You are on page 1of 4

Masayang masaya si Totoy habang naglalakad pauwi galing sa paaralan habang hawak ang test paper

niya.

Totoy: Yey! Matutuwa siguro si nanay dito dahil nakakuha ako ng mataas na marka! (Siya ay patalon²
habang naglalakad)

___________

Totoy: Nay! nakakuha ako ng mataas na score sa exam namin ngayon!

Tiningnan ng nanay ang papel habang umiinom ng alak at humithit ng sigarilyo

Nanay: Ilayo mo yan sakin!! Salut ka!! Proud na proud ka niyan sa score mo?? 39/40?? Di mo man lang
maperfect?! Bobo kang salut ka!! Lumayo ka sakin hinayupak ka!! (Pilit na tumayo kahit nahihilo)

Totoy: nay! Tulungan na kita!! Bakit ka ba kasi inom ng inom, hindi mo naman kaya. (Nag-alalang sambit
niya)

Nanay: Bitawan mo ako!! Wag na wag mo akong hawakan!! (Tinulak ng malakas si Totoy)

Nanay: Bumangon ka na diyan!! Mamasura ka muna para may makain tayo bukas!! Wala kang kwenta!!

Tumayo agad-agad si Totoy habang umiiyak

Totoy: opo nay (mahinahon niyang tugun sa ina)

________________

Namamusura si Totoy habang umiiyak

Totoy: Anak ba talaga ako ni nanay? Bakit niya ako ginaganito? Nakakainggit ang ibang kakaklase ko,
mahal na mahal sila ng nanay nila. Siguro pagnabubuhay pa si itay, hindi magiging ganito si inay.

Tumingin si Totoy sa kalangitan at ngumiti.

Totoy: Lord! Mahal namn ako ni nanay diba? Siguro ganoon lang talaga ang paraan niya. (Pumikit ng
huminga ng malalim)
Totoy: Kailangan ko ng ibenta to para may makain kami ni nanay bukas

Ibenenta ito ni Totoy sa isang Shop

Totoy: Salamat Manong!

Totoy: Yes! May 100 na ako. Ibibigay ko ito kay nanay, pamabili ng bigas.

Tumatalon-talon si Totoy habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay

Totoy: Nay! Nakabenta ako ng 100 (Ngumiti at ipinakita sa inay ang pera)

Sinaklaw ng inay ang perang hawak ni Totoy

Nanay: Ito lang? Huhh?? Asan na iyong iba??

Totoy: Iyan lang po ang kinita ko nay.

Nanay: Sinungaling kang hinayupak ka!! Marunong ka ng magsinungaling huhh. Ano?? Pinalaki kita at
pinalamon pero ano itong iginati mo?? Marunong ka ang matago ng pera!! Asa na ang iba?? Asan na??

Totoy: Totoo po ang sinabi ko nay. Iyang lang po ang kinita ko sa pamamasura.

Pilit na binugbog ng nanay si Totoy. Tinadyakan and pinalo ng paulit-ulit. Nakapahiga si Totoy sa sahig.

Totoy: Nay, tama na!! Nasasaktan na po ako!!

Nanay: Iyan ang dapat sayo!! Hayop ka!!

Pilit na lumuhod si Totoy at niyakap ng mahigpit ang mga beywang ng ina.

Totoy: Nayy!! Mahal mo ba talaga ako?? Bakit ni kailan ay hindi mo ako tinuring na anak. Tinuring mo
akong basura. Hindi mo ba ako mahal??

Nanay: Hindi kita kayang mahalin salut ka!! Sinira mo ang buhay ko!! Dahil sayo nawala lahat ng
pangarap ko!! (Pilit na itinanggal ang mga kamay na pumupulupot sa beywang niya)
Totoy: Bakit nay? Bakiiiittt??

Nanay: Biktima ako ng panggagahasa at ikaw ang bunga non!!.

Napatulala si Totoy at parang nawalan ng lakas. Siya ay napaupo sa sahig umiiyak ng tininingnan ang
inay na umiiyak

Nanay: Ano?? Hindi ka makasagot?? Hahaha. Oo!! Bunga ka ng panggagahasa!! Hindi kita kayang
tanggapin, dahil sa bawat tingin ko sa mukha mo, bumabalik lahat ng pagkawalanghiya na ginawa sakin!

Totoy: Pasensiya na inay. Naiintindihan na kita. Puro pasakit lang pala ang biblnigay ko sa iyo. Anong
gusto mong gawin ko? Para amfing masaya ka na, nay? (Tumingala sa nanay at pilit na pinipilan ang
paghikbi)

Nanay: Ayoko ng makita kang muli (tumalikod at pumunta sa kwarto)

Hindi na mapigilan ni totoy ang pag-iyak.

Totoy: Kaya pala ni minsan ay hindi ko nakitang ngumiti si nanay. Dahil ako pala ang nagbibigay nag
kalungkutan sa kaniya.

Kumuha si Totoy ng mga gamot at ininom ito.

Totoy: Inay, sana maging masaya kana. Mahal na mahal po kita. (Biglang napahiga si Totoy at nawalan
ng buhay)

Kinaumagahan, nangising ng Umaga ang nanay at nagluto ng almusal.

Nanay: Totoy! Gumising kana!! May pasok ka pa ngayon!!

Nanay: Totoy! Hindi mo ba ako naririning?

Nanay: Gusto mo bang Magalit naman ako?

Kinatok ng nanay ang pintuon pero wala pa ring sumagot kaya binuksan niya ato at nakitang
nakahandusay ang anak sa sahig. Lumaki ang mata ng nanay at tumakbo papunta sa anak. Natulala lang
siya at hindi alam ang gagawin.
Niyakap niya ito.

Nanay: Totoy!! Anak!! Bakit mo ito ginawa? Bakit mo iniwan si nanay? Patawarin mo ako anak, dahil sa
mga nagawa ko. Mahal na mahal kita. Bumabalik lang talaga ang alaala nga nakaraan tuwing nakikita
kita.

Nakita niyang may papel na nakatupi sa kamay ni Totoy. Binuksan ni ito at binasa ang nakasulat. Biglang
humagulgol sa iyak ang ina dahil ang sulat ay para sa kaniya pala.

Nanay: Gumising kana anak. Ipinagluto kita ng paborito mong ulam na adobo. Diba sabi mo noon?
Diba? sa birthday mo, gusto mong kumain ng adobo na luto ni nanay?? Birthday ngayon anak,
ipalinagluto kita ng painakamasap na adobo. Gumising ka na. Wag mong Iwan ng mag-isa ang nanay.

You might also like