You are on page 1of 10

PLANONG PAMPAGKATUTO

Grade : Baitang 8 Markahan: Ikaapat na Petsa: CARLA MAE G. ELLORAN


Markahan
Tagadisenyo: Alfrilyn Signature Over Printed Name
P. Sola Aralin: 9 – Mga Hamon sa (CT)/Petsa
Pamumuno
INAASAHANG BUNGA

Mga Kompetensi/Kasanayang Dapat


Maisakatuparan: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. makapaglahad ng damdaming namamayani sa


mga tauhan batay sa nabasa;
b. makapagbibigay ng punong kaisipan ng
binasang bahagi ng Florante at Laura;
c. naihahambing ang karanasan ng mga tauhan sa
kwento sa mga pangyayari sa kasalukuyan; at
d. masusuri ang binasa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring
inilahad.

Pagpapahalagang Pagpapakatao:

1. Walang mabuting maidudulot ang


pagkamainggitin sa kapwa.
2. Huwag mawalan ng pag-asang makamtan ang
tagumpay sa oras ng mga pagsubok sa buhay.
PLANO NG PAGTUTURO

PATNUBAY NG ARALIN SA PAGKATUTO

(EFDT-Pagtuklas, Paglinang, Pagpapalalim, Paglilipat)

1. Panitikan

Unang Araw

Gawaing Mag-aaral
Gawaing Guro
Pangunahing Gawain:

 PANALANGIN
Ilagay ang ating mga sarili sa presensya ng Panginoon. Manalangin (Ang mga mag-aaral ay
tayo. Mahal naming Panginoon maraming salamat po sa panibagong nanalangin)
araw na ipinagkaloob niyo sa amin. Gabayan niyo po kaming lahat sa
aming pang araw-araw na pamumuhay. Ilayo niyo po sa kapahamakan
ang aming pamilya. Tulungan niyo po kaming maging makabuluhan
ang aming talakayan sa araw na ito. Nagpapasalamat rin po kami sa
mga biyayang aming natanggap. Nawa’y maging ligtas at maayos ang
lahat hanggang matapos ang aming talakayan sa araw na ito. Ito ang
aming panalangin sa ngalan ng inyong Anak na si Hesus, Amen.

 PAGBATI
Magadang umaga/hapon sa inyong lahat. Magandang
umaga/hapon maam.
 PAGTSEK NG ATENDAS
Magtse-tsek muna ako ng inyong atendans bago tayo magsimula sa
ating aralin.

PAGTUKLAS

 PAGGANYAK
Panoorin ang bidyu tungkol sa debateng pampanguluhan
noong 2015.
Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na promprosesong
tanong.

https://youtu.be/pNqoOVjs9Lc
Mga Gabay na Tanong: 1. Naging mainit ang
1. Ilarawan ang mga naging pagkilos ng mga kalahok sa debate. debate na halos ang
2. Bakit kaya sinisira ng isang kandidato ang krebilidadng kalaban? magkakatunggali at sila
3. Batay sa nagging pagkilos ng bawat kandidato, ano sa palagay mo ay nagbabatuhan na ng
ang kaya nilang gawin upang maibaba ang katunggali? Ipaliwanag masasamang salita laban
ang sagot. sa kanilang katunggali.
4. Kung ikaw ay kalahok sa Debate, gagawin mo rin ba ang pagsira sa Bagama’t nasa pormal
krebilidad ng kapuwa kandidato? Bakit? na wika pa rin at
5. May napapansin ka pa rin bang tunggalian sa pagitan ng mga ipinapakita pa rin ang
magkakalaban sa politika sa kasalukuyan? Ilahad ito. paggalang sa kapuwa,
ang mga kalahok ng
debate ay gumagawa ng
Ikalawang Araw mga paraan upang
PAGLINANG maibaba ang krebilidad
nga katunggali.
 Ngayong araw ay ating tatalakayin ang Aralin 9 na
pinamagatang “Mga Hamon sa Pamumuno.” 2. Ito ay taktika upang
 Sa kabila ng mga pagtatagumpay, dumarating sa punto maipakita sa mga
ng buhay na makaranas ang isang tao ng pagkagapi tagapanood na hindi
bunsod ng pakikipagtunggali niya sa mga taong katiwa-tiwala ang
gumagawa ng lahat ng pamamaraan, sukdulang kalaban at upang
makasakit, upang siya ay matalo o mahigitan. Basahin maitaas ang sarili at
ang sumusunod na buod ng mga saknong tungkol sa maggigiya sa mga
mga pagtatagumpay at pagkagapi ni Florante. manonood na siya ang
 Narito ang Buod ng Saknong 317-345 na mas karapat-dapat na
pinamagatang “Ang kabayanihan at Kasawian ni iboto.
Florante.”
3. Nakabatay sa sagot ng
mga estudyante.
Saknong 317-320
4-5. Nakabatay sa sagot
Lumusob sila Florante at napahinto sa paanan ng bundok, nakita nila na may ng mga estudyante.
naglalakbay na mga moro na may dalang babae. Nilusob ni Florante ang moro at Iproseso ang kanilang
sagot.
nakuha ang babaeng dala ng mga ito. Hindi nakilala ito ni Florante dahil may takip
ang kanyang mukha, pero nang nakuha ni Florante ang takip, laking gulat niya na si
Laura pala ito.

Saknong 321-324

Nalaman ni Florante mula kay Laura na linusob na pala ang kaharian ng Albanya
kung kaya't nakuha ng mga moro si Laura at binihag ang ama nitong si Haring Liceo
kasama na nito ang ama ni Florante na si Duke Briseo. Muntik ng mapugutan ng ulo
si Laura dahil sinampal niya ang nambabastos na Emir ng Persiya. Tumulo ang luha
ni Laura ng nakita niya ang mahal niyang si Florante.

Saknong 325- 328

Napalaya ni Florante ang Haring Linceo, Duke Briseo at na din ang masamang
Adolfo. Akala ni Florante na maging mabait na si Adolfo sa kanya dahil nailigtas
niya ito. Pero iba ang saloobin ni Adolfo kay Florante dahil sa sobrang inggit na kay
Florante na naman ang papuri. Saloobin ni Adolfo ang gustong maagaw ang korona
ng kaharian kung kaya't gusto niyang maging kanya si Laura pero, naging masama
lang ang kanyang saloobin ng malamang si Florante pala ang mahal nito.

Saknong 329-332

Panahon ng may balak na gawing masama si Adolfo pero napansin ito ni Florante.
Hindi pa tapos ang pagdiwang ng kalayaan sa kaharian ng Albanya ay may lumusob
na naman ulit na ibang hukbo ng mga turkiyo. Hindi mapalagay si Laura dahil pinili
ng Hari na si Florante ang manguna sa labanan kung kaya't hindi mawala sa isip niya
na baka mapatay lamang ang kanyang minamahal.

Saknong 333-336

Dahil sa palaging nagwagi si Florante sa mga labanan ay nakamit niya ang papuri at
paggalang mula sa labing-pitong (17) mga hari. Pagkatapos ng labanan sa kaharian
ng Etolya ay nakatanggap si Florante ng liham mula kay Haring Linceo na siya ay
papauwiin na sa kaharian ng Albanya. Ibinigay ni Florante ang pamamahala kay
Minandro habang nasa Albanya pa siya.

Saknong 337-340

Laking gulat ni Florante ng pag-uwi niya sa Albanya na pinapaligiran siya ng


tatlupong-libo (30,000) na mga sundalo ng Albanya. Hindi na nanlaban pa si
Florante dahil nabigla sa nangyari at siya ay ginapos at nilagay sa bilangguan.
Nalaman ni Florante na kagagawan ito lahat ng Konde Adolfo at siya ay
naghihinagpis ng malaman niyang patay na ang Hari at ang kanyang ama.

Saknong 341-346

Naging masama ang sinapit ng kaharian ng Albanya dahil sa kasamaan ng namuno


nito. Mas lalo pang bumigat ang kalooban ni Florante ng malamang si Laura ay
gustong magpakasal kay Konde Adolfo. Sobrang napighati si Florante sa kalagayan
ng kanyang pag-ibig kay Laura na di minsan sumagip sa kanyang na kaya siyang
pagtaksilan nito. Kung napakasakit kay Florante ang malamng wala na siyang ama at
hari ay lubusang maisip niya na ang nagbibigay saya sa kanya puso ay mawawala
narin. Parang gusto nang mamatay ni Florante at naisip na sanay hindi na siya
iniluwal pa ng kanyang ina. Pagkatapos ng labing walong araw na pagkakulong ni
Florante ay inilipat siya sa may gubat at sa puno ng kahoy siya itinali. Sa pagka-
akala ni Florante na katposan niya na yun. Nang namulat ang mata ni Florante mula
sa pagkapikit ay nakita niyang tinutulungan pala siya ni Aladin.

1. Mas higit na pipiliin


Sagutin ang sumusunod na mga katanungan: ko ang pag-ibig kaysa
1. Ano ang higit na mahalaga sa iyo, buhay o pag-ibig? buhay. Sapagkat,
2. Naniniwala ka ba sa kasabihang ang tao, habang nasusugatan ay napakalawak ang sakop
higit na tumatapang? pagsinabi nating pag-
3. Bakit sa kabila ng ating kabutihan sa ating kapuwa ay ginagawan pa ibig. Tunay na
rin tayo ng kasamaan? nagmamahal ay alam
4. Paano mo haharapin ang sunod-sunod na kasawian sa iyong buhay? ang mga wasto at mali,
mga dapat at di dapat
gawin. Ang pamilya ay
isa sa tunay nating pag-
ibig, mga kaibigan, at
higit sa lahat ang ating
Mahusay! Maraming Salamat! sarili. Kung tunay
tayong nagmamahal
alam nating alam natin
ang kahalagahan ng
buhay, at ang
pagkasakramento nito na
hiniram natin sa ating
maykapal. Sa kabuuan,
ang taong may tunay na
pagmamahal ay alam
ang importansya ng
buhay.

2. Naniniwala ako na
ang mga taong
matatapang, sila yung
mga taong maraming
pinagdaanang pagsubok
sa buhay. Ang mga
sugat at hapdi sa bawat
karanasan ay nagging
inspirasyon upang
harapin ang panibagong
bukas, harapin ang
panibagong pagsubk sa
buhay. Sa buhay,
kailangan nating
makaranas ng pagkabigo
at pagkatalo, ininhanda
tayo nito upang maging
mas matibay at
matapang na harapin
ang buhay. Sa
pamamagitan ng mga
sugat na naidulot nito
tayo ay mas naging
matatatag, gumaling at
naging mas determinado
pa na abutin ang mga
minimithi sa buhay.

3.Sa buhay, kung sino


pa ang gumagawa ng
mabuti, siya pa ang
lumalabas na may
kasalanan. Dating nating
isaisip na ang buhay ay
hindi isang
kompetisyon. Dapat
maging masaya ka sa
mga kabutihang
ginagawa at pinapakita
ng ibang tao at huwag
sila siraan upang maging
maganda ka sa paningin
ng iba. Inggit ang
pangunahing sanhi ng
isyung ito. Dapat
matutong makontento at
maging masaya sa
naaabot ng ibang tao.
Ipakita ang suporta,
dahil hindi natin alam sa
susunod na araw, ikaw
naman ang aangat sa
buhay.

4. Haharapin ko ang
kasawian ng aking
buhay sa pamamagitan
ng pananampalataya.
Ang mga hindi
magagandang
nangyayari sa buhay ay
isa lamang hakbang
upang tayo ay mas
maging matatatag at
matapang sa haharaping
bukas.
Ikatlong Araw
PAGLALAHAT:

 Sa saknong na ito bumalik sina Florante at ang kanyang


hukbo sa Albanya matapos nilang talunin ang mga
mandirigmang Moro. Ngunit nahuli na sila ng dating
dahil napasok na ni Heneral Osmalik ang kanilang
Kaharian. Dahil nasakop ng mga Moro ang Albanya,
ibinilanggo ng mga ito sina Duke Briseo, ang Hari at si
Adolfo mabuti na lamang at nailigtas sila ni Florante.
 Sa paglipas ng mga buwan maraming nagtangkang
sumakop sa Albanya isa na rito ang Turkiya, tulad ng
ibang bansang banyaga na nais sakopin nito ang
Albanya pero hindi din ito nagtagumpay. Sa pagdaan
ng panahon marami pang bansang banyaga ang patuloy
na nilusob ang Albanya. Labimpitong Hari ang
natangkang sumakop sa kanilang kaharian. Subalit ni
isa walang nagwagi.
 Minsang nasa Etolya si Florante kung saan nagana
pang kanilang huling sagupaan, isang liham ang
kanyang natanggap pinapauwi siya ng monarka ng
albanya, hindi nito alam na isa lamang ito patibong ng
kalaban dahil nang bumalik siya ng Albanya
tatlumpong libong sundalo ang tumambad sa kanya, at
agad siyang dinakip ng mga ito. Nabalitaan din ni
Florante na patay na ang kanyang ama. Labis ang
hinagpis ni Florante ng malaman niya ito at ang
masakit pa dito nalaman niya na itinakda ng ikasal ang
pinakamamahal niyang si Laura, kaya ibig nalang
mamatay ni Florante dahil sakit at galit na nadarama.
 Pagkalipas ng ilang araw idinala si Florante sa isang
mapanglaw na gubat at ginapos ito, saka hinayaang
lapain ng mga mababangis na hayop. Akala nito ay ito
na ang kanyang kataposan mabuti na lamang at
nailigtas siya ng isang Moro.
PAGPAPALALIM

Subukin ang Pag-unawa

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong. 1. Naabutan niya na


napasok na ng mga
1. Ano ang kalagayan ng Albanya sa pagdating nila Florante? Moro ang kanilang
2. Sino ang bihag ng mga Moro at akmang pupugutan ng Ulo? Bakit kaharian. Tumambad sa
gusto siyang patayin ng Emir na may hawak sa kaniya? kaniya ang pulutong na
3. Paano makailang ulit na nalagay sa panganib ang Albanya? mga Moro na may bihag
4. Bakit pinapurihan ng mga tao si Florante bilang mandirigma? na isang dilag.
5. Bakit ipinagkatiwala ni Florante ang kaniyang hukbo kay
menandro? 2. Bihag ng mga Moro
6. Bakit sinalubong ng tatlumpong libong sundalo si Florante? ang dilag na si Laura.
7. Bakit pinagtaksilan ni Adolfo ang buong kaharian? May mga Nais siyang patayin ng
personalidad sa kasalukuyan na maihahalintulad mo sa kanya? mga Gerero dahil sa
hindi nito pagpayag na
makatipan ang mahalay
na emir ng mga Moro.

3.Labimpitong hari ang


nagtangkang sumakop
sa kanilang kaharian.

4. Napagtagumpayan ng
hukbo ni Florante ang
lahat ng labanan at ni isa
ay walang nagwagi sa
pagpaplanong masakop
ang kanilang kaharian.

5. Dahil kinakailangan
niyang umuwi sa
Albanya matapos
makatanggap ng Liham.

6. Ito’y bitag na ginawa


ni Adolfo upang siya’y
mahuli.

7. Dahil sa pagkauhaw
sa katanyagan,
kapangyarihan, at
kayamanan ay
nagawang pagtaksilan ni
Ikaapat na Araw Adolfo ang buong
PAGLALAPAT kaharian.

I. Punan ang Kahon

Panuto: Ilahad ang naidulot ng pag-ibig kina Florante at Adolfo.

Florante
Kabutihan Kasamaan

Adolfo

Kabutihan Kasamaan

II. Sanaysay

Panuto:Sagutin din ang mga sumusunod na mga katanungan;

1) Magbigay ng mga pangyayari sa kasalukuyan na kaparehas na naganap sa


ating tinalakay na aralin.
2) Ano ang maipapayo mo sa taong tulad ni Adolfo na may nadaramang inggit
at pagkauhaw sa kapangyarihan?
3) Magbahagi ng iyong sariling karanasan na mayroong kinalaman sa
pagkainggit. Ano ang naging epekto nito sa iyo? Ipaliwanag.

You might also like