You are on page 1of 3

Teksto : Mga Tala sa Dagat

Ginagalang kong Bb. Flores.

Isang pinagpalang araw po saiyo!

Ako po si Cristiano Ocampo mula sa ika-pitong bailang seksyon H


ng paaralang Xavier. Masaya ko pong ibabalita sainyo na natapos ko na
pong basahin ang inyong tekstong “Mga Tala sa Dagat”

Napakaswerte ko po dahil nabasa ko po ang inyong aklat. Ito


po ay puno ng aral na magagamit ko po sa aking buhay. Nais ko
pong ibahagi sainyo ang mga paborito kong parte sa kwento. Una,
noong walang hinihinging sobra si Rosa kay Tonino.
Naramdaman ko ang hiya at lungkot ni Rosa na wala siyang
magawa para sa kanyang anak Isa rin sa paborito ko ay noong
nailigtas ni Tonino ang butanding. Tuwang-tuwa ako na kahit may
galit at lungkot siyang nararamdaman sa kanyang tatay ay
tinupad pa rin niya ang pangakong protektahan ang butanding na
nagpapakita rin ng pagmamahal niya sa kanyang ama.
Labis man po ang pagkagusto sa inyong libro ay hindi ko po
masyadong nagustuhan ang bahagi kung saan nahuling magkausap
ni Tonino sina Aling Rosa at Mang Nando. Tulad ni Tonino galit rin
ang aking naramdaman sa bahaging ito dahil sinasamantala ni
Nando ang kanilang pinagdadaanan. Pangalawang bahagi po na
hindi ko paborito ay noong sinaktan ni Mang Nando si Tonino dahil
ayaw niyang hulihin ang butanding dahil lamang nais niyang maging
magaling sa lahat.

Sa pagtatapos ko sa pagbabasa nakaramdam po ako ng


kasiyahan at kalungkutan. Napuno po ng saya ang aking puso dahil
ramdam ko po ang pagmamahal ni Tonino sa kanyang pamilya. Sa
kabilang banda malungkot din po ako dahil alam kong nahihirapan
po si Tonino at nais niya lang maging bata ngunit mas mahal niya
ang kanya pamilya kaya nagtatrabaho siya.
Maraming aral ang bumabalot sa akdang ito. Isa na rito ang
pagmamahal sa pamilya. Kapag pamilya na ang usapan handa kang
isakripisyo ang lahat upang maging maayos ang kanilang kalagayan.
Natutunan ko rin na kahit mahirap kailangan ipaglaban ang tama tulad
ng ginawa ni Tonino sa pagligtas niya sa butanding.

Bb. Flores, maraming salamat po sa pagsisikap niyo sa pagsulat ng


akdang ito. Naniniwala po ako na ang bawat taong makakabasa ng
inyong aklat ay magagandahan, maraming matutunan at higit sa lahat
hihikayatin din po ang iba na basahin ito. Saludo po ako sainyo!

Pagpalain po kayo ng Diyos!

Lubos na gumagalang,

Cristiano Ocampo

Word Count: 271

You might also like