You are on page 1of 10

Immaculate Conception College

Augustinian Recollect Sisters


Plaza Mabini, Balayan 4213 Batangas, Philippines
Website: www.iccbalayan.edu.ph; E-mail: mail@iccbalayan.edu.ph

Name: Ashly Ann M. Arizobal


Course/Year: BSED III FILIPINO

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin

Sa pagtatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a. Maitatak sa isipan ang pag aaral ng Florante at Laura


b. Maibahagi sa iba ang kwento ng Florante at Laura
c. Makapag bahagi sila sa Social Media ng ilang mga litrato ng kwento ng
Florante at Laura.

II. Nilalaman

Paksang aralin
Kaligirang pang kasaysayan ng ng Florante at Laura

Sanggunian
Florante at Laura

Kagamitang pampagkatuto
laptop,telebisyon ,pisara,libro

Pagpapahalaga/estratehiya
Indibidwal na gawain at pangkatang gawain

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


1. Panalangin
Maari bang magsitayo ang lahat upang Sa ngalan ng Ama ng anak at espiritu
humingi ng gabay sa Panginoon sa santo (panalangin) Amen.
pamamagitan ng panalangin, na
pamumunuan ni Bb. Pasno

Maraming Salamat Bb. Pasno

2. Pagbati
Magandang Umaga din po Ma’am!
Magandang Umaga sa inyong lahat. Maayos naman po kami
Kamusta kayo?

Paki-ayos ng mga silya at mag si upon na


ang lahat
Wala pong liban ngayon Ma’am!
3. Pagtala ng liban
Bago tayo magsimula sa ating klase,
maari ko bang malaman kung sino ang
liban ditto sa klase?

Maraming Salamat sa inyong kasagutan.


(pinulot ang mga kalat at inayos ang
4. Kaayusan ng klasrum upuan)
Sa lahat ng naandito maari bang pakipulot ang
lahat ng kalat, at paki-ayos ng mga silya

5. Panggayak
Pagbabahagi ng ilang mga salita na
tumatak sa iyong isipan na siyang
natandaan mo sa kwento ng Florante at
Laura.
Opo Ma’am!
Para sa buong klase, maari ba kayong
magbahagi ng ilang mga salita na siyang
tumatak sa inyong mga isipan na inyong
natandaan tungkol sa kwento ng Florante
at Laura, kung ito ay may aksyon maari
mo din itong ibahagi.
B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Gawain
Para sa kaalaman ng lahat, gusto
ko na mas maintindihan ninyo ang
kwento ng Florante at Laura, para
mas madali ninyong maintindihan
ang kwentong ito, nais kong sabihin
sa inyo na ito ay babasahin natin
ngayon upang mas maisabuhay
natin ang kwentong ito. Sumasang-
ayon ba ang lahat? Pagkatapos nito
ay may inihanda akong Gawain
tungkol dito

Mamimili ako sa inyo kung sino ang Opo Ma’am!


maaring bumasa ditto sa harapan.

2. Pagtatalakay

Siguro naman may ilan sa inyo na


nagkaroon na ng ideya tungkol sa ating
tatalakayin? Opo Ma’am, Ito po ay iikot sa kwento ng
Florante at Laura
Mahusay Bb. April!

Ngayong alam niyo na kung saan


patungkol an gating talakayan,
Inaanyayahan ko kayong makinig upang
mas madami pa kayong matutunan
tungkol sa kwentong ito.
Ano nga bang taon isinulat ang kwentong Taong 1838 po.
Florante at Laura?

Mahusay!

Dito ay may inihanda akong Video


presentation sa inyo upang panoodin
ninyo

Maari bang magsitahimik muna ng ilang Opo Ma’am.


sandal ang lahat?
*Pagtahimik ng lahat

Maraming salamat sa inyong


kooperasyon.

Itong inyong napanood ay ilang


mahahalagang bahagi ng kwento ng
Florante at Laura..

Isang kilalang manunula si Francisco


“Balagtas” Baltazar na siyang may akda
ng Florante at Laura. Sa obrang ito ni
Balagtas ay may dalawang katotohanan
tayong mapapansin na nakapaloob sa
kwento.

Una, ipinapakita nito ang kalunos-lunos na


kalagayan ng Pilipinas noong sinusulat
ang akdang ito. Nais ipabatid ng
manunulat ang pagmamalupit ng mga
taong may posisyon sa lipunan,
pagmamalupit dala ng kasakiman sa
salapi.
Ang tema ng Obra Maestrang Florante at
Laura ay relihiyon. Kung ating papansinin,
nahahati sa dalawang sekta o relihiyon
ang mga tauhan ng nasabing akda. May
mga Moro at may Kristiyano. Ang
mahalagang pangyayari sa Florante at
Laura ay nang iligtas ni Aladin si Florante
sa tiyak na kapahamakan nang muntik
nang lapain ng mga leon ang kawawang
binate.

Si Florante at isang Kristiyano habang isa


namang Moro si Aladin. Ang kanilang
kinabibilangang relihiyon ay mahigpit na
magkaaway sa kanilang panahon. Ang
ginawang ito ni Aladin ay nagpapatunay
na ang malasakit ay hindi naibabatay sa
anumang uri o dahilan at maging ang
magkaaway ay maaring magdamayan at
magtulungan.

Ang unang bahagi ng Florante at Laura ay


ang awit na kung saan tinatakay ang
pamumuhay ni Florante nung bata pa siya
kapiling ang kanyang mga magulang na
mapag-aruga.

Ang ikalawang bahagi ng Florante at


Laura ay ang kung saan inilahad ang
pakikipagsapalaran sa pag-aaral ni
Florante sa Atenas. Sa Atenas ay
nagkaroon siya ng katunggali at ito ay ang
kababayan niya na si Adolfo. Marami pang
hinarap na pagsubok si Florante rito.
Sa ikatlong bahagi, naging lalong sumama
si Adolfo. Siya ang nagsadlak kay Florante
sa isang walang buhay na gubat.

Bakit kailangan natin maisabuhay ang Ma’am,Isa itong mahabang tulang pang
kwento ng Florante at Laura? korido. Itinuturing ang Florante at Laura
na pinakamahalaga sa lahat ng mga
korido. Ang kuwentong ito ay mula sa
Mahusay Bb. Zamora!! sariling karanasan at kasawian ni
Francisco Baltazar
I

kaw Bb. Roxanne ano ang pinaka tumatak Ang awit na Florante at Laura Ma’am ay
sa iyong isip na salita simula nung isang importanteng bahagi ng kultura
napakinggan mo ang kwento Florante at natin na hindi dapat makalimutan
Laura? ngayon at sa mga darating na panahon.

Mahusay Bb. Roxanne!!

Kung iyong maihahambing ang florante at Ma’am ang Florante at Laura po ay ang
laura sa kasalukuyang panahon saan at kwento ng pakikipaglaban nina Florante
paano mo ito maihahambing? at Laura sa kanilang pag-iibigan.
Bagaman pag-ibig ang sentro ng
kwentong ito, napailalim dito ang ilang
mga simbulismo.
Mahusay Bb. Pasno!

Noong ito ay isinulat ni Balagtas noong


Para sa kaalaman ng iba, ano pa ang panahon ng Kastila, ipinagbawal na
inyong nais ibahagi? ilimbag ang mga akdang tungkol sa
pagtutuligsa ng mga kastila, kaya ang
naging tema ng akda ay ang
pakikipaglaban ng mga Moro at
Mahusay Bb. Analyn! Kristiyano.

Paglalahat
Sa kasalukuyang panahon, masasabi
Alam kong nagkaroon na kayo ng iba’t nating mayroon pa ring pagmamalupit.
ibang ideya tungkol sa kwentong ito, nais Higit sa panglalatigo at pang-aabuso sa
kong magbahagi kayo ng ilang mga pagtatrabaho, tayo ay pinagmamalupitan
mahahalagang parte tungkol ditto. pa rin sa pamamagitan ng pang-iisa ng
iba sa mga nakakataas pati na rin ang
iba't ibang uri ng korapsyon ng mga may
pribiliheyo. Ilang daang taon na ang
nakalipas, maraming Pilipino pa rin ang
naghihirap at nagugutom. Higit pa sa
dahas, mas masakit pa rin ang
pagmamalupit sa pamamagitan ng hindi
pagkakaroon ng iisang damdamin ng
mga nasa taas at nasa baba. Bagkus,
Mahusay Bb. Santos! hindi pa rin tayo tunay na malaya.

3. Paglalapat

Ngayon ay magkakaroon tayo ng


pangkatang Gawain. Kung saan ay
hahatiin ko kayo sa dalawa Pangkat isa at
Pangkat dalawa.

PANGKAT 1. Gumihit ng isang larawan na


maaring sumimbulo sa kwentong Florante
at Laura.

PANGKAT 2. Gumawa ng Dula tungkol sa


ilang mahalagang bahagi ng kwento.

Naintindihan nyo ba ?
Opo Ma’am!
Mabuti naman kung ganon, mangyari
lamang na pumunta sa iyong kagrupo at
gumawa ng tahimik.

(Sampung minute ang nakalipas)

*Tapos na po ang aming grupo

*Kami din po ay tapos na

Maari ninyo bang iulat ditto sa harapan?


Opo Ma’am

Napakuhasay ninyo at lahat kayo ay


nakipag kooperasyon, bigyan ng
masigabong palakpakan ang bawat isa. (Nakalipas ang dalawampung Segundo)

IV.PAGTATAYA

Maari bang bumalik ang lahat sa kanilang


upuan at maghanda ng isang buong Opo Ma’am
papel?

Salamat sa pakikinig.

Panuto: Ilagay sa sagutang papel kung


ano ang tamang sagot sa bawat tanong.
1. Anong taon isinulat ang Florante at
Laura?

2. Sino ang sumulat ng kwentong


Florante at Laura?

3-5 Bakit mahalagang pag-aralan


ang Florante at Laura?

V. takdang aralin

Alam kong lahat naman kayo ay nakinig


sa aking pagtatalakay, ngayon ay
magbibigay ako ng Takdang Aralin sa inyo
upang sagutan sa inyong tahanan.

Maliwanag ba sa inyong lahat?

Opo Ma’am
Maraming salamat sa kooperasyon
ninyong lahat.

Bb. Monica, maari mo bang pangunahan


ang panalangin ditto sa harapan?
Opo Ma’am.

Bb.Monica – Maari po bang tumayo


tayong lahat para sa panalangin?

Sa ngalan ng Ama, Anak ng Espiruto


Santo Amen.

(Panalangin)

Maraming Salamat Bb.


Dito na nagtatapos an gating klase,
inaasahan ko na lahat kayo ay may mga Maraming Salamat rin Bb.
nakuhang aral ngayong araw, maraming
salamat sa inyo at ingat kayo sa pag-uwi

You might also like