You are on page 1of 2

Monologo

Mulat na Panaginip

*Paggising sa umaga

Ama maraming salamat po sa umagang ito, palagi niyo pong ingatan ang mga taong
nagmamahal sa'kin at mga mahal ko, lalong-lalo na po ang mga magulang ko. Nawa'y
bigyan niyo pa po sila ng mahabang buhay.Maraming salamat po sa lahat, Amen.

Nay!? Tay!?

Nay mano po, Tay mano po Nay, Tay umupo na lang po kayo d'yan. Ako na po ang
bahala sa lahat ng gawaing-bahay, wala kayong ibang dapat gawin kundi magpahinga
at magpagaling.

*Nagpaalam ang mga magulang na matutulog muna sa kwarto

Sige po Nay, Tay ako na po ang mag-aayos dito. Gigisingin ko na lang kayo kapag
handa na agahan.

*Agahan

Nay? Tay? Gising na po, handa na ang agahan.

Sige po, sunod na po agad kayo sa baba.

*Bago matulog

Salamat po Ama sa isang araw na naman na ipinagkaloob mo sa akin at sa mga


magulang ko, ang tanging dalangin ko sa araw-araw ay magandang kalusugan at
mahabang buhay para sa kanila. Ama Maraming salamat po sa lahat ng biyaya. Amen.

*Paggising sa umaga

Maraming Salamat po sa umagang ito. Amen.

*Habang nag-aayos ng gawaing-bahay,sa sobrang pagod ay nakatulog sa upuan.

Anong nangyayari? Umuulan ba? Ano 'to, luha? Bakit!? Bakit!? Anong nangyayari
sa'kin? Kuya? Ate? Anong nangyayari? Parang awa niyo na sabihin niyo sa akin ang
mga nagyayari...

Sandali, nasaan na ang paboritong unan ni Nanay? Nasaan na ang paboritong baso ni
Tatay?...
Nay!? Tay!? Sa huling sandali, maaari ba kayong makatabi? Muli, maaari bang matulog
sa inyong bisig nang di na mangulila sa ibinibigay niyong pag-ibig? Maaari ba!? Maaari
ba?

*Katapusan

You might also like