You are on page 1of 5

RESPECTING ELDERS

Mc - aira
Workmates - juliana, kim
Mother - arabelle
Little sister - dianne

Scene 01
Setting: Workplace

Alas nueve na ng gabi pero ‘di pa rin makaalis ng trabaho bilang isang office assistant si Aira. Over time na nga,
late pa ang pasahod, ngunit wala siyang magawa kundi magtiis sa kompanya dahil hirap siyang makahanap ng
ibang trabaho gawi ng highschool lamang ang kanyang natapos. Kung hindi lang kaibigan ng kanyang yumaong
ama ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya ay siguradong ‘di siya makakapag-trabaho sa kahit
anong kompanya sa mataas na work standards ng Pilipinas.

JULIANA: O teka lang, Aira! Bakit uuwi ka na agad? Tulungan mo muna akong i-copy ang mga ‘to.
[ani ng isang secretary, sabay lapag ng maraming papeles sa palad ni Aira na palabas na sana ng kompanya.]

AIRA: Ah masusunod po, ma’am Juliana.

JULIANA: Ipasa mo sa’kin agad bago mag 9:30 ah? Kakain lang muna ako, kanina pa ko gutom e.
[bumuntong hininga na lamang si Aira, iniintindi niya na lang kahit na halos siya na ang gumawa ng trabaho ni
Juliana. Papunta na sana siya sa kabilang kwarto ng tawagin siya ng kanyang workmate na si Kim na may
katandaan na rin.]

KIM: Aira! Pakikuhaan naman ako ng kape, please! Kaunti na lang at makakatulog na ako.

AIRA: Okay po, Ma’am. Hayaan niyo po, after kong tapusin ‘yung pinagagawa sa’kin ni ma’am Juliana ay
tutulungan ko rin kayo d’yan.

Scene 02
Setting: Workplace

Nagawa na nga lahat ni Aira ang pinapagawa sa kanya, inabot na sila ng alas diez ng gabi sa opisina. Sa kabila ng
mga pang-aabuso sa kanyang kabaitan at pagiging ma-respeto, na kulang na nga lang ay gawin siyang katulong
ng mga workmates niya ay patuloy pa rin sa pagsisipag si Aira sa kanyang trabaho.

KIM: Salamat, Aira. Kung hindi dahil sa’yo ‘di na siguro ako makakauwi.
AIRA: Naku, wala ho iyon. Sige po, una na ako at ingat din kayo sa pag-uwi.
[bago pa siya makalayo ay tinawag siya ni Juliana na kalalabas lang ng building.]

JULIANA: Wait lang, Aira. Bago ko pala makalimutan, nagsend pala ako sa email mo ng paperworks ah. Libre
na lang kita ng kape bukas.
[nagkamot ng ulo si Aira, handa na sana siyang tumanggi nang magsalita ulit ang huli]

JULIANA: Alam ko namang ‘di ka tatanggi napakabait mo e. [tinapik niya si Aira sa balikat at ngumiti]
JULIANA: Need ko pala ‘yun by tomorrow morning at 6. Good bye, ingat kayo.

KIM: Bye!

[wala nang nagawa si Aira kundi tawirin na ang kabilang daanan, paniguradong wala na naman siyang tulog
nito.]

Scene 03
Setting: house

ARABELLE: O bakit ngayon ka lang?


[nagmano si Aira sa kanyang ina na nakaupo sa sofa. Napansin niya naman na mga kandila ang nagsisilbing
liwanag sa maliit na bahay nila]

AIRA: Teka, naputulan na naman tayo ng kuryente?

ARABELLE: Nagtaka ka pa? E kulang nga binibigay mong pera sa amin. Syempre sa pagkain at tuition na ng
nakababata mong kapatid ilalaan ang perang binibigay mo.
[muling bumuntong hininga si Aira at tumalikod na lamang, tulad nang palagi niyang ginagawa kada magagalit
ang kanyang ina]

ARABELLE: Teka nga, kinakausap pa kita tinatalikuran mo na ako. Ganyan na ba talaga kataas ang tingin mo
sa sarili mo porket ikaw ang nagpapa-kain sa’min?
[tumayo si Arabelle and folded her arms in her chest]

AIRA: Ma, wala naman po akong sinasabing ganyan. Ang akin lang po e pagod ako ngayon—

ARABELLE: Bakit sa tingin mo ba ikaw lang ang nagpapagod sa ganitong klase nang pamumuhay? Ilang taon
na ba ang lumipas simula nang magtrabaho ka tapos hanggang ngayon ay wala ka pa ring nararating. Hanggang
ngayon nandito pa rin tayo.
[bumukas ang kwarto nang nakababatang kapatid ni Aira nang marinig ang ingay.]
DIANNE: Ma? Ate? Nagtatalo ba kayo? Kita niyong natutulog na ‘yung tao e.

ARABELLE: Ano pa nga ba? Eto kasing ate mo napaka-yabang na agad wala pa ngang nararating.
[patuloy na nagtitimpi si Aira.]

DIANNE: Naku, tama na nga ‘yan. Oo nga pala Ate, penge ako pambaon bukas, saka pakidagdagan ah,
kailangan kong bumili ng mga kailangan sa Science project ko.

ARABELLE: Saka bayaran mo na rin ‘yung inutang ko kanina sa tindahan. Tagal mo kasi magbigay ng sahod
mo e, meron na siguro talaga ipinagdadamot mo lang.

AIRA: Po? Kailan po ako nagdamot sa inyo?

ARABELLE: Sandali, iba ata ang tono ng boses mo ah.

AIRA: Hindi, ma. Mahinahon pa nga po ako e. Gusto ko lang naman po malaman kung kailan ako nagdamot
sa inyo.
[*silence*]

AIRA: O ‘di ba, hindi po kayo makasagot? Kasi never akong nagdamot sa inyo.

ARABELLE: Ayusin mo ‘yang pananalita mo kung ayaw mong malintikan ka sa’kin.

AIRA: Sa tingin ko po kayo ‘yung dapat na umayos nang pananalita.

DIANNE: Ate, sumusobra ka na ata.

AIRA: Hindi! Kayo ‘yung sumusobra na!

AIRA: Hindi sa nanunumbat ako ah? Pero ma, ang unfair mo. Simula nang mamatay si papa, ilang taon lang ba
ako nun? 14? Tapos pinasan mo na sa akin ang dapat na tungkulin niyong mga magulang. Napaka-unfair lang
kasi yung pangalawa kong kapatid si, Anton, ako ang nagpa-aral at nakatapos na rin. Pero nagbibigay ba sa inyo?
Pag naaalala niya lang hindi ba? Pero never niyo siyang kinagalitan.

AIRA: Ayan si Dianne, pwede namang mag-aral sa public, lalo na’t nakikita niyo naman na ako lang ang
nagtatrabaho sa atin ah? Pero ayaw mo ma, kasi gusto mo palaging nasusunod ang gusto ng bunso mo.

AIRA: Pero paano naman ako? Ni minsan ba may nagtanong sa akin kung ayos pa ba ako? Kung kaya ko pa ba?
Sige, oo, tama po kayo. Wala pa ho akong nararating, wala pa akong natatapos para sa sarili ko kasi kayo ang lagi
kong inuuna. Si Anton napagtapos ko, yung pinsan niyo at iba pa nating kamag-anak, aba’y kulang na lang ay
ako na maging nanay sa dami ng tulong na nabigay ko. Pati sa inyo. ‘Yung mga dapat kayo ang gumagawa ako
ang umaako. Pero may narinig ba kayong hinaing sa akin? Wala ‘di ba?

AIRA: Nagsabi lang ako ngayon, dahil napapagod din naman ako. Ikaw na nga ang nagsabi ma, na ilang taon na
lumipas pero andito pa rin ako. Pero sana natanong niyo rin sa sarili niyo, kung sino ba pasanin ko at kung bakit
nasa ibaba pa rin ako ng mundo. Malapit na ako mag trenta, gusto ko rin naman makapagtapos nang pag-aaral,
makapag-patayo ng sariling bahay at pagkakakitaan. Pero ‘di ko magawa dahil sa inyo.

ARABELLE: Sinasabi mo bang pabigat kami sa’yo? E kahit ‘di mo aminin e panunumbat na ‘yang ginagawa
mo.

DIANNE: Tama si mama. Naririnig mo pa ba ‘yang mga sinasabi mo ate? Natural lang naman na gawin mo ang
mga ‘yan dahil ikaw ang panganay. ‘Di mo alam kung gaano kasakit na marinig ang mga sinasabi mo sa amin
ngayon.

ARABBELLE: Wala ka na sigurong respeto sa akin.

AIRA: Alam ninyo na hindi iyan ang mga gusto ko pong iparating sa inyo, ma. Pero dahil ayaw ninyong
tanggapin ang katotohanan ko, kaya ngayon nanggi-guilt trip kayo.

ARABELLE: Aba sumusobra ka na talaga! Napaka-yabang mo!


[sasampalin na sana ni Arabelle si Aira, pero ito’y nakailag.]

AIRA: Tama na po. Pagod na ako makipagtalo, magtimpi, at magtiis para sa mga taong hindi nakaka-appreciate
sa mga hirap at pagod ko. Siguro panahon na rin po na tumayo kayo sa mga sarili ninyong mga paa.

ARABELLE: Teka ano ‘yang mga sinasasabi mo. Subukan mo lang gawin ang naiisip ko—

AIRA: Ma, aalis na po ako sa bahay. Kayo na pong bahala na magtaguyod kay Dianne. Tutal naman, tingin
niyo sa akin ay mayabang. Baka sa ganitong paraan ay makita ninyo ang halaga ko. At baka ito na rin ang maging
daan para magampanan niyo na ang pagiging isang ina, kahit ‘di na sa akin, kahit para na lang kay Dianne.
Panahon na rin naman para piliin ko ang sarili ko.

AIRA: Huwag niyo lang sana sabihin pa na wala akong respeto. Dahil hanggang sa pag-uusap natin ngayon ay
nirerespeto ko kayo. Ang kaibahan nga lang ay natutunan ko na ring respetuhin ang sarili ko.
[nag-impake na nga si Aira at umalis na ng bahay habang patuloy na nagsisisigaw at makaawa ang kanyang ina at
kapatid na ‘wag siyang umalis]
The end. emz

You might also like