You are on page 1of 1

ANGHEL NA WALANG BUHAY (CHAMPION)

Marami ang nagsasabing masarap manirahan, Sa mundo ng tao, kung saan may tahanan; Ang masilayan ganda ng kalikasan, Ang paraiso t daigdig na aking inaasam. Nais kong maglaro kasama ng ibang bata, Maligo sa dagat at sumakay ng Bangka; Ang makipaghabulan sa ilalim ng araw, At kapag umulan ay magtatampisaw. Nais kong mag-aral katulad ng iba, Ang magkaroon ng medalya para kay ama at ina; Matutong sumulat, bumasa at iba pa, Ang lahat ng iyan ay pangarap ko sa t wina. Marami akong nais gawin sa aking buhay, Nais kong tulungan aking mga magulang; Ang pasayahin sila tuwing may kalungkutan, Ang pagsilbihan sila, magpakailanman. Ano nga ba ang meron sa mundo ng mga tao? Kakaibang kasiyahan ay nararamdaman ko; Tila mararating ko, tinatawag na paraiso, Hay naku, eksayted na ko! Tuwang-tuwa ako kapag naririnig ko, Ang awit ni ina at kanyang mga payo; Araw, gabi ay laging ganito, Opo Ina iyan ang laging bulong ko. Isang araw ay dumating si Ama, May dalang laruan, tsokolate at iba pa; Tuwa sa aking labi ay nais kong ipakita, Nais kong sabihing Salamat sa yo Ama! Ama at Ina, ako y nasasabik na, Ang kayo y mahagkan, makita at makasama; Ako ang magababantay, kapag kayo y matanda na, Ako ang magsisilbing anghel n yong dalawa. Ngunit isang araw ay biglang nagkagulo, Ako y labis na natakot at nais ng sumuko; Ihip ng hangin ay biglang nagbago, Sa isang Iglap, pangarap ko y naglaho! Ayokong marinig ang kanilang pinag-uusapan, Ngunit di ko mapigilang sila ay pakinggan; Hindi ko matanggap ang aking natuklasan, Ako pala ang dahilan ng kanilang alita.

Ako y labis na natakot sa aking nalaman, Poot at galit ang aking naramdaman; Pati aking ina ay labis na nasaktan, Sa naging desisyon ng kanyang minamahal. Wala ng kasiyahan sa aking mga labi, Kailangan ng limutin pangarap na minimithi; Ang lahat ay magsisilbing isa na lamang kahapon, Kahapong nais sanang bigyang ng pagkakataon. Gusto kong sumigaw at magmakaawa sa kanila, Ama, Ina, huwag po pwede ba? Ano po bang nagawa ko, sabihin n yo sana, Nais ko pang masilayan, ganda ng umaga. Aray , Ina! Hindi ko na kaya! Ano bang ginagawa n yo, itigil n yo na! Ano po yang instrumentong ipapasok nila? Maawa po kayo, pigilan n yo siya! Dinig ko ang hikbi ng mahal kong ina, Siguro y ramdam niya sakit na aking natamasa; Ngunit bakit hinayang ako y pasakitan nila? Ano bang aking pagkakamali, wala naman di ba? Hindi ko na kayang labanan ang sakit, Pinilit kong umilag sa bawat hagupit; Di ko nagawang lumaban at kumilos, Tanging magagawa ko y hintaying matapos. Ano ba ang dahilan, at di n yo ko pinaglaban? Kayraming tanong sa aking isipan, Sagutin mo Ina, ano ba ang dahilan? Bago ako kunin n gating Maykapal. Tuluyan na kong nawalan ng buhay, PInapangarap kong daigdig, di ko na masisislayan; Pero salamat pa rin ina sa inyong pagmamahal, Kahit saglit lang ay aking naramdaman. Pwede bang magtanong mahal kong mga magulang? Lahat ba ng katulad ko y ganito ang kinalagyan? Ganito din ba ang nangyari sa kanila? O talagang ako lang at tanging nag-iisa? Siguro nga y ito ang aking kapalaran, Dahil nabuo ako sa isang kasalanan; Kasalanang ginawa ng aking mga magulang, Ngunit bakit ako ang naging kabayaran?

You might also like