You are on page 1of 2

Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa

isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.


Bahagi ng Liham
1.PAMUHATAN
2.BATING PANIMULA
3.KATAWAN NG LIHAM
4.BATING PANGWAKAS
5.LAGDA

Ito ang Format kung papaano ito isusulat:

4 San Isidro St.,


Novaliches, Quezon City
Ika- 18 ng Pebrero
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dalang kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sahapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isangmatanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na angtenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana
akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensyaka na, anak.
Matanda na talaga ako. Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mosana akong tulungang tumayo -
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaralka pa lamang lumakad.Pagpasensyahan mo sana
ako kung ako man ay nagiging makulit at paulitulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo
nalang ako. Huwag mo sanaakong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo
anak noongbata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo iyong sasabihin, maghaponkang
mangungulit hangga‟t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan koang kakulitan
mo.Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoylupa. Huwag mo sana
akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madalingmagkasakit kapag nalamigan, huwag mo
sana akong pandirihan. Natatandaan monoong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng
kama kapag ayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako‟y masungit, dala na
marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may kontikang panahon,
magkwentohan naman tayo, kahit sandal lang. Inip na ako sabahay, maghapong nag-iisa. Walang
kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong
makakwentohan ka,kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo
anak,noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan atintindihin ang pautal-utalmong kwento
tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako‟y magkakasakit at maratay sa
banig ng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mona sana
kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akongalagaan sa mga huling
sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman akomagtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana angaking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa
kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka saiyong ama‟t ina…

Nagmamahal,
Ang iyong Mga Magulang

You might also like