You are on page 1of 9

RADIO DRAMA

Characters:

 Mother – Ren

 Technical – Zen

 Panganay na Anak – Kimberly

 Pangalawang Anak – Reymund

 Pangatlong Anak – Men

 Pang-apat na Anak – Jez

 Bunso – Sau

Scene 1: (sa hapag)

*nagluluto, pagkuha ng plato, tinidor, kutsara*

Kim: Anong oras na? Baka dumating na si mama. Dalian niyo, Dalian niyo.

Jez: It’s already 6:35 PM, mom will be here soon.

Men: Kuya, i-ready mo na yung mga lobo.

Reymund: Ngayon na? Hindi ba pwedeng bukas nalang?

Men: Ha-ha-ha. Last mo na yan ah.

Reymund: Ikaw nalang kaya. Ayyy. Oo nga pala, ako nalang. Kawawa naman yang nasa tiyan

mo.

Men: *pabulong* Kuya, ano ba.

Reymund: Ay sorry ah, sorry.

Kim: Huh? Anong nasa tiyan.

Men: Bunso, bunso, naorder mo naba yung cake?


Sau: Hmmm. (tango)

Scene 2:

*doorbell*

Jez: Si mama ba yun?

*lahat na magsasalita, sabay sabay, aligaga na kasi nandiyan na si mama*

Kim: *magbibilang pabulong* 1… 2… 3..

Lahat: Happy…. ---- Birth—day???

Gerwin: *nagpipigil ng tawa* Cake po, hindi si mama.

Kim: Ayyy. Ano ba yannn, akala ko si mami. Excited pa mandin ako.

Scene 3:

*binuksan yung cake*

Sau: *binasa yung nakasulat* Happy Birthday mama, from jez?

Men: Huh? Bakit pangalan mo lang yung nakalagay sa cake?

Jez: Why? (Ako naman ang bumili niyan ah)

Kim: So ganon, gusto mong ikaw na naman yung bida.

Jez: Ako ang bida? Ako talaga ha?

Men: Ano ba! lahat naman tayo may iniambag para maging masaya si mama ah.

Jez: May sinabi ba akong wala?

Kim: Eh yun yung pinapalabas mo. Di ba?

Reymund: Tama na nga yan! Baka kung saan pa makarating ang usapan na to.

Jez: No! ako na naman yung mali? Ako na naman may kasalanan?

Kim: Eh sino pa ba tignan mo ginagawa mo.


Jez: Hindi naman ako ang naglagay nyan ah. Ako ang bumili sa malamang pangalan ko ang

nilagay.

Kim: Hindi! Ang sabihin mo mayabang ka! Pinagmamayabang mo samin na ikaw yung

mayaman di ba?

Jez: Mayaman? Oo ako yung mayaman pero kahit gaano kalayo o kataas ang narating ko hindi

naman ako napapansin.

- Hindi nga ako nabibigyan ng atensyon kasi ikaw yung favorite di ba? Naalala niyo pa ba

noong nasa hapag tayo 5 years ago….

---

(FLASHBACK)

*nasa hapag*

Ren: Kim, anak, di ba may award ka?

Kim: Opo “most helpful po ako”

Ren: Wowwwwww… ang galing at ang bait mo naman anak. Ipagpatuloy mo yan ah, proud na

proud sayo si mama. *hug* *kiss* muwahhh

Sau: *Pabulong* Uy di ba may award ka din? First Place ka pa nga eh. Bakit hindi mo sabihin?

Ren: Ano yung pinagbubulungan niyo dyan hah?

Sau: Ahhhm si ate Jez po kasi may award din. First Place po sya.

Ren: Talaga anak?

Jez: Opo ma.

Ren: Ganun ba? Ay very good!

Ikaw Kim anak anong gusto mong regalo?

Sau: Si ate Jez po ba wala?


Ren: Ahhmm… *mahina* pag-iisipan ko pa.

(END OF FLASHBACK)

---

Scene 4:

(BACK TO PRESENT)

Jez: Oh ano naalala mo na? na ikaw yung laging pinapansin.

Men: Oo nga, ikaw naman laging pinapahalagahan.

Kim: Wow Men, kung makapagsalita ka akala mo naman napakalinis mo, akala mo kung sinong

anghel, akala mo naman walang dungis sa pagkatao. Nung isang araw…

(FLASHBACK)

Men: *duwal* *duwal* *duwal*

Kim: Sino yun?

*lalapit si Kim kay Men*

Kim: Oh anong nangyari sayo? May nakain kabang hindi maganda? Nahihilo kaba? Anong

problema?

Men: Wala po ate baka kulang lang po sa pahinga. Sige po mauna na po ako.

*makikita ni kim ang pregnancy test*

Kim: Two lines? Pregnancy test? Nahihilo? Naduduwal? Huh?

(BACK TO PRESENT)

Men: Ate… ate…


Kim: Ano? Tama ba ako?

Reymund: Ate.. tama na yan.

Kim: Oh ano? Pagtatakpan mo na naman siya? Kasi ikaw yung nagtulak sakanyang maging

ganyan. Ikaw yung dahilan kung bakit natuto siyang lumabas tuwing dis oras ng gabi, kung

sinu-sinong kasama at kung anu-anong kababalaghan ang ginagawa.

Reymund: Anong masama dun? Gusto lang naman naming sumaya ah.

Kim: Sumaya sa maling paraan? Kaya ba palagi kang high.

*tunog ng pinto bumukas*

*dadating si mama*

*footsteps*

Ren: Oh, anong nangyayari dito?

Reymund: Oh ano pa? Ano pa? Ano pang nalalaman mo? Sige, ilabas mo na lahat.

Sau: Tama na nga yan, nandiyan na nga si mama oh.

Kim at Reymund (sabay): HINDI.

Kim: Totoo naman lahat diba? Wala ka namang patutunguhan. Wala nang direksiyon yang

buhay mo.

Ren: ENOUGH!!!!!!! Sige! Magpatayan kayo! Yan naman ang gusto niyo diba! Ano! Sige! Dito na

sa harap ko! *aatakihin*

Lahat: Mama… ma… mama… mami… Huhuhu…

Jez: Reymund, get the keys!

Lahat: *nagwoworry*

*tunog ng sasakyan* *ingay sa daan* *busina*

Last Scene:
HOSPITAL

*stretcher na gumugulong*

Lahat sila: *natataranta*

Sau: Kasalanan niyo lahat ‘to. Sinabi na ngang tumigil kayo, di parin kayo tumitigil. Ayan tuloy.

Kim: Bakit sino ba nag-umpisa? Diba yung nagmamagaling diyan? Nagmamagaling, na akala

mo alam na niya lahat.

Jez: So, anong gusto mong iparating?

Men: Ano ba! Tama na nga yan! Kita niyo na ngang nangyari kay mama, inuumpisahan niyo na

naman magbangayan.

*footsteps*

*dadating na si Doc*

Doc: Sino po dito ang kamag-anak ni Mrs. Javier?

Lahat sila: Kami po. Kumusta na po siya?

Doc: Ayos na po siya. Pero kailangan pa po niyang manatili ng ilang araw for some

observations.

Kim: Pwede na po ba naming siyang makausap Doc?

Doc: Go ahead.

*bukas pinto

*papasok sa pinto*

*footsteps*

*sara pinto*

Lahat: Mama! Mami! Mom! Maaaaaaaa!


Lahat: Sorry ma…

Ren: Ano bang nangyayari sainyo? Hindi ba’t magkakapatid kayo na dapat ay nagmamahalan at

nagtutulungan. Pero bakit? Bakit kayo nagaaway-away?

Sau: Kasi naman Ma, yung simpleng cake pinapalaki nila.

Men: Eh bakit totoo naman ah, bida-bida naman talaga siya.

*bulungan* *bida-bida*

Jez: Bakit kasi yung cake ang inaano niyo? Yung isa nga diyan mas malaki pa yung issue.

Men: Ano? Tingin?

Kim: *bubulong* Aminin mo na, ito na ang tamang pagkakataon. Kesa naman sa iba pa

manggaling at sila na yung makakapansin.

Men: Ma, *huhuhu* I’m sorry pero buntis po ako.

Mama: Ha? *iyak* Kelan pa? Sino? Sino?

Men: Si Ger.. win po… Barkada po ni Kuya.. Sakatunayan nga po, muntik ko nang ipalaglag.

Mama: Wag anak, wag mo nang dagdagan ang isang kasalanan ng isa pang kasalanan.

Reymund: Ako po lahat ang may kasalanan neto, ako po ang dahilan kung bakit nangyari

sakanya ‘yan. Nagdrodroga po ako.

Mama: Bakit anak? Nagkulang ba ako?

Reymund: Ma hindi… Gusto ko lang pong sumaya. Magmula po kasi nung nawala si Papa,

nawalan na ako ng kakampi, wala nang nagtatanggol at nakakaintindi sakin.

Mama: Hindi ba ako kakampi anak?

Reymund: Hindi po ma, kasi po laging na kay ate Kim ang atensyon niyo.

Kim: Ako??? Bakit ako na naman?? Bakit lagi nalang ako?

Reymund: Oo, ikaw. Kasi lagi naman talagang ikaw. Hindi napapansin mga pagkakamali mo,

pero kami konting bagay lang pinapagalitan na.


Mama: Mga anak, hindi niyo naiintindihan. May sakit ang ate Kim niyo, namana niya yung sakit

ko sa puso. Kaya halos lahat ng atensyon ko nasakanya.

Kim: Huh? Ma? Bakit hindi niyo sinabi? Akala ko dahil magaling ako, akala ko kasi angat ako

kesa kay Jeziel. Akala ko nasa akin ang atensyon dahil mas magaling ako sakanya..

Jeziel: Mas magaling ka naman talaga kesa sakin ah?

Kim: Hindi, mas magaling ka. Magaling ka sa lahat ng bagay diba. Kahit nga wala kang

ginagawa, magaling ka parin. Kaya minsan hinihiling ko na sana ako nalang ikaw.

Jeziel: Ha? Sa katunayan nga naiinggit ako sayo. Kasi ikaw naman talaga yung kahit walang

ginagawa, laging napapansin. Kaya ko ginagalingan, kasi sana ako rin yung pansinin. Hindi

totoo yung sinasabi mong wala akong ginagawa kasi lahat ginagawa ko para sana yung

atensyon nasa akin din. Oo, maganda yung buhay ko ngayon, pero hindi parin naman ako

napapahalagahan diba at parang ako pa yung masama.

Mama: Hindi anak, napapansin kita. Napapansin ko kayong lahat. Alam ko ang bawat

kakayahan at kahinaan ninyo. Pati nga si Rona Mae na hindi niyo napapansin, napapansin ko.

Sadyang mas kailangan lang ni ate Kim niyo ng alaga.

Jez: Sorry ate.. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.. Sorry din ma..

Reymund: Sorry Ma, aayusin ko na po ang buhay ko.

Men: Sorry mama, sorry.

Sau: Ma, Sorry.

Kim: Mama, sorry.

Mama: Sorry din mga anak, kung may pagkukulang man ako. Huhuhu.

Sau: Ano ba yan ma, nag-iiyakan tayo. Birthday na birthday mo pa naman.

FASTFORWARD

Kim: 1.. 2… 3…. Happy Birthday Mamaaaa!


*Happy Birthday song*

Mama: Oh teka, hindi ko na birthday diba?

Lahat: Ma, naudlot diba? Sayang naman lahat ng pinagpaguran namin.

Jeziel: Oo nga, muntik pang mapanis yung cake.

Kim: Hahahahaha.

LAHAT: HAHAHAHAHAHAHA BELATED HAPPY BIRTHDAY MA!!!

ENDDDDDD

You might also like