ebie: sorry po ma’am, totoo po ‘yon. Kumuha po ako ng pera sa wallet nyo po
Kim: bakit mo naman nagawa yun nak?
Eibe: pasensya na po ma’am, natukso lang po ako na kunin yun dahil gipit na po kasi kami
sa bahay. Pinapatigil na din po ako sa pag aaral ng mga magulang ko dahil hindi na po
kayang tustusan yung pag aaral naming magkapatid.
Kim: payuhan mo nalang sya te, pagod na me mag isip ng line hahahaha

Stage 3

---------------------- kanto
[habang pauwi si eibe]
Kayeh: ate! Ate! Si mama!
Eibe: bakit? Ano nangyari kay mama?
Kayeh: sinugod sya sa ospital ate! Huhubels
[tumakbo sa ospital]
Iah: kayo po ba ang pamilya ng pasyente?
Dev: omsim
Iah: deds na po sya
Jerimae: boogsh dsurv
[nag cry cry ang mga ferson]
Eibe: pa, san po tayo kukuha pang gastos ngayon nyan?
Dev: hindi ko rin alam nak. Kulang pa sa pang gastos natin sa pagkain yung sinusweldo ko
ngayon.
Eibe: sige pa, tutulong din po ako maghanap ng pagkakakitaan.
Dev: naku nak, hindi mo ‘to responsibilidad pero maraming salamat :)))

---------------------- kanto
Andeng: Lucy!
Gillianne: nabalitaan namin yung nangyari kay aling sita, kamusta na sya ngayon?
Eibe: wala na sya te, deds na
Andeng: nakikiramay kami te
Eibe: baka may alam kayo na pwede ko pagkakitaan jan?
Gillianne: easy money ba hanap mo? Marami kami rito nyan
Andeng: ang gagawin mo lang, iaabot mo lang to sa mga buyer natin [nilabas yung shabu]
Gillianne: malaki kitaan dito lucy, tiyak na matutustusan neto lahat ng gastusin nyo
Eibe: naku, ayawq nga
Eibe: naku, ayoko mapasabit sa mga ganyang gawain andeng. Salamat nalang. Mas pipiliin
ko pang magtrabaho ng marangal.
Eibe: osiya, mauna na ako ha
Gillianne: sige bhie gow, sabi ka lang pag need mo help namin. Bigyan ka namin shabu mga
100
[may nadaanan na store si eibe]
Eibe: uy, Zenef ano ginagawa mo dito?
Zenef: family business namin ‘to. Lucy, nabalitaan ko nga pala yung nangyari sa mama mo.
Pwede ka kumuha dito sa mga paninda namin para ibenta mo.
Eibe: talaga ba? Kaso wala ako pang puhunan jan ngayon e
Zenef: wag mo na isipin yan, eto kunin mo to. Ibenta mo yan para makadagdag sa ipon nyo.
Eibe: maraming salamat Zenef <333
---------------------- tabi tabi
Aila: diba ayun yung classmate natin from hs?
Maala: ay oo nga no. agn ganda nya parin ngayon ah
Aial: naku, picture-an natin ‘to. Panigurado mag viviral ‘to!
Aila voice over: look at this girl na very look a like ni Michelle Dee. grabe ang ganda at ang
sipag pa! Whoo! #BringBackTheCrownInMissUniverse
Random people voice over: ay hawig na hawig nga ni MDD!
*after ilang mins, nag viral agad hanggang umabot kay gab

TAPOS NA AYOKO NA IMPROMPTU NALANG YAN

Ange: Sa ngayon nagtatrabaho na ako sa Dear Lucy bilang ambassador at ipinag papatuloy
na tuparin ang pangarap ‘kong buhay para sa aking pamilya. Hanggang ngayon, iniisip ko
pa rin kung paano ko nakayanan ang lahat ng iyon. Nagsimula ang lahat sa pangarap at
isinakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsisikap. Hanggang dito nalang, Lucy Pearl.
Ange: Ang kahirapan ang kadalasang nagiging dahilan para panghinaan ng loob ang
sinuman na tuparin ang pangarap at makuntento na lamang sa kinagisnang buhay. Kaiba sa
kanila si Lucy, na buo ang determinasyong magtagumpay sa kabila ng kahirapan at kawalan
ng oportunidad. Bagkus ang mga pagsubok pang ito kasama na ang matinding pagmamahal
sa pamilya ang nagsilbi nyang inspirasyon sa pagkamit ng matamis na tagumpay. Ito po si
Charo Santos, nagpapaalalang ikaw ang bida sa kwento ng iyong buhay. Magandang gabi
po mga Kapamilya.

You might also like