You are on page 1of 5

Narrator: May isang pamilyang naninirahan sa Lungsod ng Calaca.

Ang kanilang pamilya ay


kilala sa pagiging marangal. Bawat isa sa kanila ay may kakayahang makuha ano man ang
kanilang naisin. Subalit bilang isang pamilya, ang bawat miyembro nito ay may kanya kanyang
pagpapahalaga sa mga bagay-bagay. Mayroon silang iba't-ibang katangian, may iba't-ibang
angking talino, at may iba't-ibang kaugalian. Ngunit masasabi natin na ang bawat isa ay may
sapat na kaalaman sa mga bagay-bagay, alam nila ang kanilang tungkulin, alam nila ang tama
at mali. Subalit hindi maiiwasan sa buhay na makagawa tayo ng pagkakamali na maaaring
makasira sa atin.

(Simula na ang scenario #1, papasok ang Nanay, Tatay, Anak na lalaki, Isang anak na babae, at
bunsong anak na kunware ay kagagaling lamang sa mall, kunware nag-shopping. Sa scene na
ito, mas better na may mga dalang bag paper. Hindi nila kasama rito 'yung magch-cheat.)

(Pagpasok ay makikita 'yung anak na nag-aaral sa sala, kasi may papalapit siyang exam)

Risie: Hello, anak! How's your day? You looked so stressed. Take a rest, darling. Don't put too
much pressure on your self.

Jerove: No, Mom. I need to finish this right away. I need to be prepared for my exam next week.

(After nito, tatakbo ang bunsong kapatid)

Chloe: Ate, ate ! Bumili kami ng pagkain para sa 'yo. (nakatawa habang dala dala ang isang
paper bag, parang batang tuwang tuwa)

Jerove: Oh, really? What's that? (Titingnan ang laman ng paper bag) Oh, this is my favorite!
Thank you so much, baby! (Then, yayakapin)

Risie: Nga pala, we brought you some stuffs na kakailanganin mo sa studies mo. Kami na ang
pumili ng Daddy mo. And also, may mga clothes din d'yan and especially nand'yan na rin ang
susuotin mo for examination. Daddy mo pumili niyan. (Tas ngingiti si Herby)

(Sa scene na 'to, nasa likod ko lang si Herby, then nakahawak kunware sa balikat ko tas titingin
ako sa kanya kapag sinabi kona yung "Daddy mo pumili niyan")

Herby: Make sure na you'll be able to pass that examination. D'yan nakasalalay ang lahat. You
won't be able to graduate if you failed.

Risie: Honey, don't put too much pressure on our daughter. Kayang kaya niya 'yan, kahit hindi
mo sabihin. 'Diba anak?

(Ngingiti lang si Jerove na parang medyo pilit, kasi parang may doubt siya sa sarili niya)

(Tapos kunware parang may ginagawa si Reymark tas magsasalita siya)


Reymark: Galingan mo, Jevs! You can do it! Ikaw pa ba!

Jerove: Thanks, bro!

Risie: Okay, too much for that! Let's take our dinner, its getting late na.

Chloe: Yehey, kakain na!

Narrator: Habang kumakain ang buong pamilya, hindi pa rin makalimutan ni Jerove ang sinabi
ng Daddy niya. May parte sa pagkatao niya na biglang kinabahan. Natatakot siya. Natatakot
siya sa sasabihin ng iba kapag hindi siya nakapasa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang
tiwala sa sarili niyang kakayahan. Subalit hindi lingid sa kaalaman niya na isang kahihiyan sa
pamilya nila ang pagkakamali sa isang bagay. Minsan naiisip niya, swerte siya dahil lahat ng
pangangailangan niya naibibigay ng mga magulang niya. Subalit may parte sa kanya na
nag-iisip na sa lahat ng oras, kailangan niyang maging perpekto.

(Sa scene na 'to, nakapabilog lang ang buong pamilya tas nakain kunware at nag-uusap-usap,
nagtatawanan tapos si Jerove ay hindi masyadong nakikitawa kasi nga iniisip niya pa rin ang
sinabi ng kanyang Daddy)

Narrator: Lumipas ang mga araw at dumating ang oras na pinakahihintay ng pamilya ni Jerove,
lalo't higit ng Daddy niya. Sa pagkakataong ito, hindi maitatangging kahit papaano ay nawala
ang kaba ni Jerove sapagkat alam niyang may maisasagot siya rito dahil ginugol niya naman
ang kanyang sarili sa pag-aaral. At saksi ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.

(Sa scene na ito, nakaupo na si jerove sa isang upuan, may hawak na papel at ballpen)

Narrator: Natapos ang pagsusulit ni Jerove subalit mas lalo lamang siyang kinabahan.
Natatakot siya sa Daddy niya. Habang papalapit sa kanilang bahay, halos mangatal na ang
buong katawan niya sa kaba.

(Pagpasok ni Jerove, sasampalin siya ni Herby)


(Then, Jerove, act ka na napaupo ka sa sahig kunware nasaktan at naiyak. Tapos lalapit sa 'yo
si Anneshelley)
(Tas ako ay makikiano rin, basta ako na bahala sa gagawin ko)

Herby: Your professor called me !! (Galit kana dito, Herby). Jerove what is this!) you were
caught cheating??!!! (naiinis na) bakit mo ito nagawa?! my God Jerove, you are a disgrace to
this family!nakakahiya ka!

Risie: Hon, Tama na! (Naiiyak na)


Herby: No! This stupid daughter of yours are so damn! (Hindi alam ang gagawin, sasaktan pa
ba si Jerove o hindi na, parang nawawala sa sarili) Ilayo mo siya sa 'kin, hindi ko alam kung
anong magagawa ko sa batang 'yan!

Risie: Sige, gawin mo! Ako makakaharap mo! Hindi kana naawa sa bata! Para lang sa
iniingatan mong reputasyon, nagawa mong saktan ang sarili mong anak? How dare you!
(Sasampalin ko si Herby)

(After nito, magw-walk out si Herby)

(Tapos lalapit ako kay Jerove at Anneshelley na naiyak)

(Tapos maya maya, papasok si Reymark na parang nagulat sa nakita. Makikita niyang nakaupo
sa sahig ang pamilya niya)

(Nga pala si Chloe, naiyak lang sa kabilang tabi)

Reymark: What happened?? (parang natataranta)

(Lalapit siya tas yayakapin kami)

Risie: 'Yung Daddy mo...Galit na galit siya...

Reymark: Mom, anong nangyari? Sabihin mo sa 'kin..

Narrator: Matapos mapakalma ng panganay na si Reymark ang kanyang pamilya. Sinimulan


nilang pag-usapan ang nangyari. Noong una, hindi niya rin maintindihan kung bakit nagawa
iyon ng kanyang kapatid subalit bilang panganay, kalaunan ay nakuha niya ring intindihin kung
bakit. Hindi rin niya nagustuhan ang ginawa ng kanilang ama.

Reymark: Mom, magpahinga na po kayo. 'Huwag niyo nang isipin ang nangyari. Magiging
maayos din ang lahat.

Tapos nun tatanungun ko si Rissie


*Mom asaan si Dady?(tarantang tinatanong)

And then sasabihn mo Risie kung saan nagpunta si Herby.

Tapos nun pupuntahan q si herby tapos kakausapin n ko.


*Dad" hndi kana ba naawa kay jerove? Hndi naman nya ginusto ang nangyare ehh ( mahinahon
na sinasabi)
Narrator: Ilang araw hindi umuwi sa Herby sa kanilang bahay. Hindi rin alam ni Risie kung
nakapag-usap ba ito at si Reymark. Sa ngayon, ayaw na muna niyang makita ko makausap ang
asawa. Gusto niya na lang munang manatili sa tabi ni Jerove dahil hanggang ngayon ay hindi
pa rin lumalabas ng kanyang silid kahit na ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang
kaguluhan sa kanilang pamilya.

(Tigil muna ng mga ilang segundo)

Narrator: Subalit dumating ang oras na pinagsisihan na ni Herby ang ginawa niya.

Herby: Jerove, i'm sorry for what i said,


alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko. it's all my fault dahil na-pressure kita sa exam mo
kaya mo nagawa 'yon. I am very sorry, sana mapatawad mo ako anak.

Jerove: D-daddy... (naiiyak tas sabay yakap)

(Tapos makikiyakap na lahat tas magbibitaw din)

Jerove: S-sorry din po, Daddy. Hindi ko nagawa 'yung gusto ko. Na-disapp-- (mapuputol ang
pagsasalita niya)

Herby: No, anak. Masyado akong nadala ng emosyon ko. Mas inisip ko 'yung iisipin ng iba
kaysa sa nararamdaman mo. Sorry talaga, anak. Sana mapatawad mo ako. (Titingin sa lahat)
Sana mapatawad n'yo 'ko.

(Tas ngingiti lahat)

Jerove: Okay lang po 'yun, Daddy. Ang mahalaga po okay na tayo. Sana lang po hindi na po
maulit. Promise ko po na mas pagbubutihin ko pa po pag-aaral ko. Sisiguraduhin ko pong sa
susunod, hindi ko na po kayo mad-disappoint.

(Yayakapin ulit ni Herby si Jerove)

Herby: I love you, anak.

Jerove: I love you, Daddy.

Reymark: Oh group hug, group hug. (Sinasabi habang nakatawa)

Risie: Ikaw talaga!

(Tas magyayakap na ulit lahat tas magsasalita ako)

Risie: Sobrang saya ako dahil maayos na ulit tayo. Mahal na mahal ko kayo.

You might also like